Beginning Until

DISCLAIMER: Ang mga tao, lugar, bagay at mga pangyayari sa kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi ito nagpapakita ng totoong tao o pangyayari. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

***

Unang kumpas.

Sa bawat kumpas ng kanyang piano ay akin nang naririnig mula sa bawat paligid ng eskwelahan kung saan nanggaling ang tunog na iyon. The sweet and rich melody scattered all over the campus, causing myself to get curious about the song he's playing.

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro bago ako naglakad papunta sa music room nang nahagip ng atensyon ko ang isang lalaki. Maunat ang buhok, nakasuot ng black polo, black maong pants and white shoes. May hitsura siya at may squared glasses na naka-attach malapit sa kanyang mga mata. Sa unang tingin ay ay nakaramdam na ako ng paghanga mula sa lalaking iyon, kasabay nito ay ang pagtugtog ng isang pamilyar na awitin na naririnig ko kung saan.

Winter Sonata. Ito ang titulo ng kantang pinapatugtog mula sa kanyang piano na sa unang berso nito ay nararamdaman ko pa rin kung gaano ka-flawless ang kanyang pagkumpas hanggang sa makatungtong ito sa chorus part. Sa kanya ko nailabas ang kumikinang kong mga ngiti — the sound is so calming, however, it goes down to the point that I, myself, deeply touched with his flawlessly moving from his keys.

'Yung tipong kapag nasa concert hall ka ay mapapaisip mo na lang na wala nang tao, ang tangi mong nalaman ay noong pinapanood mo ang isang lalaking tumutugtog ng piano sa harapan mo with gracefulness and full of emotions.

Nang matapos ay tuluyan ko siyang pinalakpakan, a twinkling smile flashes on my face as he finishes practicing his skills on playing the piano. He leaned at me slightly then he did a small bow just for me. He didn't care if I saw my tears streaming down onto my face, as long as he's happy that he interacts with the keys of his instrument.

Sa pagkakataong ito ay agad ko siyang nagustuhan nang dahil sa isang simpleng tugtugin... isang tugtugin na kahit kailan ay maaalala at maaalala ko pa rin ito once na marinig ang kantang ito sa radyo.

***

"Bela, samahan mo akong mag-lunch," ani ng lalaki sa'kin. Napalingon ako sa kanya habang tumutulala sa labas ng eskwelahan kaya agad ko naman siyang napapayag. Nang tumayo ako ay bigla na niya akong inakbayan bago kami pumunta sa cafeteria para kumain. Agad ko siyang napalingon, nagtaka ako kung bakit niya nagawa iyon subalit ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong senaryo, at sa loob ng ilang saglit ay pumintig at nagsimulang magwala ang aking puso matapos niya itong gawin iyon sa'kin. Gusto kong humiga sa kanyang balikat kaya lang baka pagtawanan kami ng mga tao at pag-usapan tungkol sa'ming dalawa.

Isang taon na kaming magkaibigan ng lalaking iyon at hanggang ngayon ay sanggang dikit pa rin kaming dalawa, mula sa paborito naming kulay, damit, awitin, pati sa kalokohan kami ay maaasahan. Ngunit pagkatapos ng isang taon ay nakaramdam ako ng kakaiba tungkol sa kanya.

Kapag kasama ko siya, gumagaan na ang pakiramdam ko — 'yung tipong nasa parke kami tapos kaming dalawa lang ang nandito sa lugar na iyon. I feel his one of a kind presence onto me, also his warm embrace feels like he's hugging a soft and fluffy stuffed toy that he doesn't know when to stop.

I found a home.

That's what I felt when I'm with him; he's listening to my rants, sometimes we will go on a rooftop, crying and yelling crazily about something, but the first time I've ever heard about his tears, we simply cry to each other until we fall asleep or calming ourselves up.

Nang pumunta kami sa nasabing lugar na iyon ay umorder muna kami ng makakainan bago kami umupo para mag-usap.

He called me by my name, "Did you like the song that I played?"

I nodded.

"I do, too. I do like playing a song that I've played. It reminds me of something special to my eyes," he said, looking at my prominent eyes with eyebags below its said senses.

"Did you feel the same way as well?"

"Yeah..."

I looked into his eyes, he felt so sincere to me since we've become friends. My heart starts to pound once again as I'm staring at him, playing the table by his fingertips just like his favorite instrument. He was sensing something so I tried to ask him.

"Nalulungkot ka ba?"

He shrugged, said that he was thinking about something na kaagad ko namang naintindihan. Kung anuman ang something na iyon, sana ipaalam niya muna sa'kin, pero hindi pa ito ang panahon...

Nang dumating na ang order ay kaagad kaming kumain bago kami umakyat pabalik sa classroom. Hindi ko rin alam kung sinadya talaga ako ng tadhana na ihagip ko ang aking mga mata papunta sa lalaking nasa tabi ko pero mukhang hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin, mapigilan man lamang ang pagtingin ko para sa kanya.

Oo, kaibigan ko siya. Pero bakit pagkatapos ng unang taon, dito ko na napatunayan na nahuhulog na ako sa patibong niya?

***

Pagpasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang aking radyo upang makinig ng music, at habang ako'y nagbibihis ay saktong pinatugtog ng DJ ang isang awiting hindi ko pamilyar pero aniya, para raw iyon sa'kin. Hindi ko alam kung sino ang nag-request ng kantang iyon pero hula ko, ito'y nagmula mula sa isang lalaki na nagpatugtog ng piano kanina bago magsimula ang klase.

From The Beginning Until Now by Ryu. Ito'y isang awitin na akin naman itong mapapakinggan galing sa isang tao na inaalay niya para sa'kin, kahit noon pa lang ay matagal ko nang alam ang kantang iyon.

First heard at first verse. Napahiga na lamang ako sa kama habang dinadamhin ang bawat linya mula sa awiting kahit hindi ko maintindihan ay may kung ano ang kumukunekta sa'kin. Sa bahaging iyon ay dito na umusbong ang mga luha ko mula sa'king mga mata. The way he emphasizes his emotions while singing the chorus part makes me feel sad, but everytime I think of a man who played the piano I can't help but to stare at the window and from afar, I start to cry once again.

I ask myself, why do I have the chance to think about him even though we're friends? Did he feel the same thing as well, or is that it? All of the signs are different, especially when all of the songs tackles all about him, him and him. One thing I remember is that I can't say the three words that I wanted to say because it will turn our friendship into something different.

I'll just keep it to myself instead...

Nang matapos ang awitin ay bumungad sa'kin ang isang text na galing sa kanya. Agad kong kinuha ang phone ko at binasa ang ilan sa mga nakasulat:

Bela, are you free tomorrow? 9:00am, before recess. I just wanted to say something...

Napatakip ako ng bibig at tuluyan akong kinilig nang taimtim. I smiled after reading his text which made my heart flutter, but then I remember — we're still friends. After I read, naisip ko, may aaminin ba kaya siya sa'kin?

May nararamdaman ba siyang pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan? Or is there something else? Huminga ako nang malalim at kaagad ko siyang ni-replyan:

Sure. I just wanted to say something na rin.

Hindi ko na lang inintindi ang ilan sa mga tanong na bumabagabag sa utak ko, bagkus ay hinayaan ko na lang na maiwan iyon para hindi na mag-abala pa ngayong gabi bago matulog.

***

Sumilbato na ang bell, hudyat na tapos na ang second subject namin ngayong araw na ito. Tinignan ko ang wristwatch ko, it's already 8:59am; sakto ay naririnig ko ang kanyang footsteps mula sa'king harapan — nakasuot siya ngayon ng plain white collared top with dark blue jeans and his same color of shoes from yesterday. Dumidikit mula sa likuran niya ang kanyang dark blue backpack bago siya pumasok sa kanyang silid, dito ay halos dumadagundong na naman ang puso ko sa kabila ng mga nagkakalat na mga taong naglalakad papunta sa canteen o iba pang lugar sa klase para sa recess.

Nakatayo ako sa gitnang daan ng hallway, at nang lumabas na siya ay nagtama ang aming pagtingin. We feel the tension that rises into ourselves; our hearts are beating and pounding while the other one is smiling.

And it's him.

Eksaktong alas-nuebe ng umaga. Agad niyang hinawakan ang kamay ko bago niya ako hatakin papunta sa music hall na kaming dalawa lang. Wala nang iba pang makakapunta bukod sa ako pati ang lalaking nasa likuran ko, na pakiramdam ko ay may gusto siyang ipahiwatig sa'kin.

Pagpasok namin ay agad niyang sinara ang pinto at ang kurtina ay tinakpan mula sa bintana para wala nang makasaksi sa'min. Nasa harapan kami ngayon, pero nanaig ang pagtitig naming dalawa na tila may kung ano ang sinasabi ng bawat mata namin na kumukunekta sa pagpintig ng aming mga puso.

I love him. Does he feel the same way as well? Are those songs that the radio played makes me think of him? May nabubuo na bang melody ang palagian naming pagsasama, na sa paglipas ng panahon ay maririnig ng lahat ang sabay naming himig?

Nilakaran niya ako nang kaunti papalapit sa'kin, hindi niya nalalayo ang pagtingin nito as I'm wearing light pink shirt with fuschia skorts na hanggang tuhod ang size at red rubber shoes. I walked backwards, checking my steps but my eyes were still entirely for him until I reached the piano — the one where he played Winter Sonata yesterday.

Sa lahat ng mga awitin na kanyang pinatugtog mula sa kanyang piano ay ito ang tumatak para sa'kin. My mind starts to replay the keys as we reached the destination, kapwa kaming nakatitig sa isa't isa while beating each other's hearts.

I called his name shyly, kusang nagpakita sa'kin ang aking kaba bago ako mapa-amin sa kanya but then tinapangan ko ang loob ko. Ayoko nang magpakaduwag, bagkus ay sasabihin ko ang gusto kong sabihin sa kanya nang harap-harapan.

Nang walang limitasyon. Nang walang hangganan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," ani ko nang buong tapang. "Ramdam mo man o hindi, alam kong maiintindihan mo ang ilan sa mga sasabihin ko."

Hinugot ko ang aking paghinga bago ako magsalita.

"If I could write a poem about you, would you ever read it? Would you understand the metaphors that are mentioned inside a piece of paper?

"If I can type a story about us, would you understand the feelings of the main character to his love interest? Will you cry if you read between the lines of a main lead from a painful chapter? Would you ever feel the second lead being hurt and rejected by someone he loved?

"I know it's poetic, but all of those words tell everything. It tells something that all of us would understand. I feel your presence, love, tears, embrace... everything."

However, my tears are falling as my memories of him start to rewind, our first meeting, first song that we've listened to, our soft hours...

As of now I'm thinking if I can finally say my three words na matagal kong kinikimkim mula sa loob ko, pero hindi ko magawa dahil agad niya akong niyakap nang makita niya akong umiiyak. He hugged me tightly while I, myself, chained inside his warm love for me.

"Hindi mo na kailangan sabihin ang ilan sa mga gusto mong sambitin," he warmly said while caressing my back before unclasping. "Because when I heard the song that was played before we got there, naalala ko kung paano ko binasa ang lyrics nito and after all this time, the song was mostly about you, Bela. Katulad ng nasa awitin, may gusto akong aminin sa'yo, kaya lang nakakaramdam ako ng kaba lalo pa't duwag ako pagdating sa ganoong sitwasyon.

"Aaminin ko sa'yo, ako ang dahilan ng pag-request ko ng kantang iyon sa isang radio show na lagi mong pinapakinggan. Ibig kong sabihin, ni-request ko ang kantang iyon anonymously sa isang DJ hanggang sa nalaman ko na lamang na confession song ko pala ito para sa'yo," kwento niya sa'kin. "Pero ngayon, tayong dalawa na lang ang nandito sa loob, I just wanted to say..."

"Say what?"

"That..." Nilingon niya ang kawalan bago niya ibaling ang tingin sa'kin.

"It's not too late, be with me until the end."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasambit niya ang linyang hindi pa nasasabi mula sa puso namin. I know it's different than saying "I love you" but it is way better aside from saying those three words. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kaagad kaming ngumiti sa isa't isa, our rays of sunshine smells affectionate that is crinkling into each other's eyes.

I felt something when he inches a little closer to me; nervousness begins ostentatiously as he moves his face onto mine, when suddenly...

***

Nagising ako sa ingay ng alarm na sumasakop sa buong kwarto ko. Tumayo ako mula sa kutson na kinahihigaan ko at tinignan ang oras mula sa'king phone: 5:00am; maaga akong nagising mula sa mahimbing kong pagkakatulog pero...

Nasaan siya?

Where is the man who played the Winter Sonata? Where is the man who came to my own warm home? Kaagad ko siyang hinanap mula sa banyo hanggang sa kasuluk-sulukan ng banyo namin, ngunit may isang tanong na sumagi mula sa utak ko.

Panaginip lang ba ang lahat ng ito?

Binulong ko ang sarili, huwag naman sana ma-realize iyon sa sarili ko... bumalik ako sa kama na kinahihigaan ko but then... naguho na ang mundo ko nang nalaman ng utak ko ang sagot mula sa'king tanong:

Panaginip lang iyan, Bela. You dreamed about a story that was published yesterday and yet you wished to appear in a scene together with a male character named Anrei Dela Paz.

Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa pagkatapos malaman ng aking utak ang totoo, hindi ko pala alam na nahuhulog na ako sa male character na ginawa ko bago ko simulang isulat ang kwento. I didn't noticed that a man who once appeared in my dream is the same person that appeared on my story.

Anrei Dela Paz. Tatlong pangalan na lalong nagpabalik sa'king alaala. It reminds me of my old friend who's the same visuals, characteristics and events as the male lead. Pero ang pinagkaiba nito, after my confession, tuluyan nang nawasak ang pagkakaibigan namin noon nang dahil sa isang rason—

Nahulog na kaagad ang loob ko sa kanya.

Dito na nagsimulang umusbong ang mga luha ko sa'king mga mata, na maaga pa lang ay bakit sila nagpakita? Basag na basag ang emosyon ko at sobrang-sobra na akong nasasaktan kapag siya ang naaalala ng mismong utak ko.

I miss the melody... and memories of him.

Sa ngayon, naroon pa rin ang closeness namin mula sa lalaki na nakilala ko noong isang taon, pero kahit hindi ko siya mahagilap pa — tulad ng isang fictional character sa istorya ko — tatanggapin ko pa rin ang katotohanan.

Na sa bawat senaryo na bumubuo sa utak ko, lahat ng ito'y gawa-gawa lamang. Kung nanaisin ko'y hindi na magising sa panaginip kong iyon, dapat pala sana'y nagawa ko na, ngunit hindi pupwede.

It is not a dream that I wished — it's a reality.

A reality where I want to face with.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top