CHAPTER THIRTY-TWO
"Akala ko ba dinner ang handa ni Mother Earth? Bakit may pandesal?"
Takang tumingin si Amber kay Doc Emie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.
"Anong pandesal? Kita mo nga ang daming handa na pang-hapunan," sagot niya pero ang mata ay nakatutok kay Hunter. Ilang beses siyang napapalunok habang nakatingin sa lalaki na basang-basa pa rin. Walang pakielam at hindi nahihiya na na may ibang tao na naroon. Sabagay doon nga sa bundok, naglalakad ito ng walang saplot.
"Ayan o? Tingnan mo nga ang mga pandesal sa tiyan, galit na galit ang sarap kagatin. Masarap 'yan sa peanut butter." Lalo pang dumikit sa kanya si Doc Emie. "Bakit hindi ako na-inform na may nakakatulong-laway na hombre pala dito? Girl, ayoko ko na kay Bowie. May bago na akong papa. Mas hot ang anak ni Mother Earth. Parang Bathala sa gubat," alam na alam ni Amber na pigil na pigil ang kilig ni Doc Emie habang nakatingin din sa lugar ni Hunter.
Hindi siya nakasagot at napa-ehem lang. Kung ano ang epekto ni Hunter kay Doc Emie, ganoon din naman ang epekto sa kanya. Hindi niya maialis ang tingin dito pero muling tumaas ang kilay niya nang lumapit dito si Jean at abutan ito ng tuwalya.
"Ay. Bakit may ganoong effect? May papansin si ateng?" Mahinang bulong ni Doc Emie kay Amber.
"They are ex-lovers." Sagot niya at sumimangot ang mukha. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, lulunurin talaga niya si Jean sa pool. Halatang-halata na nagpapapansin kay Hunter. Hindi talaga niya alam kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para umakto pa ng ganito sa bahay ng lalaki. Nakakaharap pa ito kay Mrs. Acosta samantalang halatang-halata na ayaw naman dito ng matanda.
"Talaga? Ex? Anyare?" Nakuha nito ang interes ni Doc Emie.
Nagkibit siya ng balikat pero napakagat-labi habang pinapahid ni Hunter ang tuwalya sa katawan. Gusto yata niyang mainggit sa tuwalya lalo na nang pagtagalin nito ang pagpunas sa dibdib at tiyan nito. Ngiting-ngiti naman si Jean sa harap ng lalaki na alam niyang nagpipilit na makipag-usap. Sumasakit yata ang ulo niya sa inis.
Kahit nagmumura ang abs niya at pectorals niya, who you pa rin siya sa akin.
Inirapan niya ito at tinalikuran. Nakita niyang nakatayo lang si Bowie at may hawak ng plato at iniabot sa kanya.
"Kain ka muna. I know you're hungry. I got you some tempura. I know that's your favorite." Sabi nito at iniabot ang plato sa kanya na may lamang pagkain.
Ngumiti siya kay Bowie at kinuha ang plato. Buti pa si Bowie may effort. Kahit isang beses lang silang kumain sa labas, hindi nito kinalimutan kung ano ang mga gusto niya kahit maliliit na bagay.
"Doon na lang tayo sa may table malapit sa pool," sabi pa nito kaya sumunod na lang siya. Ayaw na niyang intindihin kung anuman ang gagawin ng Hunter na iyo at ex-girlfriend nitong ipinaglihi yata sa dikya.
"May asparagus with bacon kuha pa ako? Drinks? Gusto mo ng orange juice?" Panay ang asikaso ni Bowie sa kanya. Wala pa nga itong nakukuhang pagkain para sa sarili. Tanging para sa kanya lang ang kinukuha nito.
"Okay na ako, Bowie. Halika share na lang tayo dito sa plate ko. Maselan ka ba?"
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi, ah. Kahit nga tira mo kakainin ko." Kumindat ito sa kanya. "Ganyan ka ka-espesyal sa akin."
Lumapad ang ngiti. Totoong natatawa siya sa mga banat ni Bowie. Hindi siya kinikilig. Natatawa siya kasi ang pagpapa-cute ni Bowie sa kanya ay parang hindi naman panliligaw. Nagpapa-cute lang.
"Sige. Hintayin mo lahat ng tira ko tapos kainin mo, ha? Halika na dito. Maupo ka na. Ako na ang bahala sa sarili ko," hinila niya ang kamay nito para maupo sa tabi niya. Tumingin lang siya sa paligid at nakita niyang busy na rin ang mga kasama niya sa pagkuha ng pagkain. Si Mrs. Acosta ay kausap si Dra. Melendres at si Hunter ay busy pa rin sa pakikipaglandian kay Jean.
Wala sa loob na nabali niya ang chopsticks na hawak.
"Nabali mo na ang chopsticks. Ikuha kita ng bago," akmang tatayo si Bowie pero pinigilan na niya.
"Huwag na nga. May spoon and fork naman dito. Masyado namang bayani. Wala akong pampatayo ng rebulto sa iyo," iniiwas na niya ang tingin sa lugar ni Hunter kasi baka kung ano na ang magawa niya.
Ang ibang mga kasama nila ay doon din pumuwesto sa mesa nila ni Bowie. Si Mrs. Acosta at Dra. Melendres ay pumasok sa loob ng bahay. Si Hunter ay nakita niyang lumapit sa food table at mukhang kukuha ng pagkain. Si Jean? Biglang nawala. Naisip niyang sana nga mawala na ang babaeng iyon dahil nasisira ang gabi niya na makita ang mukha nito.
Madidiin ang bawat pagtusok ni Amber sa kaharap na pagkain at kahit ang pagnguya niya ay kakikitaan ng inis. Ang pag-slice niya sa karne ay may kahalong gigil kasi iniisip niyang dila iyon ni Jean at pinipiraso niya.
"Iba din talaga si ate. May pa-two-piece?" Si Doc Emie ang nagsalita noon.
Tiningnan niya ang sinasabi ni Doc Emie at nakita niyang nasa may pool area si Jean at naka-two-piece nga. Mukhang kumuha sa banyo na sinasabi ni Mrs. Acosta tapos ngayon ay lumapit kay Hunter at kumukuha din ng pagkain.
"Sure kang mag-ex lang sila? Mukhang nagkabalikan na ang peg," sabi pa ni Doc Emie. "Akala ko pa naman magiging biyenan ko si Mother Earth. May haliparot naman palang dikit ng dikit," umirap pa si Doc Emie. "Lamang lang siya akin dahil meron siyang matres. Pero mas masarap akong magmahal." Tumirik pa ang mata ng baklang doctor.
"Doc, nandito naman ako naghahanap ka pa ng iba. Ganyan din naman ang abs ko," natatawang sabi ni Bowie.
Itsurang hindi naniniwala na tumingin siya kay Bowie. Parang wala naman sa katawan ni Bowie na may pa-pandesal din ito. Sabagay hindi pa naman niya itong nakikitang hubad.
"Hay, Bowie. Ayokong agawin ka kay Amber. Alam ko naman all eyes ka diyan. And in fairness parang bagay kayong dalawa."
"Doc, friends lang kami ni Bowie." Bahagya niyang sinuntok ang braso ng lalaki. "See?"
"Ako, ayaw ko siyang maging friend lang." Kumindat sa kanya si Bowie.
"Guys, can we join you?"
Lahat sila ay napatingin sa nagsalita at para yatang nahigit ni Amber ang hininga niya nang makitang si Hunter iyon kasunod si Jean.
"Sure. Come on. Join us," si Bowie ang nagsalita noon tapos ay ito naman ang nagpaalam na aalis lang saglit. Hindi malaman ni Amber kung aalis din ba siya dahil pumuwesto si Hunter sa harap niya. Tumabi naman dito si Jean. Proud na proud itong ipagyabang ang magandang katawan sa suot ng two-piece. In fairness naman kasi, makinis naman ang ex ni Hunter. Maganda ang boobs. Mahubog ang katawan at maganda din naman.
Dahil sexy lang kaya hindi magawang iwasan ng lalaking ito? Grabe talaga. Walang pili. Sabagay kung 'yung mga babae nga sa bundok pinatos ng animal na 'to, magtataka pa ba ako? Kahit sino na lang basta may kuweba papatulan? Kahit niloko na siya? Napakatanga talaga.
Itinuon na lang ni Amber ang atensyon sa pagkain dahil ayaw niyang tingnan ang mga kaharap. Nawawalan lang siya ng gana.
"Dikya talaga siya," bulong ni Doc Emie sa kanya kaya impit siyang napatawa. Alam niyang si Jean ang tinutukoy nito.
"Would you like to share what's funny?"
Napaangat siya ng ulo at napatingin sa nagsalita. Sigurado siyang si Hunter iyon. At nakatingin nga ito sa kanya at naghihintay sa kung anong sasabihin niya.
"It's a secret between me and Doc Emie and I can't share it," maikling sagot niya at pumiraso ng pagkain at isinubo.
"Parang hindi magandang attitude iyon na nagtatawanan kayo at nagbubulungan sa harap ng ibang tao." Nasa pagkain ang tingin ni Hunter pero sigurado siyang siya ang kinakausap nito.
Parang biglang bumigat ang paligid nila. Naiinis ba ito dahil nagtatawanan sila ng kaibigang doctor? It was a private joke at sigurado siyang walang masama sa ginawa nila. Tumalim ang tingin niya sa lalaki. Nananadya ba ito?
Magsasalita na lang siya ng maunang magsalita si Doc Emie.
"Hunter 'no? Naalala ko kasi nabanggit ni Mother- oh, Mrs. Acosta na Hunter ang pangalan mo. Na-offend ka ba namin? Sorry kung medyo nabastusan ka but ganoon lang talaga kami ni Amber. We are so close kasi. We were just talking about the medical mission that happened earlier. Marami kasi kaming tinuli na mga kabataan."
Parang nakahinga ng maluwag si Amber sa sinabi ni Doc Emie. Hindi niya akalain na may ganitong paandar ang Hunter na ito. Wala namang kuwentang bagay bakit pinalalaki.
"Oh. Oo nga. Mukhang napagod nga kayo kaya madami din ang pumunta doon." Gumanda bigla ang aura ni Hunter at nagpatuloy sa pagkain.
"Hunt, hindi ko na yata kayang ubusin ang food ko. Would you like to eat this?" Sabat ni Jean.
Kung puwede lang mabasag ang mga ngipin ni Amber sa tindi ng pagtatagis ng bagang niya dahil sa inis, malamang bungi-bungi na siya. Sobra ang kaartehan ng babaeng nasa harap niya. Naiinis talaga siya sa sobrang kapal ng mukha nito. Kung umarte, parang walang masamang ginawa kay Hunter.
"Ang sweet naman. Sigurado kayong mag-ex talaga kayo?" Nakangiting tanong ni Doc Emie.
"Ten years din kasi kaming naging in a relationship so bacisally I was like a family here. Medyo nagkaroon lang ng falling out between us and ma-" napahinto si Jean at parang nahihiyang ituloy ang sasabihin. Sigurado siyang mama ang sasabihin noon. "Si Mrs. Acosta but things are getting better now. I know magkakaintindihan din kami." Nahihiyang ngumiti pa si Jean kay Hunter.
Gusto nang tumirik ng mata ni Amber sa sobrang kaartehan ni Jean.
Falling out? Falling out pinagsasabi mo? Niloko mo si Hunter! Nanlalaki ka kaya.
"Wow. Deep naman pala ang pinagsamahan 'nyo. So, there's a possibility of reconciliation?" Tanong pa ni Doc Emie.
Gusto nang hilahin ni Amber ang dila ng baklang doctor. Bakit ba ito concern kung magkakabalikan ang dalawang ito? Gusto niyang isigaw na walang magbabalikan.
Ngumiti si Jean at sumulyap kay Hunter. "If he is willing to hear my explanation."
Nabitiwan ni Amber ang hawak na tinidor at lumikha iyon ng ingay. Nanginginig na yata siya kasi naha-highblood na siya sa mga naririnig niyang pinagsasasabi ni Jean. Nang tumingin siya sa gawi ni Hunter ay nakatingin din ito sa kanya kaya inis na inirapan niya ito.
"Amber, nako napasma ka na yata dahil sa dami ng tinuli natin kanina. Nakakapagod naman talaga. Kung sana matured na mga hombre ang natuli ko nag-enjoy pa ako." Ngumiti ng nakakaloko si Doc Emie. "Tuli ka na ba, Hunter?" Alam niyang nagbibiro lang ito para magkaroon ng katatawanan sa paligid nila.
"Gago tuli na 'yan." Pabiglang bulalas ni Amber.
Nanlaki ang mata niya sa nasabi at napakagat-labi. Kita niya na nakakalokong ngumiti si Hunter sa kanya.
"Girl, paano mo naman nalaman?" Natatawang sabi ni Doc Emie. Si Jean ay nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Oo nga. Paano mo nalaman na tuli na ako?" Ngayon ay ngiting-ngiti na talaga si Hunter at humalukipkip pa sa harap niya.
Ramdam ni Amber na parang nag-aapoy sa init ang mukha niya.
"S-siyempre. Lahat naman ng pinoy tinutuli na pagdating ng teens kaya a-alam kong tuli na siya," napangiwi siya at dahil hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya sa sobrang hiya. "Bakit? Hindi ka ba nga tuli?" Inis na siyang bumaling dito.
"Hindi nga ba?" Diretsong nakatingin sa kanya si Hunter at gusto niyang burahin ang nakakalokong ngiti sa mukha nito.
"Oh, trust me. He is circumcised." Makahulugang sabi ni Jean at nakangiti ng nakakaloko.
"Kailangan may pa-broadcast kung tuli o hindi?" Gusto niyang sabihin dito na alam niyang tuli si Hunter dahil nakita na niya iyon. Nahawakan na niya at natikman din niya. "Bakit ba napunta sa tulian ang usapan natin? "I'll just get some drinks," mabilis siyang tumayo doon at lumayo. Hindi na niya kayang magtagal doon at baka kung ano lang ang magawa niya kay Hunter at sa ex-girlfriend nitong maarte.
Binuksan niya ang cooler para kumuha ng juice pero may nakita siyang mga canned beer doon kaya iyon ang kinuha niya. Binuksan niya at tuloy-tuloy na nilagok. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya.
"Hey, easy. Maaga pa para maglasing."
Tumingin siya sa gawi ng nagsalita at si Bowie iyon na nagpalit na ng panligo. Hindi niya maalis ang tingin dito habang patuloy siyang lumalagok ng beer. Lalo yata siyang nauhaw dahil sa itsura nito.
Hindi magpapatalo ang katawan ni Bowie. Toned na toned din ang katawan nito. Halatang alaga sa ehersisyo at proper diet. Walang tiyan. May pa-pandesal din at ang pectorals, kahit may konting mga balahibo, bumagay naman. Hindi mukhang madumi. Lalo itong nagmukhang sexy.
"Tapos ka na ba kumain?" Tanong nito at lumapit pa sa kanya. Pakiramdam nga niya ay talagang binabalandra nito ang katawan sa kanya.
"O-Oo. Nakakaumay ang pagkain doon," tumingin siya sa gawi nila Doc Emie at nagtatawanan ito at si Jean. Si Hunter naman ay busy lang sa pagkain.
"Eh, 'di magswimming tayo. Tara. Ipinili kita ng magandang bathing suit." Iniabot nito ang kulay itim na two-piece sa kanya. "I'm sure this will look good on you."
"Ayoko. Hindi ko kayang isuot iyan. Baka magtakbuhan lang kayo." Natatawang sagot niya. Napatingin siya muli sa gawi nila Hunter at ngayon ay nakatayo na si Jean na itsurang ipinagmamayabang ang magandang katawan sa harap ni Hunter.
Sumimangot ang mukha niya at inis na hinablot ang two-piece na ibinigay ni Bowie.
Akala ng Jean na 'yon magpapatalo ako? Hindi ako magpapatalo sa kanya. Makikita niya ang bangis ng isang babaylan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top