7
Stalker
Kinabukasan ay nasa hapag na ang parents ko at si kuya nang bumaba ako. Ramdam ko ang paninitig ni kuya sa akin hanggang sa makaupo ako.
"Where did you go yesterday? Ginabi na kayo ni Manong," sambit ni kuya bago pa man ako makapagsimulang kumain.
Uminom na lang muna ako ng tubig bago siya sinagot.
"I was with Lucy at the mall. Nagpasama lang siyang bumili ng regalo," kaswal kong sagot.
That was half lied. Kasama ko naman talaga si Lucy sa mall at nagkataon lang na nagkabungguan kami ni Jordan. S'yempre hindi ko balak sabihin ang tungkol doon. Hindi naman importante at hindi na nila kailangang malaman.
"Really, huh? Bakit iba yata ang nakita ko sa picture?" tanong ni Kuya at inilapag ang phone niya sa harapan ko.
Agad ko iyong kinuha at nakita ko doon ang picture na pinost ng isang fan. Siya iyong nagpa-picture sa amin ni Jordan kahapon.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Lagot na. Nilingon ko silang lahat at nakatitig sila sa akin.
I let out a shaky laugh. "Ahm, let me explain. I was really with Lucy yesterday then I bumped with Jordan. Tapos may nakakita sa aming fan kaya pinagbigyan na namin ng picture," paliwanag ko at nginitian sila.
I was crossing my fingers under the table and hoping for them to let it pass. It's not a big deal though. Wala naman silang rason para pagalitan ako, 'di ba?
Kinuha ni mommy ang phone ni kuya at tiningnan din ang picture. Then suddenly, she smiled.
"You look good together. No wonder people are shipping the both of you," she said and my cheeks heated. "Kayong dalawa naman, picture lang 'yan huwag kayong OA."
"I didn't say anything. Itong si Arman ang nang-iinterrogate kay Amara," depensa ni daddy bago iminuwestra si kuya.
Kuya looked at Dad with wide eyes. Para bang nagulat siya na bigla siyang nilaglag ni dad ngayon. Samantalang silang dalawa ang magkakampi sa pang-aasar sa akin.
"Dad, akala ko ba magkakampi tayo? Bakit bigla ka yatang nag-iba ng kinakampihan?" nagmamaktol na tanong ni kuya kaya natawa ako. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya mas lalo ko siyang nginisian.
"Humanap ka na lang kasi ng girlfriend para hindi na sa akin nakatuon ang atensyon mo," sabi ko sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain.
He glared at me and I just stick my tongue out to tease him. Bago pa siya tuluyang magalit ay tumayo na ako at lumabas mula sa dining room.
"Papasok na po ako! Bye!" I shouted before leaving the house.
Sinalubong ako ni Lucy sa may parking lot pagkarating ko sa school. Nakasimangot siya sa akin at alam ko na kaagad kung bakit.
"Kaya naman pala bigla mo akong iniwan sa mall, mas gusto mong kasama si Jordan," bungad niya sa akin.
Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko naman sinabi sa kaniya na si Jordan ang kasama ko. Ang sabi ko lang ay may emergency kaya umuwi na ako.
"Huwag ka nang mag-deny. Viral kaya ang picture n'yo with a fan. Dapat sinama mo na lang ako," nagtatampong sambit niya.
I smiled apologetically. "Believe me, biglaan lang ang lahat ng iyon. Bigla niya na lang akong hinila sa kung saan," paliwanag ko at sabay na kaming naglakad papunta sa building namin.
"At nagpahila ka naman? Well, I won't blame you. Kahit ako ang hilain niya ay talagang sasama ako," maharot niyang sabi sabay tawa kaya hinampas ko siya sa braso. "Ouch! Bakit ka nananakit? Gusto mong solohin si Jordan?"
This time, I'm the one who laughed. She's so funny. Mabuti na lang at naging kaibigan ko siya.
"Ewan ko sa 'yo, Lucy. Halika na nga at baka ma-late pa tayo," sabi ko at hinila na siya paakyat.
Dahil sa nag-viral na picture namin ni Jordan ay usap-usapan iyon ng ilang estudyante dito sa university. I don't mind though because I'm not doing anything wrong. Wala namang mali doon sa picture kaya hindi ko alam kung anong big deal?
Mga tao nga naman, lahat na lang ini-issue. The only thing I hate is that some are thinking that I'm flirting with Jordan.
That's not true. Hindi ko lang alam kung bakit madalas kaming magtagpo ng lalaking 'yon. Minsan tuloy napapaisip ako kung coincidence lang ba talaga ang lahat? Baka naman sinasadya niya?
Mabilis na lumipas ang mga araw at mas napadalas ang pagkikita namin ni Jordan. Hindi naman namin pinaplano pero mukhang ang tadhana ang nagtatagpo sa amin.
Vacant time namin ngayon kaya magkasama kami ni Lucy dito sa bench sa ilalim ng puno. Maganda kasing tumambay dito dahil presko ang hangin at hindi masiyadong maingay.
Mayamaya lang ay may narinig kaming nagtitilian at agad na tumayo si Lucy para alamin kung ano 'yon. Ako naman ay nagpatuloy sa pag-ubos ng mango shake ko.
"Kaya pala nagkakagulo ang nga estudyante. Nandito si Jordan," sabi ni Lucy habang may tinatanaw sa parking lot.
Nilingon ko rin ang tinitingnan niya at nakita ko nga ang nagkukumpulang mga estudyante. Sa gitna nila ay nandoon si Jordan. Mas kapansin-pasin ang katangkaran niya dahil kahit maraming tao sa paligid niya ay talagang natatanaw ko pa rin siya.
Bawat estudyanteng nginingitian niya ay halos himatayin sa kilig. Napairap na lang ako.
"What is he doing here? Attention-seeker ba talaga siya?" tanong ko na napalakas yata dahil biglang hinila ni Lucy ang buhok ko. "Aray! Don't pull my hair!"
"Loka ka! Ang mean mo naman kay Jordan samantalang lagi naman kayong nakikitang magkasama. Sa mall, sa park, sa restaurant—
Tinakpan ko na ang bibig ni Lucy dahil ang daldal na niya. Totoo naman ang mga sinasabi niya pero hindi ko naman sinasadya ang mga iyon. Baka si Jordan ang nagpaplano. For all I know, he's such a stalker.
Puwersahan niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya kaya hinayaan ko na.
"Grabe ka talaga. Pero alam mo bang Alma Mater daw ni Jordan ang university na 'to? S'yempre hindi mo alam. Tamad kang kilalanin ang ibang tao, e."
I glared at her before I looked at Jordan. May mga nagpapa-picture sa kanya at pinagbibigyan niya naman. Mabuti naman at ginamit na niya ang kokote niya. May kasama na kasi siyang security guard ngayon kaya hindi siya dinudumog masiyado.
Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo kaya nagulat ako nang magtama ang paningin naming dalawa. He suddenly waved and smiled at me. Napalingon tuloy sa akin ang mga estudyante.
Agad akong nag-iwas tingin at nagkunwaring inaayos ang gamit sa bag ko.
"Hay naku. Kanina kung makatitig parang matutunaw na tapos noong tiningnan siya pabalik, nag-iwas tingin naman," parinig ni Lucy kaya hinila ko rin ang buhok niya.
"Shut up. I wasn't looking at him, okay? Nakatingin ako doon sa mga estudyante. Kung dumugin siya akala mo, savior siya ng mundo. Tao lang din naman 'yan."
"Really? Akala ko kasi Greek God sa sobrang guwapo!"
Nasapo ko na lang noo ko dahil sa sinabi ni Lucy. Nababaliw na yata ang isang 'to. Greek God? Si Jordan Emerson? Sobrang layo!
Nabubulag na yata ang mga taong 'to. Dumarami na ang nabibiktima ni Jordan pero sisiguraduhin kong hindi ako magiging isa sa kanila.
"Samahan mo na nga lang ako sa library at nang makapag-review ako. Ang ingay na dito," sabi ko at hinila na si Lucy.
"Wow! Naging studious ka bigla. Puwede mo namang sabihin sa akin na iniiwasan mo si Jordan. Magdadahilan ka pa na magre-review," pang-aasar ni Lucy kaya muntik ko na namang hablutin ang buhok niya. Pero ang bruha, nakalayo agad.
"Argh!! Lucy!" I screamed before running after her.
Mabuti na lang at dumiretso talaga siya sa library. Subukan niya lang magpunta sa kung saan, malalagot siya sa akin.
Para naman may magawa ako ngayong free time ko, magbabasa na lang muna ako. Kumuha ako ng libro na magagamit ko sa pagre-review, habang si Lucy ay nakayuko na sa mesa. Inaantok daw.
Pagkatapos kong ilista ang nakuhang libro ay bumalik na ako sa mesa namin ni Lucy. I was engrossed with what I'm reading that I forgot the time. When I looked at my wristwatch, it's already five-thirty in the afternoon. Kaya agad akong tumayo at ibinalik sa shelves ang librong kinuha ko. Saka ko binalikan si Lucy para gisingin.
"Lucy, wake up. Umuwi na tayo," sabi ko sa kaniya at papikit-pikit siyang humarap sa akin. Luminga-linga pa siya sa paligid.
"Kumusta pagbabasa? May natutunan ka naman ba?" tanong niya sa akin bago humikab.
"Of course. Bawal kang kumopya sa akin ah," sagot ko bago kinuha ang bag ko at tumayo na. Sumunod naman agad sa akin si Lucy.
"Excuse me, kailan naman ako nangopya sa 'yo?"
I just shook my head. Hindi naman talaga palakopya si Lucy. Matalino siya kaya kahit hindi siya mag-review ay may maisasagot siya. Hindi katulad ko na mabilis makalimot sa mga lessons kaya dapat laging nire-refresh ang utak ko.
"See you tomorrow. Ingat ka," sabi niya at naglakad na patungo sa kotse niya.
Ako naman ay lumapit na kung saan nakaparada ang sasakyan namin. Pinagbuksan ako ni Manong ng pinto nang may biglang may humawak sa braso ko.
"Oh my God!" I blurted out because of shock.
Nilingon ko ang humawak sa akin at nakita si Jordan na tumatawa na ngayon. Sa sobrang inis ay pinaghahampas ko siya ng bag ko.
"Bwiset ka! Muntik na akong atakihin sa puso!" bulyaw ko sa kaniya habang abala siya sa pagsangga ng bawat hampas ko.
"Aray! Hindi ko naman alam na magugulatin ka pala, e—Ouch! Tama na!"
Sa isang iglap ay nahawakan niya ang braso ko kaya hindi ako nakapalag. Napalunok ako nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Halos naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kaya naman agad akong lumayo sa kaniya.
"Why are you here ba kasi? Stalker kita, 'no?" tanong ko sa kaniya.
He laughed again that made me roll my eyes. Ang saya niya ngayon, ah.
"Me? Stalker? For your information, hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito. Sinamahan ko lang ang ate ko sa registrar."
And speaking of Ate, a lady in a black fitted dress with puffed sleeves approached Jordan. Matangkad din siya katulad ng kapatid at maganda.
Her aura is intimidating maybe because of her stares.
"Sorry, natagalan. Let's go," she said to him then she suddenly glanced at me. "Oh, I know you. Amarantha, right?"
I was a bit shock when she mentioned my name. Parang nakaka-overwhelmed kahit na Ate lang naman siya ni Jordan. At least, kilala niya ako.
"Yes po. Nice to meet you," I said to her.
"Nice to meet you, too. I'm Jenica, Jordan's sister," she said as we shook hands. "Jordan, umuwi na tayo. Aireen is waiting."
Ang kaninang masayang mukha ni Jordan ay napalitan ng pagbusangot. Nauna na si Ate Jenica sa kotse nila habang si Jordan ay nandito pa rin sa harap ko.
"I gotta go. Ingat kayo sa pag-uwi, Mara," sambit niya bago ako tinalikuran.
"Take care," I whispered but I don't think he heard it.
Bumuntonghininga ako bago sumakay sa kotse. Habang nasa sasakyan ay bigla kong naisip ang pangalan na binanggit ng Ate ni Jordan.
Aireen.
Teka, saan ko ba narinig iyon? I think the name is familliar, I just can't remember.
Nevermind. Bakit ko ba iniisip kung sino iyon? I shouldn't care. Napakarami namang Aireen sa mundo kaya bakit ko pa pag-aaksayahang kilalanin ang babaeng 'yon?
Ano naman kung may Aireen na naghihintay kay Jordan? Wala akong pakialam. Wala talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top