Chapter 11



Chapter 11



Nginitian ko si Arabella ng napakatamis kahit na sumasakit ang ulo ko. Kanina pa kami magkasama at naglilibot sa mall. Nagkatagpo kanina ang landas naming dalawa sa isang OB Gyne clinic. Magpapa-checkup rin sana siya doon kaso bad influence ako kaya hayun, sumama sa akin na tumakas sa mga asawa namin. Pasaway ko talaga.

Nang sinabi sa akin kanina ni Arabella ang buong pangalan niya at pati na rin ng asawa niya, hindi na ako mapakali. Parang may pilit na pumapasok sa isip ko pero hindi magawang makapasok.

Pumikit ako. "Aaah! This is life!" Sumandal ako sa upuan. Kumuha ako ng fries at isinawsaw ko muna iyon sa sundae bago isubo.

"Tama ka. Ngayon ko lang ulit ito naranasan." Uminom naman ng coke float si Arabella.

"You know what, kanina pa ako ginugulo ng pangalan ng husband mo ang utak ko." Sabi ko na hindi man lang tumitingin kay Arabella. Tiningnan ko ang iniinom kong float. Bawal ito sa aming mga buntis. Hindi lang talaga namin mapigilan ni Arabella na bumili nito at uminom.

Hindi naman na ulit mauulit kaya last na talaga ito.

"Bakit?"

Kumibit balikat ako. "I dont know. Baka trip ng utak ko na gamitin ang name ng asawa mo sa next novel ko tapos partner kayong dalawa. Ay ang saya!" Pumalakpak ako. "Arabella and Trace lovestory. Ay bongga talaga!" Tatapusin ko na ang book 1 ng nobelang sinusulat ko tapos uumpisahan ko na ang kay Arabella. Excited na ako!

"Naku! Kayo ng asawa mo, nagawan mo na ng novel?"

I rolled my eyes. "Hay, huwag ka na umasa pa. Hindi panglibro ang kwento ng buhay namin. Oh speaking of the devil, aalis na ako. For sure papunta dito 'yon kapag na-detect na ako ng kakilala niyang magaling na tracker." inubos ko ang iniinom kong coke float at sinulat ko ang cellphone number ko sa isang tissue paper. "Tawagan mo ako ah." Iniwan ko na kaagad si Arabella.

Dumeretso kaagad ako sa garden ng mall at huminga ng malalim. Muling sumakit ang ulo ko.

"This crown is for you, hija." A lady put a crown at the top of my head. A very beautiful crown. "You are the princess of our family."

"Thank you, 'Ma!" Niyakap ko ito ng buong puso.

"Happy birthday, bunso!" May isang binata na lumapit sa akin at binigay sa akin ang isang maliit na box.

Kaagad kong binuksan iyon at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang gustong-gusto kong bilhin na bracelet. "Oh my gee! You told me, Kuya, that this bracelet is not suited to me."

"I'm just joking. Of course it fits for you, bunso."

Mariin akong pumikit. Ang daming memories na pilit pumapasok sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Y-Yllac? Where are you?" Napakagat labi ako nang gumuhit ang sakit sa ulo ko. "A-Ang sakit ng ulo ko."

"Papunta na ako d'yan. Huwag kang aalis sa pwesto mo." Then the call ended.

"Argh!" Minasahe ko ang ulo ko.

"I-I'm sorry, Kuya."

"Damn you! Its all your fault kung bakit hindi ako nakapasok sa loob. Sino ba kasing nagsabi sa iyo na sumunod ka sa akin?"

Yumuko ako. "K-Kaya lang naman ako sumunod sa iyo kasi nag-aalala ako sa'yo."

"Bwisit!" Then he walked away.

Nang susundan ko si Kuya ay biglang may humila sa akin at pilit akong pinapapasok sa loob ng isang van. "Kuya Trace!"

"Bella, are you okay?"

Umangat ang tingin ko at hindi ko namukhaan kung sino ang nasa harapan ko ngayon dahil nanlalabo ang paningin ko. "S-Sino ka?" Tuluyang nandilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.



Iñigo Yllac:



"I will sure that I will tie her in our bed once we go home." I'm already at the garden of the mall. There are some people who's taking up a picture.

"Oh my gosh! Iñigo Valdepeña."

Hindi ko pinansin ang mga taong gustong kuhaan ako ng litrato. I need to find my wife. "Where are you, Bella?" Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko na siya. Nainis ako nang makita kong huminto sa harapan ni Bella si Ciro. Naglakad ako papalapit sa kanila. Mas binilisan ko ang lakad ko nang biglang mawalan ng malay si Bella.

"Bella!" Halos sabay naming sabi ni Ciro.

"Get off my wife, Dr. Amacio." Lumayo ng kaunti sa akin si Ciro at kinarga ko naman si Bella.

"Bakit iniiwan mo ng mag-isa si Bella?" May inis na tanong sa akin ni Ciro.

"Its none of your business." I walked away. Nakasunod pa rin sa amin si Ciro hanggang sa ipasok ko sa loob ng kotse si Bella. "You can go now, Dr. Amacio. Wala ka nang dapat ipag-alala pa. I can take care my wife and I don't need your help." I go inside the car. "In our house." I commanded to our driver.

I put Bella's head in my lap. Maybe she's tired that's why she's having an headache.

"Kuya..."

Kumunot ang noo ko. Sinong kuya ang sinasabi ng asawa ko? Naramdaman kong basa ang suot kong pantalon dahil umiiyak si Bella. "Sweetie, wake up." I mildly tap her face.

"Kuya, natatakot ako."

"Bella..."

"Kuya, I'm scared. Please don't leave."

"Bella, wake up." Again I tap her face. "You're having a bad dream."

"Kuya Trace!" She opened her eyes that full of fear. "Kuya..." Tears fall down in her cheeks then she sit down and hug me so tight.

"Bella..."

"Natatakot ako. May gagawin silang masama sa akin."

"Sssh, you're safe now, Bella." Marahan kong tinapik ang likod niya. Hindi bumitaw sa akin si Bella hanggang makauwi kami. Karga-karga ko siya habang papasok sa bahay. Ayaw niyang magpababa dahil sobrang takot siya. "Gusto mo bang kumain?" Umiling kaagad siya. "Magbasa ng libro?" Muli siyang umiling. "Anong gusto mong gawin?"

"Nothing. I want you near me just like this. I feel safe with you."

Bumuntong hininga ako at dinala ko na lang siya sa kwarto namin. Ako na mismo ang nagtanggal ng suot niyang sapatos. Ayaw niyang malayo ako sa kanya dahil nakasunod kaagad siya sa akin nang pupunta ako sa walk-in closet para magpalit dapat ng damit. "Bella."

"Huwag mo akong iwanan."

"Hindi kita iiwanan." Pinahiga ko siya sa kama at tumabi ako sa kanya. Siya ang kusang yumakap sa akin. Nagsumiksik pa nga siya sa akin. "Ano bang napanaginipan mo kaya ka sobrang natatakot?"

"N-Nasa isang warehouse ako. Kasama ko si K-Kuya Trace. Sobrang madilim doon. N-Nakakatakot. Tapos may pumasok na mga goons." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "They're planning to rape me and Kuya Trace want to protect me."

"Then?"

"I don't know what happened next." She looked at me. "Sobra akong takot that time. Hindi ko alam kung kailan ko nakilala si Kuya Trace. Basta ang tawag niya sa akin ay bunso."

Dama ko ang takot ni Bella. Maybe those memories cause her a big trauma. "Sa tingin mo, ilang taon na siya ngayon?"

"Kaedad siguro niya si Kuya Siege."

"Do you still remember his surname?"

Umiling kaagad siya. "Hindi ko maalala. Pati rin ang mukha niya ay hindi ko maalala. He's part of my past that I can't remember. I have an amnesia, Yllac, and maybe you're part of past but I'm sure you're not part of it. Dapat naalala na kita, 'di ba?"

"Yes, Sweetie." I nod then I hug her tight.

"Yllac..."

"Hmn?"

"K-Kahit anong mangyari hindi mo ako pababayaan, 'di ba?"

"I promise you that I will protect you even if I die."

Marahan niya akong pinalo sa dibdib. "Huwag naman 'yung mamatay. Paano kung mamatay ako dahil sa panganganak? Paano na si baby?"

"Hindi mangyayari iyon, Bella."

She smiled at me that makes my heart melt. Oh how I love her smile. It makes the whole place glow.



Maria Bella:



"Wake up, Yllac." Umayos ako ng upo bago yugyugin si Yllac. Sumasakit ang likod ko sa sobrang ngalay. Kanina pa ako nagta-type sa laptop at naipasa ko na sa editor ko ang book 1 ng Destined. Ang hero at heroine ko doon ay ang parents ni Yllac. Ang ganda kasi ng name nila. Binago ko nga lang ang apelyido nila for privacy na rin. "Yllac!" Sumigaw na ako sa tenga niya. Ang tagal kasi gumising. Nagugutom na ako.

Napabalikwas ng bangon si Yllac. "What happened?" He hold my hands. "Did something bad happened to you?" Umiling ako. "Bakit mo ako ginising kung ganoon?" May halong inis sa boses niya.

Napayuko ako. Alam kong ilang oras pa lang ang tulog ni Yllac pero gusto ko talagang kumain at gusto kong kasama ko siyang kumain. "N-Nagugutom kasi kami ni baby. Gusto kong kumain ng buko."

"Bella, madaling araw pa lang. Wala pa tayong mabibili ng ganoon. Pwedeng iba na lang?"

Napanguso ako. "Pero 'yon ang gusto kong kainin. Actually, kanina pa ako gutom at ayaw talaga kitang gisingin pero hindi ko talaga matiis, eh. Sorry."

Bumuntong hininga siya. "Okay, bibili tayo ng buko." Nagsuot ng shirt si Yllac. Pinagsuot naman niya ako ng jacket na may hood dahil mahamog daw sa labas.

Nakasakay kami sa kotse habang naghahanap ng buko. Sumandal ako sa upuan. Mayamaya ay ni-reclined ni Yllac ang inuupuan ko. "Thank you."

Hinawakan niya ang tiyan ko. "Baby, dapat hindi mo pinapahirapan si Mommy. Tingnan mo, dapat natutulog kayo ngayon. Be a good child."

Hindi ko mapigilang ngumiti at hinawakan ko ang kamay niya. "Opo, magiging good baby daw siya."

Gumanti siya ng ngiti sa akin at nagpatuloy mag-drive. He played a classical musics that makes me feel calm. "Sa tingin mo, anong magiging gender ng baby natin?"

Hinaplos ko ang tiyan ko. "Pakiramdam ko, lalaki siya."

"May naisip ka bang name ng baby?"

"Gusto kong name niya character sa Harry Potter pero ayokong Harry ang name niya kasi common na. Ikaw? May naisip ka bang name?"

Ngumiti siya bago tumango "Alucard if its a boy."

Kumunot ang noo ko. "Alucard? Bakit Alucard? Saan mo nahagilap 'yon?"

"Nabasa ko lang sa isang nobela. Binaliktad lang ng name ni Dracula. Come to think its Dracula's possible nickname is Draco. Draco is a character name in Harry Potter. The guy who have a blonde hair."

"Oo nga 'no. Infairness ang ganda ng pangalan. Alucard Valdepeña. Bongga! Ang cool pakinggan." Napapalakpak ako. "Tapos Hermione naman kapag babae siya."

"Yeah, that's what I'm thinking right now. If the baby is girl, her name will be Hermione."

"Ang ganda ng name na naisip natin."

"Tama." Hininto ni Yllac ang kotse. "Dito ka lang." At nagmadali siyang lumabas ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin at doon ko lang napansin na may kariton pala ng nagtitinda ng buko malapit sa kotse. Kinausap ni Yllac ang tindero na mukhang nagri-ready pa lang para sa ititindang buko juice. Nilingon niya ang gawi ko kaya napalingon din ang tindero. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Tatlong buko ang binuksan ng tindero.

Naglaway ako nang kinukuha na sa buko ang laman nito. Ah! Gusto ko na talagang kumain. Nang matapos na ang ginagawa ng tindero ay kaagad itong binayaran ni Yllac. Buena mano pa kami ni manong. Bumalik na si Yllac at inabot niya sa akin ang plastic na naglalaman ng laman ng buko. "Thank you." Kinain ko na kaagad ang buko. Nag-offer ako kay Yllac pero umiling siya at talagang nasa daan ang attention niya.

Bumalik kami sa bahay na mag-a-alas cuatro y media ng ng umaga. Hindi na nagpalit pa ng damit si Yllac. Hinubad lang niya ang shirt niya at deretso higa sa kama. Naawa ako sa kanya. Alam kong sobrang pagod siya sa trabaho niya tapos binulabog ko pa ang pagtulog niya.

Naglinis ako ng kamay at nagpalit ng damit bago tumabi kay Yllac. Yumakap ako sa kanya. Nakasanayan ko nang yumakap sa kanya kapag nakahiga kaming dalawa. Inamoy-amoy ko ang kili-kili niya. Bakit pati ang kili-kili ng lalaking ito ang bango?

"Bella, matulog ka na."

"Yllac, I'm sorry kasi ginising kita."

He smiled at me. "Its okay, Sweetie. Wala iyon sa akin. Gusto ng baby na kumain kayo ng buko kaya dapat makain ninyo iyon."

Gumanti ako ng ngiti sa kanya at hinaplos ko ang mukha niya. "Yllac..."

"Po?"

"Wala lang."

Marahan siyang tumawa at niyakap rin ako. Mayamaya ay narinig ko siyang nagha-humming. Unti-unting pumikit ang mata ko at kalaunay nakatulog na rin ako.


----


"Ma'am, baka po mahulog kayo d'yan." Nag-aalalang sabi ni Manang Thelma.

"Sandali lang—woah!" Muntik na akong ma-out of balance sa upuang tinutuntungan ko. Kanina ko pa hinahanap ang laptop ko pero hindi ko makita.

"Diyos ko! Bumaba na kayo d'yan sa upuan iyan."

"Opo, bababa na." Dahan-dahan akong bumaba. "Nasaan na ba kasi 'yon?" Lumabas ako ng kwarto namin. Bumaba ako at dumeretso sa library.

"Ano po bang hinahanap mo, 'nak?"

"Laptop ko po, Manang Thelma. Hindi ko mahanap ang laptop ko." Pinagbubuksan ko ang drawer ng desk ni Yllac. Wala rin doon.

"Saan mo ba huling nilagay iyon?" Nakitulong na ring maghanap si Manang Thelma.

"Sa pagkakatanda ko po nandoon lang 'yon nakapatong sa mesa doon sa kwarto namin. Nang gagamitin ko na kanina pagkagising ko wala na doon." Umupo ako sa swivel chair ni Yllac. "May ita-type pa naman akong sa laptop ko."

"Ma'am, baka naman hindi mo doon naipatong. Isipin mong mabuti kung saan mo huling napatong."

Tumayo ako at iniisip kung saan ako nagsusuot kahapon. Dito lang naman sa library at sa kwarto namin. Nanood ako ng teledrama doon sa sala pero hindi ko dala ang laptop ko. Lumapit ako sa mga bookshelves. Baka sinapian ako ng kabaliwan kahapon at pinagsisik ko doon. Bumuntong hininga ako. Wala talaga.

Halos libutin ko na ang loob ng bahay sa kakahanap. Sa laptop ko pa naman tina-type lahat ng scenario tungkol sa past ko na bigla kong naaalala o napapanaginipan.

Bumuntong hininga ako. Mukhang alam ko na kung bakit nawawala ang laptop ko. I dialed Yllac's office number.

"Hello?"

"Nasaan ang laptop ko?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko.

"Hello, Sweetie!"

"Huwag mo akong ma-sweetie-sweetie d'yan! Nasaan ang laptop ko?"

"Kumain ka na ba, Bella?" Malambing niyang tanong sa akin na lalong kinainis ko.

"Iñigo Yllac Valdepeña, on the 3rd time, nasaan ang laptop ko?"

"I hide it."

"Alam ko kaya nga sabihin mo kung saan mo tinago."

"Hindi ko sasabihin sa iyo. Palagi kang napupuyat sa kakasulat mo ng kwento. Alam mong bawal sa iyo na magpuyat pero ginagawa mo pa rin."

"Argh!" Napasabunot ako sa buhok ko. "I hate you! Huwag kang tatabi sa akin hangga't hindi mo binabalik ang laptop ko!" Binabaan ko ng telepono si Yllac. Nakakagigil talaga siya! Huminga ako ng malalim. "Aalis muna ako, Manang Thelma. Magpapalipas muna ako ng init ng ulo."

"Sige mag-ingat ka sa daan."

Ngumiti ako bago ako bumalik sa kwarto para kunin ang wallet ko. Nag-grab na lang ako papunta sa pastry shop ni Cassandra. Hindi ko tinawagan ang best friend ko para naman ma-surprise ko siya sa biglaang pagpunta ko.

Binati ako ng guard ng shop nang pumasok ako sa loob. Lahat ng staff ni Cassandra kilala ako. Umupo ako bandang sulok ng pastry shop. Nilapitan kaagad ako ng isa sa mga waitress at tinanong kung anong order ko.

"Carrot cake at isang milkshake." Tinanguhan ako nito bago iwanan. Kinuha ko ang phone ko. Nag-text pala sa akin si Arabella kaninang umaga. Huminga ako ng malalim. Simula nang malaman ko ang name ng asawa niya, sunod-sunod na ang naaalala ko tungkol sa nakaraan ko. Sigurado akong matutulungan ako ni Arabella maibalik ang alaala ko. Nag-text ako sa kanya. Mayamaya ay tumatawag na siya. "Hello Belle!"

"Hindi ako busy. Nandito lang ako sa penthouse, bakit mo pala tinatanong?"

Nginitian ko ang waitress na nagdala ng order ko. "Gusto kasi kitang makita. Pwede ba tayong mag-meet?"

"Pwede naman. Saan mo ba gustong magkita tayo?"

"Sa Cassia's Pastry Shop."

"Malapit lang ang 'yon dito sa amin. After ten minutes, nandyan na ako."

"Hihintayin kita. Bye!" Pinatong ko sa mesa ang cellphone ko. Nag-message sa akin si Yllac pero hindi ako nag-reply. Magagalit kasi iyon kapag nalaman niya na umalis ako ng bahay na walang paalam. Inumpisahan ko na kainin ang carrot cake. Kahit papaano nawala ang stress ko ngayon dahil sa cake na ito. The best talaga ang mga gawa ni Cassandra.

"Bella!"

Napalingon ako sa gawi ng mga tumawag sa akin. Papalapit sa akin si Arabella at si Cassandra.

"Napakakulit mo, Bella! 'Di ba dapat nasa bahay ka? Mamaya magalit si Iñigo Tukmol!" Umupo sa tabi ko si Cassandra.

Tiningnan ko si Arabella. "Belle, lapit ka dito." Kiming ngumiti sa amin si Arabella. "Cassandra, si Arabella Formillos. Belle, si Cassandra Anne Sarmiento. Future sister-in-law ng asawa kong tukmol at best friend ko."

"Its nice to meet you, Cassandra." naglahad siya ng kamay. "Uhm, hi?"

Pasimple kong siniko si Cassandra. Natulala eh. "Ay ang ganda mo, 'te! Totoo pala ang sinabi mo, Bella! Ang ganda niya!"

Napangiwi si Arabella. "Hindi naman masyado."

"Hala siya! Pa-humble ka pa. Uy, may gusto ka bang i-order? Libre para sa iyo."

Pumalakpak ako. "Belle, masarap 'yung chocolate chips cookies ni Cassandra. 'Yun ang pinaglilihian kong pagkain."

"Sige 'yun na lang din sa akin."

"Sige, ipi-prepare ko muna. Babalik ako!" Tinapik ako ni Cassandra sa balikad bago kami iniwan.

Napangiti ako. Talagang umo-okay na si Cassandra ngayon. Sobrang saya ko para sa kanya. "She's a very brave woman."

"Ha?"

"Yang best friend ko. Ang daming pinagdaanan sa buhay." Nilingon ko si Arabella. "Parang ako, pero mas grabe sa kanya pero look at her, she do her best to forget her past and she is happy now because she saw again the man she loves." sumalumbaba ako. "Hay, pag-ibig nga naman, ang daming alam."

"Well, they we're destined. The love is the reason why they find each other. Parang kami ng asawa ko. Kung hindi ako nahulog ako sa cruise ship na sinasakyan ko, hindi ko sana makikilala si Trace. He saw me in the seashore and he took care of me so much."

"Ay ang bongga ng introduction ng love story ninyo." Ininom ko ang natitirang milkshake sa baso ko. "Gusto kong gawan kayo ng nobela kaso epal kasi 'yung tukmol kong asawa dahil tinago niya ang precious laptop ko." Napasimangot ako. Tukmol talaga 'yang si Yllac!

Marahang tumawa si Arabella. "Grabe ka sa asawa mo. Nagki-care lang siya sa iyo kaya niya kinuha 'yon."

"Hindi, epal lang talaga siya. Gigil ako sa kanya as always." Tiningnan ko ang kuko ko. Aba! Humahaba na ang kuko ko. Pwede na ipangkalmot kay Yllac.

"Adik ka, asawa mo 'yon. Mamaya marinig ka nun, magtampo pa siya sa iyo."

"Sus, hayaan mo siya."

"Bakit mo nga pala gusto akong makita?"

Binalik ko ang tingin ko kay Arabella. "You're a Nikazy, right?"

Tumango si Arabella. "Yes, bakit?"

"I want to—" Napansin ko ang kwintas na suot ni Arabella. Pamilyar sa akin ang kwintas. "—Saan galing ang suot mong kuwintas?"

Tiningnan niya ang suot na kwintas at hinawakan ang pendant na Cornelia. "Ah, kay Mommy ito. The only thing I have from her. Bakit?"

Cornelia...

"Its look familiar to me." Napailing ako at minasahe ko ang sentido ko. May memories na namang pumapasok sa isipan ko. "These past few days, I'm having a headache. May mga scenario na pumapasok sa isipan ko."

"Mga scenario sa sinusulat mo?"

Umiling ako. "No. Mga memories siya. Thirteen years ago, I'm involved in a car accident. Kaya hindi ko maalala 'yung nakaraan ko. Ngayon lang siya bumabalik." Tumayo ako huminga ng malalim. "Maybe I need to go now. Pakisabi na lang kay Cass na umuwi na ako."

"Bella!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Arabella. Kaagad akong sumakay sa pinara kong taxi. Minasahe ko ang sentido ko.

"Cornelia!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nginitian ko ito. "Mama!" Niyakap ko ang babaeng nasa harapan ko.

"I have a gift for you, my princess." May pinakita ito sa akin na kwintas. May pendant ito na pangalan. Cornelia.

"Its beautiful, Mama!"

"Argh!"

"Ma'am, saan ko po kayo ihahatid?"

"Ano ba ulit ang address natin, Cornelia Formillos?" Tanong sa akin ng binatang kasama ko.

"Kuya Trace, you're a Formillos. You should know the address of our house."

"Yes, I'm a Formillos, you're a Formillos but I forgot the address of our house. C'mon, say it now. I need to fill up this form for you."

"34 Lilac Street, Formillos Subdivision, Makati City." Iyon ang address na dumulas sa bibig ko. Sumandal ako at pilit kong kinakalma ang isip ko. Sumasakit talaga ang ulo ko.

"Malayo po iyan, Ma'am. Traffic po ang papunta sa Makati."

"No, not there." Sinabi ko ang address ng bahay ng lola ko. Tahimik lang ang naging byahe ko. Ilang beses na ring tumatawag si Yllac pero hindi ko sinasagot.

"Ma'am, nandito na po tayo." Sinabi ng driver kung magkano ang babayaran ko at kaagad naman akong nagbayad. "Ma'am, magpahinga po kayo kaagad para mawala ang sakit ng ulo mo."

Tinanguhan ko lang ang taxi driver bago ako tuluyang lumabas ng taxi. Binuksan ko ang gate at kinuha ko sa ilalim ng doormat ang duplicate key ng bahay. Umupo ako sa sofa at doon ay humiga muna ako para naman makapag-relax. Mamaya titingnan ko ang mga gamit ni Mama na tinago ni Lola. Baka may mga nakatago doon na konektado sa akin.

Pakiramdam ko, hindi ako si Maria Bella San Juan dahil baka ako si Cornelia Formillos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top