4
Close
"Jordan Emerson, huh," Kuya said while we're eating our breakfast. Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko alam kung nag-aasar ba siya o ano. Maging si daddy at mommy ay napalingon sa akin.
Sa itsura pa lang ni kuya alam ko nang may sasabihin siyang hindi maganda. Paniguradong may nalaman na naman siyang hindi niya nagustuhan.
"What about him?" I asked.
Kumuha ako ng bacon at kinagatan iyon. Alam kong dapat mas pinipili ko na ang kinakain ngayon pero hindi naman ako madaling tumaba. At saka, reward day ko ngayon kaya kakainin ko ang mga gusto kong pagkain.
"Kasama mo siya sa photoshoot kahapon. You even uploaded some photos of the both of you," he said.
My forehead knitted even more because of confusion. Hindi ko alam kung anong pinupunto ng kuya ko. Hindi ko rin alam kung nagtatanong lang ba siya o naiinis na. Our parents remain quiet and observing us. My brother likes to put meaning on everything.
"Obviously, kasama ko siya kahapon kasi katrabaho ko siya. And Tita Amely asked me to upload the photos. Is there something wrong about that?" I asked him.
Kuya sighed before looking to our father. "Dad, did you know about this? Pinayagan natin siya sa modeling na 'yan pero hindi itong may pairing. Now people are shipping the two of them."
My eyes widened a bit. Kunot na kunot naman ang noo ni Kuya at mukhang hindi talaga natutuwa.
I shook my head. "That's not true. What are you talking about?"
Hindi ko alam kung anong sinasabi ni kuya. People are shipping us? I mean, yes I know that they saw our chemistry but it's not like that.
"Why don't you open your Social media accounts?" he fired back.
Agad kong kinuha ang phone ko at nag-online. Sunod-sunod na pumasok ang mga notifications. May mga bago akong followers at napakaraming nagreact sa post ko kahapon. Damn!
"Can I see it, Amara?" Dad asked and I have no choice but to give my phone. I watched him nervously as he scrolled on my phone.
"Dad, it's for work only. Hindi naman po ibig sabihin na sinabi ng mga taong bagay kami eh papatulan ko na si Jordan," depensa ko agad nang ibalik ni Dad ang phone ko. Sa itsura niya pa lang ay mukhang hindi siya natuwa sa nakita.
"I didn't say anything, Amarantha. Pagdating ng tita mo kakausapin ko siya. Kuya mo ang maghahatid sa 'yo sa trabaho ngayon," sambit ni Daddy kaya napangiti si kuya.
Bumuntonghininga ako at nilingon si mommy dahil wala na akong kakampi. Lagi na lang akong pinagkakaisahan nila Kuya at daddy. Masiyado na silang protective. Minsan nakakasakal na.
"Ramsey, huwag mo naman masiyadong paghigpitan si Amara. Baka magrebelde at maglihim pa sa atin," sabi ni mommy at bahagyang hinaplos ang kamay ni dad. Gano'n pa man, hindi pa rin nagbago ang awra ni Daddy.
"I'm just protecting our daughter, Ara. Alam ko kung paano kumilos ang mga tao sa showbiz. Baka gamitin pa nila si Amara para pagkakitaan. Tapos kapag hindi na nila mapakinabangan ang anak natin, bibitawan na lang nila bigla," mahabang litanya ni dad. Pagkatapos ay padabog itong tumayo at umalis ng hapagkainan.
Napayuko ako at nakonsensya. "I'm sorry, Mom. Nagalit pa tuloy sa 'yo si dad," sambit ko kay mommy.
She smiled at me. "Hindi naman siya galit. Nag-aalala lang 'yon sa 'yo. Kaya sana ipangako mo sa akin na hindi mo hahayaang maabuso ka ng mga taong makakasalamuha mo. You're not Amarantha San Diego for nothing."
I nodded at her. Magsasalita pa sana ako nang umubo si Kuya. Inirapan ko na lang siya. Panira na naman siya ng moment namin ni mommy.
"Mga babae talaga, napakadrama. Bilisan mo na Amara at nang maihatid na kita," aniya at bigla na lang ding umalis.
"Hayst. Mga lalaki talaga, napaka-KJ!" sambit ko at natawa naman si mommy.
Kahit naman sobrang protective nila kuya at daddy, hindi ako nagagalit. Mahal ko silang dalawa at hindi magbabago 'yon.
Habang nasa sasakyan ay panay ang bilin ni Kuya sa akin ng mga dapat kong gawin. Samantalang kahapon pa ako nag-umpisang mag-photoshoot. Bakit pa kasi siya ang naghatid sa akin?
"No touchy poses, okay? Huwag kang magpapahawak sa kung saan-saan. Saka na 'yon kapag graduate ka na. Sa ngayon, hanggang tabi na lang muna at akbay. Pero may distansya pa rin—
"Kuya! Will you stop that? Alam ko ang mga bawal sa akin, okay? As if I will get pregnant with a simple touch," I whined.
Bigla na lang nagpreno si kuya kaya nilingon ko siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na parang napikon ko yata.
"See! You're not taking it seriously. A simple touch can lead to something else. Basta, makinig ka na lang sa akin!"
Gusto ko mang magsalita pa ulit ay hindi ko na itinuloy. Hindi lang matatapos ang usapan namin kapag sumagot pa ako.
I just crossed my arms and looked outside the window. Nang makarating sa scarlett ay agad akong bumaba ng kotse ni kuya. Hindi ko alam kung susunod ba siya sa loob pero dumiretso na ako sa elevator kung saan nakasabay ko ang ibang models.
Hindi ko pa sila kilala dahil kauumpisa ko pa lang kahapon. But I'm looking forward to being friends with them. Pasarado na sana ang elevator nang makahabol pa si kuya.
"Naka-heels ka ba talaga? Ang bilis mo maglakad, nalingat lang ako nandito ka na agad," reklamo ni kuya na hindi yata napansing may iba kaming kasama sa loob.
Samantalang ako, pansin na pansin ko ang pagtitig sa kaniya ng mga models. I can't blame them though, my brother is handsome. Matangkad din ito kaya kayang-kaya makipagsabayan sa mga male models na nandito. Iyon nga lang, he's not into modeling. Sa business lang talaga siya nakatuon ngayon.
"Bakit ka ba kasi sumunod? Anong gagawin mo sa taas? Magpapapansin?" pambabara ko sa kaniya. Kunwaring napaatras siya kaya natamaan niya ang isang model sa gilid.
"Sorry Miss," my brother said then he smiled to the lady. Para naman itong na-hypnotize. Poor girl, tinamaan na yata sa kuya ko.
I rolled my eyes and stepped out of the elevator the moment it opens. Dumiretso na ako agad sa dressing room kung nasaan si Ate Celine.
"Good morning," I greeted her.
"O, ikaw lang? Si Miss Amely, nasaan?" tanong niya at sinilip ang nasa likuran ko. Sakto namang pumasok si kuya doon sa pintuan. "Ay, Sir. Bawal po kayo rito. For models only."
I laughed at my brother before pushing him outside.
"Bawal ka raw dito. Doon ka na lang sa photoshoot manood. Don't tell me interested ka sa pagma-make up?" pang-aasar ko na nagpapula sa mukha ni Kuya. May dumaan kasing models at sigurado akong nahiya siya.
"It's not a good joke. Pero kung sakaling magka-interes ako sa mga ganiyang bagay, girlfriend ko lang ang lalagyan ko ng makeup," seryosong sambit niya at tinalikuran ako.
Girlfriend daw, ni hindi pa nga siya nagkakaroon ng girlfriend. Wala pa kasi siyang ipinakikilala sa amin. Hayst, si kuya talaga, napaka-joker.
"Ate Celine, ayusan mo na po ako," sabi ko at umupo na sa harap ng salamin.
"Ang guwapo ng kuya mo. Hindi na ako nagtaka na maganda ka. Ang ganda ng lahi niyo, walang tapon," biglang sambit ni Ate Celine.
I almost laughed at her. Puro papuri na lang ang naririnig ko sa kaniya. Parang ayaw ko na tuloy maniwala.
"Well, thank you?" I said unsure.
Tumawa si Ate Celine. "Nasaan nga pala si Miss Amely?"
Bumuntonghininga ako at naisip na naman ang nangyari kanina sa bahay. Paniguradong kinakausap na ni Daddy si Tita Amely ngayon. Lagi na lang silang nagtatalo tungkol dito sa pagmo-model ko.
"Baka parating na 'yon. Kinausap pa kasi ni daddy kaya hindi kami sabay nakapunta rito," sagot ko.
Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si tita. Nakabusangot ang mukha at nagdadabog.
"I hate your dad, Amara. Super conservative and over protective. Biruin mo, ayaw na niyang may makasama kang lalaki sa photoshoot," bungad ni Tita sa akin na nagpalaki ng mga mata ko.
"What? He said that? Paano na 'yon? Papayag naman kaya si Mr. Lacuesta?" nag-aalalang tanong ko.
Nasapo ni Tita ang noo niya at padabog na umupo sa sofa dito sa kwarto.
"I will talk to him. Wala tayong magawa kundi pumayag sa gusto ni Ramsey. Ang sabi niya, papayagan ka lang niyang may ka-partner kapag naka-graduate ka na."
Ano ba naman si Daddy! Bago pa lang ako dito sa modeling ang dami nang ipinagbabawal. Nakakahiya kay Mr. Lacuesta. Baka isipin niya, nag-iinarte na ako agad samantalang baguhan pa lang ako.
Wait, no pairing with male models? So it means, hindi ko na makakasama si Jordan sa photoshoot?
May parte sa akin na natuwa kasi naiilang talaga ako kapag nandiyan siya pero may parte ring nadismaya. Basta, hindi ko maintindihan.
"Don't worry, Amara. Four years na lang at graduate ka na so konting-tiis. Soon, you can already do what you want."
Napapikit na lang ako nang mariin. Wala naman akong magagawa kundi maghintay. Maghintay kung kailan ako magiging malaya na gawin ang mga gusto ko.
"Do I have a choice, tita?" I asked her.
Kahit na nalungkot ako sa nalaman ay hindi ako nagpaapekto. Kailangan ko pang mag-photoshoot ngayong araw at hindi ko hahayaang madistract ako nang kahit ano.
Pagpasok sa loob ng studio ay may ibang models pa na nakasalang kaya naupo muna ako sa sofa kung nasaan si Jordan. I don't have a choice, iyon lang ang bakanteng upuan dito.
Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o maghintay na lang na siya ang unang bumati sa akin. Sobrang nakakailang talaga.
Kaya naman pagdating ni Tita Amely ay agad ko siyang sinalubong. Nakausap na niya si Mr. Lacuesta panigurado.
"Ano pong sabi ni Mr. Lacuesta? Pumayag po ba?" tanong ko.
Tita breathed before she answered. "Mabuti na lang napaka-understanding niya. Pumayag siya pero ngayong araw kailangan mo pa ring makasama si Jordan sa photoshoot. Don't worry, ito na ang last, for now."
Bahagya kong nilingon si Jordan na nakatingin na sa amin. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Tita.
"Jordan and Amara, it's your turn!"
Sabay kaming nagtungo sa gitna at hinintay ang instruction ng photographer. Habang naghihintay ay bahagyang lumapit si Jordan sa akin.
"So, ito na ang huling photoshoot natin together?" bulong niya kaya napalayo ako sa kaniya. Nakiliti kasi ako sa buga ng hininga niya. Pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.
"You're too close," I told him before I stepped forward. "And to answer your question, yes. Hindi na ako puwedeng makihalubilo sa male models mula ngayon."
"Too bad. But I'm willing to wait."
Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil tapos na mag-prepare ang mga staff. Hinayaan ko na lang ang sinabi ni Jordan. Mukhang nagbibiro lang naman siya o nang-aasar.
Bakit naman niya ako hihintayin? Wala na ba siyang ibang puwedeng makatrabaho bukod sa akin? Marami namang ibang models diyan. At for sure, marami ang gustong makasama siya sa photoshoot.
"Willing to wait for our next project, Amara," he whispered again and my heart skipped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top