5


Admirers

"O, nakasimangot ka? Baka makita ka ng mga fans mo, ang pangit mo," bungad ni kuya sa akin pagsakay ko ng kotse niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa kaniya kasi ulit ako sasabay pauwi. Palibhasa pinayagan siya ni dad na mag-leave sa work kaya buong araw niya akong kinulit sa shoot.

Katatapos lang ng photoshoot namin ni Jordan. Natagalan kami dahil tinapos na lahat ng dapat kuhaang shots sa amin. Kasi nga, ito na ang last na may ka-partner ako sa shooting.

"Did you know what dad did? Pinagbawalan na niya akong ipares sa male models! How ridiculous, right?" naiinis na tanong ko kay kuya.

Hindi man lang siya nagulat at ngumisi pa nga. Ibig sabihin may alam siya sa ginawa ni dad. Bakit pa ba ako magtataka?

"Well, I support Dad with that. Saka ka na sumama sa mga male models kapag graduate ka na. At least kapag may ginawa kang kababalaghan hindi na maaapektuhan ang pag-aaral mo."

Nanlaki ang mga mata ko kaya pinaghahampas ko siya ng bag. Anong tingin niya sa akin, may balak na gawan ng kababalaghan ang makakasama ko sa photoshoot?

"Nakakainis kayo! Ano ba naman 'yan! Nasa legal age na ako pero kung ituring n'yo ako parang bata!"

"Hey! Stop! Masakit kaya. Huwag mo nga ibuntong sa akin ang galit mo!" singhal ni Kuya habang sinasangga ang bawat hampas ko sa kaniya. Tinigilan ko lang siya nang mapagod ako. Pero masama pa rin ang loob ko.

"Umuwi na tayo," sambit ko at hindi na siya nilingon.

He sighed. "Ano ba talagang ikinagagalit mo? Dahil ba hindi mo na makakasama ng Jordan na 'yon?"

I glared at him. He's talking nonsense again.

"And why would I get mad because of that? Ang ikinatatampo ko lang, sobrang strict n'yong dalawa ni dad. Gusto ko rin namang gawin iyong ginagawa ng ibang models."

I crossed my arms and looked away. Kahit naman anong paliwanag ko, hindi naman na magbabago ang isip nila. At bakit ba iisipin ni kuya na si Jordan ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito? Kakakilala ko pa nga lang sa lalaking 'yon.

Hindi naman big deal kung hindi na kami magkasama sa photoshoot.

Nag-umpisa na siyang magmaneho pauwi sa bahay at padabog akong bumaba ng kotse. Hindi ko alam kung nasa loob ba sila mommy at daddy. Gusto ko silang makausap. Dumiretso ako sa office ni daddy at naabutan ko siya roon. Nagbabasa ng kung anong papeles.

"Dad, why did you do that? Bakit kailangan niyo akong bawalan na may makasamang male models sa photoshoot?" I asked him and he stared at me.

Inilapag niya ang papeles na hawak at ibinaba ang salamin mula sa kaniyang mga mata.

"Amara, sinabi ko na sa 'yo na hahayaan kitang gawin iyang trabaho na 'yan kapag nakatapagtapos ka na. For now, since part time ka pa lang naman, why not accept solo projects only? Hindi iyong may kasama agad? Gusto mo bang isipin ng mga tao na ginagamit mo ang mga sikat para umangat ka?"

Damn it! I can't believe this. Hindi ko maitangging tama si Dad. Malaki ang posibilidad na gano'n nga ang isipin ng mga tao. Lalo pa pati si Tita, minsan naisip na iyon.

"Pero ang usapan po natin, walang mature projects. Hindi naman po pang-mature 'yon—

"Still, may kasama kang lalaki. So, I won't change my mind about that. Now go to your room and prepare for your class tomorrow."

Saglit ko pa siyang tinitigan bago ako lumabas ng opisina niya. Dumiretso ako sa kuwarto ko at nahiga.

"Argh! I hate this!" I screamed through the pillow to release my frustrations.

Tumunog ang phone ko hudyat na may notification na pumasok. Kinuha ko iyon sa bag at binuksan.

JordanEmerson started following you.

My forehead creased with what I read. He follows me? But why? Is it required?

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at napagpasyahang i-follow rin siya pabalik. Para na rin maging mutuals kami. As of now, I already have 500 thousand followers. Sobrang bilis dumami.

Hindi ko alam kung dahil ba talaga sa impluwensya ni Jordan iyon o sadyang maraming interesado sa 'kin?

Hayst. Now I'm starting to doubt myself. Kung hindi ko ba nakasama ang lalaking 'yon sa Scarlett, marami bang makakakilala sa akin? Magtitiyaga ba silang kilalanin ako?

Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. He's willing to wait. But why? Naiinis ako dahil nagagawa niyang guluhin ang isip ko na hindi naman dapat.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip at ngayon ay umaga na naman ng Lunes. Ibig sabihin ay papasok na naman ako sa university.

I have new set of clothes from scarlett and I decided to wear one of it. But right now, I chose to wear a gray stretchable sweater tucked in a white jeans. Hinayaan ko na lang ding nakalugay ang maalon kong buhok. I just put some powder and lipgloss then I'm done.

"Kuya, nasaan na sila mom at dad?" tanong ko sa kapatid ko nang maabutan ko siya sa hapagkainan mag-isa.

He swallowed the food in his mouth then he drank his water before answering.

"Umalis na. Maaga raw sila sa kompanya dahil may meeting," sagot niya.

Tumango ako at kumuha na lang din ng toasted bread bago lumabas ng dinning room.

"Hey! Aalis ka na agad!" sigaw niya mula sa loob.

"Yes, kuya! Bye!" I shouted back at him then I went out of our house. Mabuti na lang at nandoon na si Manong para ihatid ako.

Naging mabilis ang biyahe patungong unibersidad kaya naman may sobrang oras pa ako bago mag-umpisa ang klase. Nagtungo muna ako sa may locker room para magbawas ng gamit. Pero nagulat ako nang makita ang mga bulaklak sa ibabaw niyon.

Sanay naman akong makatanggap ng mga bulaklak at kung ano-ano pa pero hindi ganito karami. At saka wala namang okasyon. Kadalasan kapag Valentine's Day or birthday ko naglalabasan ang mga admirers ko. Ano bang mayroon ngayon?

It's still eight-thirty in the morning so it means, these people went here earlier. Wow, nag-effort pa silang pumasok nang maaga para lang dito.

There are at least nine flowers and letters. Take note, alam kong mamahalin ang mga 'to. Namomroblema na tuloy ako kung paano ililigpit ang mga ito bago pa dumagsa ang mga estudyante.

"Hi, Amarantha." A girl with bangs greeted me. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam kong kaklase ko siya sa isang major subject namin. "Hindi mo ako kilala? It's fine, I'm Lucy."

I smiled awkwardly. "Sorry, hindi kasi ako matandain sa mga pangalan," pagdadahilan ko para hindi siya gaanong ma-offend.

"Ayos lang. I saw your post on Ig. Isa ka na pala sa mga model ng Scarlett?" namamanghang tanong niya at tumango ako. "Wow. Ang galing! Kaya pala biglang dumagsa ang mga admirers mo."

I tucked my hair behind my ear and smiled.

"Hindi naman. Nagkasabay lang yata sila ng pagbibigay ngayon. Hindi ko na alam kung saan itatago ang mga 'yan," namomroblemang sabi ko at iminuwestra ang mga bagay sa ibabaw ng locker ko.

Ang kaya ko lang itago ay ang mga sulat pero hindi ang mga bulaklak at iba pang regalo. Kung na-inform lang sana ako na may magbibigay sa akin ng mga ito, sana nakapagdala ako ng extra bag.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ako pinagtutuunan ng atensyon. Samantalang hindi ko naman sila pinapansin. Ni hindi ko nga sila sinusulyapan. Pero hindi ko naman itinatapon ang binibigay nila. I don't have a heart to do that.

"Don't worry, I'll help you. May malaki akong eco bag dito sa locker. Kasya 'yang mga bulaklak," sambit ni Lucy at may kinuha sa locker niya. Inilabas niya mula doon ang isang pulang eco bag na talagang malaki.

Pinagtulungan naming ipasok sa loob niyon ang mga bulaklak at ang maliliit na regalo ay ipinasok ko sa locker ko. Nang mailigpit lahat ay muli ko itong ipinatong sa ibabaw ng locker.

"'Yan. At least hindi na masyadong agaw-pansin ang mga regalo mo," sambit ni Lucy at bahagyang tumawa.

"Thank you. Mamayang uwian, ilalagay ko sa kotse ang mga 'yan then ibabalik ko sa 'yo ang eco bag mo."

"No need. Marami naman akong ganiyan. Halika na baka mahuli pa tayo sa klase."

Hinawakan niya ang braso ko at hinila palabas ng locker room. Ito ang unang pagkakataon na may kasabay akong umakyat sa room. Siya lang din naman kasi ang naglakas loob na hilain ako. Karamihan sa mga kaklase ko ay takot na makipag-close sa akin. I don't know if it's because of my aura or what.

Pagpasok sa loob ng classroom ay pansin ko ang paninitig nila sa akin. Daig ko pa ang artista dito kaya naman medyo naiilang ako.

"Amara, OMG! I saw your post na kasama si Jordan. Ang suwerte mo. Anong feeling?" tanong ng isa kong kaklase na mukhang fan yata ni Jordan.

"Kaya nga. I'm so inggit. Sana makasama ko rin siya," sabi naman ng isa.

"Gusto ko na rin tuloy maging model. I will ask my mom about it."

Ni isa sa tanong nila ay wala akong sinagot. Hindi ko kasi inaasahan na kakausapin nila ako tungkol doon. Gano'n ba talaga ang nangyayari kapag nakasama mo ang isang Jordan Emerson? Maging ang mga fan niya ay kakausapin ako?

"Nandiyan na si Sir!" biglang sigaw ng kung sino sa harapan kaya naman agad silang bumalik sa upuan nila. "Joke lang!"

Nagtawanan sila, maging ako ay napangiti. Mukhang ang lakas ng mga trip nila ngayon. There's one thing I realized by now, it's not that bad to have friends after all. Pero hindi ko lang sigurado kung gusto ba nila akong maging kaibigan o baka may kailangan lang talaga sila.

Nag-umpisa na ang klase at nakinig akong mabuti kay prof. Isa sa mga napagkasunduan namin ni dad noon ay kailangan kong ma-maintain ang grades ko para payagan niya akong mag-model.

Kaya naman hanggang ngayon ay consistent honor student ako. Sinisigurado kong hindi ako babagsak para walang rason si dad na bawalan ako sa pagiging model ko.

"Bye, Amarantha! See you!" Lucy shouted before she went on the other side of the university.

Kumaway rin ako at pinagmasdan siyang maglakad palayo. Ako naman ay dumiretso sa may parking lot, bitbit ang eco bag na galing kay Lucy.

Mabuti na lang at sinalubong ako ni Manong at siya na ang nagbitbit nito patungong sasakyan.

"Naku Miss, ang dami naman nito. Malalagot ka na naman ang daddy at Kuya mo," sabi ni Manong habang inilalagay sa compartment ang mga iyon.

I sighed. "Kaya nga po, eh. Sayang naman kapag itinapon. Ibibigay ko na lang po sa mga maids."

Sa sobrang istrikto nila Kuya at Daddy, iinspeksyunin pa nila isa-isa ang mga regalong natatanggap ko. Kaya nga hindi ko ipinapaalam sa kanila at ipinamimigay ko na lang sa mga maids o kung kanino ko maisipan. Pero hindi ko itinatapon, dahil sayang naman ang pera ng nagbigay sa akin.

Kaya pagdating ko sa bahay ay agad kong kinuha ang eco bag para dalhin iyon sa maid's quarter.

"What's that?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kuya.

Damn!

Dahandahan ko siyang nilingon at nakitang nakapambahay lang siya. Mukhang bagong gising pa nga.

"Kuya, anong ginagawa mo rito? Hindi ka pumasok?" tanong ko at pasimpleng itinago sa likuran ko ang bag.

"Wala akong pasok. Ako sana ang maghahatid sa 'yo kaya lang bigla ka namang umalis kanina. Ano ba 'yang itinatago mo?" tanong niya at sinilip pa ang hawak ko pero agad kong iniwas.

"Wala. Regalo lang para sa mga maids. Bumalik ka na sa loob, kaya ko na 'to."

I was about to walk away when he snatched the bag from me. Hindi ko na siya naawat nang kalkalin niya ang laman niyon.

"Akala ko ba tinigilan ka na ng mga admirers mo? Lagot ka kay Daddy kapag nakita niya 'to—

"Kaya nga huwag mong sabihin! Ibibigay ko na lang sa mga maids. Please, Kuya. Saka regalo lang naman 'yan, wala namang masama diyan, 'di ba?" pangungumbinsi ko pero ngumisi lang siya.

"No way. I'll tell Dad about this," he said then he ran away from me.

"Aargh!! Kuya! You're so pabida! I hate you!"

Pabagsak kong binitawan ang bitbit ko. Para saan pa na ipamigay ko ito sa maids namin kung isusumbong lang din naman ako ni kuya. Itatago ko na lang ito sa kuwarto ko.

Kung maka-react kasi si kuya akala mo hindi siya nagbibigay ng regalo sa iba. Ginagawang big deal ang lahat ng bagay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top