8
Effect
"Everyone listen, malapit na ang Year-end party ng buong campus. Magkakaroon ng party bawat course then may general party para naman sa lahat. So, ngayon pa lang dapat ay naghahanda na kayo at nag-iisip ng theme for the party. Sa general party, ang mga student council na ang bahala," our prof announced.
Sunod-sunod na bulungan ang narinig ko pagkatapos ianunsiyo ang tungkol sa year-end party namin. Hindi ko namalayang lumipas na pala ang ilang buwan nang gano'n kabilis at ngayon ay malapit nang matapos ang taon.
Parang kailan lang ay unang araw palang ng klase namin. Tapos ngayon, mag-ce-celebrate na kami ng Year-end party.
Our class president walked in front to lead the planning of the party. S'yempre kailangang may mag-guide sa buong klase dahil walang mangyayari kapag nagkaniya-kaniya kami.
"Guys, kakausapin ko ang president ng ibang section para mapagkasunduan namin ang magiging theme para sa course natin. Babalik na lang ako kapag tapos na ang meeting namin," sabi ni Angelica.
Pagkalabas niya ng room ay bumalik na sa pag-uusap ang mga kaklase ko. Napalingon ako kay Lucy nang bigla siyang tumabi sa akin.
"Parang wala ka yata sa mood? Hindi ka ba excited sa Year-end party?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi kasi ako masiyadong nakatulog kagabi."
Ang totoo, nitong mga nakaraang araw ay hindi talaga ako masiyadong nakakatulog. Lalo na kapag kagagaling ko lang sa photoshoot ng weekend. Medyo nakakapagod pala talaga ang magtrabaho habang nag-aaral.
"Dapat nagpapahinga ka nang maayos. Anyway, sabay tayong bumili ng damit para sa party, ah?" tanong ni Lucy.
Tumango ako at ngumiti. "Sige ba. Next week pa naman ang party so may ilang araw pa tayo para mag-prepare."
Ilang linggo ng hindi ko nakikita si Jordan. Kahit sa scarlett ay wala siya o baka hindi lang nagtutugma ang sched naming dalawa.
Ipinilig ko ang ulo sa naisip. Bakit ko ba siya hinahanap? Mas mabuti ngang hindi ko siya nakikita dahil nadi-distract lang ako sa kaniya.
Bago matapos ang klase ay pinag-stay pa kami ni Angelica sa room para sa announcement niya.
"Napagkasunduan namin na glitter party ang theme natin. So, alam n'yo na kung anong mga isusuot n'yo. Dapat makikintab at glittery, okay? Any violent reactions?"
Nagsipagsang-ayon naman silang lahat kaya pati ako ay tumango na. Ayos lang naman sa akin iyon. Mukhang maganda naman ang gano'ng theme ng party.
"Since nai-announce naman na ang theme natin, what if ngayon na tayo mamili ng isusuot?" sabi ni Lucy habang naglalakad kami sa parking lot.
Huminto ako at napaisip kung may gagawin ba ako sa bahay. Wala naman akong sched ngayon sa photoshoot dahil weekdays naman. Wala rin naman kaming homework dahil ibinigay na sa amin itong week na 'to para sa preparation ng party.
I nodded. "Sure, punta na tayo sa mall. Gagamitin ba natin ang kotse mo?" tanong ko.
"Yes! Halika na. Sabihin mo na lang sa driver mo na ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi. Para hindi na siya maghintay," sabi ni Lucy.
Sumulyap ako sa sasakyan namin bago pumayag. Nilapitan ko muna si Manong at sinabing si Lucy na ang maghahatid sa akin. Mabuti na lang at pumayag siya kaagad.
Pagdating sa mall ay hinila ako kaagad ni Lucy sa sikat na dress boutique. Naghanap kami ng babagay sa theme ng party.
"What do you think?" she asked before twirling in front of me.
Pinagmasdan ko ang suot niyang dress. Pang-apat na dress niya na 'yang isinukat ngayon. Kahit naman kasi sabihin kong bagay sa kaniya, hahanap pa rin siya ng iba pa.
Bumuntonghininga ako kaya natawa siya.
"I know, I know. Sige na, bibilhin ko itong tatlong dress na 'to. Nasaan 'yung sa 'yo? Gusto kong makita," sabi niya at kukunin sana ang dress na hawak ko.
Mabilis ko itong itinago sa likuran ko bago ako nagtungo sa counter.
"Surprise 'to. Dapat sa party mo na makita," sabi ko sa kaniya.
She pouted. "Ang daya. Pero sige, bahala ka. Magbayad na tayo."
Pagkatapos naming magbayad ay lumabas na kami ng boutique. Halos dalawang oras din pala kaming naghanap ng dress kaya pala pagod na ako.
"Why don't we eat first?" Lucy suggested.
Pumayag na ako dahil nagugutom na rin ako. Dumiretso kami sa korean restaurant dahil doon niya raw gustong kumain.
Bigla ko tuloy naalala noong kumain ni Jordan ng spicy foods. Unexpected lang iyon kaya sobrang awkward ng mga pangyayari.
"Huy, bakit nakangiti ka diyan? May naalala ka, 'no?" pang-aasar ni Lucy kaya inirapan ko siya. "Sino ba 'yan? Mukhang kinikilig ka pa—
"Shut up, Lucy. Wala akong naalala, napangiti lang ako dahil sa wakas kakain na tayo. Nakakapagod kayang mag-shopping," pagdadahilan ko.
"Sus! Sige, kung 'yan ang sabi mo. Hindi ko na lang iisipin na nagsisinungaling ka," sambit niya pa bago tumawa.
Ibang klase talaga siya mang-asar. Nakakainis naman kasi. Bakit bigla na lang pumapasok sa isip ko ang lokong 'yon? Bida-bida talaga kahit kailan.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko si kuya sa sala. Nakatulala siya sa hawak niyang panyo. Dahandahan akong lumapit at nabasa ko ang letrang nakaburda doon.
Letter J.
"Ano 'yan? Galing sa crush mo?" tanong ko kaya bigla siyang napalingon sa akin.
"Crush? I don't have a crush. Bakit ngayon ka lang?" pag-iiba niya ng usapan.
"Nag-shopping kami ni Lucy. Anyway, hindi ako naniniwalang hindi 'yan galing sa babae. Kung ako sa 'yo, ligawan mo na bago pa mahuli ang lahat," sabi ko at tinapik ang balikat niya.
Umakyat na ako sa kuwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Hayst. Ang sakit ng paa ko sa kalalakad maghapon.
Inilabas ko mula sa paperbag ang dress na nabili ko. Habang naghahanap ako kanina sa mall, bigla ko 'tong nakita. I can't take my eyes from this dress that's why I decided to buy it.
Several days have passed and the students were busy preparing for the party. Nang dumating ang pinakahinihintay naming araw ay saka lang ako na-excite.
Tinawagan ko si Ate Celine para ayusan ako. Bakit pa ba ako hahanap ng ibang makeup artist kung mayroon naman na ako?
"Ayan, mas lalo kang gumanda. Isuot mo na ang dress mo para makita ko. Paniguradong ikaw ang pinakamaganda sa party n'yo," sabi ni Ate Celine kaya hindi ko mapigilang mamula.
Hindi naman siguro totoo 'yon. Maraming magaganda sa school namin. Sa department pa lang namin ay halos naggagandahan ang mga babae, ano pa kaya sa ibang department?
Nagtungo ako sa walk-in closet ko at doon nagbihis. I smiled at the mirror when I saw my reflection. I don't regret choosing this dress. It's so fabulous!
It's a navy blue sweetheart neckline off shoulder dress. It ends up on my mid-thigh, perfectly exposing my long pair of legs.
My hair is tied up into a messy bun and Ate Celine put a natural makeup on my face to highlight my features.
Lumabas na ako mula sa closet at nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Ate Celine. Isinuot ko na rin ang heels na binili ko rin kasabay nitong dress.
I sprayed a perfume then I'm ready to go. Inilagay ko sa wristlet bag ko ang aking phone bago lumabas ng kuwarto.
"I'm done! Let's go, kuya," sabi ko pagkababa ng hagdan.
He immediately rose up from the couch when he saw me. Tonight, he will be the one to drive me to the campus. Siya mismo ang nagsabi n'on para makapagpahinga raw si Manong.
"Wala ka bang dalang coat? Lalamigin ka niyan sa suot mo," sabi ni kuya habang nasa biyahe kami.
Natawa ako sa kaniya. "Kuya, why would I bring a coat? Kung takot akong lamigin, sana hindi ganitong dress ang binili ko," sagot ko.
He make faces just to annoy me but I only laughed at him. Ibang klase talaga mag-isip itong kuya ko.
Mabilis kaming nakarating sa campus at diniretso ni kuya sa parking lot ang sasakyan. May mga nakikita na akong attendees ng party kaya sa tingin ko ay malapit nang magsimula.
"Call me when you're done. Enjoy, li'l sis!"
Tumango ako kay kuya bago bumaba ng sasakyan. Hinintay ko muna siyang umalis bago ako dumiretso sa waiting area ng section namin.
"Hello, gorgeous."
Napahawak ako sa dibdib nang biglang sumulpot sa harapan ko si Jordan.
He looked dashing tonight with his navy blue three-piece suit. I don't know if it's just a coincidence or he really matched his suit to my dress.
"What are you doing here?" I asked.
He smiled. "Well, as an alumni of this school, I am invited. Besides, I just thought that maybe you missed me."
I glared at him. "Why would I miss you? Mas tahimik nga ang buhay ko kapag hindi tayo nagkikita."
Inirapan ko siya bago ako naglakad paalis. Naririnig ko ang mga yabag niya sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Pero wrong move pala dahil sobrang lapit niya sa akin kaya nawalan akong balanse.
Nanlaki ang mga mata ko dahil matutumba na ako pero buti na lang ay mabilis ang reflexes ni Jordan at nahila niya ako kaagad.
His arm encircled to my waist and I held onto his shirt.
He chuckled. "Kung mahuhulog ka lang din naman, siguraduhin mong sa akin para masalo kita."
Kumunot ang noo ko at agad akong lumayo sa kaniya. Nakakahiya ang nangyari! At mukhang tuwang-tuwa pa siya.
"I could almost hear your heartbeat from here," he teased that made me blush.
"Whatever! Huwag mo akong susundan!"
Tinalikuran ko na siya at mabilis akong naglakad paalis. Pakiramdam ko kinakapos ako sa hangin. Sobrang bilis nga ng tibok ng puso ko ngayon. Ano bang nangyayari sa akin?
Hindi kaya, ginayuma ako ng lalaking 'yon? Damn him!
"Amara! You're so stunning naman," Lucy greeted when she saw me. "Ang ganda naman pala ng dress na napili mo. Bagay na bagay sa 'yo. Anyway, alam mo na ba?"
Uminom ako ng juice para kumalma ako bago ko siya tinaasan ng kilay.
"Ang alin?" tanong ko.
"Invited daw si Jordan dito sa party. So, it means makikita natin siya," kinikilig na sabi niya.
Napairap ako at napabuntonghininga. Ayaw kong sabihin sa kaniya na nagkita na kami ni Jordan dahil aasarin niya lang ako. Kaya nagpanggap akong nagulat sa sinabi niya.
"Really? Ano naman ngayon?" sabi ko.
"Ewan ko sa 'yo. For sure, sobrang guwapo niya ngayon. Baka maraming pumila para lang makasayaw siya."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na may sayawan palang mangyayari. Akala ko ay simpleng social party lang gano'n.
After our department party, we immediately went to the auditorium for the general party. Mas maingay rito at mas maraming agenda dahil lahat ng students ay nandito.
"Good evening, everyone. As you all know, every year-end party, we are inviting some of the former graduates of this school. Tonight, we are grateful because he is able to attend here despite of his busy schedule. So, let's welcome, the rising star of the country, Jordan Emerson!"
Napawi ang ngiti ko nang tinawag siya sa stage. Nakangiti niyang tinanggap ang mic at pinasadahan ng tingin ang mga tao. Hindi ko alam kung paano nangyari pero huminto sa akin ang mga mata niya. Sa dami ng estudyante rito, nakita niya pa ako? O baka naman hindi talaga siya nakatingin sa akin? Baka guni-guni ko lang.
Halos hindi maawat sa katitili ang mga babaeng nandito na mukhang fans niya. I rolled my eyes and walked away from the crowd.
Nagtungo ako sa pinakasulok ng auditorium kung saan kakaunti lang ang mga tao. Ayaw kong makipagsiksikan sa kanila sa harapan. Kung alam ko lang na nandito siya, hindi na sana ako nagpunta.
"Hi, Amarantha."
Tiningnan ko ang nagsalita sa tabi ko at nakita ko si Lloyd, kaklase ko.
"Hello," bati ko pabalik.
"Ang ganda mo lalo ngayon," sabi niya at alam kong nahihiya siya dahil hindi siya makatingin sa akin.
I smiled. "Thank you. You also look good tonight."
Mas lalo siyang namula kaya natawa ako. Mukhang hindi siya sanay ng pinupuri siya. Magsasalita pa sana siya pero biglang may umubo sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ko na naman si Jordan.
"Ah sige, aalis na ako," sabi ni Lloyd at basta na lang umalis.
Aalis na rin sana ako pero hinila ni Jordan ang braso ko.
"What's your problem?" I asked him.
"Are you intentionally ignoring me?" he also asked.
I crossed my arms. "What? Of course, not. Masiyado lang akong maraming kakilala kaya hindi tayo nagkakasalubong."
"Hindi ako naniniwala. You're not good in lying."
Mas sinamaan ko siya ng tingin. "Kung iniiwasan nga kita, ano naman? Does it bother you?"
"Yes, it bothers me. A lot. Tell me, Amara, are you ignoring me or you're ignoring the feelings that you have for me?"
Nawala ang emosyon sa mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na natawa.
"What are you talking about? Feelings? Wala akong feelings sa 'yo, Jordan. You don't even have an effect on me. So stop dreaming," I told him before smirking.
Lalampasan ko na sana siya pero mabilis na umikot sa beywang ko ang braso niya. I gasped when he suddenly pushed me to the wall.
"W-What are you doing?" I gulped.
"I don't have an effect on you, really? Then prove it."
His face went closer to my face and my heart is now beating fast. He's only inch away from for goodness sake!
I gulped again. Mas lalo pa siyang lumapit at kaunti na lang talaga ay didikit na ang labi niya sa labi ko. Nagpapasalamat ako na madilim sa puwesto namin dahil hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko.
"Your heart...is beating fast," he whispered.
"It's not," I denied.
He smirked. "It is. You want me to make it beat faster?"
"What are you—"
His lips crashed to mine in a second. I didn't have enough time to comprehend what is happening because before I knew it, I was already kissing him back.
Alam kong sa ginawa ko ay pinatunayan ko lang sa kaniya na tama siya. Paniguradong pagsisisihan ko ang lahat ng ito. Pero ngayon lang naman. Ngayon ko lang pagbibigyan ang sarili ko.
Ito na ang una at ang huli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top