25

Next Level


I woke up when I felt the sunlight hitting my face. I glanced at the clock beside me and I saw that it was already ten O'clock.

Magpa-panic na sana ako dahil late na ako sa photoshoot pero naalala kong nagkasundo pala kami ni mommy kagabi na hindi na muna ako papasok sa trabaho. Kaya naman nagtagal ako sa loob ng shower room para maligo bago ako lumabas ng kwarto at bumaba sa hapagkainan.

Nandoon na si Kuya at nagkakape habang nagt-type ng kung ano sa laptop niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya kaya kinunutan ko rin siya ng noo.

"Wala kang pasok sa trabaho?" sabay naming tanong sa isa't isa.

Ngumuso ako at umupo sa tapat ni Kuya. Agad naman akong pinaghanda ng almusal ng isa sa mga katulong na nasa dining area.

He shrugged. "Well, dad asked me to stay here. Bantayan daw kita habang wala sila."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngumisi siya.

"Bakit mo naman ako babantayan? What am I? A seven year old kid?"

"Nope. A newborn baby," he teased and I throw at him the spoon in front of me. Agad naman niya iyong nasalo. Bigla ko tuloy naalala iyong sinabi ni Jordan.

Am I really a baby for them?

"Seriously, they asked me to look after you. Baka kung anong gawin mo kapag mag-isa ka lang," dugtong pa niya.

I rolled my eyes at him. "Whatever."

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng toast bread na may Nutella. Habang si Kuya ay bumalik sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Kahit nasa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag. Napakasipag talaga niya.

"So, dahil inutusan ka rin naman nila Dad na bantayan ako, samahan mo na lang akong mag-shopping," sabi ko at nginitian si kuya.

Pumikit siya nang mariin na parang sumakit agad ang ulo niya sa sinabi ko. One fact about my brother, he hates shopping. Kawawa naman ang magiging future girlfriend niya.

"Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na bantayan ka. Sana pala hindi na lang," pagsisisi niya kaya natawa ako.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko bago bumalik sa kwarto para kunin ang wallet at phone ko. Hindi na ako magpapalit ng damit dahil maayos naman na ang suot ko. Gray V-neck shirt at maong shorts with a pair of flipflops lang ang suot ko. Kinuha ko lang ang sumbrero para hindi ako agad mapansin ng mga tao.

"Let's go, Kuya!" I called him because he is still inside the dining area.

Mas lumawak ang ngiti ko nang lumabas si Kuya mula roon nang nakabusangot ang mukha. Agad kong hinagis sa kaniya ang susi ng kotse niya na nakapatong sa center table dito sa sala namin.

Agad akong lumabas ng bahay kasunod si Kuya at nagtungo sa garahe. Sabay kaming pumasok nang i-unlock niya ang pintuan.

"Akala ko tatanggi ka pa, e. Alam mo isipin mo na lang na training mo ito," sabi ko kay Kuya habang nagkakabit ako ng seatbelt.

Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin na nagtataka.

"Training? For what?" he asked before starting the engine.

"Duh! For your girlfriend! S'yempre para masamahan mo siya kapag nagsho-shopping siya. And don't you dare turn down her request because it will be world war III for you," I teased him.

Mas lalong kumunot ang noo ni Kuya na parang may iniisip.

"Huy! Natulala ka na diyan. Don't tell me, hindi mo talaga sinasamahan ang girlfriend mo? Ay, wala ka nga palang girlfriend," pang-aasar ko bago tumawa.

He glared at me. "Shut up, Amara. Baka iwan kita dito sa gitna ng kalsada."

Nag-peace sign ako sa kaniya at hindi na muling nang-asar. Nanahimik na ako hanggang sa makarating kami sa mall. Nang makapag-park siya ay sabay din kaming bumaba ng sasakyan.

"Let's go," I grabbed his arms and pulled him inside because it's getting hot outside.

Nagpatianod naman si Kuya sa paghila ko. Agad ko siyang dinala sa department store para naman makapag-shopping na rin siya kung gusto niya.

Nakasunod lang si Kuya sa akin habang nagtitingin ako ng mga puwedeng bilhin. Una naming pinuntahan ay ang collections ng mga bag. I immediately saw something that I like. I was about to get it when someone get it also.

Nag-angat ako ng tingin sa babaeng humawak sa bag at nakita ang ate ni Jordan. Si Ate Jenica.

"Ate Jenica?" I called her and she also looked at me.

"Oh, Amarantha. It's nice to see you again," she said while smiling at me but when she glanced at my back her smile faded.

Kumunot ang noo ko at nilingon din ang tinitingnan niya. Si Kuya lang naman ang nandoon na abala rin sa pagtingin ng kung ano-ano. Naramdaman siguro niya na may nakatingin sa kaniya kaya lumingon siya. Nakita ko kung paano rin siya natigilan nang makita kung sino ang nasa likuran ko.

"Ahm, I have to go. By the way, that's a nice bag. You should buy it," she said before walking away.

Tatawagin ko pa sana siya pero nagulat ako nang sinundan siya ni Kuya.

"Kuya! Wait!" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon.

Anong problema nang dalawang 'yun? Magkakilala ba sila? Bakit parang ilag si Ate Jenica kay Kuya? Hindi kaya...isa sa mga ex-girlfriend ni Kuya si Ate Jenica?

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at muling binalingan ng tingin ang bag na gusto ko. Kinuha ko iyon at naisipang bilhin. Nagtungo naman ako sa skin care products section at doon nag-ikot. Kumuha lang ako ng mga kailangan ko bago ako umalis.

Naging abala ako sa pag-iikot at hindi ko namalayang isang oras nang hindi bumabalik si Kuya. Tatawagan ko na sana siya pero natanaw ko na siyang papalapit sa akin. Nakabusangot pa rin ang mukha niya.

"Anong nangari sa 'yo?"tanong ko nang nasa harap ko na siya. "Saka bakit mo sinundan si Ate Jenica? Naningil ka ng utang?"

And once again, he glared at me. "I didn't. May isinauli lang ako sa kaniya."

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Isinauli? Ano naman 'yon? Ikaw ba ang may utang sa kaniya?"

"Nope. Huwag mo nang intindihin iyon. Tapos ka na ba mag-shopping?" pag-iiba niya ng usapan.

Halatang ayaw niyang pag-usapan iyon pero nakasisiguro ako na may tinatago sila ni Ate Jenica.

"Magbabayad na ako. Kain tayo pagkatapos," sabi ko at nagpunta na sa counter.

Nang makapagbayad ay dinala na muna namin sa sasakyan ang mga pinamili bago kami bumalik sa loob para kumain.

Sinalubong kami ng waiter at iginiya sa bakanteng mesa. Bubuklatin ko na sana ang menu nang may marinig akong nag-uusap sa gilid.

"OMG! Umamin na si Jordan. Sinasabi ko na nga ba may relasyon sila."

"Really? Saan?"

"Panoorin mo may live siya sa guesting niya ngayon."

Na-curious ako sa sinasabi nila kaya kinuha ko rin ang phone ko. Mabuti na lang at nadala ko ang airpods ko ngayon. Inilagay ko iyon sa tainga ko at pinanood ang guesting ni Jordan mula sa umpisa. About sa music video lang niya ang tinatanong noong una hanggang sa mapadpad sa akin ang topic.

"Gaano katotoo na may relasyon kayo ng model na si Amarantha San Diego?" tanong ng host.

Nag-close up sa mukha ni Jordan ang camera at bigla siyang ngumiti. Rinig na rinig ko ang tilian ng mga nanonood.

"Well, she's important to me and I am willing to take this on the next level."

"So, you two are dating?"

"Sort of."

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa sagot niya. Tumibok nang mabilis ang puso ko.

What the hell?! Bakit niya sinabi 'yon? Para saan? Para mas mapag-usapan kaming dalawa?

"Amara, ano bang pinapanood mo? Um-order ka na kaya muna," sabi ni Kuya.

Huminga ako nang malalim at sinabi ang order ko kahit na parang nawalan na akong ng ganang kumain.

Bwiset talaga ang lalaking 'yon! Palagi na lang niya akong binibigyan ng problema!

"Huy. Kanina ka pa wala sa sarili. Ayos ka lang? Uwi na tayo?" tanong ni Kuya pagkatapos naming kumain.

Hindi ko puwedeng sabihin kay Kuya ang ginawa ni Jordan. Baka sugurin niya pa 'yon. Well, alam ko namang malalaman niya rin sooner or later pero mas mabuting hindi galing sa akin.

"May pupuntahan lang ako, Kuya. Mauna ka nang umuwi," paalam ko at mabilis na umalis.

"Wait! Amara!" sigaw ni Kuya pero hindi ko na siya nilingon.

Pagkalabas ko ng mall ay agad akong sumakay sa taxi na nag-aabang ng pasahero. Sinabi ko ang address ng pupuntahan ko. Pagkababa ko ng taxi ay may mga media pang naghihintay sa may lobby ng condo ni Jordan.

Kainis naman! Hindi nila ako puwedeng makita dahil panibagong isyu na naman iyon.

Kaya naman ibinaba ko ng husto ang sumbrerong suot ko at mabilis na naglakad papasok ng condo. Pero kung minamalas nga naman ako, may nakabungguan pa akong empleyado.

"Amarantha San Diego?"

Napapikit ako nang mariin nang may makakilala sa akin. Lagot na!

Hinarap ko ang mga paparazzi at nginitian. As usual, nagsilapitan din ang ibang reporters na parang nakakita ng bagong target.

"Amarantha, can we ask some questions?" someone asked.

Alanganin akong ngumiti sa kanila.

"As much as I want to entertain y'all, I have to do something important. Maybe next time," I said and ran towards the elevator.

Mabuti na lang at agad silang naharang ng mga security kaya hindi nila ako naabutan. Agad kong pinindot ang floor number kung nasaan ang unit ni Jordan.

Ngayon lang ako nagpunta rito pero matagal ko nang alam kung nasaan ang condo niya. He's a celebrity, madaling malaman kung saan siya nakatira. Besides, we're 'friends' right?

Paglabas ko sa tamang floor ay dumiretso na ako sa unit niya. Alam kong wala pa siya rito kaya hihintayin ko na lang siya.

I know that I told him that I don't want to see him again but this is another story. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya doon sa guesting niya. Mas pinapalala niya ang mga nangyayari sa amin.

"Amara?" Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Jordan. Mag-isa siya at mukhang pagod pero nakangiti. Agad ko siyang sinugod at pinaghahampas.

"Ikaw! Bakit mo sinabing may relasyon tayo? Gusto mo ba talaga akong pahirapan?" bulyaw ko sa kaniya kasabay ng bawat paghampas pero sinasangga niya lang.

"Amara, calm down. Come here," he grabbed my hand and pulled me inside his unit.

"H-hey! Bakit mo ako pinasok dito? Baka may makakita na naman at kung ano pang isipin!" reklamo ko pero parang wala siyang narinig.

Nilibot ko ang paningin sa unit niya. Pinaghalong gray at white ang kombinasyon ng kulay. Gusto ko pa sanang mamangha sa kagandahan nito pero may iba akong ipinunta dito.

Muli kong hinarap si Jordan na ngayon ay naka-topless na at pabagsak na humiga sa sofa. Walang-hiya talaga!

"Hoy! Hindi pa ako tapos makipag-usap sa 'yo! Hindi ba ang sabi ko huwag na huwag mo na ulit babanggitin ang feelings mo sa akin kung hindi mo naman kayang panindigan—

"I broke up with Aireen."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya kung nagbibiro ba siya pero nanatili lang siyang nakapikit na parang tinulugan na ako. Nilapitan ko siya para sana hampasin ulit pero natisod ako sa carpet kaya bumagsak ako sa ibabaw niya.

Shit! Damn!

"Amarantha, kung gusto mo akong tabihan sa pagtulog sabihin mo lang hindi 'yung sasamantalahin mo ang kahinaan ko— Amp!"

Sinuntok ko nga ang balikat niya. Kung ano anong sinasabi e.

Agad akong bumangon pero mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa ilalim ni Jordan. Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya habang siya naman ay nakangisi.

"I broke with her. It means, I can be vocal with my feelings again? Puwede ko na ba ulit iparamdam na mahal kita?"

I bit my lips due to nervousness. He glanced on my lips and I saw something flahed in his eyes. He leaned closer and I closed my eyes automatically.

"I want to kiss you but I'm afraid that I can't stop myself anymore," he whispered that made me open my eyes.

Umalis siya sa ibabaw ko at lumayo na parang napapaso siya. Huminga ako at doon ko na-realize na kanina pa ako nagpipigil ng hininga.

"Hindi porke't hiwalay na kayo ay puwede nang maging tayo. Don't you know about the 3-month rule?" I asked him.

He sighed. "So, you're saying that I should wait for three months before we could be officially together?"

"Yes! Because that's the right thing to do!"

Sumandal siya sa backrest ng sofa at hinilot ang sentido niya. Tumayo ako at handa nang umalis pero nagsalita siya ulit.

"I've been loving you for how many months now. Bakit kailangan ko pang sundin 'yon?" tanong niya kaya ipinagkrus ko ang braso ko. Nagtitigan kaming dalawa hanggang sa bumuntonghininga siya. "Fine, if that's what you want. Pero hindi ko maipapangako na mananahimik ako sa loob ng tatlong buwan na 'yon."

"Madali ka rin palang kausap. Aalis na ako," sabi ko at tinalikuran na siya.

"Mamaya ka na umuwi. May mga reporters pa sa baba. Stay here with me."

I gulped. There is something in his words that I couldn't comprehend. Pakiramdam ko double meaning ang lahat ng sinasabi niya ngayon. Mukhang epekto ito ng pagpapaulan ko kahapon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top