Chapter 15



Chapter 15



Gulat ang makikita sa mukha ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Lahat sila ay bumabati kay Yllac at puno ng pagtatakang napapatingin sila sa kamay namin bago tingnan ako. May ibang tinatanguhan ko dahil kakilala ko. My gosh! Feeling ko nasa isang school ako tapos hila-hila ako ng teacher ko papunta sa guidance office dahil may ginawa akong kasalanan.

"Good morning, Sir Iñigo." Sabay-sabay na bati ng mga staff niya. Huminto kami sa tapat ng pintuan ng office niya.

"Good morning to all. I want you all to meet my wife, Bella. Alam kong kilala na ng iba sa inyo ang asawa ko dahil writer natin siya dito. So I'm hoping you all respect her and treat her like the way you treat me. Continue working." Hinila ako ni Yllac papasok sa loob ng office niya.

"Bakit kailangan mong sabihin iyon sa kanila?"

"Binabakuran lang kita. I want them to know that you're my woman. I love you, Bella."

"Hala siya." Umiwas ako ng tingin. Nabigla ako doon ah. Shemay! Kinilig ako.

"Now, umupo ka dito." Pinaupo niya ako sa sofa. "You can read, sleep or borrow my laptop or anything you want to do. Kung may gusto kang kainin, sabihin mo kaagad sa akin."

"Pwede ba akong pumunta sa editorial office mamaya?"

"Pwede naman pero mamaya na."

I nod. Nginitian niya ako bago siya pumunta sa mesa. Kinuha ko ang isa sa mga librong nakapatong sa mesa. Mga akda ng ibang sikat na writer ng Le Saisons. Inumpisahan ko ang pagbabasa ng librong napili ko. Mystery-Thriller novel siya.

"Good morning, Sir Iñigo."

Napahinto ako sa pagbabasa dahil iba sa pandinig ko ang tono ng pagbati ng kung sinong Poncio Pilato na iyan. Tumingin ako sa gawi ni Yllac at may nakatayong isang babae sa harapan niya. Halos lumuwa na ang dibdib ng babaeng ito sa suot niyang blouse tapos sobrang iksi ng palda niya.

"Sir, heto po ang schedule ninyo next week then ito po ang pinapahanap ninyong data."

Napanganga ako dahil mas yumuko pa ito para ipakita ang clevage niya. Matinong secretary ba ito?

"Miss Callao, pakisabi kay Theo na mag-report siya sa akin mamaya."

"Yes, Sir. Oh, Sir Iñigo, aayusin ko po ang necktie ninyo. Magulo po kasi."

"Subukan mong hawakan ang asawa ko, sigurado akong mamaya wala ka nang trabaho at wala ka nang mapapasukan sa oras na maghanap ka ng bagong trabaho." Sinamaan ko pa ng tingin ang secretary ni Yllac.

"P-Po?"

Tumayo ako at naglakad papalapit kay Miss Callao-Kung-Sino. "Hindi ka siguro naglaba ng damit mo kaya ganyan ang suot mo. Miss Callao, office ang lugar na ito at hindi bar. Change your clothes now. You looked like a low class bitch."

Napamaang ito. Parang may gustong sabihin pero hindi masabi dahil nandito si Yllac.

"My wife is right, Miss Callao. Change your clothes now. Masakit sa mata 'yang suot mo."

"Y-Yes, Sir." Nagmadali itong lumabas ng office.

Napaupo naman ako sa visitor's seat. "Palaging ganoon ang suot ng babaeng iyon?"

"Kind of."

"Ibig sabihin araw-araw mong nakikitang halos maghubad ang babaeng iyon sa harapan mo?"

"Hindi ko naman napapansin. I'm too busy to notice it."

"Too busy to notice it. Sus, natutuwa ka lang na makitang ganoong view araw-araw." Inirapan ko siya.

"Bella—"

"Ilang buwan mo na siyang secretary?"

"Mag-iisang taon na—"

"Buti hindi ka nahulog sa pagpapansin niya. Obviously she likes you."

"Bella, wala akong pakialam kung may gusto siya sa akin o wala."

"Wala daw pero hinahayaang ganoon ang suot ng secretary araw-araw. Enjoy ka lang sa nakikita mo kaya ganoon. Kaya siguro ayaw mo akong isama dito dahil ayaw mong makita ko kung gaano lumuluwa ang mata mo kapag tinitingnan mo ang clevage ng higad na iyon." Gusto ko tuloy sabunutan ngayon ang babaeng 'yon. Kumukulo ang dugo ko.

"Bella—"

"Don't talk to me. I hate you." Lumipat ako sa sofa.

"Bella, naman. Huwag ka namang magalit sa akin." Umupo siya sa tabi ko.

Inirapan ko lang si Yllac. Bahala siya d'yan. Nabubwisit ako sa kanya.

"Bella—"

"Ilipat mo siya ng department o itanggal mo siya sa trabaho." Hindi ko siya nililingon.

"She's my very reliable secretary, Bella. I can't fire her because you hate her."

"Huwag mo akong kakausapin at huwag kang tatabi sa akin. Doon ka guest room matulog. Lapitan mo lang ako kapag hindi mo siya secretary." Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng office ni Yllac. Nasa tapat ng office ang table ng secretary niya. Nilapitan ko ito with matching sweet smile. "Hi! What's your name again?"

"Debbie Callao." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Bakit?"

"I'm Cornelia Formillos. Oh let me clear it. I'm Cornelia Formillos-Valdepeña. The only daughter of Frederick and Celine Formillos and I'm the wife of your boss."

"F-Formillos?"

"Oh yes. I'm powerful, isn't it? So back off bitch." Then I walked away. Wow! Its been thirteen years since nagpaka-maldita mode ako as me. It feels refreshing.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ko ang 3rd floor dahil iyon ang floor ng pinakaminamahal kong mga editor. Gusto kong makibalita kung anong ganap sa kanila at para mawala na rin ang init ng ulo ko.



---


"Thank you sa pa-pizza mo ah." Niyakap ako ni Elaine.

"Sus, wala iyon." Sumubo ako ng pizza. Grabe! Kahit busog na ako, gusto ko pa ring kumain ng kumain. Mukhang nagustuhan ni baby ang pizza.

"Nice naman. Saan kayo nagkakilala ni Sir Iñigo? 'Di ba tuwing kukunin mo ang writer's fee mo ka lang nagagawi dito kaya paano kayo nagkakilala?" Curious na tanong ni Sir Aivan, ang kauna-unahang editor ko. Ang dakilang editor-in-chief ng Le Saisons.

"Sa 7eleven."

"7eleven?" Sabay-sabay nilang sabi.

"Hindi naman talaga sa 7eleven ang una. Pero para sa akin iyon ang unang nagkakilala kami." Uminom ako ng juice. Nagpabili pa talaga ako ng fresh juice. Baka bumuga ng apoy si Yllac kapag uminom ako ng coke. "Naalala ninyo ang first appearance ni King Red? 'Yung kumanta siya tapos may isang mysterious na babaeng naka-duet niya?"

"O, tapos?" Inabutan ako ni Elaine ng isang tissue.

"Ako 'yung babaeng iyon. Astig 'no? Nagkakilala na kami, hindi ko pa alam. Kung hindi ko pa nalamang si King Red siya, hindi ko pa malalaman na matagal na kaming nagkakilala."

"Tapos sumunod na pagkikita ninyo sa 7eleven?" Tumango ako bilang sagot kay Elaine. "Wow! That was amazing."

"Yeah right. He's kind and simple guy. Hindi ko alam noong una na isang Valdepeña si Yllac. Simple lang kasi siya manamit, go lang sa pagsama sa akin kung saan-saan." Napangiti ako nang maalala ko noong sinama ko siya sa ukay-ukay.

"Hala, in love na in love siya oh."

Nginitian ko lang si Sir Aivan. May tumawag dito kaya nanahimik lang kami ni Elaine. Bukas magdadala ako ng cake dito kung isasama pa ako ni Yllac.

"Bella."

"Yes? Tumawag 'yong asawa ko?"

"No, may naghahanap sa iyo sa lobby."

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Kuya Trace mo raw. Hindi raw siya aalis hangga't hindi mo daw siya binababa."

Bigla akong napatayo at kumabog ang dibdib ko. Kinuha ko ang phone at nagmadaling sumakay ng elevator. Sobra akong kinakabahan dahil makakaharap ko ulit ang kapatid ko. Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa makarating ako sa lobby.

Lumapit ako sa reception desk. "Nasaan siya?" Sinundan ko ang tinuro ng receptionist kaya kaagad kong pinuntahan ang kapatid ko. "What can I do for you, Mr. Formillos?"

"Cornelia—"

Kaagad akong lumayo kay Kuya Trace nang tangka niya akong yakapin. "I'm Bella not Cornelia. Ano bang pinunta mo dito? Kung tungkol ito sa kapatid mo, please lang umuwi ka na. Hindi kita kilala."

"Cornelia, please listen to me. You are my sister and that's true."

Mariin akong umiling. May parte sa pagkatao kong hindi ko matanggap na Formillos ako dahil kaaway nila Yllac ang pamilya ko. "Kamukha ko lang ang kapatid mo. Sana makita mo na siya." Naglakad ako papalayo kay Kuya Trace.

"I know you have an amnesia and I know that you already remembered me, Cornelia. Please, come back to our family. I missed you. We missed you a lot."

Hindi ko na pinansin si kuya at sumakay na ako ng elevator. Pinindot ko ang floor ng office ni Yllac. Habang papaakyat na ang elevator ay hindi ko napigilang umiyak. I really missed my brother and my parents too. Pagkarating ko sa floor ni Yllac ay tumakbo ako papunta sa office niya. Pagkabukas ko ng pintuan ay nilapitan ko siya at yumakap ako ng mahigpit.

"Why are you crying, Sweetie? Is there bad happened to you?" He tapped my back.

"Ang hirap. Sobrang hirap."

"Calm down, Bella." Pinaupo niya ako sa hita niya. "What happened?" Then he wiped my tears.

I looked on his eyes. "Bakit galit ang pamilya ninyo sa Formillos?"

"Bella, hindi mo na kailangang malaman ang dahilan ng gulo ng mga pamilya namin."

"I need to know, Yllac? Hindi naman kayo magkaaway noon? Bakit biglang nagkaroon kayo ng alitan." Umiwas ng tingin si Yllac na lalong nagpaiyak sa akin. Gaano ba kahirap sabihin kung anong dahilan ng away nila? "Answer me, Yllac. Please." Sumubsob ako sa balikat niya.

"Its because of Cornelia Formillos."

Umayos ako ng upo. "A-Ano?"

"Its because of Cornelia Formillos. Inisip ni Frederick Formillos na si Daddy ang nagpakidnap kina Cornelia at Trace. Na tinago o pinapatay ni Daddy si Cornelia."

"Bakit naman naisip iyon ni Pa—Frederick Formillos?" Naguguluhang tanong ko.

"Magkaaway sa negosyo ang pamilya namin at ang Formillos. Isama pa na nagkaroon dati ng feelings si Daddy kay Celine Formillos. Magkakaibigan kasi si Daddy, Frederick at Celine. Nagmahalan 'yung mag-asawang Formillos kaya si Daddy ay umiwas sa kanila. Ang iniisip ni Frederick kaya pinakidnap ni Daddy ang dalawa niyang anak para makaganti sa kanya." Huminga ng malalim si Yllac. "Which is wrong. Nasa US kaming buong pamilya kaya imposibleng mangyari iyon."

Hinaplos ko ang mukha niya. "I'm sorry."

Kumunot ang noo niya. "Bakit ka nagsu-sorry?"

"I'm sorry." Yumakap ako sa kanya at lalong naiyak. Nasira ang isang pagkakaibigan nang dahil sa akin. Pakiramdam ko kasalanan ko kaya nangyari ito kahit hindi naman. Paulit-ulit akong humihingi ng sorry sa kanya hanggang sa makatulog na ako sa kandungan niya


----


"Anong gagawin ko dito, Bella?" Nagtatakang tanong ni Yohann habang nakatingin sa baul ni Lola Wilhema.

Sinama ko sina Yohann at Cassandra dito sa bahay ko. Kailangan ko ng tulong ni Yohann. Ayokong guluhin si Yllac dahil may emergency sa isa pa niyang publishing company at alam kong hindi rin siya papayag sa gagawin ko ngayon. Gusto ko nang malaman ang nilalaman ng baul na ito. "Buksan mo iyan, Yohann. Sirain mo ang lock."

Kinalabit ako ni Cassandra. "Baka multuhin tayo ni Lola Wilhema kapag pinakialaman natin ang baul niya."

"Hindi 'yan. Sige na, Yohann."

Tinanguhan ako ni Yohann bago sinira ang padlock gamit ang isang martilyo. Ilang beses niyang pinukpok ng malakas ang padlock bago ito nasira. Tinulungan naman siya ni Cassandra na buksan ang baul. Napaubo pa silang dalawa. "Grabe, parang pumunta tayo sa isang Egyptian tomb dahil sa baul na ito ah."

Nginitian ko si Yohann bago lumapit sa baul. Maalikabot ang loob kaya nakatakip ang ilong ko habang kinukuha ko ang mga gamit na nandoon. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung kaninong gamit iyon. "A-Akin 'to ah."

"Baka d'yan nilagay ni Lola Wilhema ang mga gamit mo noon."

Inangat ko ang sling bag ko. "Ito ang gamit kong bag noong naaksidente ako." May bahid pa ng dugo ang kulay pink kong sling bag. Pinakita ko naman sa kanila ang bracelet na regalo sa akin ni Kuya Trace at ang dress na suot ko noon. "Pati na rin ang mga ito, Cassandra." Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang envelope. Kinuha ko iyon at tiningnan ko ang laman nito. Natapon ko iyon nang mabasa ko kung anong laman ng envelope.

Kinuha ni Yohann ang papel. "Death certificate." Binasa niya ang nakasulat. "Death certificate mo? Paanong nangyaring nagkaroon ka ng death certificate? Eleven years old ka dito."

"D-Dahil hindi ako si Bella." Pinagkukuha ko ang mga gamit ko. "For thirteen years, nabuhay ako sa ibang pagkatao na matagal nang patay." Lumabas ako ng kwarto ni Lola Wilhema. Hindi ako makapaniwalang naniwala ako sa isang kasinungalingan. Kaya pala ganoon lang kadali sa tinuring kong magulang na iwanan ako. Bakit hindi na lang nila ako binalik sa tunay kong pamilya? Bakit pinahirapan nila ako ng ganito?

"Bella, paanong nangyari iyon?" Nakasunod sa akin si Cassandra.

"Hindi ko alam." Nagmadali akong lumabas ng bahay. "Ikaw na ang bahala dito, Cass."

"Pero—"

"Please, Cass, huwag ninyong sasabihin ito kay Yllac." Pumara ako ng tricycle at kaagad na sumakay. Huminga ako ng malalim at napasapo ako sa mukha ko. Ang hirap. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Bakit nangyari ito sa akin?

Nang makasakay ako sa taxi ay sinabi ko ang address ng bahay ng tunay kong magulang. Hindi ko pinapansin ang taxi driver kapag nagsasalita ito minsan. Masyado nang magulo ang isip ko para makipagkwentuhan.

"Ma'am nandito na po tayo."

Tumingin ako sa labas ng taxi. Mas dumami ang nagbabantay sa paligid. Hindi ko rin naman makikita ang loob dahil mataas ang bakod. Nanlaki ang mata ko nang may humintong kotse sa tapat at lumabas ang sakay nito. Tumulo ang luha sa pisngi ko nang makita ko ang tunay kong magulang. "Mama, Papa."

Mukhang may kausap sa phone si Papa habang si Mama naman ay tumitingin sa paligid hanggang napadako ang tingin niya sa gawi ko. Nanlaki ang mata ni Mama at sunud-sunod na kinalabit si Papa. Tinuturo niya ako. Tumutulo na rin ang luha sa pisngi ni Mama.

"Manong, umalis na tayo." Bago pa matingin sa gawi ko si Papa ay tuluyan nang nakaalis ang sinasakyan kong taxi. Panay ang tulo ng luha ko. I missed them so much. Gusto ko silang lapitan at yakapin pero hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handang makaharap sila.

Nagpahatid ako sa bahay namin ni Yllac at habang bumabyahe ay panay ang iyak ko. Ang tagal kong hindi sila nakasama. Nilayo ako sa dapat na naging buhay ko.

"Ma'am, tumahan na po kayo. Baka makasama sa dinadala mo ang sobrang pag-iyak."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Sadyang panay lang ang tulo ng luha ko.

"Ma'am, dapat nilapitan mo na ang magulang mo. Mukhang miss ka na rin nila. Dapat hindi mo sinasayang ang mga sandaling pwede mo pa silang kasama dahil magsisisi ka sa oras na mawala na sila."

Nanahimik na lang ako. Paano ko lalapitan ang magulang ko kung takot akong makaharap sila? Thirteen years ko silang hindi nakita. Huminga ako ng malalim. Nang makarating na ang taxi sa tapat ng gate namin ay binayaran ko ito kaagad. Hindi ko na rin kinuha ang sukli.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong kaagad sa akin si Manang Thelma. Parang alalang-alala ito. "Bakit po, Manang Thelma?"

"Nandito po ang kapatid ni Sir Iñigo."

"Nasaan siya?"

"Nasa sala po."

Tinanguhan ko si Manang Thelma at pumunta kaagad ako sa sala. Doon ay nakita ko si Angelique. Huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan. "H-Hi, Angelique." Umupo ako sa katabi niyang sofa. "Bakit ka nadalaw dito?"

She looked at me from head to toe. "Anong nagustuhan sa iyo ni Kuya Iñigo at ni Ciro?"

Kumibit balikat ako. "Hindi ko alam."

"You know what? I hate you. I hate you so much, Bella."

Nginitian ko siya. "Then I like you."

Pagak siyang tumawa. "Seryoso ka? Bakit mo naman magugustuhan ang taong ayaw sa iyo?"

"I like you for Ciro."

"B-Bakit mo naman nasabi 'yan?"

I hold her hands. "Nakita ko sa mata mo kung gaano mo siya kamahal. 'Yung way ng pagngiti mo sa kanya, alam kong never kong nabigay sa kanya. I loved him but I never loved him the way I love your brother."

"Bella..."

"Please take care him, Angelique. Ikaw ang mas deserving sa kanya."

She smiled at me. "I will. I promise you. Take care my Kuya Iñigo, Bella. He loves you so much and I will never forgive you if ever you hurt him."

"I have one favor to you, Angelique."

"Ano iyon?"

Huminga ako ng malalim. "Can you take care Yllac while I'm not here?"

----

Ngumiti ako nang may yumakap sa akin patalikod. "Yllac." Humarap ako sa kanya. He still wearing his three piece suit. "Magpalit ka na ng damit mo." Tumingin ako sa wallclock. Alas doce na pala ng gabi. "Kumain ka na ba?"

"Yes. Nagpa-deliver ako ng pagkain doon sa office. Sobrang dami ng trabaho ko tapos naninibago pa ako sa bagong secretary ko." Niluwagan niya ang pagkakatali ng necktie niya. Tinanggal ni Yllac si Miss Callao bilang secretary at lalaki ang pinalit niyang secretary ngayon. Mas okay pa daw sa kanya na mawalan ng efficient na secretary kaysa daw ang hindi ko siya pansinin. "We have an emergency meeting with the board. Nagkaroon ng problema sa isa sa mga business namin." Hinubad niya ang coat niya.

Tinanggal ko naman sa pagkabutones ng polo niya. "Kumusta naman? Anong nangyari?"

"Everything was settled. Nagawan namin ni Kuya Siege ng solusyon."

"That's good." Kumuha ako ng shirt at binigay ko iyon kay Yllac. Kinuha ko ang mga hinubad niyang damit at nilagay ko sa humper.

"Ikaw? How's your day?"

Natigilan ako at huminga ng malalim. "Dumalaw dito si Angelique. Nagkwentuhan kaming dalawa."

"May sinabi ba siyang masama sa iyo?"

"Wala naman." Niligpit ko ang mga librong nakakalat sa table. Napahinto ako sa ginagawa ko nang yakapin ako ni Yllac. He even kissed me in my forehead.

"Lets get married."

Natawa ako sa sinabi niya. "Kasal na tayo, Yllac. Kung makasabi ka d'yan ng lets get married, parang hindi tayo kasal."

"Magpakasal tayo sa simbahan. Nakasal tayo na hindi mo ginusto. Ang gusto ko lang naman ay ang makasal tayo sa harap ng altar." Lumuhod si Yllac sa harapan ko at may pinakita siyang engagement ring. "Maybe this is the unromantic way of proposing a wedding to you but I can't wait, Bella. Will you marry me again?" Tumulo ang luha ko. Yumuko ako at sunud-sunod akong umiling. Nawala ang ngiti sa labi ni Yllac. "W-Why? Are you still mad at me?"

Muli akong umiling. "Pakakasalan mo ba ako sa oras na malaman mo kung sino ako?"

"Of course yes. Ano bang pinagsasabi mo, Bella."

"I'm not Bella." I hold his hands. "Kanina ko lang nasiguro na hindi ako si Bella." I looked on his eyes. "My real name is Cornelia Formillos. Sigurado na ako doon, Yllac. Ako ang dahilan kung bakit nagkagulo ang mga pamilya natin. H-Hindi ko naman ginusto iyon, Yllac, dahil wala akong alam doon. Ngayon, sabihin mo nga sa akin kung papakasalan mo pa rin ba ako?"

He hold my face. "Bella, galit ka pa rin sa mga ginawa ko sa iyo noon kaya mo ito sinasabi."

Mariin akong umiling. "No. Hindi ako galit sa iyo. I love you that's why I forgave you. Huwag mong isipin na galit pa rin ako sa iyo. Totoo ang mga sinasabi ko. I am Cornelia Formillos."

"Bella—"

"I'm so sorry. Hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari. I'm so sorry. I-I understand kung makikipaghiwalay ka sa akin."

"Sa tingin mo gagawin ko iyon?"

Umangat ako ng tingin. "Y-Yllac..."

"Sa akin ka na, Bella. Hindi ako makakapayag na mawala ka sa akin. Masaya na tayong dalawa. Bakit ko hahayaang sirain ng nakaraan ang kung anong mayroon tayo? Kahit sino ka pa, ikaw pa rin ang gusto kong pakasalan." He wiped my tears. "Stop crying, Bella. Kung iniisip mong magbabago ang pagmamahal ko sa iyo dahil ikaw si Cornelia Formillos, pwes hindi iyon totoo. I still love you and I will love you more."

Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.

"Now, will you marry me again, Bella?"

Sunud-sunod akong tumango. "O-Oo naman."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at sinuot niya sa akin ang singsing. "I love you, Bella."

"I love you too, Yllac."

He kissed me in my lips. A kiss that full of love. "I love you more." Then he kissed my tummy. "You're turning five months next two weeks, kiddo. We're excited to see you." Umangat siya ng tingin. "Next month magpa-ultrasound ka para malaman natin kung anong gender ng baby."

I nod. "Sure, Sweetie." Tumayo ako at inalalayan niya akong maglakad papunta sa kama. Nang makaupo ako ay lumuhod si Yllac sa harapan ko at dinikit niya ang tenga niya sa tiyan ko. I simply get my phone. "Yllac, sing for me."

"Naku, baka umulan kapag kumanta ako."

"I know you have a good voice, Yllac. C'mon, sing for us. Nabasa ko na naririnig na ng baby ang paligid niya kapag four months na siya sa tummy ng mommy niya. Ibig sabihin naririnig na tayo ni baby kaya kantahan mo na kami."

Ngumiti siya sa akin bago tumango. "There are days, I wake up and I pinch myself, You're with me, not someone else, And I am scared, yeah, I'm still scared, That it's all a dream, 'Cause you still look perfect as days go by, Even the worst ones, you make me smile, I'd stop the world if it gave us time. 'Cause when you love someone, You open up your heart."

Sinuklay ko ang buhok niya at tiningnan ko ang cellphone ko. Naka-voice record ito. Gusto kong may voice record ako habang kumakanta si Yllac.

"When you love someone, You make room, If you love someone, And you're not afraid to lose 'em, You'll probably never love someone like I do, You'll probably never love someone like I do." He looked me in the eyes.

I turned off the voice record and put it on the bedside table. "I love your voice. Pwede ka na maging sikat na singer."

"Hindi ko na kailangang maging sikat na singer. For your ears only lang ang singing voice ko. Dapat pala hinarana kita noon para lalo kang ma-in love sa akin."

Hinaplos ko ang mukha niya. "I'm so in love to you, Yllac." Then I kissed him in his lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top