20

Realize

"Yes, Jordan. I know your secret. Kaya tigilan mo na ako. Huwag na tayong magkita."

Matapang ko siyang tinitigan. Kahit pa nanghihina ang tuhod ko sa titig niya, hindi pa rin ako nagpatinag.

Napahilamos siya sa mukha gamit ang kaniyang palad at tumiim ang bagang.

"I knew it. You saw us that night. But let me explain—

"You don't have to explain anything. Ayos lang naman sa akin kung may girlfriend ka, ang ayaw ko lang ay iyong pinaglalaruan mo ang damdamin ko!"

He shook his head and tried to reach for my hand but I stepped back. He was about to reach me again when I noticed that he glanced on my back.

"Aireen!"

Nilingon ko ang tinawag niya at nakita si Aireen na umiiyak habang pinagmamasdan kaming dalawa. Tumakbo ito palayo na agad namang hinabol ni Jordan. And just like that, I was alone again.

Humugot ako nang malalim na hininga at pinakawalan iyon. At muli na namang rumagasa ang mga luha mula sa mga mata ko. I clutched my chest and tried to stop my heart from hurting.

"Parang kanina lang ako ang sinusuyo niya, tapos ngayon nandoon na siya sa girlfriend niya. Ha! Two timer!"

I sobbed silently. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga dahil sa pagpipigil ko nang pag-iyak.

The cold breeze blew and I shivered. It was as if the nature was telling me to wake up in reality. Sa totoo lang, hindi dapat ako masaktan. Wala naman akong karapatan dahil wala kaming relasyon ni Jordan.

Bumalik ako sa hotel suite ko at nagpaakyat ng wine sa hotel service. I want to get drunk tonight. I want to numb my heart from this pain. I want to forget everything just for a while.

It was already past midnight when I felt tipsy. Naubos ko na pala ang isang bote ng alak mag-isa. Hindi naman ako palainom, pero iba naman kasi ang sitwasyon ko ngayon.

I am brokenhearted and this is the only way I know to ease the pain.

"Jordan! I hate you!" I sobbed.

Tumayo na ako mula sa sofa para magtungo sa kama ko nang hindi ko mapansin ang heels ko kaya natisod ako at nasubsob sa kama. Tumama ang ulo ko sa matigas na bagay at biglang dumilim ang paligid.

Nagising na lang ako at sumalubong sa akin ang puting kisame. Bahagyang kumikirot ang ulo ko pero pinilit ko pa ring ilibot sa paligid ang paningin ko.

Wait, where am I?

"Amara, thank God at gising ka na. Pinag-alala mo ako," bungad sa akin ni Tita na hindi ko napansing nasa kabilang gilid ko na pala.

Tinulungan niya akong umupo mula sa pagkakahiga. Doon ko lang na-realize na wala na ako sa hotel. Hindi naman ito ang kuwarto ko doon.

"Ano pong nangyari? Nasa hospital po ba ako?" nagtatakang tanong ko.

Tita Amely nodded. "Oo. Pinatatawag ka na kasi ni Direk kaninang umaga kaya lang hindi ka sumasagot. At nang buksan namin ang kwarto mo, nakahandusay ka na sa sahig. I was really worried, hija. Bakit ka ba kasi naglasing?"

With that being said, memories from last night flashed in to my mind. The confrontation between me and Jordan. Maging ang paghabol niya kay Aireen at ang paglalasing ko.

"Tita, I want to go back to Manila," I blurted out.

Nagtatakang tiningnan ako ni Tita pero tumango na lang din.

"Yes, dear. Kinausap ko na si Direk tungkol diyan. Pansin ko na wala ka sa sarili nitong nakaraan at kahit hindi mo sabihin alam kong may kinalaman si Jordan dito. Kapag puwede ka nang i-discharge, luluwas tayo agad ng Manila."

Nginitian ko si Tita at niyakap siya. Nakokonsensya tuloy ako dahil hindi ko na matatapos ang music video pero hindi ko na rin naman magagawa nang maayos iyon.

"Thank you, Tita," I told her.

Hinaplos niya ang likod ko at bumuntonghininga.

"Anything for you. Alam kong nahihiya kang magsabi ng problema sa akin, pero pag-uwi natin sana kahit kay Ara ay magsabi ka. Huwag mong solohin ang problema mo," paalala ni Tita at tumango na lamang ako.

Mabuti na lang at wala namang malaking pinsala iyong pagkakauntog ko sa paanan ng kama kaya agad din akong na-discharge. Kasalukuyan kong hinihintay si Tita dito sa may garden ng hospital dahil nagbabayad pa siya sa loob ng bills.

Maaliwalas ang panahon ngayon kaya ang sarap tumambay dito sa halamanan. Wala rin naman kasing masyadong tao dito dahil abala sila sa loob ng hospital.

"Amarantha San Diego."

Nilingon ko ang tumawag sa akin at napaatras ng isang hakbang nang makita kung sino iyon. Wearing a red bodycon dress, standing in front of me is Aireen. Jordan's girlfriend.

I gulped. "Yes? What can I do for you?"

"Can I talk to you for a while?" she asked and I nervously nodded.

Mukha naman siyang kalmado ngayon kaya hindi naman siguro niya ako aatakihin bigla. Pero mukhang mas dapat akong kabahan kapag kalmado ang babae, 'di ba? But then I understand if she is really mad at me. I mean, she just saw me with her boyfriend. Kahit sinong girlfriend hindi magugustuhan iyon.

"S-Sure. Maupo tayo doon," sabi ko at itinuro ang bench sa 'di kalayuan.

Nauna na akong maglakad at sumunod naman siya. Nang makaupo kami pareho ay saka ko siya pinagmasdan. Namumugto ang mga mata niya at mukhang walang tulog.

"I will get straight to the point, layuan mo si Jordan. Alam kong sobrang cliche nito pero sana naman huwag mo siyang agawin sa akin. Wala tayo sa isang pelikula na kung saan ako ang non-showbiz girlfriend at ikaw ang kabit na model kaya please lang, tigilan mo na siya!" mahabang litanya ni Aireen.

Her words stabbed me like a knife. I am not a fucking mistress! She made me feel so low of myself.

"You don't have to tell me that. Dahil lalayo talaga ako. At huwag kang mag-alala, hindi ko siya aagawin sa 'yo. Susubukan ko siyang iwasan pero kung siya na mismo ang lumalapit, siguro dapat mo na siyang itali sa tabi mo."

Tumalim ang tingin niya sa akin at bumilis ang kaniyang paghinga.

"Sinasabi mo bang si Jordan ang naghahabol sa 'yo? Don't be so full of yourself, Amara. Sige, sabihin na nating siya nga ang naghahabol pero alam ko namang sa huli, sa akin pa rin ang bagsak niya." She leaned closer to me. "I won't let you ruin what I've been protecting for years."

Nakipagsukatan ako ng titig sa kaniya. Parehong ayaw bumitaw at parehong ayaw magpatalo. Kahit na alam ko namang talo na ako. Una pa lang, talo na ako.

I smirked. "Okay. Wala naman akong sinabi na aagawin ko si Jordan. I don't like him. He's not my type. You don't have to feel threatened about me. He's all yours."

Tumayo na ako at tinapik ang balikat niya bago umalis.

My lips shook as I exhaled. Everything I said is true. I don't like Jordan because I... I love him.

"Amara, nandyan ka lang pala. Halika na," pag-aya ni Tita Amely sa akin at nagtungo na kami sa parking lot kung nasaan ang van na sasakyan namin.

Sa pag-alis namin ni Tita ay sana maiwan dito ang mga sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam kung magkikita pa kami ni Jordan o kung gusto ko pa ba siyang makita. Kahit naman gusto ko, wala na akong magagawa. Ayaw kong makasira ng relasyon. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng paghihiwalay nila.

"You looked sad. Dahil ba hindi ka na nakapagpaalam sa kanila? Don't worry, magkikita pa naman kayo sa Manila," pang-aalo ni Tita sa akin.

Pilit akong ngumiti at muling tumingin sa mga ulap na nasa himpapawid. Mabilis ang biyahe at nakabalik kami agad sa Maynila.

"Amara!" Tumakbo si mommy mula sa kusina at sinalubong ako ng yakap. "Bakit napaaga yata ang balik ninyo?"

Nagkatinginan kami ni Tita Amely.

"Si Amara na ang bahalang magsabi sa 'yo. Aalis na ako at marami pa akong gagawin. Bye," paalam ni Tita at muli akong niyakap bago umalis.

Luminga-linga ako sa paligid dahil si mommy lang ang sumalubong sa amin.

"Wala ang dad at kuya mo. Nasa opisina, nag-overtime pareho," sabi ni mommy na parang nabasa ang laman ng isip ko. "May problema ba?"

Isang tanong lang ni mommy ay bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.

"Mommy, it hurts...it hurts so much..." I sobbed.

She let me cry on her shoulders just like when I was young.

"Sshhh, what happened? You can tell me everything," she whispered.

Pumikit ako nang mariin upang pigilang makawala ang mga luha ko.

"Masakit po palang magmahal ng taong pagmamay-ari na ng iba, mommy... Masakit po pala ang mapaasa..."

Hinagod ni mommy ang likod ko, sinusubukan akong pakalmahin. Iginiya niya ako sa sofa at dalawa kaming naupo roon.

"Amara, dapat malaman mo na kakambal ng pagmamahal ang masaktan. Kung hindi ka nasasaktan ibig sabihin hindi ka nagmamahal. At kung ang taong minamahal mo ay pagmamay-ari na ng iba, kailangan mong respetuhin ang relasyon nila," payo ni mommy sa akin.

Isinubsob ko sa aking palad ang mukha ko.

"I know, mommy. Alam ko naman po kung ano ang tama pero bakit parang ang hirap... Can't I just fight for him? Mali ba mommy kung ipaglalaban ko siya?"

Narinig kong bumuntonghininga si Mommy. Nakokonsensya ako na pati si Mommy nadadamay sa problema ko.

"Iha, wala namang mali kung ipaglalaban mo ang taong mahal mo. Pero dapat handa rin siyang ipaglaban ka. And if he is really willing to fight for you, he will break up with his girlfriend. Huwag kang papayag na pagsabayin niya kayo."

Doon ako natauhan. Wala namang sinabi si Jordan na gusto niya rin ako. Pero hinalikan niya ako. Siguro naman may nararamdaman din siya para sa akin 'di ba? At kung may feelings ka nga siya sa akin, handa niyang hiwalayan si Aireen.

But then he ran after her. That only means one thing. He loves his girlfriend. He really do. And that made me realize that I can never have him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top