14
Fabulous
"Amarantha, here are your pending projects. May mga schedule na rin kung kailan mo dapat i-meet ang mga ito," sabi ni Tita Amely at inabot sa akin ang isang folder.
Kasalukuyan akong nagpapa-pedicure ngayong araw dito sa bahay namin. I want to pamper myself before I start accepting more offers.
Binasa ko ang laman ng mga folder at nagulat na may mga offers ako mula sa malalaking kompanya. Nitong mga nakaraang taon ay hindi naman talaga ako tuluyang nawala sa modeling. Tumanggap pa rin ako ng mga projects pero talagang limitado lang. Pero kahit na gano'n, I still gained fans.
I have more followers now on my social media accounts. At talagang napaka-active nila. So, alam kong may mga sumusuporta talaga sa akin. Kaya ngayon, excited na akong ipaalam sa kanila na tatanggap na ako nang mas marami at mas malalaking projects mula ngayon.
"Ang dami po nito, Tita. At ang iba, magkakalaban pa pong kompanya. Ano pong tatanggapin ko?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
As much as I want to accept all of these offers, I can't. Hindi naman puwedeng i-endorse ko ang dalawang magkalabang brands, 'di ba? So, I need to choose wisely.
"I'll let you decide about that. Pero saka ka na magdesisyon kapag nakilala mo na ang owners ng mga iyan. For now, intindihin mo muna ang guesting mo bukas sa isang morning show."
Napasapo ako sa noo nang maalala iyon. Nasabi na ni tita iyan sa akin noong nakaraan at dahil sa pag-re-relax ay bahagyang nawala sa isip ko.
"Oh God! Tita I almost forgot about it. Ano po bang mga itatanong sa akin doon?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
She held her chin as if she was thinking about it.
"Hmmm. Since you will start accepting more offers, baka about lang doon. Hindi ka naman nila tatanungin ng mga masyadong personal na bagay. Hindi ko hahayaan iyon," paliwanag ni tita sa akin kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
"Sige po, tita. Don't worry I won't disappoint you," I told her.
She smiled before holding my hand. "You don't have to worry if you'll disappoint me or not. Ang mahalaga ay masaya ka sa ginagawa mo, ayos na ako doon."
The day ended quickly and before I knew it, it's already time for the guesting. May mga naging T.V appearance na rin naman ako pero hindi pa ako tumanggap ng guestings katulad nito. Kadalasan, puro live interviews and such ang exposure ko sa televisions.
Isa rin kasi iyon sa ayaw ni Dad na gawin ko noon. Nag-aalala siya na baka mas dumami raw ang mga admirers ko at baka guluhin pa ako habang nag-aaral. Pero ngayon, ayos na ayos na sa kaniya ang lahat. I know minsan may pagka-unreasonable si dad pero naiintindihan ko siya. He just wants the best for me. And I know that finishing my education first is the most important.
"Hi, Amarantha. Nice name, bagay talaga sa 'yo kasi ang ganda mo sa personal," puri sa akin ni Miss Bea, isa sa mga hosts ng show na ito.
We're not yet on air that's why we still have time to talk with each other.
For this guesting, my designer let me wear this black bustier under a white blazer matched with a white straight-cut pants that could hide my heels. Ate Celine just let my wavy hair down on either side of my shoulders. And I have a fierce look for my make up.
"Thank you," I told her.
Napalingon kami nang pumalakpak si Direk at sinenyasan ang mga cameramen.
"Stand by! We will be on air after five minutes!" he shouted and we proceeded to our respective place.
May mga fans na pinayagang manood dito sa set kaya naman natutuwa ako dahil may mga tarps pa silang dala. Noong nakaraan ay in-update ko kasi sila na may guesting ako at hindi ko naman inaasahan na pupunta talaga sila para manood nang live.
"Good morning, Philippines! I am Bea,"
"And I am Shane. You are watching,"
"The Fabulous Show!" they said in unison.
Nasa backstage pa ako at hinihintay na ipakilala nila ako bago lumabas. I took a deep breath to calm myself.
"So, Bea. Balita ko talagang napaka-fabulous ng guest natin ngayon."
"You're right, Shane. Bukod sa fabulous ay talagang fresh. Fresh graduate at bagong-bago sa ating show."
"I'm sure, nagtataka na kayo kung sino. Kaya huwag na nating patagalin pa. Let's all welcome, Amarantha San Diego!"
I held a smile on my face before exiting the backstage. The fans became wild and kept on shouting my name. I smiled at them and slightly waved.
"Hi, Amarantha. How are you?" Bea asked the moment I sat on a single sofa opposite from them.
"Well, I was a bit nervous since it's my first time here. And also, I am beyond happy."
Kung kanina ay nanginginig ang pisngi ko sa kangingiti ngayon naman ay hindi na dahil kusa ng ngumingiti ang labi ko. Masaya talaga ako.
"Marami na talaga akong naririnig tungkol sa 'yo kahit pa noong Scarlett model ka pa lang. Can you tell us, kung anong mga bago na dapat naming abangan?" tanong naman ni Miss Shane.
"Marami po. Kung dati po ay sa mga magazines and social media lang po nila ako madalas makita, ngayon po tatanggap na ako ng ibang projects. I'm ready to step a new level on my career," I answered.
They both smiled at me.
"Wow. So marami pala dapat kaming abangan. As we all know, Amara just graduated on her tourism course. At dahil nag-aaral pa siya noon ay hindi pa siya full time model," sabi ni Miss Bea na bahagyang nagpatawa sa akin.
"Yes po. My dad is a bit strict but I understand. Besides, pinapayagan niya na po ako ngayon dahil tapos na po ako sa studies ko," paliwanag ko.
Miss Shane nodded. "Hindi lang pala maganda itong si Amarantha, masunuring anak din. Such a role model."
I think that made me blushed a bit. Masyado akong nao-overwhelmed sa mga papuri nila. Sana hindi lumaki ang ulo ko. Just kidding!
"Thank you," I said.
"Halata naman na masaya si Amarantha. We want to know, who or what are your inspirations right now?"
The question made me smile even more. Marami akong inspirasyon at willing akong ibahagi sa kanila kung sino at ano ang mga iyon. Pero bago pa ako makasagot ay may sumigaw mula sa mga fan.
"Jordan Emerson!"
Kasunod no'n ay ang pagtili ng iba ring fans. Nagtulakan pa nga sila na akala mo ay kilig na kilig. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. Nakakatuwa kasi sila.
"Oh. Mukhang may sinasabi ang mga fans mo. Who is it again? Jordan Emerson?" Inulit pa talaga ni Miss Shane.
"Amarantha is blushing," Miss Bea pointed out.
Napatingin tuloy ako sa monitor at nakita kong naka-close up ang mukha ko roon na talagang namumula nga.
Darn it!
"Well, I have so many inspirations—
"Isa ba doon si Jordan?" sabad ni Miss Shane sa sinasabi ko kaya nagtilian na naman ang ibang fans.
"Maybe." Iyon pa lang ang nasasabi ko ay naging wild na naman sila. Maging sila Miss Shane at Miss Bea ay parang kinilig. "Wait let me explain. Kasi 'di ba, napaka-promising niya bilang artista so nai-inspire ako na mas galingan pa para maabot ang mga pangarap ko."
Hangga't maaari ay ayaw kong magbitiw ng sagot na ikakasama naming dalawa ni Jordan. Aware naman ako na hindi lahat ng fans ay natutuwa sa tuwing ipini-pair kami.
"Hmmm. Nakalusot siya doon, ah. Just kidding" Miss Shane teased and I laughed a bit.
Medyo tama siya roon. Sinubukan ko talagang lumusot dahil hindi ko gustong tinatanong tungkol kay Jordan. Nahihiya ako sa totoo lang.
"Now that you're making your own name in modeling career, we hope that you reach your dreams and be one of the brightest stars," Miss Bea said.
"Thank you," I told her
"Amarantha, any message for your fans?" Miss Shane asked.
Humarap ako sa mga fans na naroon at nginitian sila.
"I want to thank all of you for believing in me. Thank you sa inyong suporta mula noong hindi pa ako gaanong tumatanggap ng mga projects hanggang ngayon. Thank you so much and I love y'all," I told them.
I really treasure these people. Sila iyong mga naniniwala sa akin at sumusuporta kaya kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging posible ang mga pangarap ko. Alam kong masiyado pa akong bago dito sa career na ito pero may tiwala ako na sasamahan nila akong abutin ang mga pangarap ko.
"That was a great message. Thank you, Amarantha for accepting our requesting to have you here," Miss Bea told me.
"Thank you, The Fabulous show for having me here," I told everyone.
Muling nagsalita ang dalawa para sa pagtatapos ng show at nang i-cut na ni Direk ang show ay saka ako binigyan ng pagkakataon na lumapit sa mga fans sa gilid. Pinagbigyan ko sila na magkaroon ng pictures kasama ako.
"Thank you, Miss Bea and Miss Shane. Hope to work with you again soon," I told the two host then hugged them.
"You're welcome, Amarantha. We also hope that you'll guest here again," Miss Bea said.
"Right! Sana naman may kasama ka na sa susunod. Para hindi ka na lulusot," biro ni Miss Shane kaya natawa kami.
I sighed. I never expected their warm welcome here. Even though they teased, they never made me feel awkward. They're so nice.
"You did well, Amara!" Tita Amely said when I approached her. Nakapagbihis na ako at handa nang magtungo sa meeting place namin ng isang company na nag-aalok ng project sa akin.
"Really, Tita? Kinakabahan nga ako na baka hindi maganda ang mga sinabi ko doon kanina."
"Don't be. Tama lang ang mga sinabi mo kanina. Nakakaproud kang panoorin."
Muli na namang tumaba ang puso ko dahil sa sinabi ni Tita. Napakasuwerte ko talaga sa mga taong nakapaligid sa akin. Lahat sila walang sawang pumupuri sa ginagawa ko kahit simpleng bagay lang naman.
"And, speaking of your guesting. Nag-trending ito nationwide. Iba talaga ang hatak ng ganda ng pamangkin ko." Hinaplos niya pa ang buhok ko at yumakap ako sa kaniya.
"Well, kanino pa ba ako magmamana? S'yempre sa inyo ni mommy," sabi ko kay Tita Amely at sabay kaming natawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top