BID-11
Luhan POV
Nagising ako ng sobrang sakit ang katawan. Kinapa ko yung tabi ko at nagulat ako noong walang tao sa tabi ko kaya napabalikwas agad ako ng bagon. Napadako ang paningin ko sa side table para tignan ang oras at may nakita akong sticky notes doon. Kinuha ko ito at binasa, hindi ko alam na nakangiti na pala ako.
"Hi Lulu~ umuwi nako. Hindi na kita ginising kasi ang sarap sarap ng tulog mo. Don't worry, babalik din ako agad. Kumuha lang ako ng ibang gamit para samahan ka sa apartment mo. Delikado na at mag-isa ka lang dyan. Kumain ka ha? Pinagluto kita ng almusal. See you later, babe! ♥"
"Ang sweet mo talaga letche."
Tuluyan na kong bumangon at pumasok nasa banyo para maligo at magtoothbrush. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain. Bago pa ko makapasok sa kusina ay may nag-doorbell. So, wala akong magagawa kundi sundin ito charot! Wala akong magagawa kundi buksan yung pinto dahil tangina. May plano atang sirain yung door bell.
"Ano------- *pak*!"
Tangina. Sampal agad ang bumungad sakin. Napabaling naman ang mukha ko kung sino man ang nagsampal saakin. Hindi nako nagtaka kung sino ito. Yung ahas pala.
"Anong karapatan mo para sampalin ako, BITCHyun?" sambit ko't diniinan ang salitang Bitch. Bagay naman sa kanya yun.
"May karapatan ako dahil manga-aagaw ka!" sigaw nya at halata na ang mga ugat sa leeg nya. Pathetic.
"Nagsalita ang unang nangagaw.*smirk*"
"Aba------" akmang sasampalin nya ako pero nahawakan ko agad ang kamay nya.
"Anong karapatan mong sabihan ako ng manga-agaw eh sa simula pa lang, ikaw na ang nang-agaw. Huwag na huwag mo akong pinagbibintangan na manga-agaw dahil wala akong inaagaw sayo. Wala na kayo noong magkasama kaming dalawa! Eh ikaw naman ang may kasalanan dahil higad ka! May boyfriend ka naman pero nagpakati ka pa sa iba!" Sabi ko at ibinalibag ang kamay nya.
Akmang sasampalin nya ko ng biglang may humawak sa kamay nya.
"Try to slap him Bitch. Ako makakalaban mo!"
"Put my hand down, Kyungsoo!"
"At bakit?! Para sampalin mo at saktan ulit yung BESTFRIEND mo Bes?! Kyungsoo ilabas mo na yan! Di ko alam na may nakapasok na palang ahas sa bakuran ni Luhan!" sigaw ni Minseok kay Kyungsoo at inirapan pa ito.
" Oo Baek. Di pa tayo tapos. Pero itong pagkakaibigan natin? Matagal ng tapos! Umalis kana habang nagtitimpi pako." sabi ko dahil may kumikirot nasa may bandang dibdib ko.
"Di pa tayo tapos!" sabi nya at lumabas na. Tinapunan nya pa ko ng nakakamatay na tingin bago pumasok at paandarin yung kotse nya.
"Luhan? Ayos ka lang?" tanong ni Kyungsoo sakin at bakas sa kanyang boses ang paga-alala.
"Y-yeah a-ayos lang *argh* ako"
"Luhan! Ang putla putla mo! Kyungsoo! Ihanda mo na ang kotse. Dalhin na natin sa Hospital si Luhan,dali!" Naghe- hysterical na si Minseok Hyung. Ayaw kong mag- alala sila.
Bago pa ko magsalita ay kinain nako ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top