23

Bad


Nakalabas din ako ng hospital pagkatapos ng tatlong araw. Hindi na rin naka-bandage ang braso ko kaya mas maayos na akong nakakakilos ngayon.

"Huwag ka na kaya munang magtrabaho?" Napaangat ako ng tingin kay Dad. "Why don't you take a leave? Magbakasyon ka na muna?" dagdag pa niya.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon. Nakita kong tumango-tango si Kuya na parang sang-ayon siya kay Dad. Alam ko nang sasabihin niya ito. Maganda nga namang magbakasyon muna ako pero hindi puwede.

I swallowed the food first before I answered.

"Hindi po puwede, dad. Marami po akong pending na photoshoots dahil ilang araw din po akong nawala. Siguro next time na lang po ako magbabakasyon," paliwanag ko.

Sa ilang araw ko sa hospital ay kinansela ni Tita Amely lahat ng appointments ko kaya naman ang dami kong nakatambak na trabaho. Bukas nga ay may photoshoot pa ako at hindi ko pa alam kung sino ang  makakasama ko.

"I'm just worried about you. Baka maulit na naman ang nangyari," sambit ni Dad.

I smiled at him. "Dad, it won't happen again. I promise," I assured him.

"Basta, kapag gusto mong magbakasyon sabihan mo kami at nang makapag-leave din kami sa trabaho," bilin ni Mommy sa akin kaya tumango ako.

"Opo, mom," pagsang-ayon ko sa kaniya.

Pagkatapos naming maghapunan ay sakto namang dumating si Tita Amely. Kagagaling lang daw niya sa trabaho at dumiretso na rito.

"Amara, tomorrow you will have a photoshoot with Jordan."

Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi ni Tita. Mabuti na lang at hindi na kami kumakain. Nasa kuwarto na kami ngayon dahil dito niya kami gustong mag-usap.

She squinted her eyes on me. "Are you okay?" she asked.

I nodded. "Yes po, tita. Nagulat lang ako. Bakit po pala si Jordan ang kasama ko bukas?"

Sumandal si Tita sa backrest ng inuupuan niya bago huminga nang malalim. Mukhang pagod na talaga siya pero dumaan pa siya rito para paalalahanan ako sa gagawin ko bukas.

"Well, you two are the most requested models for this year. Sasabihin ko na rin ito sa 'yo ngayon para hindi ka na magulat. You will be doing a sexy photoshoot with him."

My eyes went wide when she said that. Mature photoshoot? With Jordan? Oh damn! I'm doomed!

Hindi ako agad nakatulog nang dahil sa sinabi ni Tita. Kinakabahan kasi talaga ako sa gagawin ko para sa photoshoot. What if I messed up? Idagdag pa na lingerie ang isusuot ko.

"Miss Amara, tapos na po ba kayo?" tanong ni Ate Celine mula sa labas nang fitting room kung nasaan ako ngayon.

I glanced at my reflection again to see if I looked fine already. I am wearing a red two-piece set of lingerie and a black ankle strap heels. It shows too much skin and I feel like I'm not wearing anything.

Mabuti na lang kahit revealing ang suot ko ay natatakpan pa rin ang dapat na takpan.

Ate Celine did a great job on achieving a fierce look for my makeup. My lips were in full red lipstick and my eyes were emphasized by a black eyeliner.

I inhaled a deep breath before going out of the fitting room. Ate Celine gasped when she saw me and awkwardly smiled.

"Grabe Miss Amara. Napaka-sexy n'yo naman po," puri niya sa akin kaya natawa ako.

I've been wearing two piece and bikinis since before but this is my first time to wear a lingerie in a photoshoot. Kaya naman medyo naiilang pa ako.

"Maliit na bagay," biro ko at sabay kaming natawa.

"Halika na at kanina pa po kayo hinihintay. Ang tagal n'yo po kasing mag-ayos."

I smiled shyly because I really took my time to look perfect. Ayaw kong may mapansin silang hindi maganda sa akin at baka maikumpara pa ako sa iba.

Bago pumasok sa pictorial room ay huminga ulit ako nang malalim. Nang buksan ko ang pinto ay napalingon silang lahat sa akin. Nagtama ang paningin namin ni Jordan at napansin ko ang pagpasada ng paningin niya sa katawan ko.

"Here she is! So fabulous! Let's start!" The photographer announced and I immediately walked towards Jordan who is currently sitting on a sofa in front.

He is topless and only wearing a black boxer. When he stood up I almost lost my balance. Hindi ko kinakaya ang karisma ng isang 'to.

"Hi," he greeted.

"Hi?" I greeted back, unsure.

"Okay! Before we start, I want you all to know that this is for work and we all should act like a professionals!" The manager said and we both nodded.

Pinapuwesto na kami ni Jordan sa gitna at iginilid na muna ang sofa. Hindi pa man kami nagsisimula ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

I need to remind myself that this is all for work. For my career. For my future.

"Jordan, encircle your arms on her waist. Amara cling your arms on the back of his neck," someone instructed us and we both followed.

Napalunok pa ako dahil sobrang lapit namin isa't isa ni Jordan at nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Lalo pa nang hapitin niya ang beywang ko papalapit sa kaniya.

He smirked like he is enjoying this.

"You know what, hindi ko alam kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon," bulong ko sa kaniya at bahagya kong hinila ang buhok niya sa may batok.

"Don't try me."

Nawala ang ngisi niya at bigla kong naramdaman ang paghaplos ng daliri niya sa bewang ko. He is making small circles that almost make me tickle. I had to bite my lip to stop myself from reacting. Mabuti na lang at nagsalita na ang photographer kaya nakahinga ako nang maluwag.

"The chemistry is overflowing! Okay next, Amara humarap ka rito at ikaw Jordan pumwesto ka sa likuran niya. Put your hands on her stomach and moved your nose closer to her neck like you're smelling her."

Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang pose na gagawin namin. Bago pa ako makareklamo ay agad na pumwesto si Jordan sa likuran ko at pinadausdos ang kamay niya sa tiyan ko.

Nahigit ko ang hininga nang tuluyan niya akong mayakap mula sa likuran.

"Relax. It's for work, Amara," he whispered and I closed my eyes to calm myself. Nang kumalma ay muli akong dumilat.

When he sniffed my neck I almost fainted. Oh damn! Why did I have to experience this? Ano bang nagawa kong kasalanan?

And here he is, looks like he's enjoying what's happening right now.

"Amara, you look tensed. Alam kong mahirap talaga huminga kapag nandyan si Jordan pero relax," panunukso ng photographer kaya natawa ang ibang naroon. Habang ako ay namula ang mukha.

Nang makuhaan ang pose na iyon ay agad akong lumayo kay Jordan dahil para akong kakapusin ng hininga. Inutusan na ng photographer ang mga staff na dalhin sa gitna ang sofa. Mas kinabahan naman ako dahil mukhang mas malala ang gagawin naming pose ngayon.

"This time, Jordan lay down on the sofa. At ikaw naman Amarantha, pumatong ka sa kaniya—

"What?" I gasped.

"Oh no! Not literally. Parang nakapatong ka lang pero nakahawak ka sa arm rest ng sofa," paliwanag agad ng photographer sa akin.

Narinig ko rin ang paghinga nang maluwag ni Jordan.

"Whew! Akala ko dadaganan mo ako. Ang bigat mo kaya," pang-aasar ni Jordan na nakahiga na ngayon sa sofa.

Inirapan ko na lang siya at sinunod ang sinabi sa akin ng photographer. Itinukod ko ang tuhod sa pagitan ng tuhod ni Jordan at ang aking kanang braso ay nakatukod sa arm rest. Ang kaliwang braso ko naman ay nakahawak sa balikat ni Jordan.

With our position, my cleavage was in full view to him but I didn't saw him glance on it. Instead, he stared straight into my eyes like he is reading my soul.

"Amara, yumuko ka nang kaunti palapit sa mukha ni Jordan. Jordan, touch her cheeks."

I moved closer to him and my heart is beating faster now. Hindi ko alam kung naririnig niya ba iyon at sana ay hindi. Natatakot akong malaman niya ang sinisigaw ng puso ko. Natatakot ako.

"If you're going to hide it, please hide it well."

Pagkatapos ng photoshoot ay dali-dali akong nagtungo sa dressing room. Huminga ako nang malalim at nagpakalma.

"Why did he said that? Does he know? But how?" I asked myself.

Nagbihis ako at naghanda na para umuwi. Paglabas ko ng dressing room ay nasalubong ko si Tita Amely. Mukha siyang nagmamadali.

"Amara, hindi na muna kita maihahatid pauwi. I have an emergency meeting. Si Celine na lang muna ang kasama mo pauwi," bilin niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Sige po, Tita. Take care," I said.

"You too," she said then she walked away already.

Bumuntonghininga ako nang makaalis si Tita pagkatapos ay hinintay ko na si Ate Celine. Inaayos niya pa kasi ang mga gamit ko. Nang matapos ay agad niya akong nilapitan.

"Tara na, Miss Amara," pagyaya niya sa akin at sabay na kaming lumabas ng building.

Hindi ko na tinawagan ang driver sa bahay dahil balak naming mag-taxi na lang pauwi. Ihahatid muna ako sa bahay pagkatapos ay si Ate Celine naman ang sunod na ihahatid.

Habang naghihintay ng taxi ay biglang tumunog ang phone ni Ate Celine. Agad niya itong sinagot.

"Hello? Pauwi na. Ano?  Sige sige, uuwi ako agad." Pagkababa niya ng tawag ay humarap siya sa akin. Mukha pa siyang natataranta. "Naku, paano ba 'to? May sakit po ang anak ko Miss Amara at kailangan ko nang umuwi pero hindi naman kita puwedeng iwan mag-isa," sambit niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"It's fine. Umuwi ka na at kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko.

"Sigurado ka, Miss Amara?"

"Oo naman. Sige na, ingat ka."

Sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi iwan ako. Kaya ko namang mag-taxi mag-isa. Pero kung mamalasin nga naman, habang naghihintay ay bigla pang umulan.

"Argh! Bakit ba parang pinagkakaisahan ako ngayon?" Inis na singhal ko habang nakasilong sa harap ng building.

At dahil umuulan ay bihira lang ang mga sasakyan na bakante. Tatawagan ko na sana si Kuya para magpasundo nang may biglang pumaradang kotse sa harapan ko. Bumaba ang salamin ng bintana sa may front seat at nakita ko si Jordan.

"Sakay na. Ihahatid na kita pauwi!" bahagyang sigaw niya dahil sa malakas na ulan kaya kinunutan ko siya ng noo.

Hindi pa ako nakaka-recover sa kahihiyan ko kanina kaya ayaw ko pa siyang makasama ulit nang kaming dalawa lang.

Umiling ako. "No, thanks. Parating na ang sundo ko," pagsisinungaling ko.

He raised an eyebrow on me before he nodded.

"Okay. I gotta go. Take care," he said then he drove away.

Napabuntonghininga ako dahil hindi niya talaga ako pinilit na ihatid. Pero mas mabuti nga iyon, para mas madali para sa akin na panindigan ang paglayo ko sa kaniya.

Muli kong binuksan ang phone ko para tawagan si Kuya kaya lang ay wala akong signal.

"Aish! Ano bang problema mo at wala kang signal? Ngayon pa talaga?" naiinis na pagmamaktol ko.

Babalik na sana ako sa loob ng building nang may biglang humigit sa braso ko at nasubsob ako sa matigas na dibdib. Napasinghap ako kaya naamoy ko ang pamilyar na bango. Alam ko na agad kung sino ito.

"Stop being stubborn. Ihahatid na kita," madiing sambit ni Jordan bago ako hinila papunta sa kotse niya. Nang tingalain ko siya ay saka ko lang napansin na may bitbit pala siyang payong kaya hindi kami nababasa.

Hindi na ako nagmatigas at sumakay na sa kotse niya. Nagtataka pa ako dahil 'di ba umalis na siya? Pero binalikan niya ako.

Pagpasok niya sa kotse ay walang imik niyang pinaandar ito.

"Bakit bumalik ka? 'Di ba ang sabi ko ay may sundo ako?" naiinis na tanong ko.

He sighed and I saw how his jaw clenched. Humigpit din ang paghawak niya sa manibela. Muntik pa akong masubsob nang basta na lang siyang pumarada sa gilid ng kalsada.

I looked at him confused. "Why did you stop? Pabababain mo na ba ako rito? Nagbago ba ang isip mo? Sana hindi mo na ako binalikan kung iiwan mo ako—

"Oh damn! I can't take this anymore!" He shouted and I flinched.

"What do—"

Hindi ko natapos ang itatanong ko nang bigla niya akong hawakan sa batok at siilin ng halik. Napasinghap ako kaya mas nagkaroon siya ng pagkakataon na palalimin ang halik.

Nakapikit siya habang ako ay dilat na dilat ang mga mata. Naikuyom ko ang mga palad ko at hindi nakakilos.

Oh fuck! He's kissing me for goodness sake!  What should I do?

Shit! This is wrong! This is cheating! This is bad! Maybe I should just enjoy this now and regret later.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang tumigil na si Jordan sa paghalik sa akin ngunit nanatiling magkadikit ang aming mga noo. His eyes were still closed that's why I have the guts to stare at him.

"I tried so hard to stop it but I failed. Damn! I can't stop myself from falling for you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top