CHAPTER TWENTY-THREE


"Hunter? Do you know my brother?"

Walang sagot na masabi si Amber. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa lalaking nasa harap niya. Sa unang tingin ay talagang mapagkakamalan itong si Hunter pero hindi naman. Pero tama ba ang narinig niya? Brother?

"Bullet, oh my God. What the hell are you doing here?" Tonong disappointed si Mrs. Acosta.

Grabe ang kabog ng dibdib ni Amber habang nakatingin sa matanda tapos ay muli siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.

Ipinikit niya ang mata at muling tumingin sa lalaki. Nakatingin pa rin ito sa kanya na hinihintay ang sagot niya.

"You said Hunter." Sabi pa nito. Hindi inintindi ang sinabi ng matanda.

"H-hunter? May sinabi po ba akong Hunter?" Papanindigan na niya na wala siyang sinabi. "W-wala po akong sinabi." Nagpapasaklolo ang tingin niya kay Mrs. Acosta.

"Jesus Christ, Bienvenido! Leave my nurse alone." Iritable na ang boses ng matanda.

Doon lang umalis sa harap niya ang lalaki at lumapit sa nanay nito at humalik sa pisngi pero tumingin pa din sa kanya. Pati ang asawa nito ay nakatingin din sa kanya.

Nang makakuha ng tiyempo ay mabilis siyang tumalilis at bumalik sa nurse station. Parang may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib niya sa sobrang kaba. Sino ang lalaking iyon? Bakit kamukhang-kamukha niya si Hunter? At tinanong pa nito kung kilala niya ang kapatid nito.

Mahina siyang napamura at nagpaalam sa kasamang nurse na magbabanyo. Nagkulong siya doon at nag-browse sa kanyang phone. Hinanap niya ang pangalang Frances Acosta at doon lumabas ang mga articles about sa matanda. Kung gaano kayaman ang pamilya nito. Kung gaano kakilala sa bayan ng Quezon. Napalunok siya at sinubukang i-type ang pangalan ng anak nitong namatay.

HORACIO ACOSTA.

Nanginginig pa ang kamay niya habang tina-type iyon. Hindi na siya makahinga sa sobrang kaba at gusto na niyang itapon ang cellphone dahil sa bagal ng data niya. Ang tagal bago lumabas sa search engine kung ano itsura ng Horacio Acosta na anak ng matanda.

"Shit."

Iyon lang ang nasabi niya nang lumabas na ang mga litrato sa pangalan na hinanap niya. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil ang Horacio Acosta na sinasabi ng matanda na namatay niyang anak ay walang iba kundi si Hunter na sinasambang bathala sa bundok ng mga Dasana.

Parang nanghihinang napasandal siya sa pader ng CR habang habang nakatingin sa cellphone. Naroon ang mga articles kung ano ang nangyari sa lalaki. Kung paano ito namatay, kung ano ang buhay nito noong nabubuhay pa.

Napailing siya at mabilis na pinahid ang mga luha. Sobra talaga magbiro ang tadhana. Umalis na nga siya sa bundok para makalimutan ang lalaki pero ngayon nakilala pa niya ang pamilya nito. Lalo lang siyang nagagalit sa lalaki iyon. Sobrang sama nito. Nakaya nitong talikuran ang pamilya na namimighati sa pagkamatay nito. Lalo lang siyang nawalan ng pag-asa. Kasi nga, kung ang sarili nitong pamilya ay nakaya nitong talikuran, siya pa kaya na kung sino lang. Walang kuwentang babae na napadpad sa bago nitong mundo.

Napabuga siya ng hangin at napailing. She cannot stay here anymore. Hindi na niya kayang magtrabaho dito lalo na nga at ang nanay pa ng lalaking iyon ang aalagaan niya. Aalis siya. Kahit magalit na naman ang daddy niya, magre-resign na siya.

---------

Napatingin si Hunter sa ibinabang maliit na bag ni Jacob sa harap niya.

"Last na iyan, ha? Pagkatapos niyan sabi mo babalik ka na sa inyo." Naupo ito sa harap niya at tiningnan kung ano ang gagawin niya.

Kinuha niya ang bag at binuksan. Napangiti siya at kinuha ang laman na DLSR camera, mga lens at mga cleaning materials para sa gamit na iyon. Marahan niyang hinaplos ang camera at kinatikot. Na-miss niya ang gamit niyang ito.

"It cost me a fortune. Your brother charged me so much for that. Hindi naman daw kasi iyan pinagbibili. Gusto lang daw niyang itambak sa kuwarto mo kasama ang mga prints ng mga kuha mong pictures noon. He was thinking of exhibiting your old photos." Sabi pa nito.

"Good." Tanging sabi niya at sinipat-sipat ang camera. Chineck ang mga lens. Sinubukang i-click at napangiti siya. "Guwapo ka dito, o." Sabi niya kay Jacob at sinu-zoom pa niya ang litrato nito.

Nag-middle finger lang ito sa kanya. "You got what you wanted. Kelan ka uuwi?"

"Bakit ba pinagmamadali mo akong umuwi? Sabi ko sa iyo, uuwi din ako. Kumukuha lang ako ng tiyempo. And I just need to attend this photography session. I just want to check if I still have it." Sinubukan niya ulit na kunan ng litrato si Jacob at ngayon ay naka-middle finger na naman sa kanya.

"Ibang klase ka rin, Acosta. Uunahin mo pa ang photography session kesa magpakita sa nanay mo at kapatid mo." Naiiling na sabi ni Jacob. Inis itong tumayo at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig. "Hayop ka rin talaga. Halimaw ang tigas ng ulo mo. Hindi kita nakilalang ganyan."

"Jake, gusto ko lang maging normal muna. I mean, gusto kong maging at ease and gawin ang mga bagay na ginagawa ko noon. Unti-unti. Alam mong matagal ako sa bundok and there are some things that are new to me right now." Tumingin siya ng makahulugan sa kaibigan.

"Ano ang bago? Pareho pa rin naman mula ng umalis ka. Sobrang active sa social media ang mga tao kaya isang click lang kita na agad. Why don't you try to search for that woman in Facebook." Hinagis ni Jacob ang cellphone sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

"I don't know anything about her. Just her name. Amber. Kaya nga ikaw ang pinapahanap ko kasi iyon ang trabaho mo," patuloy siya sa pagtingin ng mga kuha sa camera. Mga old pictures pa iyon bago siya umalis. May mga picture pa nga ni Jean. Napahinga siya ng malalim. "What happened to Jean?"

Kumunot ang noo sa kanya ni Jacob. "Why? Why are you interested? After what she did to you?"

"I am just asking if what happened to her. Wala naman sigurong masama doon. Ten years din iyon and kahit paano may pinagsamahan din kami."

Nagkibit-balikat si Jacob. "Natanggalan siya ng lisensya dahil sa isang kalokohang ginawa niya. But I heard she is still working in your town hospital as a researcher. Your brother helped her to land a job. Alam mo naman si Bullet. Masyadong mabait. Hindi na lang nga siya puwedeng mag-practice ng pagiging OB niya. Sayang. She wasted all her efforts just because she connived with bad people."

Nalungkot din siya sa narinig na nangyari sa dating girlfriend. Sa sobrang ambisyon ni Jean, sa wala din napunta ang pinaghirapan nito.

Tiningnan niya ang print out na nasa harap niya at ibinalik sa bag ang camera at mga ibang kasamang nito.

"Where is this?" Kinuha ni Jacob ang print out at binasa. "Do you even know how to get here?" Ipinakita nito sa kanya ang papel na nakasulat ang isang painting and photography session na nakita niya sa internet. Inis niyang inagaw iyon at isinuksok din sa bag.

"Yes. Kasi ihahatid mo ako diyan."

"Ako pa rin talaga? Hunter, PI ako. May trabaho ako at hindi ako babysitter mo. Sino ang magbabayad sa photography session na 'yan? At sino ang magbabayad ng ginastos ko kay Bullet para sa camera mo?" Nagkakamot ng ulo si Jacob.

Ngumiti ng matamis si Hunter sa kaibigan. "Ikaw." Tumayo siya at isinukbit ang bag sa balikat.

"Fucker. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako sa pagdating mo dito. Inistorbo mo na ang lovelife ko, pati pera ko inuubos mo pa rin. Daig ko pa ang sugar daddy na may binubuhay na babae."

Ang lakas ng tawa niya. "Mabuti nga may lovelife ka. Ako wala at baka hindi na magkaroon kahit kailan."

Natawa si Jacob sa sinabi niya. "Ikaw? Mawawalan ng lovelife? Kahit nga sa bundok nakahanap ka. Dito pa kaya sa city. Saka hoy, kung sa bundok uso walang damit, baka nakalimutan mong dito kailangan mong maging maayos. Zipper mo bukas." Tumayo ito at muli siyang tinalikuran.

Agad na kinapa ni Hunter ang zipper niya at itinaas iyon. Mabuti na nga lang at kasya din sa kanya ang mga dami ni Jacob kaya kahit walang-wala siyang gamit ay napahiram siya nito.

"Basta usapan natin. Pagkatapos nito uuwi ka na sa inyo. Kahit ayaw mo, ako mismo ang maghahatid sa iyo. Kung magmamatigas ka pa, si Tita Frances na ang papupuntahin ko dito." Paalala pa ni Jacob.

"Oo na. Tara. Hatid mo ako."

----------------

"God damn it, Amber! Hindi mo ba naisip ang kahihiyan na ibinibigay mo sa amin ng mommy mo? Hindi mo inisip ang mga taong tumulong sa akin para lang maipasok kita sa ospital na iyon?"

Hindi kumikibo si Amber habang nagsesermon ang daddy niya sa bahay nila. Hindi siya makatingin sa mukha nito dahil alam na niyang galit na galit ito sa kanya.

Magmula kasi nang malaman niyang nanay ni Hunter si Frances Acosta ay hindi na siya pumasok sa hospital. Pagkatapos ng shift niya ay hindi na muna siya umuwi at nag-stay muna sa bahay ni Xavi. Doon lang muna siya naglagi kasi gulong-gulo ang isip niya. Kinabukasan ay nag-file siya ng resignation at isang linggo na siyang hindi pumapasok pero araw-araw pa rin siyang umaalis sa bahay nila at buong akala ng parents niya ay nagdu-duty pa rin siya. Ang totoo, araw-araw lang din siyang nakababad sa bahay ni Xavi o kaya minsan ay sumasama siya sa mga lakad ni Jet.

"I'm sorry, dad. I just can't work in the hospital anymore." Mahinang sagot niya.

"What are you doing to your life, Ambrosia? Ang sabi mo pagkatapos mong mamundok, ako naman ang pagbibigyan mo. Pinayagan na kita sa kung ano-anong pinaggagagawa mo dahil baka nga nag-i-experiment ka lang sa buhay mo pero nangako ka! Pagkatapos kitang pagbigyan ako naman. Ngayon? Ano na naman ito? Ilang linggo ka pa lang nagtatrabaho sa ospital, nag-resign ka na!"

Nahihiya siyang tumingin sa mommy niya at naiiling lang ito. Mabuti na nga lang at wala pa dito ang kuya niya kasi isa pa rin iyon na manenermon sa kanya.

"Ano ang plano mong gawin sa buhay mo? Sasayangin mo ang pinag-aralan mo? Ano ang gusto mo? Bumalik na naman sa bundok?" Napapitlag siya ng malakas na pukpukin ng daddy niya ang mesa nila. Ngayon lang niya nakitang galit na galit ang daddy niya.

Napahinga siya ng malalim at umiling.

"Hindi na ako babalik sa bundok, daddy. Again, I am sorry." Yukong-yuko ang ulo niya.

Ayaw naman talaga niyang mag-resign pero hindi niya kayang humarap pa sa pamilya ni Hunter. Ayaw na niya ng kahit na anong koneksyon sa lalaki.

"Basta mo iniwan ang patient mo. Alam mo bang isang high profile client ang basta iniwan mo doon. Galit na galit nang malaman na basta ka na lang nag-resign. Mabuti na lang at hindi nag-file ng kaso. You are putting yourself and the hospital in jeopardy. Pati kami ng mommy mo nadadamay sa mga katarantaduhan mo!"

Mabilis niyang pinahid ang luha niya at napalunok.

"I-I'm sorry, dad. Pasensiya na po talaga." Iyon na lang naman ang paulit-ulit niyang masasabi.

"Ayusin mo ang buhay mo. Hindi mo alam isang araw, ipadala na nga lang kita sa bundok at baka sakali doon magamit mo ang pinag-aralan mo."

Wala na siyang narinig pa mula sa daddy niya. Mabibigat ang mga yabag nito na umalis. Hindi na rin niya ginawang kausapin ang kanyang mommy dahil ganoon din naman ang sasabihin noon. Tumayo na lang din ito at umalis din.

Gusto niyang sabihin sa mga ito na gusto din naman niyang maging maayos. Gusto niyang sabihin sa mga ito na nagawa niyang matulungan kahit paano ang mga Dasana sa bundok. Gusto niyang sabihin na nagawa niyang magpaanak sa isang taong tribo na walang kahit na anong gamit. Gusto niyang sabihin na nakagamot siya ng isang sugatang tao. Pero minabuti niyang sarilinin na lang iyon dahil wala namang maniniwala sa kanya.

Muli siyang nagpahid ng luha at kinuha ang tumutunog na cellphone.

"Xavi," nanginginig pa ang boses niya nang sagutin ang tawag ng kaibigan.

"Ambs, where are you? Tuloy ang session tonight papunta ka na ba? Nagdadatingan na ang mga tao."

Napapikit siya. Nakalimutan niya. Ngayon nga pala ang painting at photography session ng group ni Xavi at siya ang magmo-model doon.

"Sige, papunta na ako."

Hindi na niya hinintay na sumagot ang kaibigan at umalis na lang siya. Hindi na nga siya nagpaalam sa magulang.

Pagdating sa studio ay may ilang mga painters and photographers na ang naroon. Dumiretso siyang lumapit kay Xavi na nakikipag-usap sa ilang mga kasama. Ipinakilala siya na siya ang magiging nude model sa session na iyon. Sanay na rin naman siya sa ganito. Ilang beses na niyang ginawa. Hindi na siya asiwa kasi alam niyang for artistic purposes lang naman ang kanyang paghuhubad. Wala siyang maramdamang malisya. Kapag nakahubad na siya sa harap ng mga ito, wala na ang atensyon nito sa kahubaran niya. Ang atensyon ng mga ito ay kung paano mapapaganda ang kanilang mga work of art.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Puna sa kanya ni Xavi. Dumiretso siya sa isang make-shift room para doon siya maghubad.

"What's wrong with me?" Hinubad niya ang suot na tshirt at shorts. Tumalikod si Xavi nang huhubarin na niya ang kanyang underwears.

"Mukhang lahat ng problema sa mundo sinalo mo na." Komento nito habang nanatiling nakatalikod.

"Alam na ni dad na nagresign na ako sa trabaho." Isinuot niya ang naroong robe at inayos ang kanyang buhok.

"Shit. Paano?" Nag-aalalang humarap sa kanya ang kaibigan.

"Tumawag ang management kay dad. Alam ko naman na darating ang pagkakataon na ito." Napahinga siya ng malalim. "Let's go? I just want this to be over. Kailangan kong kumita."

"Mabuti na lang at marami-rami ang mga sumali sa session na ito. But are you good? I mean, can you still do this? Kasi kung hindi ka comfortable we could cancel."

"Okay nga lang. Sige na. Tara." Nauna na siyang lumabas at pumuwesto sa harap kung saan siya kitang-kita ng lahat ng artist. Ready na ang mga painters at ang kanilang mga gamit. Ang mga photographers naman ay ready na rin ang mga camera.

"Almost complete na kaya puwede ng mag-start. May isa lang na photographer na hahabol but I think parating na rin iyon." Sabi ni Xavi at tinulungan siyang hubarin ang suot niyang robe. Tinuturuan siya nito kung paano magpo-pose artistically. 'Yung hindi mukhang bastos ang dating.

Gusto na lang niyang matapos ito kaya sumusunod na lang siya. One hour siyang hindi gagalaw tapos fifteen minutes na pahinga tapos ganoon na naman. Alam na alam na niya ang routine.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang isang lalaki na naka-cap at may bitbit na bag. Ito siguro ang late na sinasabi ni Xavi. Dahan-dahan ang pagsara nito ng pinto at pumuwesto ito sa dulo. Ibinaba nito ang mga gamit at kinuha ang camera sa bag. Nang makapag-ready ay hinubad nito ang cap at daig pa niya ang nakakita ng multo ng makita kung sino iyon.

Dahil sigurado siya ngayon, hindi kapatid ni Hunter ang nakikita niya.

Sigurado siyang si Hunter mismo ang nakikita niya at ngayon ay titig na titig na sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top