CHAPTER TWELVE
Parang umiikot pa ang ulo ni Hunter nang magmulat siya ng mata. Ramdam niya ang matigas na papag sa kanyang likod. Rinig niya ang maiingay na huni ng mga kuliglig sa labas. Madilim na rin ang paligid.
Marahan siyang kumilos at pakiramdam niya ay maduduwal siya. Naalala kasi niya ang nakita niya kanina. Agada just gave birth. He saw everything. The baby coming out, the cord, there was blood. He couldn't believe that, that thing could stretch like that. Tingin niya sa nangyari kanina ay eksena sa isang horror movie.
Napabuga siya ng hangin. Parang hindi yata muna niya kayang makipag-sex kahit kanino ngayon. If Aria was alive and she gave birth to their child, she would experience that? He could see the pain from Agada's face.
Sanay siyang makakita ng dugo. Hindi pa siya nakakapatay ng tao pero nagagawa naman niyang makasakit. At hindi lang basta sakit na magaang, 'yung mga tipong malulumpo, o mauubusan ng dugo. Mga ganoong klase ng pananakit. Sanay siyang kumatay ng mga wild animals. Pero ang nakita niya kanina, parang walang maitutumbas doon. Napabuga siya ng hangin kasi para siyang hindi makahinga.
Pinilit niyang maupo sa papag. Pakiramdam niya ay hinang-hina pa siya. Nahihilo pa talaga siya.
"Thank God, the brave Bathala is already awake." The tone of the voice was full of mockery.
Kumunot ang noo niya at hinanap kung sino ang nagsalita. Nakita niya sa isang sulok si Amber na nakatali ang mga kamay at paa at ang sama ng tingin sa kanya.
"W-what-" hindi niya maituloy ang sasabihin at nagtataka siya kung bakit nakatali ito. "What are you doing here? Why are you like that?"
Lalong sumama ang tingin nito sa kanya.
"Nagtanong ka pa? Kasalanan mo kaya 'to. Kung hindi ka hinimatay-himatay doon hindi ako pagbibintangan ng mga Dasana na pinatay na naman kita. Kasalanan ko bang kapag nakakita ka ng lumalabas na bata hinihimatay ka na?" Inirapan pa siya nito. "Yabang-yabang. Lakas ng loob magsabi na Bathala. They are offering themselves to me. I know how to use my finger at tumitirik ang mata nila kapag ginagawa ko 'yun." Amber said that in a mocking tone. Ginagaya ang paraan niya ng pagsasalita.
Napahinga siya ng malalim at napalunok. Pakiramdam niya ay babaligtad na naman ang sikmura niya nang maalala ang nakita kanina.
"I'm sorry," lumapit siya dito at kinalagan ang babae.
Hindi kumibo si Amber at hinilot-hilot lang ang mga kamay at paa na nakatali kanina.
"So, alam mo na? Iyon nangyayari kapag nakakabuntis ka. Ganoon ang hirap ng manganak. Kaya sana sa susunod, isipin mong maige kung dapat bang ipasok ang buhay mong ahas sa kung saan-saan para wala kang makitang lumalabas na bata." Parang matandang komadrona na nagse-sermon si Amber.
Hindi niya pinansin ang sinasabi nito. Ang isip niya ay naroon pa rin sa nasaksihan niya kanina.
"Does it really stretch like that? That big? A baby could really come out?" Hindi pa rin talaga siya makapaniwala.
Kita niyang pinipigil ni Amber ang mapatawa.
"Yeah. And you know, sometimes, walong bata ang lumalabas. Hindi naman sabay-sabay. Paisa-isa lang pero imagine that, eight kids inside a tummy? Wow." Exaggerated na exaggerated ang pagkakasabi noon ni Amber.
Sinamaan niya ito ng tingin. "You're just fucking with me."
"Hoy, hindi, ah. Totoo iyon. Kapag naka-access ka sa internet i-search mo. Octo-Mom. Eight kids," nanlalaki pa ang mata nito sa kanya at ipinakita ang walong bilang ng mga daliri.
Napalunok si Hunter. Gusto na niyang mawala ang imahe na iyon sa isip niya. Hindi talaga niya kaya. Hindi na yata talaga siya makikipag-sex. Hindi niya yata maatim na ipinapasok niya sa lagusan na iyon ang pagkalalaki niya tapos ay may lalabas na bata.
"Hey, Bathala." Tumatawang nakatingin sa kanya ang babae. "It's normal. What you saw, it was normal. Normal Spontaneous Vaginal Delivery. Don't worry, babalik din naman sa normal size 'yun. Mas maige nga na ganoon ang nangyari kasi mas mabilis ang recovery ng mga normal deliveries unlike kapag cesarean. Mas delikado. At talagang kailangan sa hospital na gawin." Sumeryoso na doon si Amber. "You need to do something about this tribe. Hindi habang panahon ganito sila. May mga batang lumalaki. Pamilyang nabubuo. Do you want them to live like this all their life?"
"Amber, this is their way of living. Wala akong karapatan na baguhin iyon. This is their tribe. They have their own culture. Hindi natin puwedeng pakielaman iyon."
Tumayo si Amber at lumapit sa kanya.
"May magagawa ka. Hindi naman ito para baguhin ang culture nila. They can still live and do their own culture. Pero, we could teach them. We could introduce some things para mas maging magaang ang way of living nila. I saw the kids and just by looking at them, they are all malnourished. Thin body, protruding belly. Sigurado ako kailangan nilang ma-purga."
"And how will I do that? Alam mong wala noon dito. Hindi iyon uso sa kanila." Gusto na niyang mainis sa babae dahil ipinipilit nito ang mga bagay na imposible.
"Hunter, puwedeng-puwede kang bumaba sa city. Humingi ng tulong sa gobyerno. Maraming tutulong sa kanila. Dito pa rin sila titira. Ang mangyayari lang, tuturuan sila ng mga tamang dapat gawin. Cleaning themselves, washing hands, taking care of the babies, proper handling of food. Mga basic."
"Stop. You can try teach them that but trust me they won't listen to you."
"Sinubukan mo na ba?"
"I just know that they won't listen to you. This tribe respect their culture. Nakita mo na nga muntik ka ng mamatay dahil lang sa mga ritwal nila kaya huwag mong ipilit ang gusto mo." Bahagya nang tumaas ang boses ni Hunter.
Napasimangot si Amber at hindi na nagsalita.
"It's your tribe. You are the Chief. Hindi ko intensyong lampasan ka dito. I was just trying to help. Puwede na ba akong lumabas, Bathala?" Damang-dama niya ang sama ng loob sa bawat salitang binibitawan ng babae.
"Amber, I know you-"
"Oo nga pala, okay na ang anak ni Igat. Malusog na bata. Ligtas na rin sa kapahamakan si Agada. Puwede na akong lumabas? Buhay ka na naman," Hindi nito intindi ang gusto niyang sabihin.
Napahinga na lang siya ng malalim at tumango habang tiningnan na lang ang pagalit na paraan ng paglabas ng babae.
Napabuga siya ng hangin at muling napahiga sa kama. Napatingin siya sa pinto nang marinig na may kumaluskos doon. Para siyang nabuhayan nang maisip na bumalik si Amber.
"Amber-"
Pero hindi si Amber ang pumasok sa kubo niya. Si Suwana at ang landi ng pagkakangiti sa kanya.
"Bathala, narito ako para ialay ang aking sarili. Papawiin ko ang iyong karamdaman."
Hindi na nakasagot pa si Hunter nang mabilis na sumampa sa kama niya ang babae.
--------------------
Inis na inis si Amber.
Kung puwede lang niyang pagsisigawan ang mga Dasana na nagtali sa kanya kanina ay ginawa na niya. Hinimatay lang ang Bathala nila kasalanan na naman niya? Kasalanan ba niyang pagdating sa mga ganoong bagay, hindi naman pala kaya. Magaling lang magmayabang na maraming babae. Magaling lang gumawa ng bata pero hindi naman kayang harapin kapag naroon na.
Sumalampak siya sa harap ng bonfire at nanatiling nakasimangot. Hindi niya pansin kung tinitingnan man siya ng ibang mga Dasana. Wala siyang pakielam. Basta ang nararamdaman niya, naiinis siya sa lalaking iyon.
Kumunot ang noo niya nang makita na may babaeng nakatayo sa harap ng kubo ni Hunter. Nakilala niyang isa ito sa mga Mean Girls. Ano naman ang ginagawa ng babaeng iyon doon?
"Si Suwana. Isa sa mga malulugod na babae ni Bathala."
Nilingon niya ang nagsalia noon at nakilala niyang si Igat. Umupo din ito malapit sa kanya at inayos ang iniihaw na karne tapos ay isinabit ang isang malukong na tasa na yari sa metal. Mukhang magpapainit ng tubig.
"Babae?" Hindi maintindiha ni Amber kung bakit parang kinurot ang puso niya nang tuluyang pumasok sa loob ng kubo ang babae.
"Kahit sino dito ay puwedeng maging babae ni Bathala. Kahit sino ang gustuhin niya ay makukuha niya."
"Ganoon ba? Paano kung may ibang gusto ang babae or may gusto kang babae?"
Umiling si Igat. "Wala kaming magagawa. Pag-aari ni Bathala ang lahat ng mga babae. Hindi na kami napapansin." Muling tumingin si Igat sa kubo ni Hunter at may lungkot ang mga matang tumingin sa gawi ni Hagway na nakatayo hindi kalayuan sa kubo ng Bathala. Nakatingin lang ito doon na parang iiyak ang itsura. Tapos ay nakita niyang hinasa na lang nito ang talim ng sibat na hawak gamit ang isang bato.
"Gusto ni Hagway si Suwana?" Paniniguro niya.
Ngumiti ng mapait si Igat. Ngayon lang niya nakitang lumambot ang laging mabangis na mukha nito. Iba talaga ang nagagawa kapag nagkaroon ng anak. Kahit na ang pinakamatigas na tao ay kayang palambutin.
"Kahit nais ni Hagway, hindi maaari. Kamatayan ang ipapataw sa sinumang aangkin sa babae ng Bathala." Napailing si Igat at napahinga ng malalim. "Mabuti na nga lang at talagang ipinaglaban ako ni Agada."
Sumama ang tingin ni Amber sa kubo ni Hunter.
Ang kapal ng mukha! Kaya talagang ayaw niyang umalis dito dahil sa mga babae! Napaka-cheap!
"At hindi nanaisin ng magulang ni Suwana na mapunta sa ibang Dasana. Nais nila, kay Bathala lang si Suwana." Paliwanag pa ni Igat.
Humihingal siya dahil sa naiipong galit sa dibdib ko. Sobra si Hunter. Sinasamantala nito ang tribo para sa sariling kaligayahan. Dito nga naman, walang sinuman ang kukuwestiyon sa lalaki kung ano ang kanyang gawin. Lalo na nga at babae ang talagang nagbibigay ng mga sarili nila.
Huminga siya ng malalim at tumayo.
"Mahal na Babaylan, saan ka tutungo?" Gulat na gulat si Igat sa bigla niyang pagtayo.
"Kakalugin ko lang ang ulo ng bathala 'nyo. Papainumin ko ng Hydrogen Peroxide at baka sakaling luminis ang utak," inis na inis talaga siya at parang nagma-martsang tinungo ang kubo. Pero agad din siyang napahinto at nanatiling nakatayo lang sa harap noon.
"Bathala, gawin mo ang iyong nais sa aking katawan. Ibibigay ko lahat ang naisin mo."
Boses ng babae iyon. Sigurado siyang si Suwana iyon.
Napakagat-labi si Amber at dahan-dahang umatras. Napalunok-lunok siya at naupo sa isang bato na malapit sa kubo. Kahit narito ay dinig niya kung ano ang nangyayari sa loob. Naririnig niyang nag-uumpisang umungol ang babae.
Para yatang pinipiga ang dibdib niya. Hindi niya maintindihan pero nasasaktan siya. Ganoon si Hunter. Kahit sino basta gusto nito ay kailangang makuha.
Napapikit siya sa tuwing maririnig ang halinghing ng babae. Mahahabang ungol. Gusto niyang pagalitan ang sarili kung bakit siya nagtitiis dito at nakikinig sa kung anong ginagawa ng dalawa sa loob.
Ganoon ba ang tipong babae ni Hunter? Exotic? Babaeng tribo? Bakit? Para walang angal kung anuman ang gawin nito? Ayaw turuan ni Hunter ang mga tao dito na matuto dahil ayaw nitong malampasan? Dahil baka kapag natuto ang mga taga-tribo ay paalisin na nito ang sinasambang bathala?
Napabuga siya ng hangin. Iniisip niya kung kailangan pa ba niyang magtagal dito. Nakuha na niya ang gusto niya. Nakita na niya si Bathala at puwedeng-puwede na niyang ipagmalaki sa mga kaibigan niya na hindi siya nababaliw at talagang nakasama niya si Bathalang Dimakulu. Hindi lang nakita. Pinaliguan pa at hinalikan pa.
Sinalat ni Amber ang labi. Napatingin siya sa kubo nang isang mahabang ungol ang pinakawalan ni Suwana. Halatang-halata na nag-i-enjoy sa nangyayari.
"Are you listening to them?"
Nanlaki ang mata ni Amber at gulat na napalingon. Nakatayo sa likuran niya si Hunter at takang-takang nakatingin sa kanya.
"W-what are you-" hindi niya maituloy ang sasabihin at papalit-palit ang tingin niya kay Hunter at sa kubo dahil naririnig pa niya ang ungol ng kung sino man na nagsi-sex doon.
"Bakit nandiyan ka? Are you checking my hut?" Nakataas ang kilay sa kanya ng lalaki.
Napatayo siya at humarap dito pero hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Rinig na rinig pa rin kasi niya ang ungol ng nasa loob ng kubo.
"You're inside. I saw Suwana get inside."
Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Hunter.
"You're checking me if I am having sex with Suwana?" Tuluyan nang napangiti ng todo ang lalaki.
Kahit madilim, alam ni Amber na namumula ang kanyang mukha dahil damang-dama niya ang pag-iinit 'non.
N-no!" Sunod-sunod ang iling niya. "A-aksidente lang na nandito ako. Naghahanap lang ako ng dahon na puwedeng pampahid ng puwet. Natatae kasi ako." Gustong lumubog sa kinatatayuan niya si Amber kaya kung ano-ano ang nasasabi niya.
Tuluyan nang natawa si Hunter.
"You need to poop?" Paniniguro nito.
Tumango siya kahit hindi naman iyon ang nararamdaman niya. Ang gusto niyang mangyari ay kainin siya ng lupa dahil sa pagkapahiya.
"Come here. I'll show you the right spot." Hinawakan ni Hunter ang kamay niya at hinila paalis doon.
Bago makalayo ay muli siyang tumingin sa kubo. Kung kasama niya si Hunter, sino ang kasama ni Suwana sa loob?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top