CHAPTER TWENTY-FIVE
Alam ni Hunter na may tao pa sa loob ng opisina ng ACO Logistics. Sa tagal na niyang nawala, magli-limang taon na kaya hindi na rin niya halos makilala ang opisina. Maraming pagbabago doon but he was impressed. Bakas na bakas sa pagbabago ng kapaligiran ang personality ni Bullet. Lahat nang nakikita niya dito ay alam niyang kagagawan ng kapatid niya.
And he never felt proud of his brother. Who would have thought that the happy go lucky guy, the prankster would be a CEO one day. Siya lang naman ang naniniwala na kaya iyong gawin ni Bullet. He believed that his brother will be a fine leader one day and here it is. His dad never gave his brother a chance. Siya ang sa simula pa lang pagkabata ay talagang mino-molde nang sumunod sa yapak ng ama.
Dire-diretso siyang pumasok sa loob at tinungo ang elevator nang harangin siya ng guard.
"Sir, tapos na po ang business hours. Hindi na po kayo puwedeng pumasok." Sita ng guard sa kanya. Kita niya na naguguluhan ito habang nakatitig sa mukha niya na para siyang kinikilala tapos ay nakita niyang parang tinakasan ng dugo ang mukha.
Ngumiti siya dito. "I know Bullet is still upstairs. I just need to talk to him."
Umiling ito at halatang-halata na kinakabahan na nakatingin sa kanya.
"S-sir, kung nagmumulto po kayo, mabait po ako kay Sir Bullet. Mabait din po ako kay Madam Frances. Sir, huwag 'nyo po akong patayin sa takot. Marami po akong anak. Marami din po akong asawa." Damang-dama niya ang takot sa boses ng guard. Parang maiiyak pa nga.
Gusto niyang humalakhak ng malakas. At napagkamalan pa siyang multo. Sino ba ang guard na ito?
"Can you please call Bullet? Tell him Hunter is here."
Nanginginig ang kamay ng guard na nag-dial sa telepono at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Natatawa lang siyang lumilinga ng tingin at nakita niya ang isang malaking frame na naroon ang isang litrato ng malawak nilang lupain sa Quezon. Naalala niya, kuha niya ang litratong iyon noong nag-uumpisa pa lang siyang mag-aral ng photography. Gustong-gusto niyang subject ang mga halaman o magandang tanawin. Lumapit siya at marahan iyong hinaplos. Sa gilid noon ay naroon ang litrato niya at may nakasulat na:
IN LOVING MEMORY OF HORACIO NICANOR "HUNTER" ACOSTA.
Hindi niya malaman kung ano ang kanyang mararamdaman. Nakatitig lang siya sa litrato niya at iniisip niya kung tama ba na bumalik pa talaga siya dito. Maayos na sila. Naka-move on na, na wala siya. Ang kapatid niya, alam niyang maayos na rin same with his mom. Baka magulo lang kung babalik siya.
Napahinga siya ng malalim at ngumiti ng mapakla. Siguro nga maling-mali ito na bumalik siya.
Lumakad siya at naglakad na palabas. Pero nakarinig siya nang mabibilis na yabag parang tumatakbo.
"Hunter!"
Lumingon siya at nakita niya si Bullet na humihingal na nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala na naroon siya. Alam niyang marami itong gustong sabihin pero walang salita itong masabi. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi niya maintindihan kung natutuwa ba ito na makita siya.
Alanganin siyang ngumiti dito at pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano magsisimulang magpaliwanag.
"B-bullet, let me explain. What happened-" bago pa siya maituloy ang sasabihin niya ay mabilis na tumakbo papunta sa kanya si Bullet at mahigpit na yumakap sa kanya.
"God damn you. God damn you." Ang higpit ng yakap ng kapatid niya. Parang ayaw na siyang pakawalan. Naramdaman niyang umaalog ang balikat nito. Humahagulgol ng iyak si Bullet.
Hindi na rin niya napigil ang sarili niya at nakayakap na umiiyak din siya.
-----------------
"Amber, patawarin mo na ako. Talagang hindi ko alam ang ginagawa ko noon. Sa totoo lang, 'yung pag-akyat ko sa bundok na iyon first time ko rin. I was experimenting kasi may research akong ginagawa. You know, gusto ko lang malaman kung totoo 'yung mga naririnig kong kuwento na mas masarap umakyat ng bundok ng naka-jutes."
Nanatiling masama ang tingin ni Amber kay Bowie habang nagpapaliwanag ito sa kanya. Hindi nga niya ginagalaw ang binili nitong coffee sa kanya dahil baka may kung anong gamot ang inilagay ang lalaki doon.
"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako masamang tao. Kahit itanong mo kay Jet. I am studying my Masters in Psychology. I fucked up when I did that to you but believe me, pinagsisihan ko talaga iyon. It's not me. It's the god damn jutes. Bakit ko ba kasi naisip na gawin ang research na iyon?" Parang sa sarili lang iyon sinabi ni Bowie.
Pakiramdam naman ni Amber ay totoo ang sinasabi ng lalaki sa kanya. Para pa nga itong maiiyak sa harap niya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Jet.
"How do you know Bowie?" Iyon agad ang bungad niya ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya.
"Bowie? Bakit?"
"Just tell me. How do you know him?" Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ni Bowie na punong-puno ng kaba na nakatingin sa kanya.
"Well, he came from a good family. Psych grad then I know he is taking his masters right now. Maayos naman. Bakit ba?" Tanong pa ni Jet.
Tumaas lang ang kilay niya kay Bowie at huminga ng malalim.
"Wala naman. Natanong ko lang. We just bumped each other yesterday." Pagsisinungaling niya. "Naalala ko lang siya. Hindi ba siya serial killer?" Nanlaki ang mata sa kanya ni Bowie nang marinig ang tanong niya kay Jet.
Ang lakas ng tawa ni Jet. "Of course not. Gago ka. Hindi serial killer 'yun. First time din niyang umakyat ng bundok noong umakyat tayo. Crazy bastard too. Parang si Venci lang 'yun, eh. Masyadong matalino. Masyadong maraming tinutuklas."
"Mukha nga. Sige. Salamat."
"Wait. Wait. I heard you resigned?" Pahabol pa ni Jet.
"Ang bilis naman ng chismis. Nai-chismis na agad sa iyo ni Xavi?"
"Alam mo naman 'yun. Gaga ka kasi. Bakit ka nag-resign? Akala ko ba papa-good shot ka na sa tatay mo?" Dama niya ang pag-aalala sa boses ng kaibigan.
Napabuga siya ng hangin. "Well, forever na siguro akong badshot sa kanila and it's fine."
"Sige. Punta ka na lang dito sa bahay. Iinom na lang natin 'yan."
Hindi na siya sumagot at pinatay na ang telepono at muling tumingin kay Bowie na halatang naghihintay ng sasabihin niya.
"I am not a serial killer, Amber. Sobra ka naman," halatang nagtampo si Bowie sa narinig na sinabi niya.
"Bakit? Masama bang magtanong? Malay ko ba. O sige na. Alam ko na ngayon na hindi ka masamang tao. Okay na tayo?" Akma na siyang tatayo ng pigilan ni Bowie.
"'Yung totoo kasi talagang hinanap kita, eh." Ngumiti ito ng alanganin sa kanya.
Napakamot siya ng ulo at dinampot ang kape na binili nito. "Walang drugs 'to ha?"
Sunod-sunod ang iling ni Bowie. "Wala. Bakit naman kita ida-drug? Kung gusto kitang ma-i-date magtatanong na lang ako sa iyo kung papayag ka." Parang nahiya pa itong tumingin sa kanya.
Ngumiwi ang mukha niya.
"Ano? Pinagsasabi mo diyan?" Naiinis na tanong niya.
Bahagya pang umehem si Bowie at ngumiti sa kanya pero halatang kinakabahan.
"'Nung nawala ka sa bundok, sobrang nagsisi ako. I mean, as in sobra." Napakamot pa ito ng ulo at huminga ng malalim. "I've hired men to look for you there pero hindi ka nila makita. Grabe ang sisi ko sa sarili ko dahil sa nagawa ko."
Inirapan niya ito. "Sinabi mo na iyan kanina."
"Oo nga. Sorry." Muling umehem si Bowie at bumuga ng hangin. "Itatanong ko kasi kung papayag kang makipag-date sa akin?"
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito at napatingin lang sa lalaki.
"Ako?" Paniniguro niya at tinuro pa ang sarili.
Sunod-sunod ang tango nito. "Yeah. Ikaw."
Inubos niya ang kapeng kaharap at inimis ang mga gamit.
"Kung style mo lang 'yan para sa tingin mo mawala ang guilt feeling mo, sorry I won't date you. Wala ako sa mood makipag-date sa kahit na kaninong lalaki ngayon."
"Okay. Sige. Cross out na ang date. Baka naman puwede tayong maging friends?"
Napabuga siya ng hangin at tumango na lang tapos ay tumango.
"Nice meeting you, Bowie. Alright we are friends already." Kumaway na siya dito at bago pa man ito magsalita uli ay dire-diretso na siyang lumabas ng coffee shop. Pinara niya ang unang dumaan sa taxi at sumakay doon.
Doon lang siya parang nakahinga ng maluwag dahil mag-isa na naman siya.
Napalunok siya nang maalala ang nangyari kanina. Nakita niya si Hunter pero parang hindi siya nito kilala. Parang walang nangyari sa kanila. Wala sa loob na nahawakan niya ang dibdib at unti-unting sumungaw ang luha sa mga mata niya hanggang sa hindi na niya napigil ang pagtulo noon.
Bakit nasasaktan pa rin siya? Siya nga ang lumayo kasi alam naman niya sa sarili niya na walang patutunguhan ang pagmamahal niya sa lalaki pero ngayon, kinukurot pa rin ang puso niya.
Akala ko ba move on na? Bakit umiiyak na naman?
Mabilis niyang pinahid ang mga luha niya. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili niya na hindi na siya iiyak. Kakalimutan na niya ang lahat ng tungkol sa lalaking iyon. Iiwasan niya ang mga taong puwedeng maging koneksyon sa fake bathala na iyon. Kahit pa mabait si Mrs. Acosta, kailangan niyang iwasan din iyon.
Girl, move on na. Hindi worth ng luha ang lalaking iyon. Don't tell me naniniwala ka pa rin sa prophecy ni Apo Ingkang? Kagagahan iyon.
Natawa siya sa naisip na iyon. Ang totoo kasi, umasa din siyang totoo ang sinabi na iyon ni Apo Ingkang.
Siya na isang babaylan at si Hunter na isang bathala ang nakatadhana para sa isa't-isa.
Pero ngayon niya naisip kung gaano siya kabaliw para asahan iyon katulad nang pagkabaliw niyang umakyat ng bundok at hanapin ang isang lalaking sa sketch niya lang nakita.
Sabi nga niya sa sarili, move on na.
Baka kaya dumating si Bowie. Kasi hindi si Hunter ang para sa kanya. Si Hunter ay isang lesson at experience lang na dumaan sa buhay niya pero hindi maaring maging kasama niya. Iba siguro talaga ang destiny niya.
Napabuga siya ng hangin at kinuha ang telepono. Tamang-tama naman na may text siyang na-receive.
Sana bigyan mo naman ako ng chance. Mabait naman akong tao kung kikilalanin mong mabuti. – Bowie Davide.
Napangiti siya at napailing. Is this a sign? Wala naman sigurong mawawala kung pagbigyan niya si Bowie. Mukha naman itong harmless ngayon. Siguro nga, they just started on the wrong foot.
Sinagot niya ang text nito.
Fine. Mahilig ako sa Japanese food.
Ibinalik niya sa bag ang cellphone at muli itong tumunog. Nag-reply si Bowie.
It's Japanese then. I'll pick you up at 8PM tomorrow night?
K.
Iyon lang ang reply niya at sumandal sa kinauupuan habang nakatingin sa labas ng taxi.
New life, new start.
--------------
Nakaupo lang si Hunter sa couch sa opisina ni Bullet habang ito ay nakaupo lang sa tapat niya. Nakatingin lang ito sa kanya na parang kinakabisado ang itsura niya. Hindi ito nagsasalita. Halata pa rin ang shock sa pagdating niya.
"Wala ka bang i-o-offer man lang sa akin? Kahit kape?" Tanong niya dito.
Hindi ito sumagot at tinungo lang ang personal ref nito at may kinuha. Inilapag sa harap niya ang isang tasa na may lamang avocado.
"Eat." Seryosong sabi ni Bullet.
Kumunot ang noo niya dito.
"Are you trying to kill me?" Nababaliw ba itong kapatid niya? Alam naman nitong hindi siya puwedeng kumain ng avocado at may allergy siya sa prutas na iyon.
"What happened when we were teens? Bakit naging Bullet ang tawag sa akin at Hunter ang pangalan mo?" Seryosong-seryoso talaga ito.
"What is this? You're probing me if I am really your brother?" Natatawang balik-tanong niya.
"Just answer the god damn question." Iritableng sagot ni Bullet.
Sumeryoso din ang mukha niya at napailing. Isang bagay iyon na sobrang pinagsisisihan niya hanggang ngayon.
"You made a prank one night. You wore a stuffed animal costume I don't know what it was, you entered my room and I thought you were a bad guy and I accidentally shot you. Here." Itinuro niya ang tapat ng dibdib nito. "And here." Tapos ay ang bandang ribs.
Hindi nakasagot si Bullet at automatic na napahawak ito sa kuwintas na suot.
"You're still wearing the St. Benedict necklace." Komento niya. "Thanks for that it saved your life."
"Why are you here?"
Hindi siya makasagot sa tanong na iyon ni Bullet. Bakit nga ba siya nandito?
"After all those years without communicating with us. After we learned that you died. We buried you, we cried for your death and now you're here. What is your reason, Hunter?" Dama niya ang sama ng loob ni Bullet. Kita niya ang pamumuo ng luha nito.
Napahinga siya ng malalim.
"I am sorry. I am really sorry."
"Ganoon lang iyon? Sorry lang? Ilang taon kaming nagtatanong ni mama kung anong kasalanan namin sa iyo bakit bigla kang nawala. May nagawa ba kaming mali? May nagawa ba ako na ikinagalit mo?" Mabilis na nagpahid ng luha si Bullet. "Ilang taon kong tanong iyon kung may kasalanan ba ako sa iyo. Iniwan mo akong mag-isa." Parang batang nagtatampo ang itsura nito.
"I know I was an asshole for leaving without explanation. 'Yung totoo? Naduwag kasi ako."
Masamang tumingin sa kanya ang kapatid. Napangiti siya kasi naalala niya ang tingin na iyon ni Bullet noong maliliit pa sila sa tuwing nagtatampo ito.
"Naduwag ako na hindi ko makayang sundan ang yapak ni papa. Lahat ng expectation nasa akin. Lahat ini-expect nilang maging perpekto ako. Sa trabaho, sa love life. I don't want to be an executive. I don't want to be like papa. Simple lang ang gusto ko sa buhay. I just wanted to help people. I wanted to explore things. I never wanted to take up Business Management and be a CEO one day. Mas gusto ko lang bumabad sa lupain natin." Umiiling na sabi niya. "Nang mamatay si papa parang doon ako nakakuha ng lakas ng loob na sundin ang gusto ko. Siguro lalo lang ako nagkaroon ng reason na umalis dahil sa nangyari sa amin ni Jean."
"Pero wala ka man lang explanation? Kahit sa akin?" May tampo pa rin sa tono ni Bullet.
"Gusto ko kasing talikuran ang lahat. Pasensiya na kung sa tingin 'nyo pati kayo kinalimutan ko. I had a different life when I left, and I loved it. I've found my purpose. I've found a second chance of love but sad to say it was cut short. You know what happened next." Ngumiti siya ng mapakla sa kapatid.
"At hindi ka pa rin umuwi sa amin after mamatay ng asawa mo?"
"I was a mess, Bullet. Still a mess right now. I don't know what I am doing in my life, but I am trying to straight things up. Right now, I just wanted to spend more time with you and mama. Babawi ako."
Nakatingin lang sa kanya si Bullet. Alam na niyang lumalambot na si Bullet kapag ganito na ang itsura nito. Huminga ito ng malalim at tumayo tapos ay may kinuha uli sa personal ref nito. Beer in can at ibinato sa kanya.
"Let's go home. Mama is waiting for you. She never gave up waiting for you to come home."
Napalunok siya at napahinga ng malalim.
And he can't wait to go home.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top