Prologue
"Amarantha."
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko na para bang alam nito kung sino ang nagpapatibok sa kaniya. Na para bang gusto nitong kumawala sa dibdib ko at basta na lang lumundag patungo sa lalaking nasa likuran ko ngayon.
Mas binilisan ko ang paglalakad palayo sa kaniya. Hindi niya ako puwedeng maabutan. Hindi puwedeng mapigilan niya ako sa desisyon ko. Pero kahit gaano kabilis pa ang pagtakbo ko ay nagawa niya pa ring mahablot ang braso ko.
The moment I faced him, his lips crashed into mine. My heart is aching for his kisses that I almost gave up and surrender myself to him but I can't.
With all of my strength, I pushed him hard enough for him to let me go. Kahit na taliwas iyon sa gusto ko talagang gawin.
"Ano ba?! Bakit mo pa ako sinusundan? Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Leave me alone! I don't want to see your face again!" I shouted at him but he didn't budge.
Nanatili siyang nakatitig sa akin at parang nadudurog na naman ang puso ko. Hindi ko siya kayang makitang ganito. Hindi ko kaya.
"Amara, please. Don't leave me. I love you...hindi kita kayang pakawalan. We will face them together. Hindi natin kailangang maghiwalay!"
Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko nang marinig ang pagsusumamo niya. I was hurting also but I can't do anything to stop this. Hindi puwede. Hindi ko hahayaang mapariwara siya nang dahil sa akin.
Mas mabuting ako na lang ang masaktan kaysa siya.
"Let me go. Go back to your family and you'll be fine. Bumalik ka na doon at kalimutan ako! Iwan mo na ako! Ano bang hindi mo maintindihan‽" muli kong sigaw at halos sumakit ang lalamunan ko.
"Kahit kailan hindi ko maiintindihan ang gusto mo! Hanggang kailan ba ako magmamakaawa, Amara? How many times do I have to beg for your love?"
He reached for my hand again. Nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit nagulat ako nang lumuhod siya harapan ko.
Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan na parang nakikiramay sa mga puso naming sugatan at nasasaktan.
"Please, don't leave me... Ikaw na lang ang mayroon ako. Nakikiusap ako, Amara. Huwag mo akong ipagtabuyan! Mahal na mahal kita. Don't you love me? Tell me!"
Alam kong nasasaktan kaming dalawa ngayon at ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na iyon pero kung ito lang ang paraan para tuluyan niya akong iwan ay gagawin ko.
I shook my head. "I don't love you. I never loved you. Hindi kita kayang mahalin. Because the truth is, I just used you. Ginamit lang kita, Jordan Emerson at iyon ang totoo. By the way, thank you. Kun'di dahil sa 'yo hindi ako sisikat nang ganito."
I saw how shocked he was after I said those words.
"That's not true. You don't mean that. Bawiin mo ang sinabi mo," hindi makapaniwalang sabi niya.
Muli akong umiling. "Pero iyon ang totoo, Jordan. Hindi kita minahal. Pinaikot lang kita. Kaya tigilan mo na ako. Ako naman ang makikiusap sa 'yo, huwag mo na akong lalapitan! Huwag mo na akong kakausapin! Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito, kaya tumigil ka na!"
"What about when we were making love? We were happy! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? I told you to trust me, right? Hindi ako naniniwalang wala lang sa 'yo, 'yon!"
Suminghap ako. "What now? You're going to use that as a proof that I love you? Wake up, Jordan. Hindi porke't isinuko ko ang sarili ko sa 'yo ay totoong mahal na kita. May mga tao namang ginagawa 'yon nang walang involve na feelings. That's just a one night thing, Jordan."
Hindi na siya nakakibo dahil mukhang unti-unti na siyang naniniwala sa sinabi ko. Kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon upang makalayo sa kaniya. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pag-agos ng mga luha ko.
I don't know how I was able to walk away from him. Kahit na gustong tumakbo pabalik ng mga paa ko at sabihin sa kaniya na hindi iyon totoo. Pero kapag ginawa ko 'yon, mababalewala lang ang lahat.
Hindi totoong hindi ko siya mahal. I won't give myself to him if I don't love him enough. Hindi ko gagawin ang lahat ng ito kung hindi siya importante sa akin.
Mabuti na ito. Makakalimutan niya rin ako. Wala naman ako sa eksena noon pa man kaya babalik na sa normal ang lahat. Maayos naman sila noong wala ako. Paniguradong titigilan na ako ni Jordan.
Tumingala ako sa kalangitan at dinama ang pagpatak ng ulan. Hindi ko alam kung paano naging ganito ang lahat. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko namalayang mauuwi kaming lahat sa ganito.
Mga sugatan ang puso, pagmamahalan na hindi puwede, at masasakit na salita. Lahat ng ito kailangan naming pagdaanan para maging matatag pa kami.
At sa huli, masasabi kong, worth it ang lahat. At wala akong pinagsisisihan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top