Chapter 1
This chapter is dedicated to the person who created this book cover. Thank you LiliGrace_
Chapter 1
KATARINA
****
Bakit ang daling magmahal? Bakit ang daling mahulog? Bakit may nasasaktan pag-nagmamahal?
Heto ako ngayon, nakatingin sa malayo, nakatingin sa kanila. Paulit ulit na sinasaksak sa puso habang ang tamis nilang tignan. Tumayo ako, at sumigaw.
"HUWAW NAMAN ATE AT KUYA! ANG SWEET NIYO SA ISA'T ISA! PARANG KAHAPON LANG IBA YUNG BABAENG KASAMA MO. IBA NA NAMAN NGAYON? ULOL MO KUYA. WALANG POREBER! MAGHIHIWALAY DIN KAYO!"
Napatingin naman si ate kay kuya at nag-talo sila. Napangiti ako, look who's fighting now. After nilang mag-talo, sinampal ni ate si kuya. I grimaced, that hurts. Totally.
Nothing lasts forever. Life? We all die. Money? They will eventually ran out. Love? Everyone falls out of love. Happines? They'll disappear. Chances? Everyone will be tired giving them one.
Oo, bitter ako. So? Ano pakialam niyo? Hindi niyo buhay 'to, sa'kin 'to kaya walang pakialaman.
"Ang bitter mo gurl!" ani ng kaibigan ko, si Amy.
"Pake ko? At isa pa, totoo naman talaga, walang forever." at nag-ikot pa ng mata.
"Get a life girl, palagi ka nalang sawi sa pag-ibig. Sabi kasi sa'yo eh, magmahal ng totoo, nag-mahal ka nga --," pinandilatan ko siya, "Tara beh, gutom ka na noh? Hehehe." pagbawi ni Alyssa sakin.
Hays. Of all people naman kasi na pwede kong mahalin, siya pang -- ugh, nevermind.
"Andito na sila bes, kain na tayo?"
Kinabahan ako, tanghali na at sooner or later, dadating na siya.
"Oh? Tara na." Aya ni Lannie samin.
I have 9 close friends. With different character. Jessica, Alyssa, Arcie, Amy, Lannie, May, Helen, Rj and John James.
These nine, stupid people are the best of all. No need to elaborate them because once you get close to them, you'll see how loving and caring they are.
"Ang kupad talaga mag-lakad ni May, parang pagong. Ang bagal." Lannie, habang hawak ang tiyan.
"Parang 'di ka pa nasanay jan. E halos araw-araw natin yang kasama. Reklamo ka ng reklamo, maghintay ka," sabat ni Arcie habang hawak ang phone.
Sabay palagi na dumadating si Rj at si nevermind. Kaya once makita namin si Rj, alam naming nandun din siya.
"Sandali, wala pa sina Rj." si Amy. Rj is Amy's suitor. "Sandali lang daw, tagal daw kasi ni John. Pababa palang sila sa second floor."
I hear laughing, a familiar laugh. Yung tawang yun kay Rj yun.
Napalingon kaming lahat sa hagdan. And here they come, si Rj nga at si John.
Nakatingin kaming lahat sa kanila, then tumingin samin yung dalawa.
Nung maramdaman kong titingin na siya, I looked away.
"Okay na? Pwede na? Tara na? Gutom na gutom na ako." niyaya ko na sila.
"Hays, lagot na naman tayo. Pag di naubos ang kanin, kay Kat itapon." ani ni May na siyang nag-patawa sa lahat.
"Ba't palagi kang gutom?" tanong ni Jessica
"Eh sa nakaka-gutom yung naaamoy ko eh." Then we all laughed.
"Kat, nandito si --"
"Tara na!" pag-putol ko sa sasabihin ni Rj. Alam nilang lahat kung anong mayroon samin ni John.
Inakbayan ako ni Alyssa. Then she whispered, "Alam naming lahat na 'di mo siya kayang kalimutan. And, goodjob. Naiiwasan mo na siya paminsan-minsan."
I tried to smile. She pats my back, "Everything will be okay."
I hope so too. Because I'm tired. Tired of waiting and wanting someone who can't be mine.
"Ay sila lang talaga nag-usap be, so bad." Ani ni Arcie.
"Pasali kami jan." sabi ni May.
Then, Rj and John cracks jokes on our way sa carinderia. Kaya, habang naglalakad kami, tawa kami ng tawa. Kahit paminsan-minsan, puro nonsense yung joke.
I stopped, habang sila patuloy parin sa pag-lalakad at tumatawa.
So blessed to have them as my friends.
Tinignan ko sila isa-isa, when suddenly, tumigil si John sa pag-lalakad at lumingon sa likod. Or more like, lumingon sakin. Our eyes met, I looked away and started catching up with them.
Please, leave me alone. Just please stop it, whatever you're doing.
We are all Grade 11. We are all under the same section but, we all have different schedules.
For example, my class on 21st Literature is on 3-4pm but Amy's class in 21st Lit is 7-8am. Same section but different schedules.
Yun yung rason kung bakit nahuli sina Rj at John kanina.
-*-
NANG matapos na kaming kumain, naglakad ulit kami pabalik sa campus. Nobody tried to crack a joke after what happened. Pagkatapos nung nangyari kanina sa carinderia.
What happened? Here's what happened.
FLASHBACK
Naka-upo na kaming lahat sa isang mesa at masayang nag-uusap usap ng biglang nagtanong si Rj.
"Kat, kumusta kayo ni John?"
Napatigil silang lahat sa tanong niya. Sinipa ni Amy si Rj, at pinanlakihan ng mata ng barkada si Rj.
"Ano? Parang nagtatanong lang eh." sabay kamot sa ulo.
Nag-patuloy kaming lahat sa pag-kain, ng walang ingay. Walang nag-tangkang mag-salita.
Malakas parin ang tibok ng puso ko. Pero kahit ganon, hindi yun naging hadlang para masagot ko ang katanungan ni Rj.
"Kami? Walang kami Rj, alam mo yun."
Naghiyawan ang barkada, kinantyaw pa nila si John. Kesyo, tanga raw siya.
"Talaga. Walang kami. Kasi mahal ko si Yam ko."
Yung puso ko parang sinaksak ng maraming beses, ang sakit.
Lahat ng barkada napatigil sa pag-hiyaw, maliban nalang kay Rj na kinantyawan pa ako.
"Ahh! Mahal daw niya eh. Hahaha. Wala ka Kat, wala." kantyaw ni Rj sakin.
Napatungo ako, nagpipigil ng luha.
"Edi kayo na." sagot ko.
Napatigil si Rj sa pag-kantyaw sakin. Kasi all of the sudden, tumunog yung phone ko.
Napatingin lahat doon kasama na si John.
Apong<3 calling...
Tumahimik lahat ng sagutin ko yung phone.
"Hello pong? .... Nakakain na po.... Ikaw? .... Kain na, bad sa health yan .... Sige, tatapusin ko na tong pagkain ko... Opo ... Hehehe ... Sige ... Bye ..." Tapos pinatay ko yung tawag.
Then, napatingin lahat kay John. Kahit ako, napatingin.
Bigla siyang tumayo at naglakad palayo.
Nagsimula na naman ang hiyawan at asaran.
"San ka pupunta John?" Rj
"Ay walkout?" Alyssa
"Nagseselos ako, in English," ani ni May, "JALOUSY!" sigaw ng barkada.
A smile escaped from my lips. Then back to serious. Napatingin ako sa barkada. Akala ko walang nakakita sa pag-ngiti ko, yun pala, nakatingin si Rj sakin.
"Si Kat, natutuwa!" and then they switched the teasing from him to me. Real quick.
Napatingin ako kay John. Only to find out na nakatingin din siya sakin. Iniwas ko ang tingin sa kanya.
Naglakad pabalik si John sa mesa.
"Hindi ako nag-seselos, bakit ako mag-seselos? Mahal ko si Hazel. Siya lang at wala ng iba." halatang may diin sa bawat salita niya.
Pain pierced through my heart. Parang piniga, hiniwa, o tinusok-tusok yung puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.
I stood up, facing him.
"Mahal mo siya? How sweet. Edi kayo na, kayo na nagmamahalan."
"Kami na talaga, kami na matagal na. At walang tayo, walang nagseselos dahil hindi naman kita mahal. Si Hazel lang ang mahal ko. Because she's my girlfriend and I love her."
Alam kong nakita ng barkada ko yung sakit sa mga mata ko, pero walang nagsalita sa kanila. Walang gustong umawat samin. Na para bang gusto din nilang mag-kausap kami.
"Okay. Sabi mo eh. Mahal mo siya. Mahal ka niya. Once upon time, I fell in love with a taken guy and he said he loves her and it hurts knowing he loves her so much so I gave up. The end."
Umupo ako at kumain ulit. Wala ng nagsalita after that.
END OF THE FLASHBACK
Ang galing no? Hahaha.
Anyways, wag na nating pag-usapan 'yan.
Habang naglalakad kami pabalik, may dumaang ice cream.
"Bes! May ice-cream, wait lang. Bibili lang ako." hindi ko na hinintay yung sagot nila.
Tatawid na sana ako ng may dumaang truck.
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top