6

Friend

Mabilis na lumipas ang ilang linggo at pansin ko ang pagbabago sa social life ko. Madalas na nila akong kausapin kahit hindi tungkol sa academics.

Nakakakuwentuhan ko rin sila tungkol sa pagmo-model ko. At s'yempre, kasama na doon si Jordan. Although, hindi ko na siya nakakasama sa photoshoot nakikita ko pa rin siya sa Scarlett.

It's Wednesday and I only have three classes to attend. Kaya naman alas-tres pa lang ay uwian na namin. Patungo na ako ngayon sa parking lot para makauwi nang may humablot sa braso ko.

Nilingon ko iyon at nakitang si Lucy lang pala.

"Hi, Amarantha. Punta tayo sa mall," pag-aya niya sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong gagawin natin sa mall?"

"Siguro magsu-swimming. Ang init kasi, eh," she said sarcastically. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Joke lang. May bibilhin lang ako kaya lang wala akong kasama kaya ikaw na lang."

Muli akong tumingin sa wristwatch ko at sinulyapan si Lucy. Ngayon niya lang ako niyayang mag-mall. Sanay naman akong mamasyal mag-isa o kaya naman ay pamilya lang ang kasama sa pamamasiyal.

"Sige. Pero bilisan lang natin, ah," sabi ko.

"Sure. Halika na."

Hinila niya ako papunta sa kotse niya na siya mismo ang nagmamaneho. Nag-text na lang ako kay Manong na sumunod sa mall. Pagdating doon ay dumiretso kami sa men's department.

"Bakit nandito tayo Lucy? Sino bang bibilhan mo?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"My boyfriend. Birthday niya kasi bukas kaya bibili ako ng gift," kaswal niyang sabi na parang hindi iyon big deal. Samantalang nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.

"You have a boyfriend?" I asked her.

Nakapameywang niya akong nilingon. "Oo naman. He's in third year college of engineering kaya hindi mo siya nakikita," sagot niya at muling nagtingin sa mga sapatos na naka-display.

I never expected that she has a boyfriend. Well, maganda naman siya pero hindi ko lang talaga inaasahan. Hindi rin naman niya nababanggit sa akin ang tungkol doon. Sabagay, hindi ko rin naman naitanong sa kaniya.

Ilang minuto ko pa siyang sinundan na magpaikot-ikot dito sa department store pero mukhang hindi pa siya napapagod maghanap ng regalo. Ako naman ay nangangawit na.

"Ah Lucy, uupo na muna ako. Puntahan mo na lang ako kapag tapos ka na," sabi ko at tumango lang siya.

Nagtungo ako sa bench na nandoon sa tapat ng department store. Wala kaso ako sa mood na mamili ngayon. Gusto ko lang talaga samahan si Lucy.

Uupo na sana ako nang may makabunggo sa akin.

"Ouch! What the—"

Napaangat ako ng tingin sa nakabunggo sa akin at natigilan ako nang makita si Jordan. Lumingon siya sa likuran bago ako tiningnan.

"Sorry, Amara. Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya bago hinawakan ang balikat ko.

Umiling ako. "Bakit ka ba kasi tumatakbo? Sinong humahabol—

"Jordan!"

Sabay kaming napalingon doon sa mga tumili at nakita ko ang grupo ng kababaihan na humahabol sa kaniya. May reporters din kaya biglang nataranta si Jordan. Hindi na ako nakapag-react nang hilain ako niya ako kasabay ng pagtakbo niya.

"Oh my gosh, Jordan! Bakit mo ako hinihila!" natatarantang tanong ko habang nakikisabay sa pagtakbo niya.

"Bilisan mo na lang tumakbo!" singhal niya.

Dammit! I never ran inside a mall. Ngayon pa lang at hindi madali iyon dahil madulas ang sahig. Wala akong choice kundi ang tumakbo nang mabilis dahil baka makaladkad lang ako ni Jordan. Kung hindi nga hawak ni Jordan ang kamay ko ay baka kanina pa ako nasubsob sa sahig.

Hinila ako ni Jordan patungo sa kung saan hanggang sa nakalabas kami ng mall. Hindi ako nakapalag nang basta niya na lang akong isakay sa kotse niya.

"Teka! May kasama ako. Hindi mo ako puwedeng basta na lang hilahin at dalhin sa kung saan!" bulyaw ko sa kaniya nang mag-uumpisa na sana siyang magmaneho.

"Just text that person. Kailangan na nating umalis. Dahil nandiyan na naman iyong mga humahabol sa atin."

Nilingon ko ang labasan ng mall at nakitang kalalabas lang ng mga babaeng humahabol kay Jordan. Agad nilang napansin ang kotse nito.

"For your information, ikaw lang ang hinahabol nila at hindi ako—AAAHHHH!"

Napatili ako nang bigla niyang paandarin ang sasakyan. Muntik pa nga akong mauntog sa bintana dahil sa biglaang pagliko nito. Wala akong choice kundi ang kumapit sa upuan.

"Kanina ako lang ang hinahabol, ngayon pati ikaw hahabulin nila kapag bumalik ka doon. They will interrogate you about me. Kaya isasama na kita."

Nasapo ko na lang ang sariling noo sa sinabi niya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Kung makapagdesisyon akala mo kung sino. Dinamay pa ako sa problema niya.

Kinuha ko na lang ang phone ko at tatawagan sana si Lucy pero nakalimutan kong wala pala akong number niya. That's why I just send her a private message on messenger. Sana mabasa niya.

Nagu-guilty tuloy ako sa pag-iwan ko sa kaniya. Baka isipin niya, na-bored na ako na kasama siya kaya bigla akong umalis.

Kasalanan talaga ni Jordan ang lahat ng ito!

I texted my driver to wait for me. Hindi siya maaaring umuwi nang wala ako. Malalagot kami pareho kay daddy.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ni Jordan.

"Since hindi natuloy ang pamamasiyal ko, gano'n din sa 'yo. Sabay na lang tayong mamasyal," sagot niya at ngumiti kaya lumabas ang dimple sa kaniyang pisngi.

"Alam mo, ibalik mo na lang ako doon. Mamasyal ka mag-isa mo," sabi ko sa kaniya.

"No, sweetheart. We will spend this day together."

Kumalabog ang dibdib ko sa sinambit niya. Napahugot tuloy ako ng hininga para kumalma ang nagwawala kong puso. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil baka malaman niya ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ganito? Biglang nagwala ang puso ko. Baka dahil sa pagtakbo namin kanina. Tama, siguro dahil nga doon.

“Hey, galit ka? Sorry dinamay pa kita. Pero hindi pa rin kita ibabalik doon."

I rolled my eyes in annoyance. Akala ko pa naman babalik na kami, hindi pa pala. Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lang siyang magmaneho.

"Akala ko pa naman kung saan mo ako dadalhin. Dito lang pala sa MOA. Mas maraming tao dito kaya baka habulin ka na naman," sabi ko sa kaniya nang makababa ako ng sasakyan at sumunod siya.

"It's an unplanned date at wala akong maisip na puntahan. Don't worry, I'll treat you."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Date? Excuse me, this is not a date. Huwag kang assuming."

Ipinagkibit-balikat niya lang iyon at hinila na ako papasok sa mall. Nakasuot na siya ng face mask kaya medyo hindi na halata na artista siya. Though, sa tangkad niya agaw pansin talaga siya.

Nagbaba ang paningin ko sa mga kamay naming magkahawak. Hindi ko alam kung napapansin niya ba iyon. Parang normal lang sa kaniya na gawin ito.

"Kumain muna tayo," biglang sabi niya at nilingon ako. "Saan mo gusto?"

Nagulat ako sa biglaang pagtama ng paningin namin kaya nasamid ako. My face heated that's why I pretend that I'm thinking.

Nakita niya ba na nakatingin ako sa kamay naming dalawa? Nakakahiya. Baka kung ano pang isipin niya.

"Ayos ka lang? Namumula ka," sabi niya.

"I'm fine. Sensitive lang talaga ang balat ko. Doon na lang tayo kumain," sabi ko at itinuro na ang unang restaurant na nakita ko kahit hindi ko talaga alam kung anong sini-serve nila doon.

Maglalakad na sana ako nang hilain niya na naman ang braso ko.

"Are you sure? Puro spicy foods ang sini-serve nila doon."

Parang mas lalo akong nahiya. Pero dahil ma-pride ako kailangan kong isalba ang sarili ko. Bahala na. Kahit hindi ako mahilig sa spicy foods, paninindigan ko na lang.

"Yes. Halika na, don't tell me naduduwag ka sa spicy foods?" tanong ko sa kaniya.

He stared at me for a while. "Hindi naman. I love spicy foods. So, let's go."

At iyon na nga, pumunta na kami sa restaurant na iyon. Tinitingnan ko pa lang ang menu ay para na akong pinagpapawisan. Tama ba ang desisyon ko? Baka ako lang ang mapahiya dito.

Pinili ko iyong spicy chicken wings nila dahil feeling ko iyon lang ang kakayanin ko. Pero s'yempre hindi ko pinahalata kay Jordan iyon.

"Oh shit! It's so spicy..." I cussed and drank some water but it only make it worse.

Unang kagat ko pa lang para nang sinusunog ang dila ko. I'm not overreacting okay? Maanghang talaga para sa akin na hindi naman mahilig sa maanghang. Naluluha na nga ako rito.

"O, unang kagat pa lang, umiiyak ka na. Sigurado ka bang uubusin mo 'yan?" pang-aasar ni Jordan na mukhang nag-e-enjoy sa kinakain niya.

"Shut up! Kasalanan mo 'to," sambit ko bago suminghot dahil sinisipon na talaga ako.

Aargh! I really hate spicy foods! Ang sakit sa dila at labi.

"Pulang-pula ka na. Huwag mo nang kainin 'yan baka kung ano pang mangyari sa 'yo," seryosong sambit niya at naglapag na agad ng bayad sa table.

Hinila niya na naman ako sa kung saan. Naluluha at sinisipon pa rin ako dahil doon sa kinain ko. At nang magkaroon ng pagkakataon ay inilabas ko ang compact mirror ko para makita ang aking mukha.

Oh no! My eyes are already puffy and my nose is reddish. Mukha na akong reindeer dito.

"Here. Drink this. Matatanggal nito ang anghang sa bibig mo," sambit ni Jordan at inabot ang gatas na nasa tetra pack.

Kinuha ko iyon at nilagyan ng straw bago inumin. Gusto ko na kasi talaga matanggal ang anghang sa dila ko. I'm busy drinking my milk when I noticed that he's staring at me. I even caught him gulping.

"What?" I asked and he looked away.

"N-Nothing. Bilisan mo nang inumin 'yan," nauutal niyang sambit kaya mas lalo akong nagtaka.

Tumalikod pa siya sa gawi ko na parang ayaw akong makita. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan ko siya. Naubos ko iyon agad at medyo maayos naman na ang dila ko. Hindi katulad kanina na parang sinusunog na ewan.

"I'm done!" I told him.

He looked at me before nodding his head. "Good. Let's go, I'll take you home."

Nauna na siyang maglakad palayo at dahil mahahaba ang biyas niya ay halos hindi ako makahabol. Kinailangan ko pang tumakbo para lang makasabay siya.

Tatawagin ko na sana siya pero may lumapit sa aking babae.

"Hi. You're Amarantha San Diego, right? The newest model of Scarlett?" she asked and I nodded hesitantly.

Gusto ko sanang sabihin na hindi ako 'yon pero ayaw ko namang magsinungaling. Besides, mag-isa lang naman siya kaya ayos lang siguro kung pagbigyan ko siya.

Lumawak ang ngiti ng babae. "Great. Sabi ko na nga ba. Puwedeng magpa-picture?"

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang boses ni Jordan.

"Amara, let's go," he said that's why the girl looked at him too.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nakilala siya agad ng babae. Kanina kalmado pa siya noong ako lang ang nandito, pero ngayon parang aatakihin na yata sa sobrang kilig.

"OMG! Jordan Emerson? Magkasama kayong dalawa? My gosh! My ship is sailing. Pa-picture po," kinikilig na sambit nito at agad na inangat ang camera niya.

Wala na kaming nagawa ni Jordan kundi ang pagbigyan siya. Nasa gitna namin siya ni Jordan at nakatatlong kuha siya ng pictures.

"Thank you. Ingat kayo," sabi niya.

Nang makaalis siya ay hindi na ako makatingin kay Jordan. Nahihiya ako sa sinabi ng babaeng 'yon. She really shipped us, huh? Pero atleast, napasaya namin siya. Iyon naman ang importante rito.

"Let's go?" Jordan asked and I nodded without looking at him.

Hinatid ako ni Jordan sa entrance ng subdivision namin. Nandoon kasi naghihintay si Manong. Na-guilty naman ako dahil ang tagal niyang naghintay. Alas-otso na ng gabi ngayon.

"Thank you. Ingat ka," sambit ko pagkatanggal ko ng seatbelt.

"Take care," he answered.

Hindi ko na nilingon ang sasakyan niya pagkababa ko. Dumiretso agad ako sa kotse at nagmaneho na si Manong.

"Bakit po parang iba ang sasakyan na 'yon? Nagpalit po ba ng sasakyan ang kaibigan n'yo?" tanong ni Manong sa akin.

Napakamot ako sa ulo dahil doon. Sabi ko na nga ba at mapapansin niya.

"Friend ko lang po. Nakasalubong ko po sa mall," sagot ko sa kaniya.

Hindi ko naman puwedeng sabihin na si Jordan iyon dahil baka magsumbong pa siya kay daddy. Malalagot na talaga ako doon kapag nagkataon. Hindi pa nga niya nakakalimutan iyong tungkol sa mga bulaklak tapos may bago na naman.

"Kaibigan lang po ba talaga?" mapanuksong tanong ni Manong.

"Manong naman," nakasimangot kong sabi.

Natawa naman siya at napailing. "Biro lang."

Napahinga na lang ako nang malalim. Hindi dapat ako kinakabahan kasi kaibigan ko lang naman talaga si Jordan. Hindi ko siya gusto at hindi niya rin naman ako gusto.

Wala akong oras para sa mga ganiyang bagay. I will focus on my studies and career for now. Distractions are not allowed!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top