30
Unexpected Visitor
"Nakasimangot ka na naman."
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkain ko at nakita ko si Markus. Umupo siya sa upuang nasa tapat ko at nakapangalumbabang tumitig sa akin.
Kasalukuyan kasi akong kumakain ng hapunan dito sa resto.
"Hindi naman, 'no. Alangan namang kumain ako nang nakangiti? Edi ang weird, no'n?" pamimilosopo ko sa kaniya.
Hindi man lang siya natawa kaya bumuntonghininga ako. Mukhang makakarinig na naman ako ng Words of Wisdom mula sa lalaking 'to.
"Babalik na ako sa hotel," sabi ko at tumayo na. Wala na rin naman akong ganang kumain. May naalala na naman kasi ako.
Gano'n pa man ay alam kong sinundan ako ni Markus. Lagi naman siyang nakasunod sa akin. Parang walang trabaho.
"Amara—
"Markus," I cut him off. "Huwag mo na akong pangaralan. Puno na ako sa kasesermon mo. Daig mo pa ang parents ko," natatawang sabi ko sa kaniya.
Sabay kaming pumasok sa lobby ng hotel at saktong nakabukas ang telebisyon doon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang litratong nag-flash sa screen.
"This is Architect Aireen Santos, the long-time girlfriend of Jordan Emerson. Isn't she a beauty?"
Nangatog ang binti ko habang pinapanood ang bawat pag-flash ng litrato nina Aireen at Jordan sa screen.
"Matapos ang napakaraming babaeng na-link kay Jordan, may isa na palang nanalo at nagmamay-ari ng puso niya."
Suminghap ako dahil parang kinakapos ako ng hininga. Wala naman akong nararamdamang kahit anong sakit. Parang manhid na ang puso ko. Hindi na nga rin tumutulo ang luha ko. I'm just too tired from all of these.
"Amarantha, ihahatid na kita sa room mo. Huwag mo nang panoorin 'yan," bulong ni Markus at hinigit na ako patungong elevator. Hindi na ako nagmatigas dahil parang nanghihina ako.
I was staring to my reflection. My eyes were full of sadness. But there were no sign of tears. Just sadness and tiredness.
"You know you can cry. Hindi mo kailangang pigilan," sambit ni Markus.
Umiling ako at mapait na ngumiti. Nilingon ko si Markus.
"H-How? Wala na akong mailuha. Sobrang bigat pa rin ng puso ko pero hindi na ako makaiyak."
Nang bumukas ang elevator ay dirediretso ako sa unit ko. Pabagsak akong umupo sa sofa at pumikit.
"Alam kong nasasaktan ka pa rin kahit dalawang buwan na ang nakalipas," dinig kong sambit niya.
Nagmulat ako at tumitig sa kisame. Pagak akong natawa. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong natigilan si Markus. Siguro iniisip niyang nababaliw na ako.
"Akalain mo 'yun? Dalawang buwan na pala. Dalawang buwan na mula nang ipagtulakan ko siya palayo. Tapos ang kapal ng mukha kong masaktan ngayon?" sambit ko.
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Nandito lang ako para sa 'yo," sabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Dahandahan kong binawi ang kamay ko. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Hindi naman lingid sa akin ang nararamdaman niya. Hindi ko naman gustong paasahin si Markus. Ayaw kong saktan siya sa huli.
"Sige, aalis na ako. Magpahinga ka na."
Pinagmasdan ko siyang lumabas ng unit ko. Hinilot ko ang sentido ko dahil parang sumasakit na naman ito. Hindi na ako tinantanan ng stress.
Biglang tumunog ang phone ko kaya inabot ko iyon mula sa mesa. Tumatawag si Mommy.
"Hello, mom!" I greeted her.
"Amara, I missed you. Are you doing fine there?"
I nodded even though she cannot see me. Sa loob ng dalawang buwan na pananatili ko rito, ilang beses na ring dumalaw ang pamilya ko sa akin. Nalaman nila ang nangyari kaya ayaw na nila akong bumalik sa Manila. Pero alam naman nilang hindi puwede iyon. Kailangan kong bumalik dahil may trabaho ako.
"Yes, Mommy. Ayos lang po ako," sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni mommy.
"Ayos ka lang ba diyan sa hotel? Sabi ko naman sa 'yo bibilhan ka na namin ng bahay diyan para doon ka na—
"Mom! You don't have to. Babalik din naman po ako diyan. Give me a month," I told her.
"Okay, fine. Just keep safe okay?" she said.
"Yes, mom. I love you. Tell dad and kuya I missed them."
"We love you, too."
After that, I hung up. It was already 8:30PM and I was already exhausted that was why I decided to sleep early.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog nang tumunog ang doorbell. Nilingon ko ang orasan sa may bed side table ko at nakitang alas-dos na ng madaling araw.
Sino naman kaya ang bibisita nang ganitong oras? Hindi ba niya alam na nakakaistorbo siya ng tulog?
Padabog akong bumangon at isinuot ang roba ko dahil manipis ang suot kong pantulog. Pupungas-pungas akong naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon.
Para bang lumipad palayo ang antok na nararamdaman ko nang makita kung sino iyon. Napaatras ako kaya malaya siyang nakapasok sa unit ko.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong.
"Nakikiusap ako. Huwag mo muna akong ipagtabuyan ngayon. I'm tired. Can I sleep here tonight?"
Suminghap ako sa sinabi ni Jordan. Kahit hindi niya sabihin, halata sa itsura niya ang pagod. Para bang ilang araw na siyang walang tulog. Namamaga ang eyebags niya at magulo ang buhok.
Hindi naman ako gano'n kasama para hindi siya kaawaan sa itsura niya. Patutuluyin ko muna siya ngayong gabi at bukas ko na siya pagpapaliwanagin.
"Sige. Kaya lang isa lang ang kwarto dito kaya sa sofa ka matulog," sabi ko at tinalikuran na siya.
Bumalik na ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama. Pumikit ako nang mariin dahil mukhang hindi na ako ulit makakatulog. Hindi ako mapakali ngayong alam kong nandiyan lang siya sa labas ng kwarto ko.
"Kainis! Ako pa yata ang mapupuyat nito!" singhal ko at padabog na bumangon. Lumabas ulit ako ng kwarto at nadatnan ko si Jordan sa sofa na mahimbing ang tulog.
Parang may natunaw sa puso ko nang lapitan ko siya. He looked so tired and stressed. Ano bang nangyari sa kaniya? Akala ko ba ayos na siya sa pamilya niya? Nagsakripisyo ako para hindi siya mahirapan tapos makikita ko siyang ganito?
Mas nilapitan ko pa siya at marahan kong hinawi ang hibla ng buhok niya na tumatabing sa kaniyang mata. Nakonsensya naman ako na dito ko siya pinatulog. Malamig dito sa sala ng unit ko at wala pa siyang kumot.
Mabilis akong nagpunta sa kwarto at kumuha ng isa pang kumot. Agad ko iyong itinabon sa katawan ni Jordan.
"I missed you," I whispered. "I'm sorry."
Natakot ako na baka umiyak pa ako rito sa tabi niya kaya bumalik na ako sa kwarto. Nakatulog na rin ako agad pagkahiga ko. Kinabukasan, nagising ako at naabutan ko si Jordan na naghahanda ng almusal.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang kumukuha ng tubig sa ref. Huminto siya sa pag-aayos ng pagkain sa mesa at tinaasan ako ng kilay.
Wow! Ang sungit naman ng lalaking 'to!
"I'm preparing breakfast for the both of us. Pero mukhang may iba pa lang naghahatid ng almusal mo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at sinulyapan ang paper bag na nasa mesa rin. Napangiti ako nang maalala na madalas pala akong hatiran ni Markus ng almusal. Pero wait, ibig sabihin galing siya rito?
"You met Markus?" I asked Jordan and he glared at me. "Problema mo? Nagtatanong lang naman ako."
"Pinagseselos mo ba ako? Gumising ako nang maaga kahit inaantok pa ako para magluto ng almusal tapos biglang may kakatok dito para magdala ng pagkain mo," inis niyang sambit.
Napairap tuloy ako. Kung makaasta siya akala mo kasalanan ko iyon. Hindi ko naman napipigilan si Markus na maghatid ng pagkain.
"Sino ba kasing may sabi na magluto ka? At saka, aalis ka rin naman kaya bakit kung umasta ka parang magtatagal ka rito?" tanong ko sa kaniya.
Natigilan siya sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumuha na ng plato para kumain.
"I am planning to stay. Hindi na ako aalis," seryosong saad niya kaya ako naman ang natigilan.
"Puwede ba, tigilan mo ako. Baka mayroon na namang sumugod dito kapag nalaman nilang narito ka. Kaya mabuti pa, umalis ka na."
Padabog akong tumayo at babalik na sana sa kwarto ko pero hinigit niya ang braso ko. Iwinaglit ko ang kamay niya ngunit mas malakas siya sa akin.
"Let me explain first!" He shouted that made me stilled. "I'm sorry. Just please, let me explain my side."
Gusto ko man siyang itulak palayo, gusto ko ring marinig ang paliwanag niya kung bakit narito siya ngayon.
"First of all, I'm sorry. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ng pamilya namin. Hindi ka dapat pinuntahan ni ate dito—
"It's okay. Naiintindihan ko na mas gusto niya si Aireen para sa 'yo," putol ko sa sinasabi niya.
"That's not true. Iba ang dahilan ng pamilya ko kung bakit ayaw nilang hiwalayan ko si Aireen. Sorry kung umalis ako at iniwan kita nang matagal. Akala ko makakabalik ako agad kapag nakausap ko na ang magulang ko pero hindi pala gano'n kasimple iyon."
Umupo siya at yumuko. Para bang nahihirapan siyang magpaliwanag.
"Bakit? Ano bang dahilan ng pamilya mo para paglayuin tayo?" tanong ko.
Bumuntonghininga siya. "Ang mga magulang ko... nakagawa sila ng kasalanan sa pamilya ni Aireen. At para hindi magsampa ng kaso si Aireen, kailangan ko siyang pakasalan."
Naguguluhan ako. Hindi ko ma-absorb ang sinasabi ni Jordan. Ang parents niya may kasalanan sa pamilya ni Aireen? Anong kasalanan naman iyon?
"'Di ba abogado ang parents mo? Bakit hindi sila makalusot sa kaso nila? Ano bang kasalanan?" sunod-sunod kong tanong.
"Ayaw ko nang pag-usapan. Ang mahalaga, hindi ko na kailangang pakasalan si Aireen. I begged for her not to sue my parents. I begged for my family. And I also begged for her to let me go."
Rumagasa ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maisip na magmamakaawa si Jordan para sa pamilya. Kahit naman ako kaya kong gawin iyon. Pero sa lahat ng pagdurusang dinanas namin nang dahil sa magulang niya, nagawa niya pa rin itong protektahan.
"Pumayag si Aireen?" tanong ko.
Tumango siya. "I feel so guilty that time when she told me how much she loved me. Naaawa ako sa kaniya dahil naging mabuti siya sa akin pero nasaktan ko siya."
"So dapat hindi mo na siya binitawan. Dapat minahal mo na lang din siya."
He looked at me with his bloodshot eyes.
"Paano? Iisa lang ang kaya kong mahalin at ikaw iyon, Amarantha. Kaya nga ako nandito dahil gusto na kitang bawiin."
I gasped when he suddenly stood up.
"Sinungaling ka. Nakita ko sa palabas kahapon na pinangangalandakan mo nang girlfriend mo si Aireen!"
"Did you really watched it fully?"
Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko naman talaga pinatapos ang palabas. Hindi naman ako martyr para panoorin pa ang bagay na makasasakit sa akin.
"Paano ka nakasisiguro na sasama ako sa 'yo? Malay mo, may mahal na pala akong iba?"
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Pero agad ding nawala nang ngumiti siya.
"Ayos lang. Paiibigin na lang kita ulit. And this time, I will never let you go."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top