BID-12
Third Person POV
Hindi mapakali sila Minseok at Kyungsoo dahil hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas ang doctor. Kinakabahan na ang dalawa at hindi mapakali sa kanilang pwesto.
"Tangina Minseok Hyung. Ikalma mo ang itlog mo. Walang masamang mangyayari kay Luhan. Masamang damo ang gagang yun." sabi ni Kyungsoo para mabawasan ang nakaka-binging katahimikan ng paligid.
"Eh pano kung bumalik ang sakit nya?! Tangina. Kasalanan ni Baba Lord ito eh!"
Magsa-salita pa sana si Kyungsoo nang lumabas na ang Doctor.
"I want to be honest to the both of you little man." paninimula ng Doctor habang tinatanggal ang surgical mask at surgical gloves na hawak nito.
Bumulong naman si Kyungsoo kay Minseok noong narinig niya ang little man. "Punyeta hyung pigilan mo ako. Kakalbuhin ko ang doctor na ito." Sumagot naman pabalik si Minseok, "Sige lang, Soo. Kung abot mo ang ulo sa taas ni Doc." Pagkatapos sabihin ni Minseok ito ay bumaling siya sa Doctor.
"Doc? Ano po ang sakit ng kaibigan namin? Bakit bigla siyang hinimatay?" Tanong ni Minseok at bakas sa kaniyang boses ang pagaalala.
Bumuntong hininga naman ang doctor at sinabi sa kanila kung ano nga ba talaga ang sakit ni Luhan.
"He needs to have a surgery right away. His illness can kill him when he doesn't undergo to one." Sabi ng doctor at tinignan ang napatulalang sina Minseok at Kyungsoo.
"S-surgery, Doc? Ganoon ba kalala at kinakailangan niyang dumaan sa isang Surgery? What kind of surgery is it, Doc?" Seryoso at naiiyak ng sagot ni Kyungsoo sa Doctor. Nanahimik naman si Minseok dahil ngayon niya lang nakitang ganito si Kyungsoo. Nawala ang masayahin at masiglang Kyungsoo, napalitan ito ng malungkot at isang nagaalalang kaibigan.
"Dederetsuhin ko na kayo, your friend, Luhan, has a Coronary Heart Disease wherein his coronary arteries become narrowed or blocked, that's why his heart cannot produced enough blood to pump. That's why he always felt that his heart tightened because he cannot get enough oxygen. The reason? Because of stress." Litanya ng doctor sa kanilang magkaibigan. "Mauuna na ako, ililipat na rin ang kaibigan niyo sa ward nitong Hospital, pupuntahan ko kayo sa kwarto niya para malaman ang desisyon niyo."
Umalis na ang Doctor at napasalampak na lamang sa sahig si Kyungsoo at napahagulgol sa nalaman niya tungkol sa kalagayan ng kaibigan. Dinaluhan naman agad ito ni Minseok at hinagod ito ang kaniyang likod.
"Hyung, s-si L-luhan, Hyung!" Palahaw na iyak ni Kyungsoo. Hindi malaman ni Minseok kung ano ang gagawin niya dahil ito ang unang beses na nakita niya si Kyungsoo sa ganitong kalagayan.
"Magiging maayos din ang lahat, Kyung. Kakayanin ni Luhan ang surgery, okay? Malakas yun, eh. Malakas tayong magkakaibigan kaya tahan na, hindi gugustuhin ni Luhan na makita kang nasa ganitong kalagayan." Sabi ni Minseok habang yakap-yakap si Kyungsoo.
Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon at napagpasyahan na nilang pumunta sa kwarto ni Luhan. Pumunta sila sa frontdesk at tinanong kung anong floor at room number ni Luhan. Pagkatapos sabihin ng Nurse kung anong room number nandoon si Luhan ay agad nila itong pinuntahan.
Noong nakita na nila ang room designated para kay Luhan ay agad silang kumatok at binuksan ang pinto. Pagkapasok nila ay napansin nilang may tao, at pagharap nito ay nagulat sila kung paano nito nalaman ang nangyari kay Luhan. Nagpupuyos sa galit si Kyungsoo at sinampal ang taong naroroon.
"Anong ginagawa mo rito?!??"
Wooshingstar
After a year or so, nakapag-update na rin. I will frequently update this story para matapos na rin. Maraming salamat aa paghihintay!🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top