BID-4

Luhan POV

Bakit ang hilig nyang sirain ang buong pagkatao ko. Binasag nya na nga yung puso ko eh. Sobrang sakit na. Hirap na hirap nako. Bat ang hina-hina ko pag kaharap ko sya? Oo mahal ko pa sya hindi naman porket hiwalay na kami eh agad nang mawawala ang feelings ko sa kanya. Ang hirap talagang diktahan ang puso pag Pag-ibig na ang pinaguusapan.

Kaya heto ako ngayon oh? Durog na durog na. Pinung-pino na ang puso ko ng dahil sa isang Oh Sehun na may Byun Baekhyun na ngayon. Hahahaha. Ang sama nila. Ang sama-sama nila. Nagmahal lang din naman kami ah? Bakit kailangan pa nilang gawin samin to? Pwede bang magmahal na lang nang di nasasaktan? Pero wala eh. Kaakibat na nang pagmamahal ang masaktan. Kahit hindi mo deserve ito. Masasaktan at masasaktan ka parin. Wala eh nagpapakatanga kasi tayo sa pag-ibig. Pero may narealized lang ako,hindi porket nasaktan ka ngayon eh di kana pwedeng maging masaya. May mga kaibigan naman ako dyan na pwedeng malapitan yung mga kaibigan na di nang-iiwan,yung laging nandyan pag alam na nila na nasasaktan at nahihirapan kana. Nandyan pa naman si Kyungsoo at Xiumin. Mas magiging masaya ako sa kanila. Isama mo pa ang isang Park Chanyeol na kahit kakakilala ko lang ay alam kong mas tatagal ang pagiging magkaibigan namin.

"Luhan,gumising kana. Di kana babalikan nun. Di ka na nya mahal,oo minahal ka nya pero may mahal na syang iba." Kingina ang sarap pagsasampalin ang sarili ko. Wala eh nagmahal ako ng taong di kayang suklian ang pagmamahal na binigay ko sa kanya

"Matulog na Luhan. Magmu-move on kapa. Di mabubuo ang pangalan mo pag walang LUHA sa LUHAn"

Siguro ito na ang tamang oras para mag move on ako. Eto na yung oras para mas bigyan ko nang pansin ang mga taong nakapaligid sakin. Sa mundo na nila iikot ang buhay ko. Hindi na sa hari ng mga baba na si Oh fvcking Sehun. Siguro panahon na para mas mahalin ko na yung sarili ko.


Nagising ako sa sunud-sunod na pag doorbell sa Apartment na tinutuluyan ko. Pusang gala parang kakaidlip ko lang ah. Ang bilis ng oras.

Bumaba na ako para mapagbuksan na ng pinto ang lapastangan na ginising ang dyosang tulad ko.

At pinagsisihan ko kung bakit ko pa binuksan ang pintuan sana hinayaan ko syang mabulok sa kakahintay sa labas

"Anong ginagawa mo dito Baekhyun? Ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita sakin. Parang wala kang ginawang pag-aahas sakin ah? Sobrang kapal mo! Mas makapal pasa libro ng Encyclopedia!" Keaga-aga hinahigh blood nako sa kanya pusang gala!

"L-luhan. G-gusto kong humingi ng s----"

"Nang ano Baek? Nang sorry? Eh putang ina pala eh! Sana bago mo pinatulan si Sehun dapat inisip mo muna kung ano ang kalagayan ko! Naturingan pa man kitang Bestfriend pero ikaw pa pala itong aahas sa kanya?! Anong klasi kang kaibigan Baekhyun? Sabihin mo!!" Letseng mga luha to oh. Hindi ko na mapigilan sa sobrang sama ng loob ko sa kanila. Puta mapapahagulgol kana lang sa sobrang sakit eh!

"Nagmahal lang naman ako Luhan eh. Nagmahal lang naman ako huhuhu di ko naman sadya na mahalin ko rin sya." Umiiyak na sambit nya

Kala nya madadala nya ko sa kakaiyak nya? No way.

"Eh paano si Chanyeol,Baek? Di mo man naisip ang mararamdaman nya! Di nyo naisip ang mararamdaman namen sa kahayupan na ginawa nyo!" galit na galit ko ng sabi sa kanya. Pakshet lang! Nagmahal sya pero di nya man cinonsider ang nararamdaman namen ni Chanyeol!

"P-paano mo sya naki----"

"Paano ko sya nakilala? Nandun sya Baek! Nandun ang Boyfriend mo habang hinalikan kani Sehun sa mga labi mo"

- - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top