18
Fallen
Later that night, Tita Amely knocked on my room for dinner. Matiwasay naman kaming natapos sa pagkain at bumalik din kami kaagad sa room para makapagpahinga pa.
Kinabukasan ay hapon ang call time namin kaya naman ay kasalukuyan na akong inaayusan ni Ate Celine ngayon.
"Miss Amara, ito na po ang flow ng story. Nandyan na rin po 'yung mga scenes na kailangan sa music video," sabi ng isang staff sa akin at inabot ang folder.
"Thank you," I smiled at her.
Habang inaayusan ako ni Ate Celine ay binasa ko ang laman ng folder para may idea na ako sa gagawin ko mamaya. Nandito na rin ang lyrics ng kanta para maintindihin ko nang maayos ang mensahe nito.
It is a song about sacrificing for the sake of love. Sacrificing your wealth, career and even your life just to be with that special someone.
Napabuntonghininga ako matapos mabasa ang laman ng folder. Hindi ko alam kung may ganoong klaseng pagmamahal ba talaga. Iyong pagmamahal na kayang isuko ang lahat mapatunayan lang na totoo ang pag-ibig nito.
I don't think there is someone out there who could really sacrifice everything for the sake of love. Kung ako ang tatanungin kung kaya ko bang isuko ang career ko para sa taong mahal ko? Hindi.
That's the truth. Because I've been working so hard just to be where I am right now. And I won't sacrifice it just for love.
"Miss Amara, pinapatawag na po kayo,"
"Sige, susunod na ako," sagot ko at pinagmasdan muna ang sarili sa harap ng salamin.
I was wearing a white sun dress that end up on my mid-thigh. Nakalugay ang aking buhok at hindi gaanong makapal ang makeup na inilagay sa akin.
"So, ang unang scene ay mag-isa lang si Amara sa harap ng dagat then matatanaw siya ni Jordan mula doon sa cottage," paliwanag ni Direk at tumango kami.
Wala naman kaming dialogue dito since music video naman ang gagawin at hindi movie. All we have to do is to show them what is the message of the song.
Nagtungo na ako sa dalampasigan at pinagmamasdan ang alon ng dagat. Magdadapithapon na kaya hindi na masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw. Maaliwalas ang paligid at maalon ang dagat.
Napakagaan pala sa pakiramdam kapag malayo sa syudad. Ngayon ko lang na-realize na nakakapagod pala manirahan doon. Kapag nagkapamilya ako, gusto ko sa isla kami tumira. Kung saan sariwa ang hangin at maganda ang paligid.
"Looks like you really admire the view in front of you."
Nabigla ako sa taong biglang sumulpot sa tabi ko. Sa sobrang pagkamangha ko sa nakikita ay nakalimutan kong nasa kalagitnaan pala ako ng trabaho. Mabuti na lang at nakaayon pa rin sa script ang nangyayari.
Ayos lang na mag-usap kami ni Jordan dahil iyon talaga ang dapat ipakita sa eksena. Sa script, kunwari ay magkakakilanlan kami ni Jordan, magkakamabutihan pero hahadlang ang pamilya niya at hanggang sa dumating sa point na handang isuko ni Jordan ang lahat para sa pagmamahalan naming dalawa. Cliche as it sounds but that's what they want us to do.
"Ang ganda-ganda kasi, parang ayaw ko na tuloy bumalik sa Manila," biro ko at pareho kaming natawa.
"May alam akong mas maganda," bulong niya.
"Ano?"
"Ang babaeng nasa harap ko ngayon."
Parang saglit akong nabingi dahil sa malakas na kabog ng puso ko. Nilingon ko si Jordan at nagtama ang aming paningin.
Ang sikat ng araw ay dumedepina sa kaniyang mapupungay na mata. Kitang-kita ang kahabaan ng pilikmata niya gano'n na rin ang matangos niyang ilong. At ang kaniyang labi...na minsan ko nang nahalikan.
"Cut!"
Kahit na pareho naming narinig ang sigaw ni Direk ay parang walang may gustong bumitaw sa tinginan namin. Hindi ko alam kung bakit parang hinihigop ako ng malalalim niyang mga mata. Gusto ko na lang itong pagmasdan hanggang sa lamunin ng dilim ang paligid.
"Ehem!"
Sabay kaming lumingon at nakita ko ang mga staff na nakangising nakatingin sa amin. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan kaya agad kong iniwan si Jordan doon sa dalampasigan.
"Grabe naman ang titigan n'yo kanina. Nahiya pa nga akong putulin ang eksenang iyon," sabi ni Direk na hindi ko alam kung nagbibiro ba o sinisita lang kami.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng dinner. Sabay-sabay na kami dahil libre naman ni Direk. Nasa iisang mesa kami nina Tita Amely, Direk Albert at s'yempre si Jordan. Nasa kabilang mga mesa naman ang ibang staff.
Alanganin akong ngumiti at pasimpleng sinamaan ng tingin si Jordan. "Pasensiya na po."
"Ayos lang. You looked good together, by the way."
Nasamid pa ako sa kinakain ko kaya agad akong inabutan ng tubig ni Jordan. Si Direk naman kasi nangbibigla.
"Direk Albert, Amara and I are just friends," Jordan said and I nodded in agreement.
Bigla namang ngumisi si Tita Amely. Maging si Direk ay parang hindi naniniwala.
"Amely, friends nga lang ba sila?" nanunuksong tanong ni Direk kay Tita.
Tita Amely laughed. "How would I know? Alam mo na magaling magtago ang mga kabataan ngayon."
"Tita!" nagmamaktol kong sabi dahil inaasar na nila kami. Si Jordan naman ay tumatawa lang at halatang natutuwa sa nangyayari.
Hindi na nasundan pa ang pang-aasar nila kaya natapos din kami sa pagkain. Pagkatapos ay nauna nang umakyat si Tita sa kwarto niya. Ako naman ay napagpasyahang lumabas muna ng hotel.
Nang umihip ang hangin ay nagtayuan ang aking mga balahibo at bahagyang nangatog ang aking tuhod. Nakalimutan kong magpalit ng damit bago ako lumabas.
"Bakit kasi lumabas ka pa nang ganiyan ang suot? Nilalamig ka na tuloy."
Nilingon ko si Jordan at nabigla ako nang ipatong niya sa balikat ko ang dala niyang jacket.
"E ikaw? Bakit lumabas ka rin?" tanong ko pabalik.
Sabay kaming naglakad at dinama ang lamig ng gabi. Marami pa namang tao sa labas kaya parang buhay na buhay pa rin ang paligid. Napansin kong tahimik si Jordan kaya nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa phone niya. Sinulyapan ko iyon at napansing may tumatawag.
"Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?" tanong ko.
Lumapit pa ako nang bahagya upang makita kung sino ang caller at nabasa ko ang pangalang 'Aireen'.
"What does she need from me now?" he mumbled that I could hardly hear because of the noise around.
Bumuntonghininga siya at tumingin sa akin. Nagpanggap na lang akong nakatingin sa malayo.
"I'll just answer this call," he informed me then he left.
Hindi ko na siya sinundan. Naglakad-lakad na lang ulit habang ine-enjoy ang katahimikan ng gabi.
Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang peacefulness sa paligid ko. Pakiramdam ko tuloy ay panaginip lang ito. Para bang magigising ako anumang oras at magkakaroon ako nang malaking problema.
Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi na ako binalikan ni Jordan. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?
Naghintay pa ako nang ilang sandali bago ako bumalik sa hotel. Sumakay na ako sa elevator at pagbukas nito ay didiretso na sana ako sa kuwarto ko kaya lang ay may narinig akong nagtatalo. Sa harap mismo ng kuwarto, nandoon si Jordan at may kausap siyang babae. Nakatalikod sa akin ang kausap niya kaya hindi ko makita ang mukha.
"Why are you doing this to me? Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Bakit ba ganiyan ka, Jordan? Why can't you consider my feelings for once?" bulyaw ng babae sa kaniya.
Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero nandiyan sila sa harap ng kwarto ko kaya makikinig na lang muna ako.
At gusto ko ring malaman kung sino ba 'yang babaeng nang-aaway kay Jordan. Kahit boses lang niya ang naririnig ko, nararamdaman ko na nasasaktan nga siya. Ano bang ginawa ni Jordan?
"Aireen, I'm sorry—
"Bullshit! Sasabihin ko 'to kila Tita Donalyn. You're always hurting me!" umiiyak na sabi ng babae at tinalikuran si Jordan kaya nakita ko ang mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan siya. Hindi ako puwedeng magkamali, siya iyong babaeng nakabungguan ko sa powder room noong kasama ko si Jordan. So, siya pala si Aireen? Iyong tumatawag kanina kay Jordan?
"Aireen, wait!" Hinabol ni Jordan si Aireen at niyakap ito. Parang may narinig akong nabasag sa loob ko. Inisip ko kung ano iyon, puso ko lang pala.
The way he hugged her, it only shows the love he has for her.
"I hate you, Jordan! I am your girlfriend pero lagi mo na lang pinaparamdam sa akin na hindi ako mahalaga!"
Oh damn! Akala ko basag na ang puso ko kanina, may idudurog pa pala. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napasandal ako sa pader na tinataguan ko.
"I'm sorry. I'm sorry. Let's fix this," rinig kong sabi ni Jordan at nang lingunin ko sila ay pareho silang pumasok sa kuearto ni Jordan.
Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ko alam kung dapat ko bang malaman ang bagay na iyon. Hindi ko alam na may itinatagong sikreto si Jordan. May girlfriend pala siya.
Pero hindi ko maintindihan kung ano iyong mga ipinakita niya sa akin? Bakit nakipaglapit siya sa akin? Palabas niya lang ba iyon upang pag-usapan kaming dalawa?
"Damn you, Jordan Emerson! I hate you to death!"
Muli kong inaalala ang itsura ng Aireen na iyon. She looked sophisticated and classy. Iyon ang mga tipo ni Jordan.
Shit! Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari ngayon.
I calm myself down before I walked towards my room. Sinulyapan ko pa ang kuwarto ni Jordan kung nasaan sila naroon ni Aireen ngayon.
Ano kayang ginagawa nila? May senaryong pumasok sa isip ko na agad ko ring tinigilan. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nasasaktan ako.
Parang kanina lang, magkasama kaming naglalakad sa labas. Pakiramdam ko sobrang perpekto ng gabing ito. Pero biglang nangyari ang pinakamasakit na plot twist sa buhay ko.
Why is this happening to me? Sa totoo lang dapat wala akong pakialam sa kanila. Pero bakit ba sobrang sakit?
Yes, I like him. But that's too shallow for me to get hurt like this.
Napahinto ako saglit bago ko dinama ang puso ko. Sobrang lakas ng kabog kasabay nang pagkirot nito. This can't be. I don't want to entertain what I'm feeling right now.
Have I fallen for him?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top