BID-5

Luhan POV

"Sorry Luhan. Sorry" iyak lang sya ng iyak. Ha! Kala nya ba maaawa ako sa kanya? Eh di nga sila na-awa sa amin ni Chanyeol nung ginawa nila yung kahayupan nila tapos hihingi sila ng sorry?

"Umalis kana Baekhyun habang nagtitimpi pa ako baka ano pa ang magawa ko sayo" sumisikip na naman ang dibdib ko leche!

"H-hindi Lu---"

"SABING UMALIS KANA EH!" Hindi ko na talaga napigilan kaya nag-taas na ang boses ko sa kanya. At dahil nasa risk na rin ang puso ko

"Hindi ako magsasawang babalik dito para mapatawad mo lang ako Luhan. Pangako. Babalik ako Bestfriend" tuluyan na syang umalis habang may luha sa gilid ng mga mata nya.

Di lang sya ang nahihirapan dahil may pinagsamahan din kami pero wala eh. Mas lamang ngayon ang galit na nararamdaman ko para sa kanilang dalawa tsaka ano? Babalik sya dito para mapatawad ko sya? Ha! Asa sya! Di rin nya pala alam na may sakit ako hahahaha ex-bestfriend ko lang rin naman sya kaya di nya na pedeng malaman tungkol yung sa sakit ko. Wala rin namang kwenta eh. Mamamatay lang din naman ako.

Kaya napagdesisyonan ko na umalis na sa Korea at sa Pilipinas ko na lang ipagpatuloy ang mga nalalabi kong oras dito sa mundo. Kahit na sa ganoong paraan eh alam ko na minahal ko ang sarili ko kahit paano.



"Ano???!!! Inagaw ni Baek si BabaLord?!" Parang wala ng bukas na sigaw ni Kyung sa akin.

Pinapunta ko sila dito para malaman na nila ang mga nangyaring komprontasyon kahapon at ang balak kong pagmigrate sa Pilipinas.

"Oo Kyung. Sila ng dalawa. Eh di ko nga alam kung ilang months na sila eh." Sambit ko ng may pekeng ngiti sa labi.

"Sabi ko na ba at may lahing higad yang si Baek eh. Naamoy ko na may gagawin syang hindi maganda jusko. At sa iyo pa talaga ha? Sa bestfriend pa nya!" Sansala ni Xiumin

"Hayaan nyo na sila. Doon sila masaya eh." Sabi ko sa kanilang dalawa

"Pero Lu!"

"Ayos lang ako mga Bakla. Magiging okay din ako" sabi ko pero alam ko sa sarili ko na totoong ngiti na ang pinakita ko sa kanila "May sasabihin pala ako sa inyo."

"Ano yun Lu? Baka buntis ka ha? Naku!" Sabi ni Kyungsoo habang nanlalaki pa ang kanyang dalawang mata habang sumisipsip ng Juice

"HAHAHA. Sira hindi. Hays. May Cardiac Failure ako Kyung,Min." wala nakong ibang narinig kundi ang pagkabasag ng baso at ang impit nilang mga hikbi

"Waaaah! Luhan? Nagbibiro ka lang diba? Diba? Nagbibiro ka lang?" Hindi na napigilan ni Xiumin at umiyak na sya at yinakap naman ako ni Kyungsoo habang taimtim na lumuluha.

"Ang duga mo Lu! Ang duga duga mo! Huhuhu"

"Hahaha. Ano ba Min? Kyung? Di pa naman ako mamamatay ah?" Pero sana mamatay nako "Masamang damo to. Magkakasama pa tayong tatlo" sambit ko pero di ko na mapigilan ang mga luha sa aking mga mata.

"Pero pangako mo Lu ha? Wag kang mamamatay hanggat di pa kami kasal" napangiwi naman ako sa sinabi ni Kyung

"Oo naman. Di ako mamamatay hanggat di ka nasasakal este nakakasal kay Kai at ikaw naman Min kay Chen. Tandaan nyo yan ha? Tandaan nyo. Mahal na mahal ko kayo Bestfriends."

"Mahal na mahal ka din namen Bestfriend" sabay na sambit ko sa kanila

Pero baka di ko kayanin mga Bes. Baka kahit anong oras pede nakong mamatay

"May isang sasabihin pa pala ako sa inyo mga Bes" sabi ko ng nakangiti

"Ano yun Lu?" Sagot ni Xiumin

"Magma-migrate nako sa Pilipinas mga Bes" at pumalahaw nanaman sila ng iyak hays pano ko sila iiwan nito? At paano si Chanyeol?

- - - - - - - - - - - - -

Sorry guys wala akong masyadong alam sa Heart Disease chuchu nayan hays

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top