34

Drunk


"Nice to meet you, Amara," Luke said and we shook hands.

Siya ang kasama ko ngayon sa photoshoot and I guess maayos naman siya sa trabaho. Hindi naman siguro siya pipiliin kung hindi siya magaling.

"Likewise," I told him.

Pagkatapos naming magkakilala ay nagtungo na ako sa dressing room para maayusan na ni Ate Celine. Katulad ng dati ay fierce look ang makeup ko ngayon dahil lingerie din naman ang isusuot ko. Ang pinagkaiba nga lang, hindi si Jordan ang kasama ko.

I am wearing a baby pink lingerie. Manipis at sobrang revealing nito kumpara noong nakaraan. Mukhang magagalit na naman ang seloso kong boyfriend.

"Wow! You looked hot. It's really my pleasure to work with someone like you," Luke praised me and I smiled at him.

I could say the same to him but I chose not to. Mahirap nang pumuri sa iba lalo pa kung nakikita kong mas lamang talaga si Jordan.

"Okay, let's start para matapos tayo agad," the photographer said.

This time, wala kami sa sofa kundi nasa kama na mismo. Gusto kong bulyawan ang nakaisip ng honeymoon theme. Talagang kailangan ko nang maghanda sa galit ni Jordan.

"Amara, umupo ka sa may headboard ng kama at Luke doon ka sa tapat ni Amara umupo. Open your thighs Amara para makausog siya. "

Damn! Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. May sapat na distansya naman si Luke para hindi masyadong malapit sa akin ang ulo niya pero naiilang ako.

"Fierce look!" he said before taking a shot on our pose.

Nang makuhaan iyon ay agad akong umayos ng upo. Sunod na pinagawa sa amin ay nakaupo ulit si Luke sa kama habang nakahiga ako sa lap niya.

"That's great!" the photographer said and we did another pose.

Nakahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko si Luke. Halos pigil ko ang hininga huwag lang magdikit nang husto ang katawan namin. Buti sana kung si Jordan ang kasama ko, baka nag-enjoy pa ako.

"Luke! Put your hand on her right thigh!" The photographer commanded and Luke did what he said.

Mukhang kinakabahan din si Luke dahil malamig ang kamay niyang dumampi sa hita ko. Mabuti na lang at iyon na ang huling shot. Makakauwi na rin ako sa wakas.

"Grabe, Amarantha! Walang kupas!" biro ni Tita Amely sa akin pagpasok ko ng dressing room.

Kasama ko siyang magpunta rito kanina dahil sinundo niya ako sa bahay.

I sighed. "I am nervous, Tita. Si Jordan kasi ang seloso."

Tumawa lang si Tita at tinapik ako sa balikat.

"Ayos lang 'yan. Maiintindihan niya rin na parte ng trabaho mo yan."

Sana nga. Ayaw ko kasi nang nag-aaway kami. Ayaw kong baka mapagod siya at iwan ako.

Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng building. Nag-message na sa akin si Jordan na nasa parking lot na siya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya tumawag. Pagkarating ko sa parking lot ay nakita ko agad ang kotse niya.

Agad akong sumakay sa may shotgun seat. Naabutan ko siyang nagpo-phone at nang silipin ko iyon ay nakita kong behind the scene photo iyon nang pictorial kanina. Yari na.

"Galit ka?" malambing kong tanong at humilig sa braso niya.

"Nope," he said then he started the engine.

Napanguso ako at pinagmasdan siyang seryosong nagmamaneho. Hindi raw siya galit pero ang tahimik niya. Hindi man lang niya ako kinamusta. Pero kahit na galit siya, ang guwapo niya pa rin. Ang sarap niyang titigan.

Nababaliw na yata ako!

Akala ko ay sa condo niya kami didiretso pero nagulat ako nang iuwi niya ako sa amin. Sayang, gusto ko pa naman siyang makasama nang mas matagal.

"Nagseselos ka na naman. Sa 'yo lang naman ako, e. Saka hindi ko naman alam na ganiyan pala ang kalalabasan," paliwanag ko pero tahimik lang siya. Huminga ako nang malalim dahil malapit nang maubos ang pasensya ko. "Alam mo? Bahala ka na nga."

Padabog akong bumaba mula sa sasakyan niya at mas nabigla ako nang agad din niya iyong pinaharurot paalis. Sumama nang husto ang loob ko. Hindi niya talaga ako sinuyo? Kung galit ako galit din siya? Aba, paano kami tatagal nito?

Sa sobrang inis ko ay agad akong nagpa-book ng taxi. Magpupunta ako sa high-end bar at maglalasing. Tingnan natin kung hindi siya sumabog sa galit.

"Another shot, please," I said to the bartender.

He gave me my nth shot of hard drink. Hindi ko na alam kung nakailan na ako basta iinom ako. Good thing wala namang may pakialam sa akin dito.

Nang makontento sa ininom ay nagpahatid ako sa taxi papuntang condo ni Jordan.

"Manong, keep the change. Ingat po," sabi ko bago bumaba ng taxi.

Huminga muna ako nang malalim at sinigurong tuwid ang lakad bago ako pumasok sa condominium. Baka mamaya may paparazzi at magkaroon na naman ako ng issue.

Pagtapat ko sa condo unit ni Jordan ay sunod-sunod kong pinindot ang doorbell. Sunod-sunod na halos mapudpod ang daliri ko. Tingnan natin kung hindi siya mainis.

I know, this is a very immature move but I was so disappointed and hurt.

Bumukas ang pinto ng unit ni Jordan at nakita ko siya. Wala siyang pang-itaas at mukhang kagagaling lang sa shower dahil naaamoy ko pa ang shower gel na gamit niya. Even though my eyes are half-hooded already, I could still see his glare. So handsome!

"Are you drunk?" he asked but I just walked past by him.

Now, let's see what I can do to piss him more. Hmmm.

"Amara, I'm talking to you," Jordan said then he pulled my arms to make me face him. I stared at him. "Bakit ka naglasing? Sinong kasama mo? Hindi ba hinatid na kita?"

Nanginig ang labi ko na parang batang pinagalitan dahil nahuling nakabasag ng pinggan. Sinamaan ko ng tingin si Jordan pero mukhang hindi gagana ang pagkamaldita ko ngayon dahil naiiyak na ako. Lasing lang ba ako o napuwing? Ano bang iniiyak ko?

"I hate you. Lagi ka na lang nagseselos...lagi mo akong inaaway...tapos iniwan mo pa ako doon sa amin hindi ka man lang nag-I love you. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako. Sorry naligaw lang. Uuwi na ako."

Akmang aalis na sana ako nang kabigin niya ako at niyakap. Mas umiyak ako dahil natatakot ako. Ayaw kong nagiging malamig si Jordan sa akin. Pakiramdam ko iiwan niya ako.

"Sshhh...I'm sorry. Damn! I have my reasons, I can't tell you."

Kumunot ang noo ko at tiningala siya.

"Ano na namang rason yan? Bakit hindi mo sabihin sa akin? Wala ka bang tiwala—"

Naputol ang sinasabi ko nang bigla niya akong atakihin ng halik na agad ko ring tinugon. Lahat ng inis na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang lumipad sa kung saan. Alam niya talaga kung ano ang kahinaan ko.

"May tiwala ako sa 'yo pero hindi ko pa talaga puwedeng sabihin. Nasira na ang parte ng plano ko baka ma-spoil ko na lahat."

Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko rin naman siya mapipilit na sabihin sa akin ang dahilan.

"Hindi ka galit sa akin?" tanong ko.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Nawala ang pag-aalala ko dahil ngayon alam kong ayos lang kami.

"I will never get mad on you. I love you," he said.

I smiled. "Can I sleep here?"

Natigilan si Jordan pero agad ding ngumisi nang malapad. Mukhang alam ko na ang iniisip ng isang 'to.

"Yes, baby. But, don't get drunk again okay?"

I nodded like an obedient kid. Hindi ko naman talaga ugaling maglasing. Kapag sumasama lang ang loob ko.

"Now let's go to my room and sleep," he commanded and we both entered his room.

I thought we really are going to sleep already but he suddenly pinned me on the wall and attacked me with his kisses. And that night is one of those memorable night for the both of us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top