26

Role Model


"Amarantha, I'm sorry. Alam kong nag-request ka ng pahinga tapos pinilit pa kita," sabi ni Tita habang inaayusan ako ni Ate Celine.

"Ayos lang po, Tita," sagot ko at pumikit para malagyan ako ng eyeshadow.

Nagpunta si Tita dito sa bahay dahil may natanggap daw siyang invitation sa isang charity event at nag-request iyon na isama ako ni Tita. Hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko nang magtrabaho talaga. Isang araw pa lang akong nasa bahay nabuburyo na ako.

"Don't worry, this will be the last. Gusto mo ako pa ang mag-book ng flight mo para makapagbakasyon ka muna."

Ngumiti ako at hindi na kumibo. Gusto ko rin namang magbakasyon pero hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Pag-iisipan ko na lang muna.

"Tapos na, Miss Amara."

Nagdilat na ako nang sabihin ni Ate Celine iyon. Natural look lang ang makeup ko ngayon. Hindi naman iyon fashion show or what. Simpleng charity event lang at nae-excite ako dahil puro mga bata ang makikita ko doon.

"Magbihis ka na at magbibihis na rin ako," bilin ni Tita at tumango ako.

I went inside the bathroom and change my outfit. It is a white body-connected dress that ends up on my mid-thigh and I pair it with my black stilleto. My hair was in a high ponytail style.

Paglabas ko ay nakaayos na rin si Tita Amely. She's wearing a white asymmetric dress that also end up on her mid-thigh. Matangkad si Tita pero mas tumangkad siya dahil sa suot niyang heels.

We both sprayed some perfume before we went out of my room. Ihahatid kami ng driver sa venue kaya hindi na kailangang magmaneho ni Tita.

"Don't worry about the paparazzi. They won't bother you tonight," Tita assured me and I smiled at her.

Hindi naman iyon ang pinoproblema ko. Naisip ko kasi si Jordan. Baka naroon din siya sa event na iyon. Sa pagkakaalam ko kasi ay may ibang celebrities na inimbitahan din para dumalo sa event.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa condo ni Jordan. Sobrang awkward ng ilang minutong paghihintay ko sa condo niya. Hindi naman siya nang-asar pero nahihiya pa rin ako.

"Invitation, Miss," the guard asked when we entered the hotel.

Ipinakita ni Tita Amely ang dalawang invitation card para sa amin. Agad din naman kaming pinapasok sa loob nang makita nila iyon.

When we entered the venue, I was amazed. The hall are full of different colors. The staff made a great job in making it look like a paradise for the kids with special condition.

"Amely, thank you for coming tonight," A middle aged woman greeted Tita Amely and they kissed each others cheek.

Tita Amely smiled. "Of course. Hindi ako makatatangi sa invitation mo. By the way, this is my niece. Amarantha." She gestured to me and I shook hands with the woman.

"Nice to meet you, po," I said.

"Nice to finally meet you in person. I am Helena Bautista," she told me.

Tumango ako nang ma-realize na siya ang may pasimuno ng event na ito. Muli silang nag-usap ni Tita Amely habang iginigiya niya kami patungo sa aming mesa.

Tama nga ang narinig ko. May ibang celebrities din na nandito kaya maraming guests. Mas matutuwa nga naman ang mga bata kapag nakita nila ang idols nila. Napaisip tuloy ako kung mayroon bang umiidolo sa akin. Nakakakaba, sa dami ng isyung nasangkot sa akin parang hindi ako deserve maging role model nila.

"Ladies and gentlemen, this year marks the 15th anniversary of Save The Youth charitable institution and we are glad that you are all here to celebrate with us. This event is for all of us to show our love and support to the youth. And to formally start this event, I would like to call on STY choir for the opening performance."

Sumabog ang masigabong palakpakan nang isa-isang pumunta sa stage ay may mga kapansanang bata ngunit magagaling na mang-aawit. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood sila. Natutuwa ako na hindi hadlang ang karamdaman nila upang mamuhay nang katulad sa iba.

"Amara." Binawi ko ang tingin mula sa stage at nilingon si Tita. "May favor kasi si Miss Helena. She wants you to give a speech later for the children. Marami raw kasing humahanga sa 'yo sa mga batang nandito."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Tita at muling lumingon sa mga bata sa stage.

"Tita, I'm not prepared," I told her.

Natatakot akong baka magkalat lang ako doon sa harapan. Ang dami pa namang bisita.

"Please, Amara. Just a short message for them would do. Isipin mo na lang na advance Christmas gift mo na para sa kanila."

Kinakabahan man ay tumango pa rin ako. Hindi na tuloy ako mapakali sa inuupuan ko hanggang sa marinig kong tinawag ang aking pangalan. Agad na tumapat sa akin ang spotlight habang naglalakad ako patungong stage.

Huminga ako nang malalim bago humarap sa mga batang nandoon sa mismong harap ng stage.

"Hi. First of all, I would like to thank Miss Helena for inviting me here in this wonderful event." I started. "May nakapagsabi sa akin na marami raw umiidolo sa akin dito? Well, thank you. Gusto ko lang sabihin na mamuhay kayo nang masaya at abutin ninyo ang mga pangarap n'yo sa buhay. Huwag n'yong hayaan na hadlangan ng kalagayan ninyo ang inyong mga pangarap. Pero ang pinakamahalaga, mabuhay kayo nang masaya."

Natigilan ako nang makita ko sa audience si Aireen. Nakangisi siya na parang may pinaplano siyang masama. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at namawis ang kamay ko.

"T-That's all. Reach your dreams and maybe soon you all be like a superstar," I ended the speech and I immediately went down the stage.

Didiretso sana ako palabas ng venue pero may humarang sa dinaraanan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Aireen.

"They idolized you, huh? Ano na lang kaya ang reaksyon nila kapag nalaman nilang nang-aagaw ng boyfriend ang idol nila?"

Napaatras ako pero agad niyang hinablot ang braso ko. Nakuha namin agad ang atensyon ng ibang bisita at media.

"Are you ashamed of yourself now? Because you are a mistress?" She shouted and I slapped her hard.

Hindi ko na sana siya papatulan dahil nakakahiya kay Miss Helena pero wala siyang karapatan na ipahiya ako.

"Wala akong inaagaw sa 'yo! Hiwalay na kayo 'di ba? Ano pang kinagagalit mo?"

"Dahil sa 'yo! He broke up with me because you seduced him! You are a flirt!"

Mas lalo akong nagalit dahil sa mga ibinibintang niya. Hindi ko inakit si Jordan. Siya ang lumapit sa akin at nangulit.

"What is happening here? You are ruining the event!" Miss Helena shouted when she approached us.

Damn! Bagong issue na naman! Great! Just great!

Hinarap ni Aireen si Miss Helena na para bang kinukuha niya ang simpatya nito.

"Miss Helena, dapat sinisigurado n'yo kung role model ba talaga ang pinapapunta n'yo rito. Baka naman isang kabit na nagpapanggap na anghel."

Narinig ko ang ibang bulong-bulungan sa paligid. Totoo nga talagang mabilis kumalat ang chismis. Naturingang mga may pinag-aralan, basura naman ang ugali.

"That's not true! Wala kaming relasyon ni Jordan kung 'yan ang iniisip mo! At mas lalong hindi niya ako kabit! 'Di ba ang sabi ko sa 'yo, itali mo na siya sa tabi mo nang tigilan niya na ako!" sigaw ko sa kaniya kaya agad niya akong sinugod.

"How dare you!" she was about to slap me but someone caught her hand.

"Lay one finger on my sister and I'll make sure that you'll live your life like a living hell," Kuya warned her.

Gulat kong tiningnan si Kuya. Anong ginagawa niya rito? Invited din siya? Pero bakit?

"Sige! Kunsintihin mo 'yang kapatid mo! Sigurado naman akong hindi na siya makakabalik dahil sirang-sira na ang image niya sa mga tao," galit na sambit ni Aireen.

Hindi na ako nakaimik pa dahil agad akong hinatak ni Kuya palabas ng venue. Natakot ako sa sinabi ni Aireen dahil alam kong mabilis na kakalat ang issue. Baka tuluyan na akong mawalan ng career. Baka tuluyan nang mauwi sa wala ang pinaghirapan ko.

Huminto si Kuya sa paglalakad at hinarap ako. Tiningala ko siya habang tumutulo ang mga luha ko. Agad niya akong niyakap.

"Sshhh. Don't listen to her. Hindi mangyayari ang sinasabi niya. Mahal ka ng fans mo at hindi sila maniniwala sa sinabi ng babaeng 'yon," pang-aalo ni Kuya sa akin.

"Arman, is she okay?"

Napalingon ako sa nagtanong at nakita ang ate ni Jordan. Doon ko napagtanto na siguro magkasama sila ni Kuya dito sa event.

"She's not. And this is because of Jordan. Can you do us a favor? Make sure that he will never bother my sister again," Kuya told her and I saw the pain in her eyes.

"Hindi ko kontrolado ang desisyon niya. Pero makakarating ang sinabi mo. Don't worry, I'll make sure that we will never bother you anymore. Goodbye, Arman," she said before she slowly walked away.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Kuya kaya muli ko siyang tiningala. Nakatanaw pa rin siya sa papalayong si Ate Jenica.

"Magkapatid nga tayo. Parehong komplikado ang lovelife natin," sabi niya at tumawa pero alam kong peke iyon. Alam kong gusto niyang sundan si Ate Jenica pero hindi niya ginawa dahil kasama niya ako.

"You love Ate Jenica," I stated a fact.

"It doesn't matter now. Alam kong mahihirapan ka lang kapag may koneksyon pa tayo sa kanila kaya mas mabuti nang itigil na namin ito. Umuwi na tayo."

Nakonsensya ako dahil pati ang relasyon nila Kuya at Ate Jenica ay naapektuhan. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya ako rin ang aayos. Ako na lang din ang lalayo sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top