11

Strange

"Amarantha."

Napalingon kami ni Walter sa tumawag sa akin at natigilan ako. Si Jordan, nandito ngayon sa harapan namin.

He glanced at the gauze on my arm and I saw his jaw clenched.

"What are you doing here, Jordan?" I asked him.

"I just want to talk to you," he said.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Walter kaya tiningnan ko siya. Seryoso niyang binalingan ng tingin si Jordan.

"Wala ka bang common sense? Katatapos lang ng issue tungkol sa inyo tapos lumalapit ka na naman kay Amara. Tingnan mo ang braso niya, kagagawan 'yan ng fans mo," sabi ni Walter.

Tinapik ko ang braso niya para kumalma muna siya. Wala ako sa mood makakita ng nagtatalo ngayon. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.

"I know. That's why I want to talk to you, Amara. Ako na ang maghahatid sa 'yo—

"Let's talk. Pero hindi mo ako puwedeng ihatid pauwi," sabi ko at bahagya kaming lumayo kay Walter. Bumuntonghininga ako. "Ano bang sasabihin mo?"

He took a deep breath. "I'm sorry. Hindi ko naisip na sasaktan ka nila dahil sa litratong 'yon. Do you want me to file a case against those fans who harassed you?"

I shook my head. "No need, Jordan. Gusto ko ding sabihin na sana huwag muna tayong magkita. Hindi ko 'to ginagawa kasi takot akong ma-issue ulit. Ginagawa ko 'to para sa career nating dalawa."

Saglit niya akong tinitigan na parang tinitimbang ang mga sinabi ko. Pinag-isipan ko na talaga ang tungkol dito. Kung patuloy siyang susulpot kung nasaan ako, mas lalo lang lalaki ang problema namin.

Tumango siya. "I understand."

"Kung wala ka nang sasabihin, uuwi na ako. Umuwi ka na rin," sabi ko.

Naglakad na ako pabalik sa kotse ni Walter. Muli niya akong pinagbuksan ng pinto bago siya umikot sa driver's seat. Napabuntonghininga ako ulit.

"Amara, I know that the answer is already obvious but I still want to hear it from you," Walter suddenly said.

My forehead knitted in confusion. "What is it?"

"Do you like Jordan?" he asked.

Natawa ako kahit na wala namang nakakatawa sa tanong niya. Wala lang kasi akong maisagot dahil hindi ko alam.

"Walter, bakit mo naman naitanong 'yan?" tanong ko rin sa kaniya.

He glanced at me before shaking his head.

"Like what I said, it's very obvious. Kung hindi totoo, dapat i-deny mo. Kung totoo naman, aminin mo na. Ako lang naman ang nandito, wala namang paparazzi," sabi niya bago tumawa.

Hindi ako kumibo. Ayaw kong umamin kay Walter dahil alam kong masasaktan siya. Kahit naman tumatawa siya habang nagtatanong, alam kong pilit lang 'yon.

"You know that I'm not that type of girl na madaling mahulog sa physical appearance," sambit ko matapos ang sandaling katahimikan.

I heard him sigh. "I know. But I also know that Jordan is different. The more na itinatanggi mo ang feelings mo sa kaniya, mas lalo lang 'yang lalalim. Hanggang sa hindi mo na kayang makaahon," makahulugang sagot niya.

He's right. I hate to admit it but he's right. I'm trying to convince myself that I don't like him and I will never have feelings for him. That's why I'm scared. Natatakot akong mahulog sa kawalan na hindi ko alam kung anong naghihintay sa pagbagsak ko.

"Don't think too much. Ipahinga mo ang isip mo at gamitin mo naman ang puso mo." Tinapik ni Walter ang balikat ko kaya nginitian ko siya.

"Thank you. Mag-ingat ka sa pag-d-drive," bilin ko bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Napahinto pa ako nang maabutan ko ang parents ko sa sala. Maging si Tita at kuya ay nandoon din.

"Nandito pala kayong lahat," sabi ko.

"Amara, your birthday will be next month already that's why I went here to help you with the planning," Tita Amely said.

Medyo naguluhan pa ako sa sinabi niya pero bigla kong naalala na birthday ko na nga pala talaga next month. Paano ko naman nakalimutan 'yon? Tumatanda na ba ako at nagkakaroon na ako ng memory gap?

"What happened to your arm?" Kuya suddenly asked.

Agad kong itinago sa likod ko ang aking braso at nginitian sila. Ang bilis talaga ng mata ni kuya.

"Wala 'to. Sumabit lang ako sa kung saan. Anyway, magplano na tayo sa birthday ko. Balak ko po kasi is magkaroon ng party for my friends lang and classmates," paliwanag ko.

"Sige, sweetie. Gusto mo bang sa company hotel na lang natin ganapin?" tanong naman ni mommy.

I nodded. "Puwede naman po. Ako na lang po ang bahalang mag-invite sa kanila."

"Gaano karami ba ang friends mo? Imbitado ba iyong lalaking naghatid sa 'yo kanina?" tanong ni kuya.

Napasimangot ako dahil nang-aasar na naman siya. Napailing na lang sila mommy sa amin.

I spent most of my days preparing for my birthday. It's not going to be an extravagant party but I want it to be special. A week before my birthday, Tita Amely asked me to have my birthday photoshoot.

"Nice shot! Advance happy birthday, Amarantha," the photographer greeted me.

I smiled. "Thank you."

Mabilis na lumipas ang bawat araw at dumating na nga ang birthday ko. Katulad nang napag-usapan ay sa company hotel namin ito ginanap.

I invited my classmates, especially Lucy. I also invited Walter and since siya ang Captain ng basketball team sa campus, sinabihan ko rin siyang i-invite ang team niya.

The party started at four O'clock in the afternoon that was why visitors were already coming. Nakangiti ako sa bawat taong bumabati sa akin. Bukod sa mga inimbita ko ay mayroon ding bisita na ang parents ko ang nag-invite. Karamihan ay employees and business partners ng company namin.

"Happy birthday, Amara!" Lucy greeted when she approached me.

"Thank you," I told her.

I hugged her for awhile before she gave my gift. Inilagay ko kaagad iyon sa table kung saan nakapuwesto ang mga regalo ko.

"You're twenty na. Hindi ka na teenager," natatawang sambit niya.

Ngumuso ako at natawa na rin. "Ikaw din naman. Mas matanda ka sa akin, 'di ba?"

"Yeah, I forgot. I see, in-invite mo pala sila Walter," sabi niya habang nakatingin sa kung saan.

Tinanaw ko rin iyon at nakita ko sila Walter na kararating lang. He immediately caught my gaze and I waved at him.

Agad siyang lumapit sa puwesto ko bitbit ang paperbag na may tatak ng isang mamahaling brand na jewelry shop.

"Happy birthday, Amara," he said before hugging me. I tapped his back. "Your gift."

I smiled at him. "Thank you. Tell your friends to enjoy the party."

"I will. Napansin ko na marami ka din palang bisita," sambit niya habang inililibot ang paningin at huminto iyon kay Lucy. "Hello, Lucy right?"

Mukhang nagulat pa si Lucy dahil kilala siya ni Walter. Napailing na lang ako at bahagyang natawa.

Pinagmasdan ko rin ang mga bisita na nandito na at bigla akong natigilan nang may makitang pamilyar na mukha. Kumurap ako at bigla iyong nawala.

Guni-guni ko lang ba 'yon?

Minutes later, my family arrived and I immediately approached them.

"Happy birthday, sweetie. Are you enjoying the party?" mommy asked.

I nodded. "Yes, mom and dad. Thanks for this."

Sunod na lumapit si kuya sa akin at ginulo ang buhok ko. Hinampas ko nga siya sa kamay.

"Happy birthday, li'l sis. Kahit twenty ka na, mas matanda pa rin ako sa 'yo kaya huwag mo akong sinusungitan," sabi ni kuya.

Umirap ako. "Okay, kuya. Hi, Tita Amely!" Iniwan ko na si kuya at agad kong nilapitan si tita. May gusto kasi akong itanong sa kaniya.

"My beautiful niece, happy birthday!" she said while hugging me.

"Thank you, Tita. May itatanong po sana ako," sabi ko at bahagya kaming lumayo sa kausap niya.

"What is it, Amara? Confidential ba 'yan?" biro niya.

Umiling ako. "Hindi naman po. Itatanong ko lang sana kung sino-sino po ang in-invite n'yo dito sa party?"

She raised an eyebrow and smiled. "Well, I just invited some of my co-models. Mga kilala mo naman sila. I also invited your stylists."

"Sila lang po ba? Hindi n'yo po ba in-invite si Jordan?" pabulong kong tanong.

"Jordan? As much as I want to invite him, he's in Singapore right now. Why? Are you looking for him?" she teased.

Hindi ako kumibo at napaisip na lang. Kung nasa Singapore siya ngayon, bakit nakita ko siya kanina? Hindi ako puwedeng magkamali. Nakatingin pa nga siya sa akin.

"Tita, I think I saw him earlier. Nasa Singapore po ba talaga siya?" tanong ko ulit.

She laughed that's why my forehead knitted in confusion.

"Maybe, you're hallucinating, Iha. Pero bakit ka naman mag-ha-hallucinate na nandito siya? Don't tell me, you're missing him?" she asked with a ghost of smile on her lips.

Dahandahan akong umiling. "Hindi po. Sige, aasikasuhin ko na po ang mga bisita ko."

After saying that, I went towards my visitors and talked to them. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pakikipag-usap nang matanaw ko na naman si Jordan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ko siyang nilapitan.

I'm not hallucinating. I'm pretty sure that he's here.

"Amara." Humarang sa dinaraanan ko si Walter kaya napahinto ako. "Where are you going?"

Tiningnan ko si Walter bago ako sumulyap kung nasaan si Jordan pero nawala na naman siya. Nasapo ko ang noo ko dahil mukhang kung ano-ano na nga ang nakikita ko.

"Is there a problem?" Walter asked again.

I shook my head and smiled. "Nothing. Parang may nakita lang ako. Anyway, do you need something?"

"Isasama sana kita sa table namin. Nahihiya kasing lumapit sa 'yo ang team ko kaya ako na lang ang lumapit," sagot niya.

Tumango ako at nagtungo kami sa mesa nila. Halata ngang nahihiya ang team ni Walter dahil napahinto sila sa pagkain nang lumapit kami.

"Hi, guys. Enjoy the party, okay? Malakas sa akin ang captain n'yo kaya huwag kayong mahihiya," sabi ko para maging komportable sila.

"Thank you, Amara. Happy birthday," sabi ng isa sa kanila.

Sunod-sunod na silang bumati sa akin pagkatapos no'n. May kaniya-kaniyang regalo pa sila kaya natawa ako.

"Thank you sa gifts. Go on, you may continue eating," I told them.

After that, the party coordinator told me that it's already time to blow my cake. I went to the mini-stage in front of the visitors and grabbed the mic. I called their attention before I started.

"Good afternoon, everyone. First of all, I would like to express my gratitude to all of you for coming here to celebrate my birthday. It's already time for me to make a wish," I said and the staff brought the cake in front of me.

They started singing a happy birthday song while I uttered my wish. I closed my eyes then I blew the candle. A round of applause echoed through the hotel walls after that.

"Let's all cheers for Amara's purposeful year!" Tita Amely raised her wine glass and we all followed.

"Cheers!"

Pagkatapos no'n ay nagsibalik na sila sa pag-uusap at pagkain. The older guests stayed for awhile before they left. It's already seven O'clock in the evening and the only visitors left were my friends and schoolmates.

"Amara, ilang shots na ba ang nainom mo? Namumula na ang pisngi mo," puna sa akin ni Lucy nang tumabi ako sa kaniya.

I chuckled. "I couldn't count. It's my birthday naman so hayaan mo na ako. Pakiramdam ko kasi nababaliw na ako," sabi ko.

"Why? May nangyari ba?"

"Lucy, I'm seeing things that I shouldn't. Nakikita ko siya dito pero wala naman siya. I'm hallucinating," I told her.

"That's normal naman if you're missing that person. Gumagawa ang utak mo ng paraan para maibsan ang pagka-miss mo sa kaniya," makahulugang sagot niya.

I didn't answer. That's what Tita Amely said to me earlier. Sinabi niya rin na baka na-mi-miss ko lang ang taong 'yon. Siguro nga.

I missed him. Can't he just show up for a while? Hindi niya ba ako babatiin? Kahit naman sinabi kong huwag na muna kaming magkita, dapat binati niya pa rin ako. Puwede niya naman akong i-message or tawagan.

"I'll just go to the washroom," I told her before I stood up.

Nagtungo ako sa washroom at naghilamos saglit para mahimasmasan ako. Nakalimutan kong nasa kotse nga pala ang makeup kit na dala ko. Ayaw ko namang humarap ulit sa kanila nang walang makeup kaya nagtungo ako sa parking lot para kunin ang makeup kit ko.

I was about to open my car when I saw someone across the parking lot. Bumitaw ako sa sasakyan ko at dahandahang nilapitan ang taong 'yon. Sobrang bagal ng bawat hakbang ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya dahil baka bigla na naman siyang mawala.

Nagawa ko siyang malapitan at ngayon ay nasa harapan ko na siya. Nakasandal sa kotse at nakakrus ang mga braso habang nakatitig sa akin.

"Are you really here? Am I hallucinating again?" I muttered while slowly reaching for his cheek.

He smiled before holding my hand to touch his face. He's here. Hindi ito guni-guni lang. Nandito talaga siya.

"Happy birthday," he whispered.

Before I could stop myself, I immediately kissed him. He didn't waste any second before kissing me back. My arms moved on his nape while his hand held to my waist and pulled me closer.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin ito. Siguro dahil na rin sa nainom kong alak kaya ganito ako ngayon.

My heart is beating fast while his lips is slowly moving with my lips. I was catching my breath when we stopped. His arms encircled on my waist and hugged me.

"I thought you were in Singapore," I mumbled.

He sighed. "Yes, I was there earlier. But I managed to go back here before midnight. I want to greet you on your special day even though I'm not sure if you're going to talk to me."

I smiled and my heart flutter in a strange emotion. Then, I realized that I wasn't wearing any makeup right now. Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinakpan ang mukha ko.

"Damn! Don't look at me!" I told him.

"Why? May problema ba?" naguguluhang tanong niya.

Tatakbo na sana ako pabalik sa sasakyan pero agad niya akong nahila. In just a snap, I was trapped between his body and his car.

"What is it?" he asked again.

"I'm not wearing any makeup. Dapat kasi mag-re-retouch ako tapos nakita kita. Pupunta muna ako sa kotse," sabi ko habang tinatakpan pa rin ang mukha ko.

I heard him chuckled. "Really? I didn't notice. You're equally beautiful with or without makeup but I prefer your natural beauty," he said.

This man really knows how to play with words. That's why I'm in danger. My heart is in great danger.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top