CHAPTER THIRTY-SEVEN
Past nine pm na. Kaninang-kanina pa palakad-lakad sa kanilang garden si Hunter at inaabangan ang pagdating ni Amber. Malapit nang maubos ang pasensiya niya. Maghapon nang magkasama ang babaeng iyon at ang pinsan niya. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya na ginagawa ng dalawa.
Calm down, Hunter. Calm down. May alas ka kay Bowie. Sigurado kang kapag ipinakita mo iyan kay Amber, iiwanan niya ang lalaking iyon.
Dinukot niya ang telepono sa bulsa at binuksan ang email at hinanap ang ipinadala ni Jacob sa kanya. Kahit hindi sumasagot sa mga tawag niya ang lalaki ay siniguro naman nito na nagawa nito ang ipinapagawa niya.
Muli niyang binasa ang mga files na ipinadala ni Jacob. Detalyado ang mga nakasulat doon tungkol sa kanyang pinsan at napangiti siya. Alam niyang totoo ang mga nakalagay doon. Kahit kailan, hindi pa pumapalya ang ever reliable private investigator ng pamilya nila.
Agad na pumako ang tingin niya sa papasok na van. Naupo siya sa silyang naroon at hinihintay iyon na huminto. Pagparada ng van ay bumaba si Amber at si Bowie. Nagtatawanan pa ang dalawa na lalo niyang ikinairita. Gusto na niyang hampasin ng mesa ang pinsan. Ang ganda ng tawa ni Amber. Halatang masayang-masaya sa kung anuman ang sinasabi ng pinsan niya. Gusto na niyang sugurin ang mga ito lalo na nang alalayan pa ng lalaki si Amber na makababa sa van.
"That really happened? What happened to you then?" Narinig niyang tumatawang tanong ni Amber.
Nagkibit balikat lang ang pinsan niya.
"I left. Ganoon talaga." Tumatawa din ang pinsan niya.
Parehong napahinto ang mga ito nang makita siyang nakaupo doon. Sumeryoso ang mga mukha at parang naasiwa.
Ngumiti sa kanya ang pinsan at maasim na ngiti ang iginanti niya dito. Wala namang reaksyon si Amber at dinaanan lang siya ng tingin. Sumabay lang itong maglakad kay Bowie papasok sa bahay.
"Can you please stay for a while, Amber?" Hindi na niya napigil ang sarili na sabihin iyon.
Tumaas ang kilay sa kanya ng babae tapos ay tumingin kay Bowie. Lalo yata siyang nagngitngit nang ngumiti pa ng nakakaloko ang pinsan niya tapos ay tumingin sa babae.
"He wants you to stay. I'll get inside. I need to be early tomorrow." Sabi ni Bowie at kumaway na sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan naman doon si Amber pero nakatayo malayo sa kanya.
"Anong kailangan mo?" mataray nitong tanong sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang? Saan kayo nagpunta?" Pinilit niyang maging kalmado ang boses niya.
Nagtatakang tumingin sa kanya ang babae.
"Wait. Do I need to tell you where did I go? Daddy ba kita para magpaalam ako?" Umirap ito sa kanya at tumawa nang nakakaloko.
Tumayo siya at inilang hakbang lang para makalapit sa babae. Kita niyang parang nataranta ito nang makalapit siya.
"You were with Bowie the whole day. Saan kayo nagpunta?" Alam niyang bahagya nang tumaas ang boses.
"In the hospital. Saan pa ba kami pupunta? We attended so many patients. Ano bang problema mo, Hunter? Wala ka na namang magawa kaya ako na naman ang kinukulit mo." Iritableng sagot ni Amber sa kanya tapos ay napailing. "Kung hindi ka makatulog, why don't you count one to ten. Do it backwards. Repeat until you fall asleep. Hindi 'yung ako ang iniistorbo mo," humakbang na paalis doon si Amber pero mabilis niyang itong hinawakan sa braso.
Napahinga ng malalim ang babae at napailing.
"Hunter, I am tired, and I want to take a rest. Kung pagti-tripan mo ako, bukas na lang. I am not in the mood." Pilit na kumawala sa pagkakahawak niya si Amber pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.
"You should know what kind of a person Bowie is bago ka magpaligaw sa kanya." Kinuha niya ang telepono sa bulsa at binuksan iyon sa mga files na ipinadala ni Jacob at inis na ibinigay kay Amber. "Read that. Para malaman mo kung anong klaseng tao siya."
Sinamaan siya nito ng tingin at hindi tiningnan ang cellphone niya.
"You don't want to read? You don't want to know the truth about him? You don't want to know that he was married and have two children?"
Tumingin lang sa kanya si Amber at inis na kinuha ang telepono niya at binasa ang ipinababasa niya.
"He didn't tell you. He didn't tell you that he abandoned his wife and his two children in New York? He forgot to tell you that? Ganyang klase ang lalaking pinapayagan mong manligaw sa iyo. Napaka-iresponsable tapos gagawin ka pang kabit."
Inirapan siya ni Amber at inis na ibinalik ang telepono sa kanya.
"He was divorced. His ex-wife took their children. It was a mutual agreement between the two of them since he was still young when they got married and he cannot take care of his kids. Mukhang kulang ang information mo. Mukhang nakalimutang ilagay diyan na nagpakasal na ang ex-wife ni Bowie and sa kanya na mapupunta ang custody ng mga anak niya." Nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot at tiningnan ang email ni Jacob. Hindi niya nabasa iyon. Tapos ay naka-receive siya ng another email from Jacob. Another report. Iyon ang mga sinabi sa kanya ni Amber.
"So, hinintay mo ako para lang diyan? Para lang sabihin sa akin na may asawa si Bowie? He told me everything."
Napalunok siya at hindi malaman kung anong sasabihin.
"A-and it's okay with you? Na dati siyang may-asawa?"
Ngumiti ng nakakaloko si Amber. "Anong problema? Dati ka din naman may asawa 'di ba? At least si Bowie sigurado siya sa sarili niya na naka-move on siya sa asawa niya and ready na siyang maghanap ng bagong pag-ibig. Ikaw?" Diretsong nakatingin sa mga mata niya ang babae.
Wala siyang maisagot sa sinabi ni Amber. Ngumiti nang mapakla si Amber at napailing.
"You don't need to answer. Your hesitation says it all. You're not ready to fall in love again, Hunter." Huminga ito nang malalim at inalis ang pagkakahawa niya sa braso nito. "Goodnight." Lumakad na ito papasok sa bahay.
"You are the reason why I came home, Amber. I wanted to see you again. I wanted to be with you." Napabuga si Hunter nang sabihin iyon.
Huminto si Amber sa paglakad pero hindi lumingon sa kanya.
"I told you I was ready to live in the mountains. Kaya kong talikuran ang pamilya ko para doon. But when you came, you did something to me. You made me see life again. You made me feel alive again. And I want to feel it over and over with you." Pakiramdam ni Hunter ay kinakabog ang dibdib niya habang sinasabi iyon. Hindi niya alam kung maniniwala ba si Amber sa kanya pero iyon naman talaga ang nararamdaman niya.
Humarap sa kanya si Amber pero hindi ito lumalapit sa kanya.
"I told you I am a mess. But whenever you're around, you make me calm. You make me feel home. With you I am home."
Napakagat-labi si Amber tapos ay lumapit sa kanya. Walang kare-reaksyon ang mukha nito.
"You mean it?" Paniniguro ng babae.
"Every word of it." Napabuga pa siya ng hangin nang sabihin iyon.
Amber smiled and without a word, she cupped his face and kissed him on his lips.
Hunter felt everything stood still when he felt Amber's kisses. He remembered the first time that he kissed her. Her lips were always inviting. It tasted sweet. It was soft. It was heaven.
Nagniningning ang mata ni Amber nang humiwalay ito ng halik sa kanya. Nakakagat-labi pa ito habang tinititigan ang mukha niya.
"Sinasagot na kita." Pinipigil nito ang mapangiti.
"Wow. That's it? Sinagot mo na ako? Nilampaso ko na si Bowie?" Napakagat-labi pa siya dahil hindi niya maipaliwanag ang saya sa dibdib niya.
"He forfeited. He knew who I wanted from the start." Kumindat pa si Amber sa kanya.
Tuluyan na siyang napatawa para lang mai-release ang tension na nararamdaman niya. Ilang beses siyang napabuga ng hangin sa relief na nararamdaman.
"You're mine now?" Hindi siya sanay ng ganito.
"I am yours, Bathala." Kumagat-labi pa si Amber sa kanya.
Mabilis niyang hinila ang babae at hinalikan sa labi. This time, mas mapusok iyon. Mas nang-aangkin. He missed her so much. He wanted to taste every inch of her and make love her over and over.
"And I am yours, mahal na babaylan." He said in between kissing her lips.
Napahagikgik si Amber at naramdaman niyang mahigpit ito na yumakap sa kanya.
------------------
Pakiramdam ni Amber ay nasa cloud nine siya habang nakahiga sa kama.
Tumingin siya sa relo at pasado ala-una na ng madaling araw pero hindi siya dalawin ng antok. Nakatitig lang siya sa kisame habang walang tigil sa pagsalat sa mga labi niya. Parang ramdam pa niya ang paghalik ni Hunter sa kanya kanina. Naalala niya ang lahat ng mga nangyari sa kanila. Lahat ng masasayang alaala nila sa bundok. Feeling niya kahapon lang lahat nangyari. She remembered the first time that they had sex. It was so trippy because of the marijuana broth but she was so sure that she felt everything right just what like she's feeling right now.
Hunter told her many times that he was mess. Alam niya iyon but still, siya na nga siguro ang reyna ng mga marurupok. Kahit anong gawin niyang iwas, kahit anong gawin niyang pagpipilit sa sarili niyang hindi na siya mapo-fall sa lalaki, hindi pa rin niya nagawa. Konting paliwanag lang, bumigay na siya.
Bumangon siya at bahagyang hinilot-hilot ang magkabilang sentido. Hindi siya pinatulog ni Hunter noong mga panahong galit siya dito. Ngayon naman na sila na, hindi pa rin siya makatulog.
Saglit siyang nag-isip. Sila na nga kayang dalawa? Bakit nga niya sinagot kung hindi naman nanliligaw si Hunter? Baka naman siya lang ang nag-assume na sila na nga.
Gaga ka. Naghalikan na kayo. Nag-sex na nga kayo magpapakipot ka pa? Girl, marupok ka. Bumigay ka na kaya wala ka nang magagawa.
Napabuga siya ng hangin at napangiti. Wala pa ring kupas ang halik ni Hunter. Masarap pa rin. Ang lambot pa rin ng lips. Ang bango pa rin ng hininga. Kumagat labi siya habang inaalala kung paano nito pinapak ang labi niya kanina. Na-miss niya iyon ng sobra.
Napahinto siya sa pangangarap dahil nakakarinig siya ng mahihinang katok mula sa kung saan. Tumayo siya at tinungo ang pinto at pinakiramdaman maigi kung doon nanggagaling ang katok. Nilakasan na niya ang loob niya at binuksan iyon pero wala namang tao. Napalunok na si Amber. Ang kilig na nararamdaman niya kanina ay napalitan na ng kaba. Nasa itsura naman kasi ng bahay na ito puwedeng tirahan ng multo. Napakalaki kasi.
Mabilis niyang isinara ang pinto at ini-lock pa niya. Nakakarinig pa rin siya ng mahihinang pagkatok. Inilibot niya ang mata sa buong silid. Saan ba nanggagaling iyon?
"Kung sino ka mang masamang espiritu, lubayan mo ako. Hindi na ako single. May dyowa na ako at may-ari ng bahay na ito. Isusumbong kita sa kanya. Paalisin ka dito," para siyang luka-luka na nagsasalita mag-isa habang iniikot ang paningin sa silid.
"Amber." Mahina iyon. Parang muffled sound pero sigurado siyang pangalan niya ang narinig niya.
Napangiwi siya. Alam pa yata ng multo ang pangalan niya. Bahagyang lumakas ang katok at sinundan niya ang tunog hanggang sa makalapit siya sa cabinet na naroon. Pinakinggan niya at doon nanggagaling ang katok. Dinampot niya ang vase na nasa gilid niya para maipalo sa kung anumang nilalang na gumagawa ng ingay. Ilang beses siyang huminga nang malalim at lakas-loob na binuksan ang pinto ng cabinet. Hahampasin na lang niya kung anuman iyon ng may pumigil sa mga braso niya.
"Amber, it's me."
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Hunter. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob at naguguluhan siyang tumingin sa pinanggalingan nito. Sigurado siyang cabinet iyon. Paano nakapasok doon ang lalaking ito?
"H-how did you-" nagtataka siyang tumitingin sa cabinet.
"It's my room. 'Yung sa katabi nito may access diyan papunta dito sa room mo." Walang anuman na sagot nito at kinuha ang vase na hawak niya. "Muntik mo nang basagin ang mukha ko nito."
"Malay ko ba. Akala ko multo." Inis niyang isinara ang pinto ng cabinet. "Anong ginagawa mo dito?"
"I want to sleep beside you. Hindi ako makatulog sa kabila lalo na nga alam kong nandito ka." Ngumiti ito sa kanya at naghubad ng suot na t-shirt.
Nanlaki ang mata niya. "Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad?" Nanlalaki ang matang tanong niya dito.
Naguluhan ang itsura ni Hunter. "Why? I am going to sleep. Alam mong sanay akong matulog ng nakahubad." Medyo nakahinga siya ng maluwag ng hindi naman isinunod hubarin ng lalaki ang suot nitong pajama. Sumulyap ito sa kanya. "Bawal ako maghubad pero ikaw halos hubad na." Nakatitig sa kanya ang lalaki at pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya.
Tiningnan ni Amber ang sarili. Ngayon yata siya nahiya. Tanging sando at panty nga lang ang suot niya.
Y
"This is my room kaya puwede akong maghubad dito."
Natawa si Hunter. "Mahihiya ka pa? I've seen you naked. I've tasted every inch of you." Sumampa ito sa kama niya at nahiga at mukhang hinihintay din siyang sumampa sa kama.
"T-teka. Teka! Tabi tayong matutulog?" Nanlalaki ang mata niya dito.
"Masama ba? Come here."
Umiling siya. "Ayoko nga. Tama na 'yung mga nangyari sa atin sa bundok. Hindi na iyon mauulit dito."
"Ano bang mangyayari? I just want to sleep beside. I missed you." Tonong nakikiusap ito.
At siya na dakilang marupok ay unti-unti nang lumalambot at bumibigay.
"Matutulog lang talaga tayo?" Paniniguro niya.
Natawa si Hunter. "Yeah. Unless you want us to do something." Makahulugang sabi nito.
Sinamaan niya ito ng tingin at lumapit sa kama at nahiga din doon. Agad siyang niyakap ng lalaki at napapikit sa sarap noon sa pakiramdam. Damang-dama niya ang init ng katawan ng lalaki.
"Mas masarap ka palang kayakap sa malambot na kama. Mas masarap ang tulog ko ngayon." Hinalikan siya nito sa noo at pumikit na.
Hindi naman siya agad na gumalaw. May mangyayari kaya? Gusto na niyang tumili sa sobrang kilig.
Hindi naman na tuminag si Hunter. Nakayakap lang ito sa kanya pero nanatiling nakapikit. Tapos ay napansin niyang malalim na ang paghinga nito.
Tulog na agad? Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng disappointment. Nagpapakipot lang naman siya pero umaasa siyang maghaharutan silang dalawa at talagang bibigay naman siya.
"Hunter," mahinang tawag niya dito.
Pero hindi ito sumagot. Mahina pa itong humilik.
Inis na napasabunot siya sa buhok. Sayang. Akala pa naman niya mauulit na ang nangyari noon sa bundok.
Lalo na lang siyang sumiksik sa lalaki. Nanamnamin na lang niya ang mga pandesal nito sa tiyan. Sa panaginip na lang niya ito roromansahin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top