CHAPTER TWENTY
Ilang beses na nagpahid ng mga luha si Amber habang pabalik sa kubo niya. Hindi niya mapigil ang sarili kahit na ayaw naman niyang umiiyak. Kusa lang na tumutulo ang luha niya.
Bakit ka nga ba umiiyak? Nakipag-sex ka lang umiiyak ka na? Ginusto mo iyon, gaga.
Lalo lang siyang napaiyak nang maisip iyon.
Umiiyak siya kasi nasasaktan siya. Umiiyak siya kasi galing kay Hunter mismo na nag-sex lang silang dalawa.
I only wanted to have sex with you.
Parang naririnig pa niya ang sinabi na iyon ng lalaki. Hanggang doon lang naman kasi sila ni Hunter. Hanggang sex lang. Hanggang init lang ng katawan. Hanggang tikiman lang. Pagkatapos noon, wala ng ibang puwedeng i-offer sa kanya ang lalaki.
At wala siyang karapatang mag-demand. Siya ang nagpunta sa lugar na ito at ipinilit na ipasok ang sarili niya. Siya ang nagpumilit na bumagay sa buhay na minahal na ng lalaki at hindi man niya aminin, pilit niyang iniiba.
That's your fault, Amber. You let yourself to fall in love with someone who cannot love you back.
Mabilis niyang pinahid ang luha sa mukha niya at pilit na inayos ang sarili. Pinilit niyang ngumiti kahit na nga nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata niya. Ngumiti siya ng magandang-maganda na parang may nakakakita sa ginagawa niya. Kasi gusto niyang pagtakpan ang nararamdamang sakit. Matapang siyang tao. Matibay siya pero bakit ngayon, hindi niya magawang maalis ang sakit na nararamdaman niya.
Kinuha niya ang telepono sa kanyang bag at binuksan iyon. Hindi naman niya iyon magagamit dahil wala namang signal sa tribo. Pumunta siya sa gallery at tiningnan ang mga litrato ng kanyang kaibigan at litrato ng kanyang pamilya.
Is it about time to go home? Nagawa na niya ang gusto niya. Nakita na niya ang hinahanap niya pero bakit pakiramdam niya hindi naman siya naging masaya?
Muling pinahid ni Amber ang mga luha at huminga ng malalim. Pilit niyang inisip ang mukha ni Hunter. She will try to fit in. She will try to love the people that he loves baka sakaling dahil doon ay magustuhan din siya ni Hunter.
Susubukan niya.
Susugal siya.
----
Hindi na alam ni Amber kung paano siya nakatulog kagabi. Sa sobra sigurong antok at pagod sa pag-iisip ay iginupo na rin siya kaya hindi na niya namalayan kung anong nangyari. Pero ngayong umaga, inistorbo ang tulog niya ng pagkakaingay sa labas.
Bumangon siya at sumilip. Nagkakagulo ang mga Dasana at nagkalat ang mga pinagbalatan ng shampoo, sabon, mga plastic sa paligid. Ang dumi. Hindi siya nasanay na ganito ang tribo na ito. Alam niyang wild ang mga tao dito but in their own natural way. Dahil iyon ang nakamulatan nila. She had known the people to be undisciplined, rabid, imbeciles but they know how to take care of their land. Walang basura dito nang dumating siya. Kahit hindi sila naliligo at hindi nila alam ang tamang paglilinis ng kanilang mga sarili, hindi naman ganito ang basura sa paligid. But this time, they were acting like different people.
Is this her fault? Siya ang nagbukas sa isip ng mga Dasana na puwedeng magbago. Maraming puwedeng baguhin sa sarili pero ano ito? Basura ba ang magiging kapalit ng kagustuhan niyang pagbabago sa tribo na ito?
"Maglinis kayo! Ganito ba ang gusto 'nyong mangyari sa tribo? Nagiging katulad na kayo ng mga tao sa ibaba. Walang pakundangan ang pagkakalat. Wala nang pakielam sa kapaligiran!"
Boses ni Hunter iyon kaya hinanap niya. Nakita niyang nasa isang gilid si Hunter at dilim na dilim ang mukha. Halatang galit nag alit habang nakatingin sa mga Dasana na pawang nakatingin lang dito.
Lumakad si Hunter at nagpulot ng mga basura.
"Hindi dahil may pagbabagong nangyayari dito, pati ang kulturang kinamulatan 'nyo ay magbabago na. Mas lalo 'nyong dapat mahalin ang kalikasan dahil ito na lang ang natitira sa tribo. Ganito ba ang gagawin ninyo?" Galit pa rin na sigaw nito. Nakita niyang sumenyas ito kina Hagway na maglinis doon.
"Huwag kayong tumulad sa mga tao sa ibaba na mga walang disiplina. Mga taong sibilisado pero daig pa ang mga hayop kung umakto. Walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan. Walang pakundangan sa pagpuputol ng mga puno dito sa kagubatan. Kaya tayo nandito dahil iba tayo sa kanila. Hindi natin sila katulad." Tingin niya ay parang nagmo-monologue sa isang rally ang itsura ni Hunter.
Napalunok siya sa narinig na sinabi ng lalaki.
Tayo. Iba tayo sa kanila.
He really included himself to this tribe. Wala na talagang pag-asa na iwan nito ang tribo na ito at lalo lang siyang nasaktan doon.
"Hindi dahil sa pagdating ng isang tao dito sa tribo ay magbabago na tayo."
Then it hit her hard.
She was still the outcast that will never fit in this tribe. Pinigil niya ang mapaiyak habang nakatingin lang sa ginagawa ng mga Dasana. Hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ni Hunter.
"Mahal na babaylan, Ubos na ang mahalimuyak na likido para sa aking buhok. Ano ang aking gagawin?"
Si Suwana ang nagsabi noon sa kanya.
Napalunok siya at pilit na ngumiti dito.
"Maglinis ka lang sa ilog puwede na iyon. Iyon naman ang dati 'nyong ginagawa 'di ba? Hindi 'nyo na kailangan na sundin ang mga sinabi ko." Pinilit niyang huwag mapapiyok ang boses niya.
Kumunot ang noo sa kanya ni Suwana.
"Ngunit mahal na babaylan, mas nais namin ang maging mahalimuyak. Hindi na ako tinigilan ni Hagway magmula nang gamitin ko ang sumasabog sa ulo na likido."
"Magiging okay din kayo. Tumulong ka na lang muna na maglinis para hindi na magalit si Bathala."
Alam niyang naguguluhan si Suwana sa kanya pero sumunod na lang ito sa sinabi niya. Hinahanap niya si Hunter at wala na ito sa puwesto nito kanina. Nakatayo na ito sa pinto ng kubo at kausap ang isang mag-asawa kasama ang sa tingin ay anak ng mga ito. She was barely in her teens and just listening to the conversations between the Bathala and her parents.
Hindi niya maintindihan ang kaba na biglang naramdaman niya. Naalala niya ang sinabi nito noon tungkol sa ritwal ng tribo. These parents wanted the Bathala to take their daughter for an everlasting life. At naalala din niya, hindi pumayag si Hunter sabi nito. He stopped those kinds of rituals.
Pero sa nakikita niya ngayon, parang pumapayag si Hunter at kitang-kita niya ang kagalakan sa mukha ng magulang ng babae.
Parang wala siya sa sarili niya habang palakad-lakad sa loob ng kanyang kubo. She wanted to talk to Hunter pero pakiramdam niya ay wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi, para na yata siyang naduwag na harapin pa ang lalaki.
Sumilip siya sa labas at luminis na ang paligid. Wala na ang mga basurang nakita niya kanina. Tahimik lang ang mga Dasana na abala sa kani-kanilang mga gawain. Nakita niya ang nagdadalagang bata na talagang nililinis ng nanay nito. Inayos ng mabuti. Pinaganda ng maigi.
Dahil ba i-o-offer ito kay Hunter?
Halos hindi siya humihinga habang nakatingin siya sa mag-nanay na papunta na sa kubo ni Hunter. Napalunok siya nang tumawag ang nanay at lumabas si Hunter tapos ay iniabot dito ang anak. Hunter smiled and he took the hand of the teen. Pinapasok sa loob ng kubo niya.
Parang sasabog na yata ang dibdib niya sa galit, sa selos. Sa pandidiri. Hindi niya akalain na makakayang gawin ni Hunter iyon. She was just a child. Sa tingin nga niya baka hindi pa nagkakaroon ng first menstrual period and yet Hunter will take her?
Tuluyan siyang napaiyak. Hindi niya matanggap ang kanyang nakita. Para yata siyang masusuka sa pandidiri niya sa lalaki.
He was an animal. He really adapted the animalistic life of this tribe. He doesn't want to change.
Habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata niya ay inayos niya ang kanyang mga gamit.
Hindi na siguro talaga siya dapat pang magtagal dito.
This is not her life. She found the love, but she knew she cannot get it.
She tried but she failed.
-------------
Kanina pa mainit ang ulo ni Hunter dahil sa nakikita niyang pagbabagong nangyayari sa tribo. Nagiging walang pakielam sa kapaligiran ang mga Dasana magmula ng ma-expose sila sa mga bagay na kakaiba sa kanila. Talagang umakyat ang duto niya nang paglabas niya sa kanyang kubo ay makita niya ang mga kalat sa buong paligid. Nagkalat ang mga pinagbalatan ng mga shampoo, sabon at iba pang basura kaya hindi na niya napigil ang sariling magsalita nang magsalita kanina. Hindi na nga niya maalala ang mga iyon sa sobrang galit.
Dumagdag pa ang ang isang mag-asawa na nagpipilit na ialay ang kanilang anak sa kanya. Pinabayaan na nga lang niyang dalhin sa kanya ang anak ng mga ito at mag-iisip na lang siya kung paano makakaiwas doon.
Napahinga nang malalim si Hunter habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa papag niya. Tingin niya ay around twelve o thirteen years old lang ito at napapailing habang naalala ang sinabi ng magulang nito sa kanya.
They wanted to offer their daughter to him. Kahit paulit-ulit na nga niyang sinasabi na hindi niya magagawa pero mapilit ang mag-asawa. Para daw iyon sa ikahahaba ng kanilang buhay. Ipinaliwanag na nga niyang siya ay naka-bound na sa babaylan at malaya na ang mga babaeng pumili ang kung sino man ang gusto ng mga ito pero ayaw makinig ng mag-asawa. Kung hindi daw siya papayag, kanilang papatayin ang kanilang anak dahil wala naman na itong pakinabang sa kanila.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya dito.
"Kaling," nakayukong sagot nito na halatang kinakabahan.
She was just a kid for Christ sake. Ano ba ang nasa utak ng mga magulang ng batang ito?
"Kaling, tutulungan kita, ha? Huwag kang matakot at wala akong gagawin sa iyo."
Naiiyak na tumingin ito sa kanya.
"Hindi natin gagawin ang sinasabi ng magulang mo. You need to preserve yourself for someone you love."
Kumunot ang noo nito sa kanya dahil hindi naiintindihan ang kanyang sinabi.
"Ang ibig kong sabihin, kailangan mo pangalagaan ang sarili mo para sa iyong magiging asawa."
"Ngunit mahal na bathala, ako ay kikitilin ng aking mga magulang kung hindi mo ako gagawing asawa." Tuluyan na itong naiyak.
Umiling siya.
"Hindi ko iyon magagawa. Hindi kita maaaring maging asawa. Ang babaylan ang para sa akin at wala ng iba. Iyon ang nasa propesiya ni Apo Ingkang. Ngunit hindi kita maaring pabayaan na kitilin ng iyong magulang. Ito ang iyong dapat gawin. Sasabihin mo sa kanila na tayo ay nagsiping."
Tumatango-tango lang ito at nakikinig sa kanya.
"Sabihin mo na-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapansin ang dugo na umaagos sa hita ng dalaga.
"Shit," mahinang sabi niya at napatingin sa mukha ng kaharap. Nakita niyang nakatingin din ito doon at namumutla ang mukha.
"You got your first monthly period?" Nanlalaki ang matang tanong niya dito.
Umiiling lang ito at natataranta na hindi makagalaw. Alam niyang naguguluhan ito sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya.
"Huwag kang matakot, Kaling. Normal iyan. Hudyat na ikaw ay isa ng dalaga."
Napahagulgol na ito ng iyak sa sobrang takot kaya niyakap niya para mabawasan ang takot na nadarama.
"I hope I am not interrupting something."
Napalingon siya at nakita niyang si Amber ang nakatayo sa pinto ng kubo niya. Nakangiti ito sa kanya pero halatang-halata niya ang pagka-peke ng ngiti nito. Pilit na pilit.
Mabilis siyang lumayo kay Kaling at humarap kay Amber.
"I am just helping her-" kumumpas sa hangin si Amber sa hangin para pahintuin siyang magsalita.
"Oh, no. You don't need to explain. It's fine. That's your culture so who am I to change it, right?"
Mahinang napamura si Hunter at napatiim-bagang. Sigurado siyang narinig nito ang mga sinabi niya kanina habang nagagalit siya sa mga Dasana.
"Magpapaa-" hindi naituloy ni Amber ang sasabin nang mapatingin ito sa babaeng nakaupo sa papag niya. Nanlalaki ang mata nitong napatingin sa mga hita ni Kaling at napatingin sa kanya tapos ay sa babaeng umiiyak.
"N-no-no- it's now what you-" nauutal siya at hindi makapagsalita ng maayos habang nakikitang namumuo ang luha sa mga mata ni Amber. Alam niyang iniisip nito ay ginalaw niya si Kaling kaya may dugo ito sa mga hita.
"You are fucking sick." Tuluyang nahulog ang mga luha ni Amber. "She is just a kid."
"Amber, I didn't do-"
"Fuck you!" Putol nito sa sasabihin niya. "Ang baboy mo. Nakakadiri ka. Maiintindihan ko pa kung ang gumawa niyan ay ka-tribo din niya. Pero ikaw. Ikaw na edukado, ikaw na isang sibilisadong tao ang gumawa niyan sa kanya. Daig mo pa ang hayop. That's why you don't want to leave this place. Dahil dito, Diyos ka. Nagagawa mo ang lahat ng gusto mo kahit pa mali."
"Amber you need to listen to me. Hindi ko naman-"
"Fuck you, Hunter. Save it. Go ahead. Fuck them all. Iyon naman ang gusto mo. Enjoy your life here."
Bago pa man siya makapagsalita ay iniwan na siya ni Amber. Hindi naman niya ito mahabol dahil walang tigil sa pag-iyak si Kaling. Sumasakit yata ang ulo niya dahil sa pangyayaring ito. Napagbintangan pa siya ni Amber na ginalaw niya si Kaling.
Aayusin na muna niya ito. Mamaya na lang siyang magpapaliwanag kay Amber.
Sigurado naman siyang maiintindihan nito ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top