CHAPTER TWENTY-TWO


            Hindi pinansin ni Hunter ang pagbukas ng pinto. Nanatili lang siyang nakahiga sa sofa na ilang linggo na rin niyang kasama sa pagtulog. Well, hindi na nga din siya sanay sa malambot na sofa. Minsan, matatagpuan din niya ang sarili niyang sa lapag natutulog. Years of living like a hermit in the mountains changed him in some ways.

            "You are still here."

            Hindi rin niya tiningnan ang nagsalita na iyon. Narinig niya ang pabagsak na paraan nito ng pagbaba ng dalang kung ano.

            "Sawa ka na ba sa akin?" Tanong niya dito. Nakatitig lang siya sa kisame. Pasado ala-una ng madaling araw pero hindi pa rin siya makatulog. Ganito naman siya magmula nang dumating siya sa lugar na ito. Hirap na hirap siyang kumuha ng tulog.

            "Told you, you can stay here anytime. Hanggang kailan mo gusto. Ang sinasabi ko, bakit hindi mo subukang umuwi at magpakita na sa nanay mo."

            Tiningnan niya si Jacob na nakatayo lang malapit sa kanya.

            Inis niyang tiningnan ito at muling ibinalik ang tingin sa kisame. Umunan pa sa mga braso niya.

            "Hindi ko alam kung kaya ko na." Tanging sagot niya.

            Alam niyang naiinis na sa kanya ang kaibigan. Tinungo nito ang kalapit na ref at kumuha ng dalawang beer in car at ibinato ang isa kanya. Hindi naman niya iyon binuksan. Inilapag lang niya iyon sa lamesitang kalapit niya.

            "Did you know that your mom is in the hospital? She was complaining some chest pains. Hunter, bumaba ka na galing sa bundok and yet you still don't want to go home. Hindi ko na alam kung ano pa ang ipinaglalaban mo ngayon." Naiiling na sabi nito sa kanya at tumungga sa hawak na lata ng beer.

            Ano nga ba ang ipinaglalaban niya? Hindi niya rin alam. Basta ang alam niya, bumaba siya mula sa bundok dahil parang may kulang na magmula nang mawala si Amber.

            "How are the tribe people?" Bumangon na siya sa pagkakahiga at dinampot ang beer. Binuksan iyon at uminom na din.

            Tumango-tango si Jacob.

            "They are good. Naninibago sa napakaraming pagbabago at hinahanap ka nila but they are doing good. The local community are true to their words na hindi nila pababayaan ang indigenous tribe na iyon. Ipi-preserve nila ang culture but at the same time, they will teach them some modern ways to survive. At nagkaroon na rin ng bantay ang kapaligiran doon. The place was a paradise and hindi na ako nagtaka kung bakit ka nagtagal doon." Tumingin sa kanya at ang lalaki at natawa. "Dapat Tom Hanks ang pangalan mo. Cast away."

            Natawa din siya at nag-dirty finger dito. "Gago." Tinutukoy nito ang isang survival movie noong 2000's.

            Sumeryoso na si Jacob at naupo sa harap niya.

            "Seriously, why don't you go home?"

            Napahinga siya ng malalim at napailing.

            "I-I don't know if they are still excited to see me. I just left without an explanation. And I've been dead for years. I don't know if my mother is still the same. I don't know if my brother is going to accept me again. People change, Jake." Bahagya niyang nahilot ang ulo dahil pakiramdam niya ay sumasakit iyon dahil sa sobrang pag-iisip.

            "Trust me, seeing you alive is on the top of the list of your mother. Baka lumakas pa si Tita Frances kapag nakita ka uli na buhay. Try it, bro. Si Bullet?" Natawa si Jacob. "Magagalit lang iyon sa umpisa but knowing your brother, after a day or two hindi na iyon hihiwalay sa iyo."

            Napangiti siya ng mapakla at napahinga ng malalim.

            "What about the woman? The one who got lost in our tribe?"

            Tumingin ng makahulugan sa kanya si Jacob.

            "Amber?" Paniniguro nito.

            Tumango siya. Si Amber naman talaga ang dahilan bakit siya bumaba ng bundok. Kung gaano kabilis na napunta ang babae sa tribo ng mga Dasana at kung gaano din ito kabilis na nawala, ganoon din niya kabilis nami-miss ang babae.

            "Para mo naman akong pinaghahanap ng karayom sa gitna ng bukid. Alam kong magaling akong private investigator pero bigyan mo naman ako ng iba pang detalye. Amber lang ang alam mo. Alam mo ba kung ilang milyong tao ang Amber ang pangalan sa mundo?" Tonong nagrereklamo na ito.

            "Alam ko naman na kahit nga walang pangalan nahahanap mo. I also gave you a hint about Amber. She said she was an RN."

            Napakamot ng ulo si Jacob at tumayo tapos ay tinungo ang kusina.

            "Then? Iyon lang? Do you even really know if that's her real name? Bakit hindi mo na lang kaya subukang umuwi? Malay mo pag-uwi mo nandoon ang hinahanap mo."

            "Alam mo, Ramirez nahahalata ko na gusto mo lang akong itaboy paalis dito sa bahay mo."

            "Itinataboy kita kasi alam ko meron kang pamilya na matutuwa kapag umuwi ka."

            Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha at hindi nakasagot sa sinabi ng kaibigan.

            "Look, hindi mo pa sinusubukan kaya bakit ka natatakot? Hunter, you are a fucking Acosta. Your family almost own half of the province of Quezon. At walang duwag sa inyong dalawa ni Bullet. Saka hindi mo ba gusto ma-meet ang babaeng nagpanggap na Aria?"

            Napangiwi siya. "Isa pa iyon. Did Bullet really married that woman?"

            "Si Amy? Yeah. May anak na nga sila. They named the baby after your dead wife. It's a long story, man but I think it's because of you why your brother is happy and contented now." Lumapit sa kanya si Jacob at tinapik ang balikat niya. "Bro, go home. Be with your family. I am telling you, you will find peace."

            Hindi na siya sumagot. Handa na nga ba siyang umuwi?

------------

            "Mrs. Acosta, matigas na naman daw ang ulo 'nyo?"

            Iyon agad ang bungad ni Amber sa matandang pasyente nang pumasok sa kuwarto nito. Nagsumbong na naman kasi si Mickey sa kanya na hindi na naman ito sumunod at hindi na naman ininom ang mga gamot na dapat nitong inumin. Nakipag-palit kasi siya ng shift sa isang kasamahan dahil sinamahan niya si Jet sa Quiapo para bumili ng mga kandilang kailangan nito para sa isang séance.

            Sinamaan siya ng tingin ng matanda at pinilit na naupo sa hospital bed.

            "I was waiting for you since last night, but you didn't come." Halata ang tampo sa boses nito. "I told you I don't want any other nurse but you."

            Natawa siya at inilapag sa katabing mesa ang hawak na mga gamot na iinumin ng matanda. Tinulungan niya itong makaupo at nilagyan ng unan ang likuran para mas maging kumportable.

            "Nakipag-palit ho kasi ako ng shift. May inasikaso lang po ako." Dinampot niya ang gamot at ibinigay sa matanda. Para itong batang nakasimangot pa rin sa kanya at hindi kinukuha ang gamot.

            "Mrs. Acosta, kailangan 'nyong inumin ito kasi magtatagal kayo dito. Hindi 'nyo makikita ang apo 'nyo." Ngumiti pa siya sa matanda.

            Alam niyang kahit labag sa loob ay kinuha nito ang medicine cup at ininom ang mga tabletas na naroon at uminom ng tubig.

            "Very good." Hinawakan niya ang pulsuhan ng matanda at kinuha ang pulse rate nito habang nakatingin sa paghinga at tinitingnan naman kung tama ang bilang noon.

            "Wala kasi akong makausap." Nalulungkot na sabi nito. Sa ilang araw na niyang pagiging nurse ng matanda ay napakarami na nitong kuwento sa kanya tungkol sa kabataan nito.

            "We can call your family, Mrs. Acosta. Sino ang gusto 'nyong tawagan ko." Alam kasi niyang mag-isa lang na nagpunta dito sa ospital ang matanda. Hindi nga yata alam ng anak nito naka-confine ang matanda dahil kabilin-bilinan nito na huwag sasabihin sa anak at manugang ang kalagayan.

            Kumumpas ito sa hangin. "Wala kang tatawagan, iha. I don't want to give them a scare and I don't want to ruin their vacation. This," itinuro nito ang dibdib. "This pain will go away. I am just missing my dead son," bahagyang nabasag ang boses nito.

            Hindi siya nakasagot. Alam na niya na ang namatay nitong anak ang tinutukoy nito.

            Napangiti siya ng mapakla. Totoo naman kasi talagang masakit na ma-miss ang isang tao. Pero at least si Mrs. Acosta, may closure na ito kasi alam nitong hindi na babalik ang anak. Samantalang siya, siya na ang tumapos ng kahibangan niya. Buhay na buhay ang taong nami-miss niya pero kahit kailangan hindi niya maaaring makasama.

            "How about you? You didn't tell me why you're hurt?"

            Nagtatakang tumingin siya sa matanda at napangiti.

            "Hurt? Ako po? Wala pong masakit sa akin." Natatawang sagot niya.

            Tumingin ng makahulugan ang matanda at lumapit sa kanya.

            "Here. Who hurt you here?" Sabi nito at itinapat ang kamay sa dibdib niya.

            Nawala ang ngiti sa labi ni Amber at napalunok. Ano ba ang sinasabi ng matandang ito?

            "Si Mrs. Acosta talaga. Ang dami 'nyong alam. Kayo ang may chest pains hindi ako. Normal ho ang dibdib ko," pinilit niyang pasayahin ang boses niya para hindi na kung ano-ano ang sinasabi ng matanda.

            "You cannot lie to me. I've seen that kind of face before. Someone broke your heart. You're just pretending to be tough, but I know deep inside you are really broken and it's just a matter of time and you're going to breakdown." Nakatitig sa mga mata niyang sabi ng matanda.

            Tumalikod siya dito at kunwari ay inayos-ayos ang mga dalang gamit.

            "Kayo talaga. W-wala naman pong nanakit sa akin. W-wala nga ho akong boyfriend kaya w-walang mananakit." Napa-ehem siya para mabawasan ang pananakit ng lalamunan niya dahil sa pagpipigil na mapaiyak.

            "Cry, iha. It will help you to release the pain. Murahin mo. Isumpa mo. Lahat ng masasakit na salita sabihin mo para lang gumaang ang loob mo. If you keep on keeping it to yourself, it will be going to eat you alive and one day you'll find yourself withdrawn to everyone. Just like my Horacio."

            Hindi namalayan ni Amber na bigla na lang tumulo ang luha niya kaya mabilis niyang pinahid iyon.

            "It's okay to cry, iha. I am here. I am ready to listen. You can tell me everything and I won't judge you." Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya kaya humarap na siya dito. Namumuo na naman ang mga luha niya sa mga mata at kita niya ang nag-aalalang tingin ng matanda. "Who hurt you?"

            "S-someone who cannot love me back," tuluyan nang nahulog ang mga luha niya.

            Napatango-tango lang ang matanda at nakatingin sa kanya.

            "I am a different person, Mrs. Acosta. I believe in many unexplainable things that other people cannot understand. I am a misunderstood individual. I am not an ordinary girl."

            "I know, iha. That's why I like you." Nakangiti nitonf sabi sa kanya. "But go on. Tell me what happened." Kumumpas pa sa hangin ang matanda. Umayos pa talaga ng puwesto ng upo para makinig sa kuwento niya.

Natawa siya sa sinabi nito.

"I love reading and I found a picture of him and the moment I laid my eyes on that sketch I felt something here." Itinuro niya ang dibdib. "That instant I know I was in love." Ngumiti siya ng pilit at pumikit-pikit para mabasag ang namumuong mga luha. "Alam ko hong imposible pero pilit ko siyang hinanap. Hindi ko ho maintindihan kasi ramdam ko ho 'yung connection. Parang talagang may nagsasabi sa akin na makikita ko siya. My friends keep on telling me that I am crazy but who cares? Once in our life we became crazy because of love."

Tumango-tango ang matanda at kumumpas sa kanyang magpatuloy na magkuwento.

            "Umakyat ako ng bundok just to look for him. And I found him." Napangiti siya nang maalala ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Hunter pero agad ding sumakit ang dibdib niya nang maalala ang huli nilang pag-uusap. "Natagpuan ko lang siya pero it was a one-way love. At napakahirap po noon. We have so many different views in life and the hardest part was that he cannot love me back because he is still in love with his dead wife." Pinilit niyang ngumiti pero patuloy sa pagtulo ang mga luha niya pero mabilis niyang pinahid ang mga iyon.

            "Pero alam ko hong dadaan lang ito. Alam ko po na magiging okay ako uli. I have my friends. I have my family that are supporting me, and I'll be fine one day."

            Lagi naman niyang sinasabi iyon sa kanyang sarili. Hindi nga lang niya alam kung kailan ang one day na iyon.

            Napahinga ng malalim ang matanda at napailing.

            "Love. It will make you happy but most of the time, it will make you cry. That's what happened to my Horacio too. He invested so much love for someone. He loved that woman for so many years but in the end, she broke his heart too. He looked for a second chance somewhere else, but a tragedy struck. They both died in an accident."

            Kahit paano ay nakaramdam ng relief si Amber dahil nasabi niya ang mga bagay na nagpapabigat sa dibdib niya. Alam niyang hindi ganoon kadali ang mag-move on pero at least may isang taong nakakaintindi sa pinagdadaanan niya.

            Pareho silang napatingin sa pinto ng silid ng bigla iyong bumukas at pumasok ang isang babae na may bitbit na bata.

            "'Ma, anong nangyari? Bakit hindi 'nyo sinabi na nandito kayo sa ospital?"

            Gumilid si Amber para mabigyan ng daan ang dumating na babae. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito at ngumiti pa siya sa batang hawak nito na tingin niya ay mahigit isang taong gulang na.

            "I am fine, Amy. Pinilit lang naman ako ni Attorney na magpa-confine dito. Kung ako lang, ayoko naman talaga. Alam ba ni Bullet na nandito ako?" Sagot ng matanda.

            Umiling ang babae. "Hindi ko pa ho sinabi. Sa akin nga lang tumawag si Attorney at hindi kay Bullet dahil siguradong maghi-histerikal iyon kapag nalaman na naka-confine kayo dito sa ospital."

            Inimis na ni Amber ang mga gamit na dala niya para makalabas. Siguro ngayon ay hindi na siya masyadong kukulitin ng matanda dahil mayroon na itong makakasama sa silid. Nandito na ang totoong pamilya.

            "Ambrosia, this is my daughter in law, Amy. And my grand daughter Aria." Pakilala ng matanda sa mga dumating.

            Ngumiti siya sa babae at nakangiti din ito sa kanya.

            "Thank you for taking care of her. Matigas ang ulo niyan and mabuti nakikinig sa iyo," natatawang sabi ni Amy. Kumumpas sa hangin ang matanda at nilaro-laro ang apo na nakaupo sa kama nito.

            "Sumusunod naman si Mrs. Acosta. Medyo matigas lang nga talaga ang ulo minsan." Natatawang sabi niya.

            "Kaya nga ikaw ang nurse na gusto ko kasi napapasunod mo ako," sabat ng matanda.

            Natatawang napailing siya at kumaway na sa mga ito para lumabas. Pagbukas niya ng pinto ay dire-diretso siyang sumubsob sa isang malaking bulto na nakaharang sa pinto. Agad siyang napaatras para matingnan kung ano iyon at nanlaki ang mata niya sa taong nasa harap niya.

            "Hunter?" Parang siya lang ang nakarinig ng sinabi niyang iyon.

            Kumunot ang noo ng lalaki. Parang hindi makapaniwala sa narinig na sinabi niya.

            "Hunter? Do you know my brother?"

            Pakiramdam niya ay napipi siya dahil nang-uusig ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top