CHAPTER TWENTY-ONE
Labong-labo na ang mata ni Amber habang naglalakad siya sa masukal na gubat.
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala na siyang pakielam kahit saan basta ang mahalaga malayo na siya sa tribo ng mga Dasana. Ayaw na niyang bumalik doon. Ayaw na niyang maalala pa ang dahilan kung bakit niya hinanap ang tribo na iyon.
Sa ngayon, ang gusto lang niya ay makalayo. Walang tigil siya sa pagpapahid ng kanyang mga luha habang patuloy sa paglalakad. Hawak sa isang kamay ang cellphone at pilit na naghahanap ng signal. Kahit paano ay nakakaramdam na rin siya ng takot dahil hindi na siya pamilyar sa lugar na ito. Puro makakapal na puno na ang kanyang nakikita. Kahit saan siya tumingin, puro dahon, puno lang ang nasa paligid niya.
"Come on. Please. Kahit weak signal lang," umiiyak na sabi niya at pilit na itinataas ang telepono niya para makakita ng signal.
Para yata siyang nabuhayan ng loob ng makita niyang naging three bars ang signal ng cellphone niya. Mabilis niyang pinahid ang luha at sinubukang mag-dial doon. Tinawagan niya ang kanyang daddy at hindi pa natatapos ang isang ring ay sumagot na ito sa kanya.
"Amber. Where the hell are you?" Damang-dama niya ang takot sa boses ng daddy niya.
"D-dad. I'm sorry," iyak na siya ng iyak.
"Just go home, baby. We are worried. Please. Where are you? Pupuntahan ka namin ng mommy mo." Alam niyang umiiyak na rin ang daddy niya kahit paputol-putol ang sinasabi nito.
"I-I don't know where I am. I am in a middle of a forest. Signal is weak."
"Alright. Try to look for a better signal. I am going to call the authorities. Jet is still there in Zambales." Lalong pumangit ang linya nila. Nang tingnan niya ang telepono ay one bar na lang ang signal hanggang sa tuluyang mawala.
Muli siyang tumingin sa paligid at naglakad ng naglakad hanggang sa may makita siyang pathway na halatang dinadaanan ng mga tao. Sinundan niya iyon at unti-unti ay lumiliwanag ang paligid. Unti-unting kumukonti ang makakapal na puno hanggang sa makita niya ang lugar kung saan sila nawala noon ni Bowie.
Lalo niyang binilisan ang paglalakad. Tumakbo na siya hanggang sa makarating siya sa campsite na pinuntahan nila noon. Para siyang nakahinga ng maluwag nang makitang may mga tao doon. May mga military, may miyembro ng local government, pulis, ilang mountaineers din. Sa make shift wall ay naroon ang mga litrato niya. Lalo siyang napaiyak nang makita niya ang isang pamilyar na lalaking kalbo. Well, hindi na nga totally kalbo. Parang may mga buhok nang patubo sa ulo nito.
"Jet."
Lumingon ang lalaking tinawag niya at para itong nakakita ng multo nang makita siya.
"Damn you, Ambrosia." Patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siyang mahigpit. Umiyak lang siya ng umiyak kasi para siyang nakakita ng kakampi dahil naroon ang kanyang kaibigan.
Nagkagulo ang mga tao doon nang makita siya. Lahat ay gustong malaman kung anong nangyari sa kanya. Pero wala siyang pakielam ngayon. Ang mahalaga sa kanya ay makalayo sa lugar na iyon.
Idiniretso siya sa isang local hospital kasama ang kaibigan. Nakausap na rin niya ang daddy niya at pabiyahe na ang mga ito papunta sa kanya. May mga pulis na nag-iimbestiga kung ano talaga ang nangyari at pinanindigan na lang niyang nawala siya sa grupo, isang linggo siyang paikot-ikot sa loob ng makapal na gubat. Hindi niya sinabi sa mga ito na natagpuan niya ang tribo ng mga Dasana. Kahit galit siya sa bathalang dati ay minahal niya, hindi naman niya magagawang ipagkanulo ang tribo na napalapit na rin sa kanya.
"You need to clean up." Sabi ni Jet sa kanya habang papasok sila sa ospital at tinutulungan siyang pahirin ang mga natuyong putik sa braso niya at mukha pero umiling siya.
"I just want to go home." Unti-unting nababasag ang boses niya.
"Pero kailangan mo munang ma-check. Kailangan magamot ang mga sugat mo. Saka kailangang tapusin ang report ng mga pulis. Are you sure nothing happened to you? Isang linggo ka sa gubat. Fuck you, Ambrosia. I thought you died," bakas na bakas ang takot at the same time relief sa boses ni Jet. "Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kung may nangyaring masama sa iyo."
Pilit siyang ngumiti.
"Okay na ako. Promise it won't happen again. Makikinig na ako sa inyo ni Xavi sa susunod. Hindi ko na paiiralin ang tigas ng ulo." Napayuko siya at tuluyang napaiyak.
"Did Bowie do something to you kaya ka nawala?" Seryoso na ngayon ang mukha ni Jet.
Umiling siya.
"I really got lost. Wala naman siyang ginawa." Pagsisinungaling niya.
"Bigla din kasi siyang bumaba ng bundok 'nung time na nawawala ka na. Did you find what you're looking for?" Nakatingin sa mga mata niya ang kaibigan.
Ngumiti siya ng mapakla at mabilis na pinahid ang mga luha at umiling.
Napabuntong-hininga si Jet at muli siyang niyakap. Doon siya muling umiyak ng umiyak.
She was crying not because of the relief that she got back. She was crying because of a broken heart.
The God that she fell in love with shattered her heart into pieces and she doesn't know how she can heal it.
----------
Ilang beses na huminga ng malalim si Hunter sa labas ng kubo ni Amber. Hindi niya alam kung paano siya magsisimulang magpaliwanag sa babae. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa mga nasabi niya.
"Amber." Hindi siya agad pumasok sa loob. Ayaw niyang basta gawin iyon.
Wala siyang narinig na sagot mula sa loob.
"Amber, please. I need to talk to you." Humakbang pa siya palapit sa pinto ng kubo.
Tahimik pa rin sa loob. Wala pa ring sagot.
"I'll get in, okay?" Dumiretso na siyang pumasok sa loob at napahinga siya ng malalim nang hindi makita doon ang babae. Siguro ay nasa ilog at nagpapalamig ng ulo. Napakunot ang noo niya ng makita ang libro ni Amber na nakapatong sa papag. Bakit ito basta-basta ilalabas ni Amber? Mahalaga ito para sa babae. Muli niyang iginala ang paningin sa buong silid at noon niya napansin na wala na doon ang camping bag ng babae.
"Shit." Mabilis siyang tumakbo palabas at inisa-isang tingnan ang kubo ng mga Dasana. Baka naroon ang bag ni Amber at pinagkukuha ng mga ito ang gamit. Pero wala. Dumiretso siya sa ilog at tanging si Suwana at Hagway na naglalampungan lang ang nakita niya.
Grabe ang kabog ng dibdib niya. Ayaw niyang isipin na umalis na si Amber.
"Bathala."
Lumingon siya at si Igat ang nakita niyang nakatayo sa likuran niya. Seryosong-seryoso ang mukha.
"May problema ba?" Pinilit niyang magpaka-kaswal sa harap nito.
"Lumisan na ang mahal na babaylan." Napayuko ito ng sabihin iyon.
"Anong ibig mong sabihin na lumisan?" Napalunok siya dahil parang may kumurot sa dibdib niya nang marinig iyon.
"Namasid ko ang mahal na babaylan na tangan ang kanyang mga gamit. Sinundan ko para pigilan ngunit hindi ko magawang malapitan dahil siya ay tumatangis. Sumunod ako sa kanya hanggang sa kapatagan at sinalubong siya ng mga taga-ibaba. May isang lalaki na sumalubong sa kanya at kanyang niyapos. Akin sanang sisibatin ngunit maraming mga taong may mga dalang bakal na sumasabog. Masyado silang marami at hindi ko sila kayang gupuin." Paliwanag ni Igat.
Tumango-tango si Hunter at hindi malaman kung ano ang gagawin.
"S-sige, Igat. Maraming salamat."
"Ngunit paano ang mahal na babaylan? Pababayaan na lang natin siya sa kamay ng mga taga-ibaba? Hindi ba natin siya ililigtas?"
Umiling siya.
"Hindi siya taga-dito, Igat. Mayroon siyang ibang mundo at hindi tayo kasama doon."
Naguguluhan na tumingin sa kanya ang lalaking Dasana.
"Sige na. Hinahanap ka na ng iyong kabiyak."
Tumatango-tango si Igat at nagmamadaling umalis sa harap niya.
Parang nanghihinang napaupo si Hunter at nasalo ng kamay ang ulo.
Ano ang mali niyang nagawa? Bakit biglang umalis si Amber? It was just a misunderstanding. He would never touch a young kid. Hindi siya ganoon kasama.
Tumingin siya sa pathway na daanan para makababa ng bundok. Tumingin din siya sa tribo ng mga Dasana at kita niya ang pagkakasayahan ng mga ito.
Bumuga siya ng hangin at tumayo.
Gagawin niya ang matagal na dapat niyang ginawa.
------------------
AFTER TWO WEEKS
"Parang hindi bagay sa iyo ang naka-nurse uniform."
Sinamaan ng tingin ni Amber si Xavi na nakasandal sa kotse nito at naninigarilyo.
"Ano ang hindi bagay dito? Nurse naman ako kaya ito ang dapat kong isuot." Tiningnan pa niya ang suot na white blouse at white pants na uniform nila sa ospital.
Nandito kasi sila sa parking ng hospital na pinapasukan niya at dinner break niya. Kapag ganitong oras ay pinupuntahan siya ni Xavi para makipag-kuwentuhan since malapit lang ang bahay nito sa ospital na pinapasukan niya.
"Wala lang. Hindi lang ako sanay sa iyo na ganyan ang itsura mo. You really look like a different person."
"Gago ka. Baka gusto mong i-bp kita sa leeg." Inirapan pa niya ito pero natawa lang sa kanya. "At least, I made my parents proud by wearing this and working in a hospital."
Ang lakas ng tawa ni Xavi at itinapon sa kalapit na basurahan ang hawak na sigarilyo tapos ay sumeryoso ng tingin sa kanya.
"Are you really sure you're ready to work? It's just two weeks after mong mawala sa bundok."
"I said I am fine. Mas gusto ko ang ganito. Mas gusto kong busy ako sa trabaho para hindi ko maalala ang mga nangyari sa akin."
"What really happened in the mountains?" Diretsong nakatingin sa mga mata niya ang kaibigan.
Nawala ang ngiti niya ng marinig ang tanong na iyon at mabilis na nag-iba ng tingin.
"Paulit-ulit ba tayo? Laging iyan na lang tanong 'nyo. Sabi ko nga, naligaw ako. Isang linggo akong paikot-ikot sa gubat. Puwede na nga akong sumali sa Survivor Philippines kung may susunod na series pa 'yun." Pinilit niyang tumawa.
Umiling si Xavi.
"Tama si Jet. You changed. Something happened in that forest. In that mountain."
She rolled her eyes at him at pilit na pilit na tumawa.
"Anong nangyari? Siguro nga nag-iba ako kasi sinapian ako ng kaluluwa ng isang Diwata." Pinalaki pa niya ang mata dito. "Gagawin kitang isang kambing!" Kunwari ay kumumpas pa siya sa hangin para gawing kambing ang kaibigan.
"You didn't find that Bathala that you're looking for?" Diretsong tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot at napalunok lang tapos ay pilit na ngumiti.
"Alam mo, sa buhay ng tao dumadaan ang pagka-praning. At dumaan sa akin iyon. I know I was crazy to do that stunt." Halatang pilit na pilit ang pagtawa niya para mapagtakpan ang nararamdaman niyang pag-iyak. "But, I got over it and I won't do it again. That's why I am here doing a normal thing."
Nagsindi ng sigarilyo si Xavi pero nanatiling nakatingin sa kanya.
"You found him, don't you?" Seryosong-seryosong tanong nito.
Napalunok siya kasi gusto na niyang kalimutan ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay.
"I said no. The sketch in the book was just from Venci's imaginative mind. That bathala didn't exist." Pagsisinungaling niya.
Humihithit ng sigarilyo si Xavi at hindi na nagsalita pero halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
"Your face tells me something different. You are not the old Amber that I know. Your eyes, I can't see the fire anymore."
Inirapan niya ito.
"May pa-fire-fire ka pang nalaman diyan baka ikaw ang sunugin ko." Natatawang sabi niya at uminom sa hawak na bote ng mineral water. Ginawa niya iyon para lang mapawi ang parang sakit ng lalamunan niya dahil sa pagpipigil na mapaiyak.
"Seriously, Amber. I am telling the truth. I am an artist and I could see if there is something different to my subject. Ilang beses na kita naging model. Portrait, nudes at kabisado na kita. There was something in your eyes kaya ikaw ang laging nire-request ng mga co-painters ko. It has full of life. We artists see that in you. But right now, there is nothing. It looks like you are just breathing but you are not living at all." Seryosong sabi ni Xavi.
Napapikit-pikit siya para mabasag ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Totoo kasi ang lahat ng sinabi ni Xavi. Totoong nagpapatuloy lang siyang mag-function pero hindi niya alam kung saan siya patungo.
Inubos niya ang natitirang laman ng bote ng tubig at tumingin sa relo.
"I need to go back. At ikaw, tapusin mo na ang painting mo." Pagtataboy niya sa kaibigan.
"Go pa rin ba ang session natin? Medyo mataas ang tf dito kaya malaki ang ibabayad sa iyo. Kasi there would be photographers too bukod sa mga painters."
"I'll think about it." Sagot niya at naglakad na papasok sa ospital.
"I told the group you already said yes. They're expecting you, okay! See you tomorrow!" Sumakay na sa kotse niya si Xavi at dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng ospital. Diretso siya sa North Wing ng ospital kung saan siya naka-duty. Pagdating niya sa nurse station ay nakabusangot na mukha ni Mickey ang ang sumalubong sa kanya.
"Micks, nakasimangot ka na naman." Puna niya sa kasama. Tiningnan niya ang mga gamot na nakahilera sa harap niya na kailangan na ipainom sa mga pasyente.
"Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa patient na nasa Room 543. Kung hindi lang matanda talagang papatulan ko ang pagtataray niya," umirap pa ito sa sobrang inis. "Kaya ayokong nadu-duty sa wing na ito. Palibhasa ay mga suite rooms at mayayaman ang mga patients kaya ganyan."
Natawa na siya. "Relax. Sige na. Ako na. Siyempre may nararamdaman. Alam mo naman ang mga matatanda 'di ba? Kakarating lang niyan 'di ba?" Kinuha niya ang chart ng patient at tiningnan iyon.
"Oo. Nag-co-complain ng chest pains."
"Sige. Ako na ang magpapainom." Kinuha niya ang bp app at stethoscope tapos ay binitbit din ang gamot na ipapainom sa pasyente. Huminga muna siya ng malalim ng mapatapat sa Room 543. Nabasa niya ang pangalan ng patient.
ACOSTA, FRANCES M.
Kumatok siya at tuloy-tuloy na pumasok. Naabutan niya ang may-edad na babae na nakaupo sa kama at halatang hindi kumportable.
"Mrs. Frances Acosta?" Paniniguro niya at isinara ang pinto.
Nakita niyang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Ikaw na ba ang nurse ko?" Mataray na tanong nito.
Tumango siya. "Kung may iba po kayong gusto na nurse puwede ko pong sabihin sa management. Kung saan po kayo kumportable." Ngumiti siya dito.
Huminga ito ng malalim at umiling.
"I think you will be fine. I just don't like the other nurse. She looks annoyed. Mukhang hindi dapat siya naging nurse dahil hindi ko maramdaman na inaalagaan niya ako."
Natawa siya at lumapit dito.
"Inumin 'nyo po itong gamot tapos kukunin ko ang vital signs 'nyo."
Sinunod naman nito ang sinabi niya pero hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.
"Kunin ko po ang bp 'nyo," paalam niya dito at ibinalot ang cuff sa braso nito.
"Are you hurt, iha?" Walang abog na tanong nito sa kanya.
Taka siyang tumingin sa matanda. "Po?"
"Hurt. Are you feeling okay? Your eyes, it says everything that you are hurt."
Napalunok siya. Ganoon ba siya ka-transparent? Ganoon ba katindi ang ginawa ni Hunter sa kanya? Pinilit na niyang kalimutan ang lalaki. Pinilit na niyang kinalimutan ang pag-ibig niya para doon.
"Okay lang naman po ako. Baka may muta lang po ako kaya tingin 'nyo malungkot ang mata ko," pinilit niyang magpatawa dito.
Naramdaman niyang hinawakan ng matanda ang kamay niya at hindi niya maintindihan kung bakit parang ang pamilyar ng pakiramdam na iyon. Ramdam niya ang init ng pagtanggap ng matanda.
"If you need someone to talk to, you can talk to me. What is your name?" Titig na titig pa rin ito sa mukha niya.
"Ambrosia." Instead na Amber ay iyon ang nasabi niya.
Ngumiti ito. "I like it. Just like the name of my dead son." Parang lumungkot ang boses nito ng sabihin iyon.
"Dead? Patay na po ang anak 'nyo?" Parang nakaramdam naman siya ng lungkot para sa matanda.
"Oh, it's fine. Horacio is in a good place now. I am just missing him sometimes." Bahagyang nabasag ang boses ng matanda.
"Huwag po kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo dito." She felt alive just by looking at the face of this old woman.
Ngumiti din siya sa akin. "Thank you, Ambrosia."
And for the first time after her ordeal in the mountains, after someone broke her heart, she found her purpose to move on by helping the kinds of Mrs. Acosta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top