CHAPTER TWENTY-EIGHT


            "Akala ko ba sa city hospital tayo pupunta? Bakit hacienda 'tong pupuntahan natin?"

Nakasilip sa labas si Amber at tinitingnan ang malawak na lupain na dinadaanan nila. Sa dulo ay tinutumbok ang isang napakalaking bahay. Hindi niya pansin si Bowie na sobrang nakadikit na rin sa kanya habang nakikitingin din sa bintana.

"Courtesy call muna sa Hermana Mayor ng town. Tayo na lang ang pupunta. 'Yung isang batch ang nauna na sa city hospital. You know, she is my aunt. Cousin ng mom ko. But hindi naman kami masyadong close. I've met her twice or thrice kasi nga madalas ako sa ibang bansa. But I know that she is okay. Matulungin talaga sa mga tao. I've heard that his eldest son died because of an accident." sagot ni Bowie sa kanya. "Nagulat nga ako nang banggitin ni Dr. Melendres na dito tayo pupunta. I don't know if she still could recognize me. It's been years since we last saw each other."

Napatingin siya dito at umusog.

"Masyado ka nang madikit. Wala sa usapan natin 'yan. Friends lang tayo 'di ba?" Sita niya dito.

Natawa si Bowie at napakamot ng ulo. "Napadikit lang naman. Hindi naman sinasadya. Tinitingnan ko lang ang view sa labas." Umusog na ito palayo sa kanya.

Mas maganda sa malapitan ang bahay na tinutumbok nila. Literal na hacienda ang itsura. Parang mga bahay na yari sa Spain na malalaki at halatang ginastusan ng malaki. Bahay na sa magazine at sa mga lumang libro lang niya nakikita. 'Yung mga bahay sa binabasa niyang mga old books na pinamumugaran ng mga multo. Pero iba ang bahay na ito. Parang punong-puno iyon ng buhay. Siguro ay dahil sa choice of color ng nakatira at choice of design.

"Laki 'no?" Komento pa ni Bowie habang papasok sila sa garahe.

Ang lawak ng garahe. Kahit sampung kotse ay kakasya doon sa tingin niya. Sa isang parte ay may courtyard na puwedeng pagpahingahan. Maganda ang pagkaka-design. Sa isang parte ay mayroong swimming pool na puwedeng mag-relax. Napangiti siya. Ang ganda ng disenyo ng parte na iyon. Bumagay ang mga halaman at puno na naka-disenyo sa paligid ng swimming pool. Parang gusto nga niyang tumalon sa pool kapag nakababa na siya dito sa sasakyan.

"Ang ganda," sagot niya kay Bowie habang pinagpipiyesta ang mata niya sa kagandahan ng paligid. Ngayon na lang uli siya nakaramdam ng konting saya magmula ng bumaba siya ng buhok. Nakakahalina kasi ang lugar. Nakakawala ng problema.

"Maarte ang Auntie ko na iyon. This place reflects of her personality."

Nakikita ni Amber na nagre-ready ang mga kasama nila. Nang huminto ang sasakyan at nag-uunahan na makababa sa coaster.

"Tara na," sabi ni Bowie at nauna na itong bumaba. Sumunod naman siya at inalalayan siya nito kaya natatawa siya.

"What?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

Umiling siya na natatawa pa rin. Naglalakad na sila papasok sa loob ng bahay at patuloy na nakaalalay sa kanya ang lalaki.

"Huwag mo akong ituring na prinsesa. Hindi bagay sa akin. Rockstar ako," natatawang sabi niya dito. Hindi kasi siya sanay na inaalalayan siya ng lalaki. Alam naman niyang hindi nananamantala si Bowie. Talaga lang na inaalalayan siya nito dahil may mga steps papasok sa bahay.

"Kahit Rockstar ka, you're still a woman. And you still deserve to be taken care of," sagot nito sa kanya.

"Hayop ka mambola, Bowie. Ilang babae na ang napasagot mo sa mga style mo na ganyan?" Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa makapasok sila sa loob.

"Ikaw pa lang kung saka-sakali." Buong-buo ang kumpiyansang sagot nito.

Sasagot pa sana siya sa sinabi ng lalaki pero napahinto siya sa bukana ng pinto nang makita ang kausap ni Dra. Melendres. Pakiramdam ni Amber ay hindi niya maihakbang ang mga paa niya nang makilala niya ang matandang naroon na kausap ng doctor. Grabe ang kabog ng dibdib niya sa kaba.

"What?" Taka ni Bowie. Hindi na kasi gumalaw sa kinatatayuan niya.

"S-Sino 'yung kausap ni Dra. Melendres?" Gusto niyang ibang pangalan ang marinig niya. Baka dinadaya lang kasi siya ng paningin niya.

"Auntie Frances. Frances Acosta. She's the Hermana Mayor of this town. She owns this place."

"Auntie? F-Frances Acosta? P-pinsan mo si H-Horacio Acosta?" Parang siya lang ang nakarinig ng sinabi niyang iyon.

Sunod-sunod ang tango ni Bowie. "Yeah. The eldest son of Auntie Frances that died."

Umiiling lang siya at hindi siya makapagsalita. Nabibingi yata si Amber sa narinig niya. Hindi niya malaman kung talagang nagbibiro sa kanya ang tadhana. Dahil nga sa matandang ito kaya siya nag-resign sa kanyang trabaho bilang nurse. Umiiwas na kasi siya sa kahit na sinong tao na may koneksiyon kay Hunter lalo na nga at nanay ito ng lalaki. Tapos dito pa nila kailangan mag-courtesy call? Hermana Mayor pa? At pinsan pa ni Bowie ang lalaking iyon?

"I-I can't stay here. H-hindi puwede," natataranta siyang napaatras. Kailangan niyang umalis sa lugar na ito.

"Ambrosia?"

Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang nagsalita. Napapangiwi na tumingin siya sa nagsalita at sigurado siyang si Mrs. Acosta iyon. Nang tingnan niya ito ay nakatitig ito sa kanya at nagliwanag ang mukha.

"It is you, iha. Oh my, god. What brings you here?" Bumaling si Mrs. Acosta kay Dr. Melendres. "Is she included in your medical team?"

"Yes, Mrs. Acosta. Do you know her?" Nagtatanong ang tingin sa kanya ng doctor.

"Of course. She's the nurse I was telling you about. Why did you resign, iha? I was looking for you. I was going to ask you if you could be my own private nurse." Baling nito sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti at tumingin kay Bowie na nagtataka ring nakatingin sa kanya. Parang inaaral nito ang reaksyon ng mukha niya.

"Si Bowie po 'di ba pamangkin 'nyo?" Gusto na niyang mawala ang atensyon nito sa kanya kaya itinuro niya ang lalaki.

Nagliwanag lalo ang mukha ni Mrs. Acosta nang mapatingin kay Bowie.

"Bonifacio? Oh, my goodness. Hindi kita nakilala. The last time I saw you was years ago. How are you? How is Julieta?" Ngiting-ngiti dito ang matanda.

"My mom is fine, Auntie Frances." Nakangiting sagot ni Bowie at lumapit sa matanda para humalik sa pisngi.

"This is so surprising. Why don't you stay here for a while? All of you before you go back to the hospital? We have breakfast."

Sunod-sunod ang iling ni Amber.

"Alam ko po didiretso na kami sa hospital. 'Di ba, Dra. Melendres? Magtutuli tayo ngayon? Sigurado ako marami nang nakapila doon." Talagang nakatingin siya sa doctor at ipinapanalangin niyang sana ay pumayag ito sa sinasabi niya.

Nilakasan na niya ang loob na magsabi sa doctor na kailangan na nilang umalis. Iyon naman ang naririnig niyang sinasabi nito kanina pa sa sasakyan. Kung puwede nga lang daw na huwag nang dumaan dito dahil marami silang gagawin ngayon.

"Mrs. Acosta, as much as we wanted to accept your offer, maagang naka-set up ang medical mission near the hospital. I hope we could do this some other time."

Parang nakahinga nang maluwag si Amber nang marinig ang sinabi ng head doctor nila. Hindi na niya nagawang magpaalam sa mga naroon. Nauna na siyang lumabas at dali-daling sumakay sa coaster.

Grabe pa rin ang kaba niya kahit nakasakay na siya sa sasakyan. Sinasabunutan niya ang sarili dahil hindi pa rin siya makapaniwala nangyari. Nakaharap na naman niya ang nanay ni Hunter. Pero alam na kaya ng matanda na buhay ang anak nito? Nagkita sila ni Hunter sa painting and photography session at sigurado siyang nandito na sa city ang lalaki. Umuwi na ba iyon sa pamilya niya?

Mabilis din niyang inalis ang isip tungkol sa lalaki. Wala na siyang pakielam kung umuwi o mabulok sa bundok ang lalaking iyon. Nakita nga siya nitong naka-burles sa harap ng maraming tao pero walang pakielam sa kanya. Parang hindi pa siya kilala.

Isa-isang nag-akyatan ang mga kasama niya sa coaster at alam niyang nagtatanong ang tingin sa kanya ni Bowie habang papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"What?" Inis niyang tanong dito. Para na siyang nakahingan nang maluwang dahil umaandar na palabas ng hacienda ang sasakyan nila.

"You knew my aunt?" Paniniguro nito.

"S-she was a patient. I took care of her for some time." Maikling sagot niya at itinuon ang pansin sa labas ng sasakyan.

Napa-hmm lang si Bowie. "She seems to know you and like you a lot."

"Akala mo lang iyon."

Nagkibit-balikat si Bowie. "Alright. You don't want to talk about it. I'll leave you alone." Ngumiti ng pilit ang lalaki sa kanya tapos ay lumipat ng upuan.

Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Sa ngayon kasi, ang gusto niyang gawin ay bumalik ng Maynila at lumayo sa mga taong pilit naman inilalapit ng tadhana sa kanya.

------------------

"Why are you hiding, Hunter?"

Gulat na napadiretso ng tayo si Hunter at nilingon ang nagsalita. Nakita niyang si Bullet iyon at hawak ang anak nito.

"Hiding? I am not hiding," pagsisinungaling niya. Lumabas siya sa tinataguang divider pero sinisiguro niyang hindi siya makikita doon.

"You're not? Anong ginagawa mo diyan sa likod ng divider at pasilip-silip ka sa sala?" Tiningnan din ng kapatid niya ang sinisilip niya. Nakita nila ang mama niya na may kausap na mga tao.

Napakamot siya ng ulo. "I-I am just checking on mama."

"Is that Bowie?" Paniniguro ni Bullet habang nakatingin sa lalaking humalik sa pisngi ng matanda.

Hindi siya nakasagot at muling tiningnan ang lalaking binabanggit ng kapatid. Kilala niya ang lalaking iyon. Pinsan nga nilang si Bowie. At kanina pa niya ito gustong sugurin dahil sa pagiging madikit nito kay Amber. Talagang kung may sibat siya dala, sisibatin na niya ito.

Bakit magkasama ang dalawang iyon? How did they know each other? Kung lumabas kaya siya at magpakita kay Amber. Ano kaya ang gagawin ng nito?

Sa totoo lang, kating-kati talaga siyang lumabas at magpakita sa babae. Pero naalala niya ang huling pagkikita nila sa studio. Tiningnan lang siya nito at parang hindi kinilala. Parang walang nangyari sa kanila. Siguro nga, parte lang siya ng experiment ni Amber. Parte ng isang experience na matapos magawa ay kakalimutan na.

"That woman looks familiar. I think nakita ko na siya."

Tumingin siya kay Bullet at hinihele-hele pa nito ang anak habang nakatingin pa rin sa mga bisita nila sa sala.

"I remember. Naging nurse siya ni mama sa hospital. Nagulat pa nga ako nang makita niya ako I am so sure that she called me Hunter. Kaya talagang tinanong ko siya kung paano ka niya nakilala. I knew that time that you were dead kaya paano ka niya makikilala 'di ba?"

Minsan gusto na niyang mainis kay Bullet. Tingin niya ay nagkamali ng propesyon na pinasok ang kapatid. Dapat dito ay pulis o imbestigador. Lahat na lang kasi ng bagay ay inaalam nito at napakahirap magsinungaling sa taong ito.

Hindi na lang siya sumagot at tumingin uli sa sala.

"Bakit hindi mo kaya lapitan kung type mo 'yung chick? Nagtatago ka pa diyan. Halata naman na 'yung chick ang tinitingnan mo. Alangan naman si Bowie? Alangan naman 'yung doctor. Halatang namang babae din ang gusto 'non." Walang tigil sa kakadaldal si Bullet.

"Jesus Christ, Bullet. Bakit ang dami mong sinasabi? Aalis ka 'di ba? Go now." Napapailing na sagot niya dito.

"You're agitated, too. 'Yan ba ang epekto ng pagtira sa bundok ng matagal na panahon?"

Sinamaan na niya ito ng tingin at tumawa ito ng malakas.

"Alright! Alright! I'm going," tumatawa pang sabi nito. "Aalis muna kami ni Amy at babalik na lang kami kapag handa na siyang harapin ka and I'll let you settle here for now. You take care of mama."

"Sige na, alis na. Ako na ang bahala kay mama."

Tatawa-tawang tumalikod na sa kanya si Bullet. Hindi na niya ito sinundan dahil nakita niyang nagmamadaling lumabas si Amy at halatang iwas na iwas sa kanya. Hindi pa talaga ready ang babaeng iyon na humarap sa kanya.

Muli siyang tumingin sa sala. Ngayon ay mag-isa na lang doon ang mama niya at may kausap na lang sa telepono. Wala na ang mga kausap nito? Saan napunta? Nagkakadahaba pa ang leeg niya at mabilis niyang tinungo ang pinto sa likod para makita kung naroon pa ang sasakyan. Wala na. Tanging mga sasakyan na lang nila ang nasa garahe.

They took off already?

"Sinong sinisilip mo diyan?"

Napasigaw siya sa gulat at nilingon kung sino ang nagsalita. Ang mama niya iyon at sinisilip din ang tinitingnan niya.

"N-nothing. Ano ba kayo ni Bullet? Bakit ang hilig 'nyong manggulat?" Totoong nakakaramdam siya ng inis hindi dahil sa nagulat siya sa ginawa ng nanay niya kundi dahil bigla na lang nawala doon si Amber.

"Can you drive for me?" Hindi pansin ng nanay niya ang reaksyon niya.

"Where?"

"In the city hospital. I wanted to check the medical mission."

"'Ma, why don't you stay in the house so you can relax. Hindi ka pa okay 'di ba? Sabi ni Bullet you need to rest." Ayaw niyang dalhin doon ang nanay niya. Hindi pa siya handang harapin si Amber.

"Okay na ako. Ipag-drive mo ako." Matigas ang tono ng nanay niya at alam niyang hindi na siya makakatanggi doon. "Use your old car para ma-feel mo na nandito ka na talaga."

"'Ma, magpa-drive ka na lang kaya kay Karding?"

Tiningnan siya ng masama ng nanay niya.

"Natatakot ka bang maharap si Jean kaya ayaw mo akong ipag-drive sa hospital? Nahihiya ka sa kanya dahil iniwan mo siya? Kung mayroong dapat mahiya sa inyong dalawa, siya iyon dahil sinaktan ka niya."

"Tapos na po iyon. Jean already paid for it. Kung galit ka sa kanya bakit 'nyo pa siya tinulungan ni Bullet na magkaroon ng trabaho?"

Inirapan siya ng matanda.

"Dahil mabait ako. Kahit nakagawa ng kasalanan binibigyan ko ng second chance. Come on. Drive for me. I wanted to see that girl again."

Wala na siyang nagawa kaya nakasunod lang siya dito papunta sa garahe.

"Girl? Sinong girl?"

Ngumiti na ng matamis ang nanay niya sa kanya.

"My nurse. My own private nurse. Hindi na ako papayag na mawala siya uli. I want her to take care of me."

"'Ma, sandali. Naguguluhan ako sa sinasabi mo. Sinong nurse?" Hindi maintindihan ni Hunter kung bakit kinakabahan siya. Hindi niya alam kung kinakabahan dahil sa takot o kilig itong nararamdaman niya.

Napahinga ng malalim ang matanda.

"Si Ambrosia. I'll ask her why she resigned and just left without an explanation. 'Yun lang naman ang kailangan ko. Explanation kung bakit siya umalis. May nagawa ba akong masama? I like her. I can feel her pain when she was taking care of me. She was hurt."

"You think she was hurt?" Wala sa loob na tanong niya.

Nagtatakang tumingin sa kanya ang ina. "Do you know her?"

Napalunok siyang tumingin sa ina at sunod-sunod na umiling.

"I was just commenting on what you're saying." Bahagya siyang napabuga ng hangin. Hindi pa panahon para malaman ng mama niya ang namagitan sa kanila ni Amber. Gusto niyang siya muna ang makausap ng babae. Gusto niyang kung mag-uusap sila, silang dalawa lang at walang ibang makakaalam.

Ang ganda ng ngiti ng mama niya ng makasakay sa sasakyan at bumibiyahe sila papunta sa ospital.

"I am going to ask her to try working with me as my nurse for one week. I am sure she cannot decline my offer." Komento pa ng nanay niya.

"Don't put your hopes high. Hindi kayo sigurado kung tatanggapin niya ang offer 'nyo." Nakatutok ang tingin niya sa kalsada. Ipinapanalangin nga niya na sana hindi tanggapin ni Amber ang offer ng nanay niya.

"She would accept it, Hunter. I'll pay her good and cash. I'll give her good benefits. I'll just ask for a week kung hindi niya magustuhan then she's free to go. But I know she cannot refuse my offer," tingin ni Hunter ay buong-buo ang kumpiyansa ng mama niya.

"Bakit? Ano ba ang offer 'nyo na talagang hindi niya matatanggihan?" Napabuga siya ng hangin. Tingin naman niya ay malakas ang nanay niya at hindi naman nito kailangan ng nurse. Isa pa, kung mag-aalalaga ang kailangan nito, kayang-kaya nitong kumuha ng pinakamamagaling sa mga malalaking ospital.

"I am going to let her stay in our house, and I am going to tell her that Bowie is going to stay here too. 'Yung one-week nilang medical mission, dito sila sa bahay mag-i-stay. Isn't it a great idea? I think your cousin also likes her. Bonding moment na rin nilang dalawa. I'll be their cupid." Kumindat pa sa kanya ang ina.

Napalunok si Hunter pero hindi nagsalita. Humigpit lang ang kapit niya sa hawak na manibela at itinutok ang tingin sa kalsada.

Sa sarili ay sinasabing sana nasa harap ng sasakyan niya si Bowie at talagang sasagasaan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top