2
Bond
Sabay-sabay kaming naghapunan kinagabihan at mabuti na lang ay nakalimutan na ni mommy ang tungkol sa sinabi ko. Nang matapos kumain ay umakyat na ako ulit sa kuwarto para tapusin ang home task na ibinigay ng prof namin.
Hindi ko pa nakakausap si daddy tungkol sa sinabi niya kanina. Gusto ko siyang kumbinsihin pa pero baka tuluyan lang siyang magalit sa akin.
Buong araw tuloy akong nakabusangot sa school kinabukasan. Hindi ko kasi alam kung papayag pa ba siya o hindi na. Ibang klase pa naman magtampo iyong si dad.
Papunta na ako sa parking lot nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Tita Amely. Agad kong tinungo iyon at bumaba naman si tita.
"Tita, bakit po kayo nandito?" tanong ko nang makalapit sa kaniya. She smiled at me revealing her perfect set of teeth.
"I am fetching you. Pupuntahan natin ang kompanyang pagtatrabahuan mo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Pero hindi pa po pumapayag si dad. Baka magalit siya," sabi ko.
She smiled and gently pushed me inside her car. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok. Pinagmasdan ko siyang pumasok mula sa driver seat. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nag-umpisang magmaneho.
"Nakausap ko na ang dad mo at inalog ko nang kaunti ang isip niya kaya pumayag na siya."
I looked at her with wide eyes. I can't help but to squeal in excitement and happiness. Muntik ko pang maalog ang braso niya pero na-realize kong nagmamaneho nga pala siya.
"Really? Oh my gosh! Salamat talaga tita. Mabuti na lang at ikaw ang tita ko."
"Aba, magiging ganiyan ka ba kaganda kung hindi mo ako tita?" biro niya at sabay kaming natawa.
Tita Amely is a cheerful person. I wonder why she still doesn't have a boyfriend. Kaya siguro ako ang pinagtutuunan niya ng pansin ay dahil wala pa siyang anak. Siguro sobrang mahal niya ang trabaho niya kaya ayaw niya pang magpamilya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa company na sinasabi niya. It was a high rise building with a word 'scarlett' on top front. My mouth formed an 'o' shape when I realized something.
"OMG! I knew this brand. Scarlett clothing brand is one of the best sellers company here in the Philippines," I muttered with so much excitement.
Ngumiti si Tita sa akin at iginiya na ako papasok. Dirediretso kami sa elevator at hindi ko mapigilang kabahan.
I looked at myself in the reflection. Thank God I chose to wear a dress today. Naisipan ko ring magsuot ng heels although matangkad naman na ako. Hindi naman kasi ako na-inform na pupunta kami rito ngayon.
Ang bilis ng mood changes ko grabe. Parang kanina lang malungkot ako tapos ngayon naman hindi ako maawat sa kangingiti.
Pagkalabas ng elevator ay bumungad sa amin ang buong palapag na mayroong nakalatag na carpet. May mga portraits ng mga ambassadors nila na naka-display sa bawat pader.
How I wish I could be one of them.
"Good afternoon, Mr. Lacuesta," Tita Amely greeted the man inside the office.
Humarap ito sa amin at ngumiti. Hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip. Kaharap ko na ang may-ari ng isang clothing brand dito sa Pilipinas. This is already a dream come true.
"Nice to see you again, Miss Amely. I guess, siya ang tinutukoy mong pamangkin?" he asked while looking at me.
"Yes. This is my niece, Amarantha Gail San Diego," Tita said then she gestured to me.
I smiled at him. "It's nice meeting you, po."
Pinaupo kami sa sofa sa kanang bahagi ng opisina. Nagpasok ng juice ang isang babae na secretary yata ni Mr. Lacuesta. Ininuman ko kaagad iyon dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. Halos mamawis din ang palad ko kaya pasimple kong hinaplos ito sa aking damit. Nakakahiya!
"So, her parents agreed already? It means, she'll be signing a contract with us?" Mr. Lacuesta asked.
Hindi ko mapigilang hindi sumabat. "Contract po? Pero hindi pa po ako puwedeng maging full-time model kasi po nag-aaral pa ako," paliwanag ko.
Tita Amely touched my shoulder. "Amarantha, kahit pa part-time model ka pa lang, you still need a contract para na rin sa proteksyon mo. Nakasulat doon kung ano lang ang mga puwedeng ipagawa sa 'yo."
"Your Aunt is right." Napatingin naman ako kay Mr Lacuesta nang magsalita siya. "Here in our company, we make sure that our models and employees are well-protected."
Tumango ako dahil naintindihan ko na ang sinasabi nila. Kinabahan lang ako na baka kunin na nila akong full-time model. Siguradong magagalit na naman si dad kapag nagkataon. Ayos na ako sa part-time na lang muna. At least I gained experience that I can used in the future.
"Amarantha, do you really want to become a model?" Mr. Lacuesta asked.
Hindi na ako nag-atubili pa at agad akong tumango. "Opo. Pangarap ko na po iyon mula bata ako," sambit ko.
I grew up watching my Aunt became a model not only here in the Philippines, but also in different countries around the world. Kaya naman bata pa lang ay gusto ko nang maging katulad niya. Hindi nga lang ako pinapayagan dahil kailangan ko raw munang magfocus sa pag-aaral ko.
Mr. Lacuesta smiled before he looked at Aunt Amely. May pinindot si Mr. Lacuesta sa kaniyang mesa at mayamaya lang ay pumasok na ulit ang sekretarya niya. May dala itong folder na inilapag niya sa mesa.
"Amarantha, you can roam around first while I talk to your Auntie," he told me then he looked at his secretary. "Accompany her around."
Nilingon ko si Tita Amely at tumango lang siya kaya tumayo na ako.
"Sige po. By the way, nice to meet you po ulit, Mr. Lacuesta," I said before I followed his secretary outside.
Hindi ko alam kung anong pag-uusapan nila ni Tita pero may tiwala naman ako na para sa akin iyon. I trust my Aunt that she will not put me in trouble.
Inilibot nga ako ng secretary ni Mr. Lacuesta sa buong building.
It is a six-storey building located here in Manila. Marami pa silang ibang branch sa buong Pilipinas. Alam ko 'yon dahil madalas kong tinitingnan ang updates ng brand nila. Ang ibang damit ko sa bahay ay Scarlett brand.
Nang makarating kami sa first floor kung nasaan ang ibang models na kararating lang ay saka ko naramdaman ang tawag ng kalikasan.
"Miss, can I go to the comfort room?" I asked and she genuinely smiled.
"Sure, ma'am. Dito po," sambit niya at iginiya ako sa isang pasilyo. Pumasok na ako sa loob at agad na ginawa ang dapat kong gawin.
Nag-ayos na rin ako saglit bago ako lumabas. Ayaw ko namang magmukhang gusgusin sa harap ng mga models, 'no.
Even though I'm just nineteen years old, I have a height that reached five feet and eight inches. I also have a black wavy hair that reached down to my waist. I have a pair of chestnut colored eyes that I inherited from my mother. At ang madalas na mapansin sa mukha ko ay ang maliit na nunal sa gilid ng labi ko. Ito ang itinuturing kong asset dahil mas nagmumukhang mapang-akit daw ang labi ko dahil sa nunal na ito.
After doing my business inside I immediately went out when I suddenly bumped with someone. Sa lakas ng impact ay halos tumalsik ulit ako papasok ng comfort room. Mabuti na lang at napakapit ako sa damit ng taong nakabanggaan ko.
"Oopps! I'm sorry, Miss."
Nag-angat ako ng tingin sa taong nagsalita at pakiramdam ko ay tumingin ako sa pinakamalalim na kayumangging mga matang nakita ko sa buong buhay ko. Napaayos ako ng tayo at mas lalo siyang tinitigan. Nakangiti siya nang bahagya kaya nakalitaw ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
Hindi ko kinaya ang intensidad ng mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"It's okay. Hindi rin ako tumitingin sa dinaraanan ko. I'm sorry," I said then immediately walked away from him.
Nilingon ko pa siya saglit at nakitang nakatingin din siya kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa nangyari.
Damn! Lumingon pa talaga ako! Kainis!
"Grabe, nakita n'yo si Jordan Emerson? Ang gwapo niya talaga."
"Sinabi mo pa. I heard na magiging brand ambassador daw siya dito sa Scarlett."
"Really? He's such a promising actor. Isang taon pa lang siya sa industriya tapos ang dami na niyang endorsements."
Napakunot ang noo ko sa mga naririnig. They are talking about someone named Jordan Emerson. Well, I'm not that familliar with some showbiz personality kaya hindi ko kilala ang tinutukoy nila.
Ang iniisip ko lang ay kung bakit gano'n sila kamangha dito? And based on what I heard, that Jordan Emerson is here right now.
"Miss Amarantha, pinababalik na ho kayo ni Sir Lacuesta sa office."
Naputol ang aking pag-iisip nang tawagin ako ng sekretaryang kasama ko. Agad akong sumunod sa kaniya pabalik sa office. Dumiretso ako kaagad sa puwesto kung nasaan sila Tita Amely.
"The contract is already done. S'yempre gusto ko pa ring makuha ang opinyon mo tungkol dito kaya maaari mong basahin," sambit ni Mr. Lacuesta at inabot sa akin ang kontrata.
Ini-scan ko lamang iyon at sinigurong pabor sa akin ang mga nakasulat pero sure ako na babasahin ni Daddy ito. Siya na ang bahalang mag-decide ng mga gusto niyang ipabago.
"I'll let my dad decide about this contract po. Pero kung ako po ang tatanungin ay ayos na po ako sa mga nakalagay," sagot ko.
"Okay, hija. Bibigyan kita ng kopya," sambit ng matanda at inabot sa sekretarya ang papel. "By the way, sa first photoshoot mo sa weekend, makakasama mo ang bago naming Ambassador. Si Jordan Emerson."
May isinenyas siya sa kabilang side kaya nilingon ko iyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakabungguan ko kanina.
So it means, siya ang tinutukoy ng mga models sa labas? Iyong bagong actor pero agad na sumikat? At makakasama ko pa siya sa first photoshoot ko?
Tumayo siya at nilapitan kami. Napalunok na lang ako dahil sa katangkaran niya. Ang intimidating ng dating niya kahit nakangiti naman siya.
"Hi, we meet again. I'm Jordan Emerson," he said while extending his arms in front of me.
Saglit kong pinakatitigan ang kamay niya. I can't believe this. He's offering a handshake and I know that I must accept it.
"I'm Amarantha... Amarantha Gail San Diego," I managed to say before I shook his hands.
Electricity flowed the moment our hands touched. Mukhang naramdaman niya rin iyon dahil sabay naming mabilis na binitawan ang kamay ng isa't isa.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba may kaharap ako ngayong sikat na celebrity? O may iba pang dahilan?
"Jordan is one of the rising stars in the showbiz industry. Sobrang popular niya ngayon kaya sa tingin ko ay kilala mo siya, Amarantha."
Napatingin ako kay Mr. Lacuesta sa sinabi niya. Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi ko kilala si Jordan Emerson.
I don't want to offend him with that and I also don't want to embarrass myself. Kaya tumango na lang ako.
"Yes po," sagot ko.
Nagkatinginan kami ni Jordan at napansin kong nagpipigil siya ng ngisi. Para bang sinasabi niya na alam niyang nagsisinungaling ako.
"Great! Sa tuwing may collaboration na nagaganap dito, hindi ko gustong maging awkward ang mga artist. Mas maganda kung may special bond kayo kahit pa tungkol sa trabaho lang ang koneksyon n'yo," sabi pa ni Mr. Lacuesta.
"Mukhang maganda nga iyon," sabi naman ni Tita. "Don't worry, friendly naman itong si Amara. Paniguradong magkakasundo kayo."
Habang tumatagal ang pag-uusap na 'to, mas lalong nagiging awkward ang lahat. Pakiramdam ko ipinagkakasundo kami ni Jordan.
Okay, masiyado na akong nag-o-overthink. Masama na 'to. Hindi na muna ako mag-iisip ng kung ano-ano. Kailangan naka-focus ako sa trabaho dahil matagal ko nang pangarap 'to.
I inhaled a deep breath to calm myself but I caught Jordan staring at me. Teka, kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Ano bang problema niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top