19

Secret

The next day I woke up feeling dizzy. Maybe because I didn't get enough sleep last night. Napuyat ako sa kaiisip sa mga nasaksihan ko. At sa tuwing naaalala ko iyon, hindi ko mapigilang hindi magalit. Pakiramdam ko naloko ako kahit na wala naman talagang sinabi si Jordan na gusto niya ako.

Oo nga naman. Hindi sapat na binibigyan ka ng bulaklak at mabait sa 'yo ang isang lalaki para masabi mo na gusto ka nila. Hindi ko kasi alam kung bakit napakaraming pa-fall na mga lalaki.

Pero aaminin ko, may kasalanan din ako. Noong una pa lang alam ko nang hindi dapat pagkatiwalaan ang tulad ni Jordan pero sinunod ko pa rin ang puso ko.

Maybe, I deserve it for being weak.

Iyon ang naging laman ng isip ko habang nag-aayos. It took me thirty minutes to prepare. I am now wearing a yellow halter dress on top of my black bikini. I am planning to swim after the shooting later.

Speaking of shooting, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Jordan mamaya. Should I confront him about last night? Or I'll just pretend that I didn't hear anything?

Pagbukas ko ng pinto ay saktong paglabas din ni Jordan mula sa kwarto niya. Nagkatinginan kami pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko siya pinansin at agad na akong nagtungo sa elevator. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin at alam kong nakasunod siya.

"Good morning?" he said unsure but I just ignored him.

Nakapagdesisyon na ako. Papansinin ko na lang siya kapag oras ng trabaho na lang. At pagkatapos nito, hindi na ako makikipagkita pa sa kaniya. I want to stay away from him. I don't want to risk my heart even more.

"Amara! Jordan! Over here!"

Nilingon ko si Tita Amely na nasa isang mesa kasama si Direk. Mukhang nag-aalmusal na sila kaya dumiretso na rin ako roon.

"Good morning, Tita Amely, Direk Albert," I greeted the both of them.

Umupo sa tabi ko si Jordan at nakita ko ang pagsulyap niya sa akin pero nagpanggap akong hindi siya nakikita.

"Direk Albert, if you don't me asking po aabutin po ba talaga ng isang linggo ang shooting?" magalang na tanong ko habang hinihintay ang in-order na pagkain.

Uminom muna si Direk bago sumagot sa akin.

"Well, kahit limang araw kaya namang tapusin iyon. The rest would be for the after party of the team. Bakit, Amara? Do you want to go home already?" Director Albert asked.

I smiled at him politely. "Wala naman, po. Natanong ko lang."

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Nang dumating ang pagkain ay nag-umpisa na rin akong kumain. Still ignoring Jordan, I went outside the hotel to proceed with the shooting.

Palapit pa lang ako sa cottage nang may humigit na sa braso ko. It was Jordan. He pulled me somewhere and I tried to stop him but he was stronger than me.

"Hey! Bakit mo ako hinihila? Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko kay Jordan pero hindi niya pa rin ako binitawan. Hinila niya ako patungo sa kabilang side ng hotel kung saan wala masiyadong tao.

"Are you ignoring me?" he asked.

I rolled my eyes and crossed my arms on my chest. I was about to go away but he cornered me with his arm.

"You're not going anywhere without answering me," he warned.

I glared at him. "I'm not ignoring you! Puwede ba bumalik na tayo doon para matapos na 'to," singhal ko sa kaniya at aalis na sana pero muli niya akong hinila.

Binalewala ko ang malakas na kalabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Pilit kong iniisip na may girlfriend siya at hindi tamang ganito kaming dalawa.

"Why do I feel that your mad at me?" he whispered that almost make my knees weak.

"And if I'm really mad, why do you care? I'm only here for work and nothing else. Bumalik na tayo doon."

Itinulak ko siya at this time ay hinayaan niya na akong makawala sa pagkakakulong niya. Huminga ako nang malalim bago dumiretso sa cottage kung saan nakita kong mukhang naiinis na si Direk.

"Amara! Saan ba kayo nagpunta ni Jordan? Bigla kayong nawawala sa oras ng shooting," tanong niya sa akin at bahagya akong napayuko.

"Pasensya na po," tanging sabi ko at sinulyapan si Tita Amely na nakatitig sa akin.

"Let's start now!" Director Albert command.

Susubukan naming mai-take ang scene hanggang doon sa malungkot na part. Mahaba pa naman ang araw at napakarami naming puwedeng matapos.

Iyon nga lang, naglalakbay ang isip ko kaya ilang beses akong nasigawan ni Direk. Sa tuwing lumalapit kasi si Jordan ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Natatakot din ako na baka nanonood sa amin ang girlfriend niya mula sa malayo kaya hindi ko magawa nang maayos ang inuutos sa akin.

"Cut! Amara! You should look happy bakit mukhang gusto mong katayin si Jordan! Ulitin n'yo!"

Huminga ako nang malalim at nagpakalma. I know that I should be more professional and I shouldn't involve my personal feelings here but I can't.

"Let's take a break!" Direk shouted and I immediately left Jordan but he still followed me.

"What's the matter, Amara? Bakit ba parang ang ilap mo sa akin ngayon? Is it because of last night?" Jordan asked and my heart skipped a beat.

Nagtatakang nilingon ko siya. Wait, alam niya bang nakita ko sila ng girlfriend niya kagabi? Nakita niya ba ako?

"What are you talking about?" I asked him.

"Hindi kita nabalikan kagabi kaya nagalit ka? I'm sorry. May emergency lang kasi."

I almost rolled my eyes at him. Emergency? What a liar.

"Sino bang may sabi na galit ako? Kulang lang ako sa tulog kaya wala ako sa mood," pagdadahilan ko pero mukhang hindi pa rin siya naniwala. "At puwede ba, huwag mo akong sundan. Naiirita ako sa 'yo."

Padabog ko siyang iniwan at lumapit ako kay Tita Amely. Inabutan niya ako ng mango shake at agad kong ininuman iyon.

"What happened last night?" Tita asked.

I shook my head. "Wala po, Tita. Don't worry aayusin ko na po mamaya."

At gaya ng sinabi ko ay matiwasay na natapos ang trabaho namin sa araw na iyon. Kahit na gustong-gusto ko nang lumayo kay Jordan ay tiniis ko. Ayaw ko namang ipahiya si Tita Amely.

It was already ten in the evening and I'm still awake so I decided to go out to take a walk.

Hayst. How unfortunate am I? I fell in love to a taken man. Yes. I already know. I love him. He made me fall in love with his actions.

Kahit anong pag-iwas ang ginawa ko, nahulog pa rin ako. Kahit na anong pigil ko, nangyari pa rin. Pero hindi ko naman hahayaang lumala pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kung kailangan ko siyang mas iwasan, gagawin ko.

May tumulong patak ng tubig sa pisngi ko at na-realize kong umiiyak na pala ako. Hindi ko man lang napansin. Pati mga mata ko kusa nang lumuluha. Hindi ko man lang napigilan.

"Amarantha."

That voice. That voice used to be my comfort before but why am I hurting right now? Dahil ba alam kong pagmamay-ari na siya ng iba? Dahil ba alam kong may mahal na siyang iba?

"Can we talk?"

Dahandahan ko siyang nilingon pero hindi siya magawang tingnan sa mga mata. Masakit, e. Gusto ko siyang angkinin pero hindi puwede. Bakit ba kasi napakadaya ng tadhana?

"Ano bang pag-uusapan natin?" Nabasag ang boses ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak.

"Why are you so cold? Bakit ganito, Amara? Sabihin mo naman sa akin kung may nagawa akong mali," nagmamakaawang sambit ni Jordan.

Pagak akong natawa. "E ikaw, Jordan? Bakit ganito ka? Bakit mo ako pinapaasa? Bakit ka nagpapakita ng motibo? Bakit mo ako sinasaktan nang sobra? Bakit?"

Kumunot ang noo niya at bumuka ang bibig upang magsalita pero hindi niya itinuloy. Parang hindi niya alam kung anong sasabihin. Siguro nag-iisip na naman siya ng paraan para magsinungaling.

Puro naman kasinungalingan ang ipinakita niya. Puro pagpapanggap lang.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan. Will you explain it to me?"

Umiling ako at tinalikuran siya. "Huwag mo nang intindihin ang mga sinabi ko. Kalimutan mo na iyon. Kalimutan na rin natin ang isa't isa. Tapusin na lang natin ang trabaho rito tapos bumalik na tayo sa normal nating buhay," saad ko at nag-umpisa nang maglakad palayo pero muli akong hinigit ni Jordan.

Kasabay nang pagharap ko ay ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko.

I was stunned for a moment that I didn't know how to react. Nagtatalo ang isip at puso ko. Alam kong mali ito pero bakit parang ayaw kong itigil niya ang ginagawa. Pero kahit na gusto kong maramdaman ang halik niya, ginawa ko pa rin ang alam kong tama.

Malakas ko siyang itinulak at tumama ang palad ko sa pisngi niya.

"How dare you! You're not only a liar, you're also a cheater! Gagawin mo pa akong babae mo samantalang may girlfriend ka!" sigaw ko sa kaniya at nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang mga mata.

"H-How...What..." he was too shock to utter the words correctly.

"Yes, Jordan. I know your secret. Kaya tigilan mo na ako. Huwag na tayong magkita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top