CHAPTER THREE

Tapos na ang hiatus ng story na ito. Daily update for this. Sino ang gustong ma-meet si Bathalang Dimakulu?

- H. Mendoza

------------------------

            "Matagal pa ba siya?"

Pakiramdam ni Amber ay malapit na siyang tubuan ng ugat sa tagal nang naghihintay sa taong kailangan niyang makausap. Tumingin siya kay Jet at cool na cool lang itong nakatayo at nakasandal sa pader habang panay ang selfie sa cellphone nito.

"Hoy, Jehoshaphat ilang dekada pa ba tayong maghihintay dito?"

Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. Inis nitong pinatay ang cellphone at ibinulsa.

"Talagang, Jehoshaphat? Talagang real name? Naghahamon ka ba ng suntakan, Ambrosia?" Alam niyang napikon si Jet sa sinabi niya. Alam na alam niyang ayaw nitong babanggitin ang totoong pangalan. Kung puwede nga lang daw itong magpa-binyag uli, ginawa na para mabago lang ang given name nito.

Inirapan niya ang lalaki. "Gantihan? Ambrosia?" Si Jet lang kasi at si Xavi ang nakakaalam ng real name niya.

"Nauna ka kaya." Dumukot ng sigarilyo sa bulsa si Jet. Nagsindi tapos ay bumuga. "Hihintayin natin kung i-entertain tayo ni Venci. Sabi ko nga sa iyo, may toyo 'yun. Ikaw lang ang nagpupumilit na makaharap siya. Minsan sasabihin noon okay tapos kapag kinatok ang ulo, biglang ayaw nang makipag-usap kahit kanino." Muling humithit si Jet sa sigarilyo. "Maghihintay pa rin ba tayo?"

Dinama niya ang makapal na libro na nasa bag niya.

"Malay mo naman magbago ang isip. Maghintay pa tayo," ngumiwi siya sa kaibigan at pasalampak na naupo sa kahoy na naroon sa garden ng bahay ni Venci.

Napabuga ng hangin si Jet.

"Sino ang mag-aakala na sa yaman ng pamilya ni Venci, magiging ganyan siya?" Naiiling pa ito.

"Bakit? Ano ba si Venci?" Kinuha niya ang libro sa bag at binuklat-buklat. May ilang chapters pa kasi siyang hindi nababasa doon.

"Ganyan. Lumuwag ang turnilyo. Weirdo. Hindi maintindihan. Matalino ang taong iyan pero sa sobrang talino, ganyan na ang nangyari."

"I don't think he is crazy. Misunderstood puwede pa. Alam mo naman ang mundo natin ngayon. Kapag hindi ka sumabay sa uso, sa akala nilang normal, kakaiba ka na. Pagtatawanan ka na. Iisipin na nasisiraan na ng bait. Hindi nila alam, you are just being you. Iyon ang mundo mo." Napahinga ng malalim si Amber. "Walang taong baliw. Nasa judgment lang iyon ng mga taong nakakasalamuha at mga hindi marunong umintindi."

Nakita niyang parang nagugulat na tumingin sa kanya si Jet habang nanatiling nakapasak ang sigarilyo sa bibig tapos ay biglang iniluwa dahil napaso na. Hindi napansin na ubos na pala iyon.

"Saan mo dinala si Amber?" Seryosong tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano? Pinagsasasabi mo?"

"Saan mo dinala ang kaibigan ko? Masamang espiritu, lisanin mo ang katawang ito! Layas!" Ipinatong pa ni Jet ang kamay sa ulo niya na agad niyang pinalis.

            "Gago, hindi ako sinasapian. Kung may sasapian sa ating dalawa ikaw iyon."

            Lakas ng tawa ni Jet.

            "Parang grabe ang epekto sa iyo ng librong iyan at talagang kumakapit ka kay Venci na mabibigyan ka niya ng pag-asa na malaman kung totoong nag-i-exist ang Bathala na iyan." Umupo sa tabi niya si Jet at nakibasa sa libro.

            Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa sketch ni Bathalang Dimakulu.

            "Look at those eyes. They are like looking into my soul. Telling something that's beyond my imagination. The perfect face." Napabuga siya ng hangin. "Ang guwapo 'di ba?"

            "Oo. Galing sa imagination iyan ni Venci." Muling dumukot ng sigarilyo si Jet.

            "Nega ka. Bakit hindi mo na lang ako suportahan? Malakas ang pakiramdam ko na totoong nag-i-exist ang lalaking ito. And I need to find him."

            Ang lakas ng tawa ni Jet. Pulang-pula ang mukha na parang hindi na makahinga.

            "Amber, ibang level ka na. Talagang mukhang susunod ka na sa yapak ni Venci at sa Mandaluyong na kita dadalawin."

            Malakas niyang hinampas sa braso ang kaibigan.

            "Jet."

            Pareho silang napatingin sa lalaking tumawag sa kaibigan niya. Nakita ni Amber na papalapit sa kanila ang isang lalaki na sa tingin niya ay isang linggo ng hindi naliligo. Langis na langis ang buhok, medyo madumi ang t-shirt na may mga tuyong pintura. Pati ang mga kamay ay may pintura din.

            "I was painting, and I needed to finish it first before I could go down. Manang told me I have visitors." Nakangiti naman sa kanila ang lalaki.

            "Venci, pare. Kumusta na?" Lumapit si Jet sa lalaki at kinamayan ito.

Tumingin si Venci sa kanya kaya mabilis siyang tumayo at nakipagkamay din.

"Amber. Kaibigan ko si Jet." Ngiting-ngiti siya kahit alanganin kung kailangan nga ba niyang ngumiti o hindi kasi nakita niyang sumeryoso ang mukha ng lalaking makita siya.

"May kailangan daw kayo?" Dumukot din ito ng sigarilyo sa likurang bahagi ng pantalon at nagsindi.

Mukha namang hindi baliw si Venci. Normal naman siya sa paningin ni Amber. Sigurado siyang marami lang ang hindi nakakaintindi sa lalaki dahil sa level of thinking nito. Baka katulad lang din niya na misunderstood ng magulang at hindi maintindihan kaya sa kung kani-kaninong tao ito naghahanap ng validation.

Tumingin kay Amber si Jet at isinenyas na ipakita kay Venci ang libro. Halata namang naghihintay ito sa kung anong kailangan nila.

Pilit siyang ngumiti at parang nahihiyang ipinakita dito ang libro. Kumunot ang noo ni Venci at kinuha iyon.

"Where did you get this?" Seryosong tanong niya at binuklat-buklat iyon.

Muli siyang tumingin kay Jet kasi pansin niyang parang hindi natuwa si Venci sa ipinakita niya.

"Sa isang rare bookstore sa Quiapo." Alanganin niyang sagot.

Narinig niyang mahinang napamura si Venci.

"Napakagago ni Mang Kanor. Bakit niya ibinenta 'to?" Napa-tsk tsk pa ito habang iniinspekyon ang libro.

"Maganda naman. Marami akong natututunan sa nababasa ko." Sinenyasan niya si Jet na ito naman ang magsalita kasi parang na-absorb na si Venci sa pagtitingin ng libro.

"Venci, ah- ano kasi." Nagkamot pa sa ulong kalbo si Jet. "Si Amber kasi may gusto lang i-clarify sa book mo. 'Yung tungkol sa Tribu Dasan?" Sumesenyas din sa kanya ang kaibigan na siya naman ang magsalita.

"What about them?" Patuloy sa pag-iinspeksyon si Venci ng libro. Bawat pahina ay tinitingnan.

"Gusto ko lang malaman kung talagang nag-i-exist sila. Kung talagang napuntahan mo." Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong.

Doon huminto sa ginagawa ang lalaki at tumingin sa kanya.

"Bakit?" Tingin niya ay parang nagalit ang lalaki.

Nagpapasaklolong tumingin siya kay Jet.

"Bro, Venci, you know my sis here, she is into supernatural stuff. She is into ah- what do you call this, myths. Legends. She just wanted to know if a bathala do really exist." Umirap sa kanya si Jet. Alam niyang talagang napipilitan lang itong sakyan ang trip niya.

Tumingin ng makahulugan sa kanya si Venci.

"Who? Who among the Bathala?"

She cleared her throat and smiled wryly. "Si Bathala Dimakulu."

Saglit na tumitig sa kanya si Venci. Tapos ang seryosong mukha ay unti-unting nagkakaroon ng ngiti. Tapos ay biglang tumawa nang tumawa ng malakas.

Parang gusto na lang niyang umalis doon dahil napipikon na siya. Tingin nga niya ay wala siyang sustansiyang makukuha sa lalaking ito.

"That one? Do you wanna die?" Sa kabila ng hindi mapigil na tawa ay tanong ni Venci.

"Bakit?"

"That fucking tribe is crazy. That chief? That fucking Bathala Dimakulu? God damn, man. He was crazy as shit. But yeah he exists." Isinara ni Venci ang hawak na libro at ibinalik sa kanya.

Para yatang musika sa pandinig niya ang narinig na sinabi ng lalaki.

"Pakiulit. Nag-i-exist?" Gusto niyang makasiguro sa narinig niya.

Humithit ito sa sigarilyo tapos ay bumuga bago tumango.

"Yeah. His tribe could kill me, but he spared my life. He just made me promise that I would write something about their tribe. Full contact with the tribe men." Napahinga ng malalim si Venci. "They were normal people with just different lifestyle. Alam mo, that Bathala Dimakulu? I don't think he belong there. He was different. Ganyan ang mukha niya. Guwapo talaga."

Pakiramdam ni Amber ay libong ati-atihan na ang nagtatakbuhan sa dibdib niya.

"As in nakausap mo siya? Harapan?" Parang gusto na niyang pumasok sa utak ni Venci para lalong makita ang nasa isip nito.

Sunod-sunod ang tango ni Venci. "We ate in his hut. He runs the things around there. Being the chief of the tribe, he was like a God. His words were followed immediately." Napakibit-balikat si Venci at pinatay ang sigarilyo sa kaharap na ashtray.

"Sa totoo lang, ayaw niya talagang gawin ko ang sketch na iyan. But would he still know? Nandoon siya sa bundok at ako ay nandito sa siyudad. Malalaman pa ba niyang ginawa ko iyan? And see? It got your attention." Kumindat pa sa kanya si Venci.

"How did you get there?" Talagang interesado si Amber sa mga sinasabi ng lalaki.

"We were hiking with some friends. We were about to hike Mount Tapulao. It was an accident I was lost and I went a different trail. The tribe was secluded. Deep within the rainforest of Mount Tibuklu. You cannot easily find that mountain. Natatabunan ng iba pang mga bundok. One of his tribe men found me and held me captive. I thought I was about to be their dinner that night but-" umiling si Venci. "That Bathala, he talked to me like he doesn't belong there. Iba siyang magsalita. Walang punto, nag-english pa nga. Alam niya ang mga sinasabi ko. Kasi kung talagang tagabundok siya, hindi niya alam ang cellphone. Hindi niya alam ang mga lugar dito sa Maynila. Pero marunong siyang mag-cellphone. Alam niya ang mga kalye sa Makati. Kaya alam ko there was something about him."

Tumingin ako kay Jet at nakita kong pinipigil lang nito ang matawa.

"Venci! Oras mo nang uminom ng gamot!"

Napatingin kami sa nagsalita at nakatayo hindi kalayuan sa amin ang isang babae na naka-suot ng puti na may hawak na baso ng tubig at ilang tabletas sa medicine cup.

Napabuga ng hangin si Venci at tumayo.

"Fucking medicine shit. Those meds are the ones that are frying my brain. They think I am crazy but I am not. I am just telling the truth ayaw lang nilang maniwala. Do you know about Area 51?"

"Venci! Gamot muna!" Sigaw ulit ng babae.

Kinalabit na ako ni Jet. Parang sinasabing kailangan na namin umalis.

"Venci, bro. Thank you so much for your help. We'll see you soon, okay?" Tinapik pa ni Jet ang balikat ng lalaki.

Kumaway lang ito sa kanila at nagagalit na hinarap ang babaeng may hawak na gamot. Dire-diretso na silang lumabas ng bahay ng kaibigan at parang inaalala pa niya ang pinag-uusapan nila nang makasakay sa kotse.

"Don't tell me you believe that crap?" Hindi agad pinaandar ni Jet ang sasakyan.

Ngumiti si Amber ng alanganin. "What he said was convincing."

"He is crazy, Ambs. Don't tell me you believe him?" Parang hindi makapaniwala si Jet.

Napahinga siya ng malalim.

"Wala namang masamang subukan na i-check kung totoo ang sinasabi niya. Talaga naman na nag-i-exist 'yung bundok."

"What the fuck, Amber. Sinabi ko na talaga na mali itong sinamahan kita dito."

Ngumiti siya ng matamis kay Jet. 'Yung ngiti na parang hindi siya matatanggihan sa kung anong hilingin niya.

"Remember that time na pinalayas ka ng parents mo? Tapos walang-wala ka? Tapos pati mga friends mo tinalikuran ka, 'di ba? Sino ang tumulong sa iyo?"

"Don't go there, Ambrosia. Hindi ko kukunsintihin ang kabaliwang naiisip mo." Sumimangot na ng mukha si Jet.

Humilig siya sa balikat ng kaibigan.

"Ako pa nga ang nagluluto ng food mo 'di ba? Tapos tinulungan pa kitang maging syota si Ickie kahit ayaw niya sa iyo dahil wala kang pera."

Inis na ini-start ni Jet ang kotse. Hindi pa rin siya pinapansin.

"Ipapakilala mo lang naman ako sa mga friends mong mountaineers. 'Yun lang tapos bahala na ako."

Napapailing si Jet at nanatiling nakatutok ang mata sa kalsada.

"You are one crazy bitch. What you're thinking is fucking suicide at hindi kita papayagan diyan."

Inis siyang lumayo sa lalaki at humalukipkip na tumingin din sa kalsada. Pero maya-maya ay napangiti na rin siya. As if naman kaya siyang pigilan ng lalaking ito sa plano niya.

Ngayon pang alam na niyang totoong nag-i-exist ang Bathalang iyon.

Lalo lang siyang na-excite na hanapin ang lalaking bumihag sa puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top