CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY- SEVEN
Mahaba na ang biyahe ng grupo nina Amber pero nanatili lang siyang tahimik na nakaupo sa likuran ng coaster na sinasakyan nila. Pinapabayaan lang niyang nagtatawanan, nagkukuwentuhan ang ibang mga kasamahan niya sa medical mission nila sa Quezon. Napairap siya at napailing ng maalala ang lugar na pupuntahan nila. Quezon pa. Ang alam niya, kilalang pamilya ng fake na bathalang iyon sa probinsiyang pupuntahan. Pero naisip din niya, napakalaki ng Quezon. Imposible naman na buong probinsiya na iyon ay pag-aari ng lalaking isinusumpa niya.
Tumingin siya sa gawi ni Bowie na nakikipag-usap sa pinaka-head ng medical mission na ito. Si Dra. Anne Melendres. Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa at kita niyang talagang nakikinig si Bowie. Seryosong-seryoso.
Ngayon lang niya napansin na guwapo din pala si Bowie. Matangos ang ilong. Maganda ang shape ng lips. Clean cut ang buhok na bagay sa shape ng mukha. Bumagay pa ang well-trimmed na balbas at bigote.
Maganda rin magdala ng damit si Bowie. Kahit simpleng maong at polo lang ang suot nito, pansinin pa rin. Neat kasing tingnan. Hindi lang siguro niya napansin ang mga bagay na iyon noong una niyang nakilala ang lalaki. Talaga kasing ang tingin niya dito noon ay masamang tao. Masyadong isinapuso ang ini-experiment na research at pinanindigan ang pagiging isang durugistang mountain climber.
Nagkagulatan pa nga silang dalawa na magkakasama pala sila sa medical mission. Ito pala ang binabanggit ni Bowie 'nung nag-date sila at isinasama siya sa medical mission sa isang probinsiya.
Nakita niyang tumingin sa gawi niya si Bowie kaya nagbawi siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagtanaw ng mga bundok at bukirin na nadadaanan nila. Wala siya sa mood na makipag-usap kahit kanino dahil ayaw naman niya ang lakad na ito.
"Naiinip ka na ba?"
Pinilit niyang ngumiti kay Bowie. Wala na siyang nagawa ng maupo ito sa tabi niya. Mabango rin ito. Amoy Cool Water.
"Matagal pa ba ang biyahe?" Binuksan niya ang bag niya at kumuha doon ng baon niyang ham and egg sandwich. Pakitang tao na inalok niya ang lalaki pero sa kalooban niya ay pinapanalangin niyang sana tumanggi ito pero hindi dininig ang panalangin niya. Kinuha nito ang kahati ng sandwich niya at nagsimulang kumain.
"One-hour drive pa then makakarating na tayo sa town hospital. Doon tayo sasalubungin ng mga locals na makakasama natin." Kahit puno ang bibig ay sumasagot si Bowie. "Did you make this sandwich? This is so good." Sunod-sunod na kagat ang ginawa nito.
"Ham lang 'yan saka itlog. Saka mayonnaise. Walang espesyal diyan," sagot niya at kumagat na rin sa hawak na sandwich.
"Diyan ka nagkakamali. This is special because you made this. Anything you do is special. Kaya kung akala mo hindi special itong biyahe na ito, hindi bukal sa loob mo ang pagsama sa medical mission, just think about the people that we can help. You are special to them," ngumiti pa si Bowie sa kanya.
Napangiti siya kahit paano sa narinig na sinabi nito. At least, she was special to someone kahit pa nga hindi naman niya masyadong feel si Bowie.
"See? You are smiling. And remember, you are special to me." Nilamukos nito ang foil na pinambalot sa sandwich at inilagay sa bulsa.
"Tigilan mo na ang palipad hangin sa akin, Bowie. Walang effect." Natatawang sagot niya dito.
"So? Okay lang. At least nasabi ko. At alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa iyo. You know iyan dapat ang matutunan ng mga tao. I mean mahirap kasi magkaroon ng regrets. Halimbawa kinimkim ko lang sa dibdib ko ang feelings ko sa iyo. Hindi ko sinabi pero iyon pala, naghihintay ka lang na sabihin ko. Pero nang magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin, it's too late. You already fall for someone else. Sayang ang pagkakataon."
"Mahirap naman ma-reject. Masakit. Paano kung alam mo naman na walang nararamdaman sa iyo 'yung taong gusto mo? Magsasabi ka pa ba?" She was saying that because of experience. Dahil iyon ang naramdaman niya kay Hunter. Minahal niya pero alam niyang kahit kailan ay hindi siya mamahalin. Mismong sa bibig ni Hunter niya narinig na tanging sex lang ang gusto nito sa kanya.
Tumingin na makahulugan sa kanya si Bowie.
"Are you saying that from experience? He didn't love you back that's why you're like that?" May ngiting gustong sumilay sa labi nito.
Inirapan niya ang lalaki. "I am just stating a fact. Nangyayari iyon sa iba at hindi sa akin."
Huminga ng malalim si Bowie at sumandal sa kinauupuan.
"Still, I'll take the risk. Gusto niya ako o hindi, sasabihin ko pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. I am telling you now. I like you and if you don't like me back it's fine. At least alam mo na gusto kita."
Tiningnan niya ng masama si Bowie at napailing. Pero wala siyang makitang kahit na katiting na pagsisisi sa mga sinabi nito.
"Hindi ka natatakot ma-reject?" Ngayon ay parang na-a-amuse na siya sa lalaki.
Umiling ito. "Nope. Mas mabuti na ang ma-reject. At least I know I tried. And remember, a clear rejection is always better than a fake promise. Mabuti na 'yung sa umpisa pa lang alam ko na ang stand ko."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Saglit siyang napaisip sa mga sinabi nito.
"How about you? Did someone reject you?" Baling nito sa kanya.
Umiling siya at ngumiti ng mapakla. "'Yung totoo? Walang rejection na nangyari kasi it was a one-way love."
"You didn't tell him what you feel for him?"
Napalunok siya para mapigil ang nagbabantang pag-iyak.
"Hindi na kailangan kasi hindi pa ako nagsasalita, pinaparamdam na niya sa akin na wala akong puwang sa buhay niya." Pumikit-pikit siya at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan.
"Well, he was an asshole. He didn't know the value of the person that he let go. Hayaan mo na. The pain will go away eventually. Kaya nga dapat i-enjoy mo 'tong experience na ito. Kalimutan mo na iyon. I-focus mo ang sarili mo sa ibang bagay. Sa ibang tao." Nakangiti sa kanya si Bowie.
Tinawanan niya ito ng nakakaloko. "Nice try, Bowie. I still don't like you. Sorry."
Wala siyang makitang kahit na katiting na inis sa mukha ng lalaki dahil sa sinabi niya.
"We're just beginning, Amber. You'll like me soon." Tingin niya ay buong-buo ang kumpiyansa ng lalaki.
"Wow. Lakas. Werpa." Nang-iinis na sabi niya dito. Pakiramdam ni Amber ay gumaang ang pakiramdam niya ngayon na parang nagiging kampante siya kay Bowie.
-----------------
Parang naiilang pa si Hunter habang magkakaharap sila sa harap ng mesa ng nanay niya at ni Bullet. Si Amy ay hindi sumabay sa breakfast. Alam niyang nagdadahilan lang itong masama ang pakiramdam. Alam niyang hindi pa nito kayang humarap sa kanya.
Nakahain sa mesa ang mga paborito niyang pagkain. Vigan longganisa at bagnet. Fried rice with crushed garlic on top. Tablea hot chocolate from Cavite. His favorite adobo na luto ng mama niya. Takam na takam siya sa mga nakahain. Ang tagal niyang na-miss ang mga ito.
Agad siyang sumandok ng kanin pero mabilis na pinalo ni Mrs. Acosta ang kamay niya. Napatingin siya kay Bullet at nakita niyang lihim itong natatawa. Parang bumalik siya sa panahong mga bata pa sila na madalas silang mapagalitan ng mama nila kapag naglalaro sila sa harap ng hapag.
"Say grace first." Sabi ni Mrs. Acosta at inilahad nito ang kamay para hawakan nilang magkapatid.
Ito ang nag-lead ng bless before meal prayer. Tumataas-taas ang kilay ni Bullet sa kanya na parang sinasabing 'welcome to reality' kaya pinipigil niya ang mapatawa.
Nang matapos ang pagdadasal ay agad na sumandok si Hunter ng pagkain. Wala na siyang pakielam kung para siyang taong bundok kumain. Isinalin niya ang maraming kanin sa plato. Kumuha ng maraming ulam hanggang sa umaapaw na ang pagkain sa plato niya. Hindi na siya gumamit ng kutsara at tinidor. Nagkamay siyang kumain at sunod-sunod ang ginawang pagsubo. Hanggang sa mapansin niyang siya lang ang kumakain kaya napatingin siya sa nanay niya at kay Bullet. Gulat na gulat itong nakatingin sa ginagawa niya. Nahihiyang huminto sa pagkain si Hunter.
"Ito pa ang ulam," sabi ni Mrs. Acosta at iniabot ang plato ng bagnet sa kanya.
Napalunok siya at humugot ng napkin na nasa malapit sa kanya at pinunasan ang kamay tapos ay ang bibig.
"Do you want more?" Si Bullet naman ang nagtatanong na iyon at iniabot sa kanya ang lalagyan ng kanin.
"I'm sorry," hingi niya ng paumanhin. Parang hindi na yata niya magagawang kumain sa harap ng nanay at kapatid niya.
"It's fine, iho. Go ahead and eat. We can do the same," tumingin si Mrs. Acosta kay Bullet at sinisenyasan itong magkamay din.
"'Ma?" Nasa tono ni Bullet ang pagpo-protesta.
"'Ma, you don't need to do that. I am sorry. Years of living in a tribe, sometimes I am becoming like them." Napahinga siya ng malalim.
"Tribe? You live with a tribe?" Paniniguro ni Bullet.
Tumango siya. "I was their chief God."
Napakagat-labi si Bullet at halatang pinipigil ang mapatawa. Pero hindi nito magawa at impit itong tumatawa pero pinanlalakihan naman ito ng mata ni Mrs. Acosta.
"It's okay. Laugh at it but that's the truth. That's what happened to me. It was a long story but if you want details, just ask me." Dinampot niya ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain ng maayos.
"I'm sorry. Sorry, Hunter. I didn't mean to offend you." Ngayon ay seryoso na si Bullet.
Umiling siya. "It's fine. 'Iyon naman ang totoo. So, where is your wife? She's still afraid of me?" Marahan na ang pagkain niya. Kailangan na niyang ayusin ang sarili niya dahil wala na siya sa bundok. Nasa sibilisasyon na siya.
"Just give Amy some time. Mahirap pa rin i-process sa kanya ang nangyari. Napakaraming nangyari sa iyo, sa akin. Sa ating lahat so let's take it slow. One step at a time." Sagot ni Bullet.
"I know. And wala naman problema sa akin kung ginawa man iyon ni Amy. Everything happens for a reason. I accepted that Jean and I are not meant to be. Same with my wife Aria." Saglit siyang napahinto at naalala niya si Amber. "May mga taong dumadating sa buhay natin na nagiging lesson. Masakit lang kasi minsan they teach us the hard way."
"Amy is not my lesson, Hunter. She came to our lives when we were mourning from your death. She became the light to those dark times."
"Kaya nga. And she makes you happy. You and mama. I can see it in you both." Kumutsara siya ng pagkain. Masaya naman talaga siya para sa kapatid niya.
"Are you happy, Horacio?" Sabat ni Mrs. Acosta.
Tumingin siya sa ina at nakatingin lang ito sa kanya.
"Of course, 'ma. I am already home." Sagot niya dito.
"You're home and yet you don't feel like you're home. Ayaw mo na ba dito sa amin, Hunter? Mas gusto mo bang sa bundok na talaga tumira?" Nakaramdam siya ng tampo sa tono ng boses ng mama niya.
Napatingin siya kay Bullet at maging ito ay seryoso ding nakatingin sa kanya.
"'Ma, of course I wanted to be here. There's no place like home. Pare-pareho lang tayong naninibago. Nag-a-adjust. Just give me some time to fit in."
Tumango-tango ang matanda. "I understand, iho."
"And now that you are here, ikaw na ang mamamahala sa ACO Logistics." Anunsiyo ni Bullet.
"What? No." Umiiling na sabi niya. "No. I won't accept that. I told you I don't want to work in that company. You took care of that when I am gone and did good. Ituloy mo lang. You don't need to give it to me. Hindi ako iyon. It's yours."
Tumingin si Bullet sa mama nila na parang nagpapasaklolo.
"It's fine, Bullet. Kung ano ang gusto ng kapatid mo iyon ang sundin natin. Puwede naman kayong magtulungan kahit na wala siya sa company."
"Are you sure about that?" Paniniguro pa ni Bullet na nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya. "I am sure. Ikaw ang bagay doon."
Natahimik sila pare-pareho nang tumunog ang telepono ni Mrs. Acosta. Tumayo ito doon para sagutin ang tawag pero hindi naman lumayo masyado sa kanila.
"Yes, Dr. Dela Cruz?" Iyon ang narinig niyang binanggit ng mama niya.
"Dr. Dela Cruz? The same doctor that treated you when I shot you?" Paniniguro niya sa kapatid.
"Yeah. He is still the town doctor." Panay ang subo ni Bullet ng pagkain.
"Is Jean still working in the town hospital?"
Tumingin ng masama si Bullet sa kanya. "Are you still interested to Jean? After what she did?"
Umiling si Hunter. "Bull, ten years of my life she was a part of that. Pangit o maganda ang nangyari sa amin naging parte pa rin siya doon."
Napailing lang si Bullet at ipinagpatuloy ang pagkain. "Researcher siya doon. I helped her land a job after she loses her license."
Napahinto sila sa pag-uusap nang bumalik sa harap ng hapag si Mrs. Acosta.
"Alam kong babalik ka sa Maynila Bullet and you better take Amy with you. I know she won't be comfortable here na nandito si Hunter. Pabayaan mo na munang mag-sink in sa asawa mo na talagang nandito na nga ang kapatid mo." Hinarap ni Mrs. Acosta ang kinakain. "Some members of the medical mission team will be visiting our house. As the Hermana Mayor of this town, they wanted to give a courtesy visit to me. Mga mag-co-community service sa Barangay Liway-liway."
Nagkibit-balikat lang silang magkapatid at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Her mom never entered politics, but she really wanted to help people kaya hindi na siguro naalis dito ang pagiging Hermana Mayor ng town nila.
Maya-maya ay dumadating si Manang Ester at lumapit sa kanila.
"Manang Frances, may bisita kang dumating."
"Oh, those are the medical mission team. Papasukin mo na. Pupuntahan ko sila sa sala." Tumayo na si Mrs. Acosta at iniwan sila.
Ganoon din ang ginawa ni Bullet. Tinapos lang nito ang pagkain at pinuntahan ang asawa. Siya na lang ang naiwan doon kay tumayo na rin at sinundan ang nanay niya.
Tatlo ang naabutan niyang kausap ng mama niya sa sala. Pero kita niya sa labas na may tao pa doon na papasok. Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaki at babae na papasok sa sala nila.
Shit. Is that really Amber? Anong ginagawa niya dito?
Ayaw niyan maniwala sa paningin niya pero hindi siya dinadaya ng nakikita niya. Totoong si Amber ang nakikita niyang pumapasok sa loob ng bahay nila pero agad din siyang napatiim-bagang nang makita kung sino ang kasama nito.
Si Bowie. Ang pinsan niya.
Nagtatawanan pa ang dalawa habang nag-uusap papasok sa sala. Nakahawak si Bowie sa siko ni Amber habang naglalakad at hindi naman umiiwas ang babae. Tingin nga niya ay palagay na palagay ito sa lalaki at hindi pa umiwas nang hawakan pa ni Bowie ang likuran ng bewang nito para maalalayan sa paghakbang.
Kung may hawak siyang sibat, sisiguraduhin niyang nakatusok na iyon sa dibdib ni Bowie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top