27
Work
"Take care there, okay? Tumawag ka kapag dumating ka na doon," bilin ni Mommy pagkababa ko sa sala.
Agad na kinuha ng driver ang bagahe ko para ilagay iyon sa kotse.
"Opo, mommy. Don't worry about me, I can handle myself," I assured them.
Sunod kong niyakap si Dad na nanonood lang sa amin ni Mom.
"Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang," sabi ni Dad at hinalikan ako sa ulo.
I waved at my parents before I entered the car. Ngayong araw ang alis ko papuntang Palawan. Ang sabi ni Tita Amely, may isla raw doon na makakatulong sa akin para magbawas ng stress sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Hindi makakasama sa airport sila Mom at Dad dahil may trabaho sila. Si Tita Amely naman ay abala sa pag-aayos ng kinasangkutan kong isyu. Gusto ko man siyang tulungan, pero tinanggihan niya. Si Kuya ang kasama ko ngayon dito sa kotse.
"Sana maka-move on ka na habang nandoon ka sa isla," biglang sabi ni Kuya kaya natawa ako.
"Seriously? Hindi naman ako ilang taong mag-i-stay doon kaya malabong mangyari 'yan. Ikaw, sana malaman mo kung gaano siya kahalaga sa 'yo."
Natahimik si Kuya at nakakunot-noong lumingon sa labas. Ngumuso ako at hindi na nagsalita.
Sa pagpunta ko sa Palawan, siguro iisipin nila na tinatakasan ko ang isyu sa akin. Well, isa iyon sa mga dahilan pero bago pa man nangyari ang gulo na 'yon, nakapagdesisyon na akong magbakasyon.
I haven't opened my social media accounts since the event. Ni hindi rin ako nag-e-entertain ng mga tawag at texts mula sa iba't ibang taong gustong makasagap ng impormasyon tungkol sa mga nangyari. Hindi ko pa rin nakakausap si Jordan tungkol sa ginawa ni Aireen dahil galit ang pamilya ko sa kaniya.
"Mag-enjoy ka doon, ha? Kami na ang bahala sa mga nangyari. Be happy," Kuya said before hugging me.
Hindi rin nagtagal ay tinawag na ang flight ko at kinailangan ko nang iwan si Kuya doon.
Ilang oras din ang itinagal ng flight patungong Palawan. Nakatulog ako sa byahe at nagising na lang nang malapit ng mag-landing ang eroplano. Ang sabi ni Tita Amely, may susundo na raw sa akin mula dito sa airport at ihahatid ako sa Isla Felice patungo sa hotel kung saan ako naka-check in.
True to her words, there was an SUV waiting for me outside the airport. The driver helped me with my luggage before we went to the hotel.
Nasa sasakyan pa lang ay nasasabik na akong makita ang isla. Nag-search ako tungkol doon at magaganda ang mga nakita kong lugar. At hindi ako nabigo, dahil pagkababa ko sa SUV ay tumambad sa akin ang napakagandang tanawin.
"Welcome to Isla Felice, Miss Amarantha. Ang isla kung saan napupuno ng saya ang mga puso ng tao," bungad sa akin ng isang tour guide na sumalubong. May isinuot siyang kwintas na bulaklak sa akin.
"Thank you," I smiled at him.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. Nasa harap ng mismong dagat ang hotel na tutuluyan ko. May mga cottage sa kanang bahagi ng hotel at sa kaliwa naman ay may mga nipa hut. Palubog na ang araw kaya nag-uumpisa nang magkulay kahel ang kalangitan.
Sino ba namang hindi sasaya kung ganito kaganda ang makikita mo? Bagay na bagay dito ang pangalan ng isla.
"Ihatid ko na po kayo sa room n'yo?" tanong ng driver ng SUV na may bitbit ng luggage ko.
Tumango ako. "Sige po. Salamat."
Sumunod na ako sa kaniya at ipinakita ko muna ang ID ko sa receptionist bago ako tumuloy sa elevator. Nang makarating sa tamang palapag ay hinanap ko na ang unit ko. Agad ko iyong binuksan at hinayaan si Manong na ilapag sa sala ang maleta bago siya umalis.
I immediately opened the sliding door to the balcony and smiled when I saw the breathtaking view of the beach. Nilipad ang buhok ko nang umihip ang malakas na hangin at napapikit ako para damahin iyon. Huminga ako nang malalim.
Ang gaan naman sa pakiramdam dito. Kararating ko pa lang pakiramdam ko gusto ko nang manatili dito nang pangmatagalan.
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa aking small bag. Tumatawag si Mommy.
"Hello, Mommy," I greeted her.
"Amara, how are you? Have you landed safely?" she asked from the other line.
I smiled. "Yes, Mom. Sayang at hindi po kayo nakasama sa akin. Ang ganda-ganda po rito."
"I'm happy that you're fine there. Nagkataon kasi na hindi kami puwedeng mag-leave. Enjoy there, okay?"
"Opo. Take care, Mom. I love you."
"You too. I love you."
She ended the call and I decided to go back inside to change my clothes. Maglilibot na muna ako dahil hindi naman ako pagod at inaantok. I am now wearing a strapless floral dress that ends up on my knees. I matched it with my strappy sandals. I grabbed my small bag, sunglasses and camera before I went out.
"Wow!" I muttered when I went on the seashore.
Napakalinaw ng tubig at malamig sa paa. Mula rito sa puwesto ko ay natatanaw ko ang maliliit na bundok sa malayo. Padilim na pero maliwanag pa rin dito dahil inaabot ng liwanag mula sa hotel. Marami pa ring mga tao na nasa labas pero kadalasan ay may mga kasama sila. Ako lang yata ang namamasyal mag-isa.
I smiled bitterly. Hayst. Siguro dapat ko nang sanayin ang sarili ko na mag-isa. After all, sarili ko lang naman ang maaasahan ko.
"Sayang naman ang camera mo kung hindi mo gagamitin."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang tour guide kanina na sumalubong sa akin. Hindi na siya naka-uniform ngayon at nakaputing V-neck shirt at pants na lang.
"Dumilim na kasi, balak ko sanang picture-an ang sunset," sabi ko at nilingon ang kalmadong dagat.
"Madilim na pala, para ka kasing nagliliwanag sa ganda, e."
Nilingon ko siya at napakunot ang noo ko. Bigla naman siyang nangamot sa batok niya at bahagyang namula. Hindi ko mapigilang matawa.
"You know what? Samahan mo kaya ako bukas mamasyal? Tour guide ka naman so ilibot mo ako rito sa isla," suhestyon ko at napangiti naman siya.
Mukha naman siyang mabait at responsable kaya may tiwala ako sa kaniya. Kaysa naman mamasyal ako mag-isa. Ang loner ko namang tingnan no'n.
"Sure. Nasa lobby lang ako madalas. Punta ka na lang kapag mamamasyal ka na."
Pagkatapos naming mag-usap saglit ay hinatid niya na ako sa loob ng hotel. Nagugutom na ako kaya kakain na muna ako sa cafeteria dito.
I was in the middle of eating when someone approached me.
"Amarantha San Diego?" the lady asked and I nodded, confused. The lady smiled widely.
"Yes? Do you need something?" I asked her.
Umupo siya sa tapat ko kaya ibinaba ko na muna ang kutsarang hawak ko. Mukhang may mahalaga siyang sasabihin.
"Let me introduce myself first, I am Erich Silvia." She introduced herself and we shook hands. "I emailed you but I didn't receive a feedback so I assumed that you're busy."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako nag-che-check ng emails nitong mga nakaraang araw. So baka natambak na ang mga iyon.
"Sorry, I haven't opened my emails yet," I apologized.
"It's fine. Mabuti na lang at nalaman ko na narito ka kaya hindi ko na kailangang lumuwas sa Manila. I have something to offer to you."
I nodded. "What is it?"
"Well, my friend just launch her cosmetics line and I want you to be one of the endorsers of the products."
I bit my lower lip. I am here for vacation but work keeps on following me. Gusto ko mang tanggihan siya ay hindi ko kaya. Besides, balak niya pa akong sadyain sa Manila para lang sa request niya so it means mahalaga sa kaniya ang mapapayag ako.
Napansin yata niya na nagdadalawang-isip ako kaya bahagya siyang sumimangot.
"Ahm, I know that you're here for vacation but—
"I'll take it. Kailan ko ba ime-meet ang friend mo?"
Nanlaki ang mga mata niya at mukhang natuwa dahil pumayag ako.
"Maybe, the next day? Kung kailan ka free."
Tumango ako at nginitian siya. Panay ang pasasalamat niya hanggang sa umalis siya. Huminga ako nang malalim. Hindi naman siguro masisira ang bakasyon ko sa ginawa ko 'di ba?
"What? I told you don't accept work related projects there. Bakasyon mo 'yan," sermon ni Tita Amely habang kausap ko siya via video call.
Tinapos ko ang skin care routine ko bago tuluyang humarap sa aking laptop.
"That's the last, Tita. Hindi ko lang natanggihan dahil mukhang gusto talaga nilang mapapapayag ako."
Nakita ko ang pagbuga ni Tita ng hininga niya kaya natawa ako.
"Okay, fine. Basta mag-relax ka lang diyan. Huwag ka nang tumanggap ng ibang trabaho."
"Opo. Sige na, Tita. Magpapahinga na ako at maaga po ako bukas para mamasyal."
"Bye! Take care!"
The call ended and I closed my laptop. I stared at the night sky for awhile before I went back to bed to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top