31
WARNING: This chapter contains mature scenes that are not suitable for young readers! You've been warned! Read at your own risk.
Rated SPG: Sexual, Language
Wedding
"Now, you're smiling again. Dahil ba bumalik na siya?" tanong ni Markus nang tabihan niya ako rito sa may dalampasigan.
Hindi ko alam na nakangiti pala ako habang nakatanaw sa dagat. Pero hindi naman si Jordan ang iniisip ko. Magaan lang talaga ang pakiramdam ko ngayon.
"No. Pakiramdam ko kasi nabawasan na ang bigat na nararamdaman ko kaya nakakangiti na ako ngayon. Pero hindi naman siya ang dahilan no'n," paliwanag ko.
"Tsk. Kaya pala, nang makita ko siya sa unit mo nung nakaraan akala mo papatayin na ako, e. Hindi ko alam na madali mo siyang tatanggapin."
Kumunot ang noo ko. Naisip ko iyong pinag-usapan namin ni Jordan. Maayos na siya sa pamilya niya. Wala na ring Aireen na eeksena sa aming dalawa. Pero hindi ko pa rin siya tinatanggap ulit.
"Hindi ko pa siya tinanggap. Babawi muna raw siya pero tingnan mo ngayon, wala na naman siya. Hayst."
Pagkatapos naming mag-usap ni Jordan ay umalis din siya nang araw na iyon. Hanggang ngayon hindi siya nagpapakita pero araw-araw naman akong nakakatanggap ng bulaklak mula sa kaniya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ayaw niyang magpakita.
"Baka naman, napagod na siya agad. Dapat kasi tinanggap mo na," sambit ni Markus kaya inirapan ko siya.
"Gusto kong makasiguro muna bago ako susugal ulit. Nakakatakot kayang masaktan."
Muli akong humarap sa kalmadong dagat. Maaliwalas ang panahon ngayon kaya naisip kong tumambay dito. Pinakakalma talaga ako ng magandang tanawin.
"Ayos lang naman masaktan, at least naranasan mong magmahal. Kung hindi nasasaktan ibig sabihin hindi ka nagmamahal."
Huminga ako nang malalim. Nakarinig na naman ako ng words of wisdom mula sa kaniya. Ibang klase talaga siya magpayo. Akala mo lahat ng problema napagdaanan na niya.
Matapos ang makabagbag damdamin naming pag-uusap ni Markus ay bumalik na ako sa hotel. Pagpasok ko pa lang ng unit ko nang tumunog ang doorbell. Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang hotel staff.
"Miss Amarantha, pinabibigay po ni Miss Camellia. Wedding invitation po," sabi nito at inabot ang invitation card sa akin.
I smiled. "Thank you."
Pumasok na ako ulit sa loob ng unit at binasa iyon. How could I forgot? Malapit na nga pala ang kasal ni Camellia sa Mayor ng Isla Felice.
She's been a great friend and co-worker to me. Nang dahil sa cosmetics line niya ay nalibang ako rito kahit papaano.
It says here that the wedding would be June 19, it means six days from now!
"OMG I'm so excited!" I exclaimed even though I'm alone.
Tumunog ang phone ko at nakita ko ang name ni Camellia. Sinagot ko iyon.
"Hello, best wishes!" I greeted her and we both laugh.
"Natanggap mo na pala. May pupunta diyan na designer para sa gown mo. You are one of the bride's maid."
Napanganga ako sa sinabi niya. And here I thought, I'm just a visitor. Bridesmaid pa pala ako.
"Oh my gosh! Thank you. Congrats in advance!" I said.
"Thank you, Amara."
Katulad ng sinabi ni Camellia ay may dumating na designer para sukatan ako. Sobrang excited na ako kahit hindi naman ako ang ikakasal.
Days went on so fast and it's already their wedding day. A very special day for Camellia and Mayor Dominique.
Nandito na kami sa may simbahan at inaabangan ang pagdating ni Camellia. Hindi pa kami pumapasok dahil wala pa ang bride. Hindi ko rin alam kung sino ang kapareha ko sa paglalakad patungong altar. Halos lahat ng groom's men ay nandito na pero wala pa ring pumupwesto sa tabi ko. Naku, ayaw ko naman maglakad mag-isa.
Just like the other bridemaids, I am wearing a pink assymetrical long gown that has slit on my left thigh. My hair was in a perfect bun with a flower crown.
"Hoo! Muntik na akong ma-late."
Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jordan. Wearing a black suit and pants, he stood in front of me.
"Ikaw ang ka-partner ko?" tanong ko sa kaniya.
May narinig akong nagtilian sa gilid dahil sa pagdating ni Jordan. Pero teka, bakit invited siya? Kaibigan niya ba si Camellia?
"Yes, babe. Akalain mo 'yun, nandito ka rin," nakangising saad niya.
Kung hindi lang kami pinagtitinginan dito ay kanina ko pa hinampas ang lalaking 'to. Kainis! Kung makaasta akala mo hindi nawala ng isang linggo.
"Buti nagpakita ka pa. Akala ko habang buhay ka ng mawawala," sabi ko sa kaniya.
"Sabi ko sa 'yo hindi na ako aalis. Nandito lang naman ako."
I rolled my eyes. "Are you stalking me? Siguro sinadya mo ito 'no?" Pang-aakusa ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata niya at nagtaas ng kamay na parang sumusuko.
"Hindi 'no. Invited din ako kaya nandito ako. Baka naman kasi, destiny talaga tayo."
This is it! Hahampasin ko na talaga siya.
"The bride is here! Pumwesto na kayo!"
Damn! Mabuti na lang dumating na si Camellia dahil baka mapatay ko ang lalaking 'to.
Nang marinig namin ang musika ay nag-umpisa ng maglakad ang nasa pinakaunahan ng linya. At dahil nga si Jordan ang kasabay kong maglakad, kailangan kong kumapit sa braso niya.
"Relax. Ang lamig ng kamay mo," bulong ni Jordan kaya nag-init ang pisngi ko.
Nag-umpisa na kaming maglakad at sinikap kong huwag madapa dahil nanginginig ang tuhod ko. Sanay naman ako sa ganito dahil model ako. Naiilang lang ako na nandito si Jordan sa tabi ko at mukhang enjoy na enjoy na magkasama kami.
"You know what? Pangarap kitang makita na lumalakad patungong altar. Habang ako naghihintay sa 'yo sa harapan," biglang sambit ni Jordan na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Nasa simbahan tayo, huwag kang magsinungaling," sabi ko at saktong kailangan na naming maghiwalay para pumunta sa upuan na naka-assign sa amin.
Mabilis na nag-umpisa ang seremonya ng kasal at maging ako napaiyak nang sabihin nila ang kani-kanilang vows. Napakasuwerte nila sa isa't isa. Sana mahanap ko na rin ang taong para sa akin. Iyong kahit na gaano kahirap ang sitwasyon, hindi ako susukuan.
Hindi sinasadyang napalingon ako sa kabilang side at nagtama ang paningin namin ni Jordan. Ngumiti siya sa akin at nagwala na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Si Jordan na kaya ang taong nakalaan para sa akin? Siya na ba talaga? Wala na akong ibang gustong makasama kung hindi siya lang. At kung hindi man siya ang para sa akin, parang ayaw ko na lang umibig sa iba.
"Camellia!" Agaw-pansin ko sa atensyon ni Camellia nang dumating kami sa reception ng kasal nila.
“Amarantha, buti at nakarating ka," sabi niya at nagbeso kaming dalawa.
I smiled. “Of course. We've been working together and I consider you as my friend already. By the way, congrats sa inyong dalawa," sabi ko at nginitian na rin ang asawa niya.
“Best wishes, Dom and Camellia," Jordan said then he shook hands with them.
Wait...so magkakilala nga sila ni Mayor? Ibang klase talaga. Bigatin ang friends.
“Thank you. I see, hanggang dito nakasunod ka pa rin kay Amara," biro ni Camellia kaya natawa si Jordan. Ako naman ay napasimangot.
“Hey, for your information, hindi ko sinusundan dito si Mara, nagkataon lang na invited din ako," depensa ni Jordan.
“I thought you wouldn't come because you're busy? Nalaman mo lang na a-attend din si Miss San Diego nagpunta ka na," sabi ni Mayor Dominique.
Pinanliitan ko ng mga mata si Jordan dahil sa nalaman ko. And here I thought, coincidence lang ang lahat.
“See! You're stalking me. Bahala ka nga sa buhay mo!" padabog kong sabi at iniwan na siya doon.
Naiinis ako. Nagsinungaling na naman siya. May nalalaman pa siyang destiny kaming magtagpo tapos sinadya niya naman pala. Bahala siya sa buhay niya!
"Amara, wait!"
Mas binilisan ko ang lakad ko nang marinig ko ang boses ni Jordan na humahabol sa akin. Nang hindi makontento ay tumakbo na ako. Bahala na kung matapilok ako. Basta makalayo ako sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag nahuli niya ako ay hindi na niya ako pakakawalan.
Well, gusto ko rin naman iyon. Magpapahabol na muna ako ngayon. Mabuti na lang at nasa kabilang building lang ang hotel na tinutuluyan ko. Kahit takbuhin ko ay makakauwi ako agad.
Nang makapasok sa may lobby ng hotel ay nilingon ko agad ang entrance kung nakasunod ba si Jordan sa akin. Nang hindi ko siya makita ay sumakay na ako sa elevator.
"Napagod siguro siyang humabol kaya huminto na. Hay naku, kahit kailan ang daling sumuko," bulong ko sa sarili ko.
Padabog akong lumakad patungo sa unit ko. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang mapansin kong hindi iyon naka-lock.
"Hindi ko ba nai-lock ito kanina?"
Siguro sa sobrang excited ko sa kasal nila ay nakalimutan kong i-lock. Pero imposible. Never ko pang nakalimutang gawin ang bagay na iyon.
Dahandahan kong pinihit ang doorknob at pumasok. Patay ang lahat ng ilaw kaya kinapa ko ang switch pero may biglang humigit sa braso ko at isinandal ako sa pader.
"Gotcha!"
"J-Jordan?" I stuttered.
Alam kong siya ang kaharap ko ngayon dahil naaamoy ko ang bango niya. Nabosesan ko na rin siya nang magsalita siya.
"Yes, babe. And don't you dare run away from me again. Lagi mo na lang akong tinatakbuhan," bulong niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.
Lumunok ako bago magsalita dahil para akong natutuyuan ng lalamunan.
"P-Paano ka nakapasok?" tanong ko.
"It's a secret, baby. Now let me punish you for running away again. This time, I'll make sure you won't leave me, ever."
Kinabahan ako sa sinabi niya at bago pa ako nakakibo ay lumapat na ang labi niya sa labi ko.
Damn! I didn't know I missed his kisses until now. I wasted no time and I kissed him back.
My arms moved its way on the back of his neck to pull him closer. We kissed each other passionately. His hand caressed my waist before I felt it pulling down the zipper of my gown.
"This gown is frustrating me." He groaned and I chuckled.
So impatient!
Matapos ang ilang attempt ay matagumpay niyang natanggal ang gown ko. It fell down to my feet and he suddenly lifted me up.
"It's dark. Baka may mabangga ka," bulong ko nang maglakad siya papunta sa kung saan.
"I could clearly see how beautiful you are," he whispered that made me blushed.
Hindi ko alam kung paano pero nakarating kami nang matiwasay sa kwarto ko.
Oh damn! Hindi naman kami ang ikinasal pero mukhang magho-honeymoon kami.
May kaunting liwanag sa kwarto ko mula sa bintana dahil sa buwan kaya nakikita ko na si Jordan ngayon. Nang ilapag niya ako sa kama ay agad din siyang pumaibabaw sa akin.
"Do you want me to continue?" He asked that almost melt my heart. I never thought that he would still ask me that again for the second time.
I smiled giving him the sign to continue. And without further saying anything he removed his clothes leaving his boxers. He continued kissing me and it's my time now to caressed his body.
"I love you, Amarantha San Diego," he whispered before I felt his manhood entering me.
"I love you, Jordan," I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top