10

Last

Days went by like a blur and it's weekend again. Mamayang hapon pa ang schedule ko sa trabaho at ngayong umaga ay pupunta ako sa gym. Si Tita Amely mismo ang nag-suggest na mag-enroll ako sa gym na malapit sa bahay para kahit papaano ay nakakapag-exercise ako.

It's my second week here and I could say that the routines I'm doing are really helping me a lot. For beginners pa rin ang ginagawa kong routine pero hindi naman porke't pangbaguhan ay madadali na.

"Good morning, Gail," my instructor greeted me as I entered the gym.

Nagsulat ako sa logbook bago siya nginitian.

"Good morning, Troy," I greeted back.

Mula noong unang araw ko rito, Gail na talaga ang tawag niya sa akin. Nahahabaan daw kasi siya sa first name ko kaya 'yong second name ko na lang daw ang itatawag niya sa akin.

Nagtungo ako sa locker room at hinubad ang suot kong T-shirt. I am now wearing my black and pink sports bra and jogging pants. Hinigpitan ko ang sintas ng sapatos bago ako lumabas ng locker room.

"Sa treadmill, Gail."

Tumango ako at nagtungo sa harap ng treadmill. I did some stretching first before I ran through it. Last time, I did it for twenty-five minutes and now I'm planning to make it thirty minutes.

Every five minutes, I was increasing the speed of the treadmill. After that, I did some exercises with the help of Troy.

I was sweating a lot after my workout and I was catching my breath. But I feel great.

"Nice workout, Gail. See you next session," Troy said.

"I'm so tired. Thank you for this day, Troy. Punta lang ako sa shower room," sambit ko.

Tumango siya at nagtungo na ako sa locker room. May shower room din dito kaya puwedeng maligo muna ako saglit bago ako umuwi.

Pagkalabas ko ng locker room ay may narinig akong pamilyar na boses. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng gym bag ko habang naglalakad papunta sa front desk.

"Ang tagal mo nang hindi pumupunta dito. Sa ibang gym ka na ba naka-enroll?" tanong ni Troy sa lalaking kaharap niya.

Nakatalikod sa gawi ko ang kausap niya pero kilalang-kilala ko ang tindig ng taong 'yon. Hindi na sana ako lalapit kay Troy para hindi na rin ako mapansin ng kausap niya pero nagtama ang paningin naming dalawa.

"Gail! Uuwi ka na?"

I glared at him. Does he really need to ask that?

Humarap din sa akin si Jordan at hindi naman siya mukhang nagulat. Nginitian niya pa nga ako na parang wala siyang atraso sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong paghalik niya sa akin tapos pakikipag-date niya sa iba!

"Amara, long time no see," Jordan said.

I ignored him. "Troy, I'll go home na. Thank you again."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas ako kaagad ng gym. Mabilis akong naglakad palayo at pakiramdam ko ay nasa treadmill pa rin ako ngayon. Hindi pa man ako nakakatawid ng kalsada ay may humila na sa braso ko. Inis kong nilingon si Jordan.

"What do you want?" I asked him.

"Ang tagal nating hindi nagkita. Why don't we drink coffee for a while?"

I rolled my eyes. "Ano naman ngayon kung matagal tayong hindi nagkita? We're not friends."

He chuckled. "Of course, we're not just friends. Friends don't kiss, right?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Kung makaasta siya para namang gustong-gusto ko na hinalikan niya ako!

I fake a laugh. "Come on, you still haven't move on with that? Ilang buwan na ang lumipas, Jordan. Nakikipag-date ka na nga sa leading lady mo, 'di ba?" I sarcastically said.

His face became emotionless. "About that..."

Itinaas ko ang palad ko para patigilin siya sa pagsasalita.

"You don't have to explain anything. By the way, congrats to the both of you. I'm sure that you'll both become a superstar someday. I gotta go," I told him before I walked away.

Nang makalayo ay saka ko lang naramdaman ang panginginig ng binti ko. Huminga ako nang malalim at dahandahang pinakawalan iyon.

"Amara, looking good as always," Miss Jennifer greeted when I entered her office.

Siya ang fashion designer ng mga damit na isusuot ko para sa photoshoot ngayon. I've been following her accounts since before of she's really a great designer.

"Thank you, Miss Jennifer. It's my pleasure also to be your muse," I told her.

Her designs are usually for evening wears. Designers for this type of fashion typically focus on more luxurious styles, fabrics and materials. Customers typically wear these designs to elegant events. Because of this, the fabric used to make these pieces is often more expensive than most.

Some of apparel's types that she is making are evening gowns, wedding gowns, tuxedos, suit, and many more.

Ngayong araw naka-sched sa akin na isuot ang newly made evening gowns niya. My photos will be included on their monthly fashion magazines that's why I'm really excited.

"Pikit ka muna, Amara," sabi ni Ate Celine habang nilalagyan ako ng makeup.

I closed my eyes and she started putting eyeshadow to my eyes. Since evening wears ang mga isusuot ko ngayon, kailangan naka-full makeup ako.

She put a red lipstick on my lips for the last part then I'm done.

"Halika na, tulungan na kitang magbihis," sabi niya bago ako iginiya sa dressing room.

The first gown is a beaded sheer evening gown that has Swarovski crystals. It is opened at the back part with a high slit on my left thigh.

Saktong-sakto ang sukat sa akin ng gown na 'to. Pakiramdam ko tuloy ginawa ito para sa akin.

Pagkatapos kong isuot ito ay nagtungo na ako sa photoshoot area. The photographer is instructing me how to pose and I'm giving my best to satisfy them.

"Great pose! Next outfit na, Miss Amarantha," sabi ng photographer.

Sinamahan ulit ako ni Ate Celine sa dressing room. Tumagal ng halos kalahating oras iyong unang shoot ko at sa tingin ko ay aabutin kami dito ng ilang oras bago matapos.

The next is a red A-line spaghetti-straps with drape neckline and side-slit satin gown. It's so daring and sexy but I can handle it.

This time, the photographer asked me to sit on a couch while holding a wine glass. Ate Celine put down my hair earlier and let my loose waves on either side of my face.

I extended my legs and slightly rest my back on the backrest of the couch. Hindi ako ngumiti sa unang shot dahil fierce and sexy look daw muna. Sa sumunod na shot naman ay candid at maraming poses pa ang pinagawa nila sa akin.

After that, I changed into the third gown. This time, it is a peach ruffle one-shoulder chiffon A-line gown. Ate Celine tied my loose waves into a high ponytail to match the outfit.

I did a quick poses in front of the camera then I was done.

"That will be your last shoot for today. Thank you," Miss Jennifer said.

I smiled. "Thank you and it's my pleasure to work with you, Miss Jennifer."

May sasabihin pa sana siya pero lumapit ang secretary niya sa amin.

"Miss Jennifer, kukunin na daw po ni Manager Jes ang tuxedo ni Jordan for the awards night," sabi nito.

Nakuha niya ang atensyon ko nang sabihin niya iyon.

Miss Jennifer smiled. "Okay, just a minute," she answered before glancing to me. "See you next weekend, Amara."

I nodded. "Sige po. I'll go ahead."

Pagkatapos ng photoshoot ay umuwi na rin ako kaagad. It's past lunch time already when I arrived at home. Wala ang parents ko dahil may business trip sila at si kuya naman ay nasa trabaho.

While eating, I was thinking about what I heard earlier. Looks like Jordan will attend an awards night with his leading lady. Paniguradong laman na naman iyon ng balita at social media.

Kumain muna ako saglit bago dumiretso sa kuwarto ko para makapagpahinga. Nakatulog na rin ako saglit nang tumunog ang phone ko. It was already four O'clock in the afternoon.

"Tita Amely, why did you call?" I asked her.

"Amarantha! Have you checked your social media accounts? Ano 'tong pictures na kumakalat? Magkasama kayo ni Jordan kanina?"

Napabangon ako sa higaan at hindi agad nakakibo. I scrolled through my newsfeed again and there were people who mentioned on a post. It is a photo of me and Jordan earlier in front of the gym.

May isang picture na nakahawak siya sa braso ko at mayroon namang nag-uusap kaming dalawa.

"Tita," I muttered.

"Ano? Will you explain that to me? Maraming fans nila Jordan at Leah ang nagagalit ngayon. They are thinking that you two have a secret relationship."

Umiling ako. "H-Hindi po. Coincidence lang po ang pagkikita namin kanina. I don't know what's the big deal about it. Do you want me to explain it to their fans?" I asked.

"No, you will not do that. Fans nila Jordan 'yon at hindi sila makikinig sa 'yo. Kaya dapat, so Jordan ang mag-clear ng issue na 'to. I'll talk to him—

"Ako na po, Tita," putol ko sa sinasabi niya.

I heard her sigh. "And what? Makikipagkita ka ulit sa kaniya?"

"Mag-iingat na po ako this time, Tita. May sasabihin din po ako sa kaniya kaya ako na lang. I'll fix this, promise."

She was hesitant at first but later on, she finally agreed. I asked for Jordan's number and she gave it to me.

To Jordan:
This is Amarantha. I want to talk to you. Let's meet.

He didn't reply but I still assumed that he read my message. Nagbihis ako at nagtungo sa lugar na sinabi ko kay Jordan. Naka-disguise ako ngayon para hindi ako mapansin ng mga tao.

It has been fifteen minutes since our meeting time but Jordan hasn't showed up. Ilang beses ko na rin siyang m-in-essage pero hindi siya nagre-reply.

"Sorry, I'm late." Tumingala ako nang marinig ang boses niya. "Ayaw kasi akong paalisin ni Manager Jes kaya tumakas na lang ako."

Tumango ako. "Maupo ka. Pag-usapan natin ang kumakalat na isyu tungkol sa ating dalawa," panimula ko.

Naupo siya sa katapat kong upuan at inayos ang suot niyang sumbrero. Kung hindi mo siya kilala, hindi ko nga siya mamumukhaan kaagad.

"I know about that. Don't worry, I'll clear this issue. Ayaw lang akong payagan ng management na magbigay ng statement. Gusto nila sila daw ang mag-aayos doon," sagot niya.

Bumuntonghininga ako. "Ayaw din ni Tita na magsalita ako. Kayo nga talaga dapat ang umayos no'n. Because in the first place, you were the one who went there. Ikaw ang sunod nang sunod sa akin at hindi mo man lang naisip na baka may nakasunod sa 'yong paparazzi."

Kung tinigilan niya na sana ako, sana walang ganitong nangyayari ngayon. Alam ko kung gaano nagiging aggressive ang mga fans lalo na kung nakikita nilang threat iyon sa idols nila. Baka iniisip na nila ngayon binubuwag ko ang tandem nila Jordan at Leah.

"Yes, it's my fault. Don't worry, that would be the last," he said.

I stared at him for awhile before I sighed. Tinapos ko na ang pag-uusap namin at umuwi na ako. Kahit na sinabihan ako ni Tita Amely na huwag muna akong magbukas ng social media accounts ko, hindi ko pa rin siya sinunod. Gusto kong mabasa ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.

I laughed bitterly. When I first worked with Jordan, people were pairing us together. Pero ngayong may official love team na siya, iniisip na talaga nilang hadlang ako.

Days passed again and I couldn't say that I was fine. Nag-release ng statement ang management na may hawak kay Jordan pagkatapos ng awards night. Nilinaw nila na walang malisya sa picture naming dalawa at coincidence lang ang pagkikita namin doon. Kahit na maayos na ang lahat, may mga fans pa ring hindi maka-move on.

"Look who's here. 'Di ba, siya 'yong ginagamit ang mga kakilalang sikat para sumikat din siya?"

Napahinto ako sa paghuhugas ng kamay dito sa ladies room nang marinig ko iyong nagsalita. Tiningnan ko sila sa salamin at nakitang ako nga ang pinariringgan nila.

"Tama ka. Porke't model ang tita niya, iniisip niyang sisikat din siya. Pero hindi gumana kaya ngayon, kay Jordan naman siya kumakapit."

Dahandahan kong pinihit ang gripo bago lumapit sa may hand dryer kung nasaan iyong dalawang babae. Bahagya silang lumayo na para bang natatakot sa gagawin ko.

I took my time to dry my hands while smirking.

"May gana ka pang ngumisi. Kung ako sa 'yo, magtatago na ako dahil sa kahihiyan," sabi ulit ng isa.

Hinarap ko sila. "Too bad, you're not me and I will never want to be you. Siguro mababa ang reading comprehension n'yo. Hindi n'yo kasi naintindihan ang statement ng management nila Jordan."

Parehong nawalan ng emosyon ang mukha nilang dalawa.

"And so? Atleast, hindi kami nanggagamit—

I chuckled. "So, inaamin mong bobo ka? And let me tell you this, kahit pa gumamit kayo ng koneksyon para sumikat, hindi uubra. Pangit na nga ang mga ugali n'yo, pati ba naman mukha n'yo?"

"How dare you!"

Sinugod ako ng isa sa kanila at dahil mahaba ang mga kuko niya ay nakalmot niya ang braso ko. I winced in pain and I saw a trickle of blood on my arm.

Napahinto rin silang dalawa at mukhang natakot sa ginawa.

"Let's go!" sigaw ng isang babae at hinila na paalis ang kumalmot sa akin.

Huminga ako nang malalim bago nilinis ang sugat ko. Kainis! Sobrang iniingatan ko ang balat ko tapos kakalmutin niya lang ako?

Pinulupot ko sa braso ko ang panyo bago ako lumabas. Napahinto rin ako kaagad nang makita si Walter.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa braso kong may panyo at bumuntonghininga.

"Tama nga ako. Ikaw ang pinag-uusapan no'ng dalawang babaeng nakasalubong ko. Sinaktan ka nila, ire-report ko sila—

"Huwag na," pigil ko sa kaniya. "Lalo lang lalaki ang gulo kapag nagsumbong ka."

"Mali ka. Mas lalo silang masasanay kapag hindi sila naturuan ng leksyon. Hindi mo siguro alam, pero ako ang president ng anti-bullying club dito sa campus. Kaya hindi ko ito-tolerate ang gano'ng behavior ng mga estudyante dito," mahabang litanya niya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Alam ko naman talaga na president siya ng anti-bullying club. At alam ko rin kung gaano siya ka-hands on doon.

"Walter, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala, kapag naulit pa ito magsusumbong na talaga ako," paniniguro ko sa kaniya.

"Fine, sasamahan na lang kita sa clinic para magamot muna 'yan. Tapos ihahatid na kita pauwi."

Hindi na ako tumanggi sa gusto niya. Nagmamagandang loob lang naman si Walter kaya kahit ito lang ay pagbibigyan ko na siya.

Nagtungo kami sa parking lot pagkagaling namin sa clinic. Pinagbuksan ako ni Walter ng pinto kaya napangiti ako.

"Amarantha."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top