CHAPTER TWO
Sinusundan ni Amber ng tingin si Jet habang pabalik-balik ito sa loob ng bahay nito at bitbit ang ilang itim at pulang kandila. Taimtim nitong dinadasalan ang bawat kandila tapos ay itinitirik nito sa pinto ng bahay, sa bukana ng kusina, sa baitang ng hagdan. Partner ang pula at itim na kandila tapos ay tatayo si Jet doon at kukumpas-kumpas tapos ay magba-bow. Naisip niyang ano na naman kaya ang trip ng lalaking ito? Sigurado siyang may sinamahan na naman itong kulto at may bagong kaalaman na nalaman kaya sinusubukan.
"Para saan 'yang mga kandila na 'yan?" Hindi na siya nakatiis na hindi tanungin kung anong ginagawa ng kaibigan.
Tinapunan lang siya nito ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. Ngayon ay nagsisindi na ito ng mga kandila. Tatlong itim na kandila at talong pulang kandila para sa bawat parte ng bahay.
"Baka masunog pa 'tong bahay mo," sabi pa niya.
"Huwag kang magulo. Ito ang bago kong natutunan na orasyon para malaman ko ang daan papuntang impyerno," seryosong sagot ni Jet.
Pinigil niya ang matawa. Kung hindi lang talaga niya kaibigan ang lalaking ito ay iisipin niyang sugo ito ni Satanas na napadpad lang sa lupa at gusto ng bumalik ng impyerno. Magmula ng makilala niya si Jet ay hindi na natapos ang obsesyon nito sa paghahanap ng portal patungo ng impyerno. Gusto nitong mangyari ay maging kauna-unahang taong nakapunta sa impyerno at nakabalik mula doon.
"Jet. Dude. What you're trying to do is really impossible. Wala pang tao ang nakaka-discover ng impyerno," sabi niya dito.
"Kaya nga. Ako pa lang kung saka-sakali." Sagot nito.
Napakamot ng ulo si Amber. Parang nagsisi na nagpunta pa siya sa kaibigan. Kung sa tingin niya ay kabaliwan ang naiisip niyang plano, tingin niya ay mas nakakabaliw ang ginagawa nitong si Jet.
"Kung gusto mo ng instant impyerno bakit hindi ka pumunta ng Turkmenistan. Nandoon ang Gates of Hell. Hindi mo na kailangan ng mga orasyon nga ganito. Papunta ka pa lang sinasalubong ka na ng umaapoy na lupa," sagot niya.
"Alam ko ang sinasabi mo at man-made iyon. Masyadong nagmagaling ang mga engineers at naisipan na sunugin ang natural gas na natagpuan nila. Ayun ang inaakala nilang ilang linggong pagsusunog ng gas, umabot na ng apat na dekada at hanggang ngayon ay nasusunog pa rin. Hindi ganoon ang hinahanap ko. Portal ang hinahanap ko na puwedeng pasukan at labasan." Patuloy itong nagsisindi ng mga kandila sa paligid at umiinit na ang pakiramdam niya. Patay kasi ang electric fan sa loob ng bahay at saradong-sarado pa ang mga pinto at bintana.
"Jet, parang oa na 'tong ginagawa mo. Okay lang mang-hunting ka ng mga multo, maligno, mga laman-lupa madi-dig ko pa iyon. Pero ibang level na 'to, dude. Medyo hindi na normal," nakakaramdam na rin siya ng pag-aalala kay Jet. Baka kasi sa obsession nito tungkol sa impyerno ay may magawa itong hindi maganda.
Inis na tinanggal ni Jet ang nakatalukbong na itim na tuwalya sa ulo nito at painis na kinamot ang ulong kalbo.
"Badtrip ka naman, eh. Nakakasira ka ng concentration." Isa-isa na nitong pinatay ang mga kandila at padabog na naupo sa tabi niya.
"Nag-aalala lang ako sa iyo. Hindi na biro itong ginagawa mo. Impyerno na, dude. Iyon na ang hinahanap mo. Baka naman isang araw matagpuan na lang kitang nakabitin sa kisame mo kasi curious ka talagang makita ang itsura noon." Sagot niya sa kaibigan.
"Sobra ka naman, Amber. Anong akala mo sa akin? Kapag namatay ako diretso ako ng impyerno? Sama mo naman," tonong nagtatampo si Jet.
Ang lakas ng tawa niya. Nakakatawa ang itsura ni Jet na parang nalugi sa bentahan ng kamatis sa palengke.
"Eh, curious ka nga. Ini-assume ko na, na doon mo gustong pumunta."
"No way. I just want to impress someone in my new group. She is obsessed with Lucifer. Putangina. Kung hardcore ako sa mga supernatural, this chick is a diehard fan of demon shit. Feeling ko nga Satanista na pero normal naman. She grew up in a Catholic family, she believes in God pero sobra ang curiosity niya about hell, Luci and demons. She wanted to know if they really exist." Naiiling pa si Jet.
"So all of this bull crap is about a girl?" Paniniguro niya.
"Kinda." Sagot nito at tumingin sa kanya. "What bad omen brought you here? I thought you don't want to join séance's anymore?" Tanong nito sa kanya. The last time kasi na sumama siya sa isang séance nito ay nagka-badtripan ang mga tropang kasama niya. Doon kasi nila ginawa iyon sa isang bakanteng bahay malapit sa UP. Kalat na kalat na pinamumugaran ng multo iyon at ibang mga entities kaya maraming mga spirit questors ang nagpupunta doon. First time niyang sumama. Seryosong-seryoso ang lahat ng mga kasama nila at talagang hinihintay na lang nila na may sumulpot na white lady o pari na pugot ang ulo sa harap nila. Napasigaw siya ng malakas ng biglang may humawak sa puwet niya at sa boobs niya. Iyon pala, isang kasama nila sa grupo ang manyakis at siya ang tinarget na bastusin. Ayun, sinapak niya ng malakas kaya nagkagulo ang buong grupo.
Ngumiti si Amber ng parang nahihiya at kinuha sa dalang back pack ang libro kung saan niya nabasa ang tungkol sa mga Bathala.
"Have you read this book?" Tanong niya sa kaibigan.
Nakakunot ang noong kinuha ni Jet ang libro at tiningnan.
"Mukhang rare. Saan mo 'to na-iskor?" Tulad niya ay dinama muna nito ang pabalat ng libro. Kinakapa ang pagkakalimbag ng embossed na pamagat. Inamoy. Pareho lang kasi sila ni Jet na mahilig magbasa at adik sa libro. Gustong-gusto nila ang amoy ng mga pahina kahit pa nga luma na ang mga ito.
"Sa Carriedo. Merong maliit na tindahan ng mga hard to find books. Nakabalot pa nga 'yan ng tela ng makuha ko." Sagot niya sa kaibigan.
Tumango lang si Jet at binuklat ang mga pahina. Napapatango-tango pa habang pinapasadahan ng basa ang libro.
"This is interesting. About gods and goddesses and Filipino Folklore. You know I am so amazed with the story about Mariang Makiling. One time sasama ako sa tropa kapag umakyat ng bundok ng Makiling baka sakaling ma-meet ko siya at malaman ko kung talagang maganda," kumindat pa sa kanya si Jet.
"Turn to page 34." Excited na sabi niya.
Sumunod naman ang kaibigan at binasa ang nakasulat doon.
"Anong interesting dito?"
"Do you heard of that tribe? That mountain? Bundok Tibuklu?"
Umiling si Jet. "Meron bang ganoong bundok?" Balik-tanong nito sa kanya.
"It says there. And they have this tribe named Tribu Dasan." Pagpipilit ni Amber at halos iduldol niya ang libro sa mukha ni Jet.
"Alright, alright. So ano ngayon ang dahilan bakit ka nandito? Ipapahiram mo sa akin 'tong book?"
Napakamot ng ulo si Amber.
"I was just wondering if you know the author of the book? Wait no. The one who wrote that article about that tribe. Do you know him?" Suntok sa buwan itong ginagawa niya. Alam niyang maraming mga kakilalang writers at researchers si Jet kaya dito siya lumapit.
Muling binasa ni Jet ang nakasulat sa libro.
"Domingo Avenciado. This is Venci. He was a classmate from college. Weird guy. Hindi makausap ng matino." Nanatiling binabasa ni Jet ang mga nakasulat doon. "Gago 'to. Talagang pinuntahan niya ang tribe? Buti hindi siya inihaw doon at ginawang panghain sa piging." Natatawang komento ni Jet.
"You know him? Do you know where can I find him?" Pakiramdam niya ay nabuhayan siya ng loob ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Yeah. Why?" Alam niyang naguguluhan na sa kanya si Jet.
"I just want to talk to him. I just want to know if that Bathalang Dimakulu really exists."
Nakakunot na napatitig sa kanya si Jet tapos ay unti-unting nagliwanag ang mukha.
"You've got to be fucking kidding me, Amber." Natatawang sabi nito at muling tiningnan ang libro. This time ay nakatingin na ito sa litrato ni Bathalang Dimakulu. "For real?"
"Anong for real? Gusto ko lang naman makausap 'yung writer niyan. I just want to know kung totoo."
"You like this drawing don't you?"
Naiinis na siya sa paraan ng pagtawa ni Jet. Para kasing pakiramdam niya napaka-desperada niyang babae para lang magkagusto sa isang drawing.
"No. I just want to know more about that. Ano ba ang ang sinasabi mo?" Pero ramdam niyang nag-iinit ang pisngi niya.
"Pinagtatawanan mo ako sa ginagawa kong paghahanap sa impyerno pero mas malala naman ang hinahanap mo. Si Venci, may toyo 'yun. Sa sobrang talino, sa sobrang paghahanap ng kung ano-ano na hindi naman nag-i-exist, lumuwag na ang turnilyo dito," itinuro pa ni Jet ang ulo. "Nai-pasok nga 'yung sa mental ng six months kasi kahit mga kamag-anak niya hindi na maintindihan ang sinasabi niya." Naiiling si Jet.
"Eh, bakit kasama ang sinulat niya diyan? So ibig sabihin kalokohan lang ang nakasulat diyan? Paano 'yan na-publish kung hindi naman totoo?" Parang muli na namang binagsakan ng langit ang pag-asa ni Amber.
"I think this is a self-publish book ni Venci. Mayaman naman kasi iyon kaya kaya niyang mag-publish ng kahit ilang librong gusto niya. Saka wala pa akong naririnig na ganyang bundok sa Central Luzon. Imbento lang ni Venci 'yan." Malakas na isinara ni Jet ang libro at ibinalik sa kanya. "But I am impressed. Magaling ang pagkakasulat niya diyan. Kapanipaniwala."
"Nakakainis ka. Sa lahat ng tao na dapat maniwala dito, ikaw dapat iyon. Naniniwala ka nga sa multo tapos sa ganito hindi ka naniniwala?" Inirapan ni Amber ang kaibigan.
"Ambs, na-experience ko na kasi. Pero ito? Walang proof. Puro drawing lang ang nandito." Napahinga ng malalim si Jet. "Fine. Baka naman sabihin mo hindi ko sinusuportahan ang trip mo, puntahan natin si Venci and kausapin mo. I'll do my research too kung totoong may bundok na nag-i-exist na ganyang pangalan."
Lumabi pa si Amber pero deep inside ay nabubuhayan na siya ulit.
"But I am telling you, kung sa pa-weirduhan? Parang mas weird ka sa akin."
Hindi na kumibo si Amber at muling binuksan ang libro at tiningnan ang litrato ni Bathalang Dimakulu.
Kahit magdamag na niya iyong tinitigan ng nakaraang gabi, hindi pa rin siya nagsasawang titigan ang sketch ng mukha nito. Hindi niya maintindihan ang damdamin na nabubuhay sa kanya sa tuwing tititigan ang sketch. Nakakaramdam siya ng connection. Parang tumatalon ang puso niya sa tuwing makikita ang drawing.
Siguro nga tama si Jet. Mas weird siya kesa sa kaibigan. Pero hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohan kay Bathalang Dimakulu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top