CHAPTER THIRTY-FOUR
Halos makaladkad na si Amber sa paghila sa kanya ni Hunter palabas ng silid. Ang higpit ng hawak nito sa kamay niya at ang hawak niyang bp apparatus at stethoscope ay nakaladlad sa sahig.
"Bitiwan mo nga ako!" Nagpipilit talaga siyang makawala sa pagkakahawak nito pero wala siyang magawa. Ipinasok siya nito sa isang silid at doon lang siya binitawan tapos ay ini-lock nito ang pinto at humarap sa kanya.
"Ano ang problema mo?" Naiinis talaga siya kay Hunter. Umiiral na naman ang pagiging taong-bundok nito.
"Ikaw ang may problema. Bakit ka nakikipaglandian kay Bowie?" Ang dilim-dilim ng mukha nito. Kulang na lang ay may hawak itong sibat at o itak baka kaya na siyang tagain.
"Anong nakikipaglandian? Hindi kami naglalandian ni Bowie. Huwag mo akong itulad sa iyo. Kayo ng ex-syota mo ang naglalandian," umirap siya dito.
"Ex ko si Jean at may dapat kaming pag-usapan. Kayo ni Bowie? Ano kayo ni Bowie?"
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Ganoon? Kapag ex okay lang maglandian? Kami ni Bowie hindi? Teka nga, bakit ka nga ba nakikielam kung ano ang gawin namin ni Bowie? Single siya, single ako. I don't see anything wrong with that," binitiwan niya ang hawak na bp app at padabog na naupo sa kamang naroon.
Lumapit sa kanya si Hunter at napaatras ang katawan niya dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha niya.
"Nothing wrong? Kulang na lang maghubad ka sa harap niya?" Nagliliyab sa galit ang mga mata ni Hunter.
Sinamaan niya ito ng tingin at sinalubong ang tingin nito.
"Hindi ako nakahubad kanina. Saka sanay akong maghubad sa harap ng mga tao. Model ako sa mga nude paintings. Nakita mo 'di ba? Sumali ka sa isang session ng friend ko. You're into photography? Nice. Pero deadma lang ako 'no 'nung nakita mo ako? Parang hindi mo ako kilala. So bakit may problema ngayon sa iyo? Saka sa bundok nga araw-araw tayong nakahubad. Ngayon ka pa ba magpapaka-demure?" Nang-aasar na tinawanan niya ito.
"I don't want you to do that again." Matigas na sabi nito.
Malakas na tumawa si Amber.
"Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa iyo, Bathala." She said that with full of a mocking tone. "Baka nakakalimutan mo, wala ka na sa bundok. Wala ng mga Dasana dito na tatakutin ako na papatayin kung hindi kita susundin. This is the real world, man. I'll do whatever I want." Tumayo siya pero mabilis na pinigilan nito kaya bagsak na naman siya sa kama.
"You don't want to see when I am mad, Amber." Walang kangiti-ngiti sa mukha ni Hunter habang nakatingin sa kanya.
Napalunok siya at bahagyang nakaramdam ng takot dahil sa itsura ni Hunter. Mukha ngang kaya nitong pumatay ng tao ngayon. Pero hindi siya magpapatalo dito.
Malakas niya itong tinabig at tumayo sa kama tapos ay lumayo sa lalaki.
"What? You're going to unleash your animalistic side? Go ahead. Alam ko na naman kung ano ka, Hunter. Nasanay kang dini-Diyos dahil iyon ang ginawa sa iyo ng tribo mo. Nasanay kang nakukuha mo lahat nang hindi ka naghihirap. Nasanay kang hinahabol ka. Nagpakatanga na ako minsan nang hanapin ko ang Bathalang nakita ko sa libro and it just made my life a mess. Hindi na ako papayag na maging ganoon uli ngayon."
Hindi nakasagot si Hunter sa sinabi niya.
"Why did you go back here? This is not your life anymore. Mas masaya ko doon sa bundok. Mas may freedom kang gawin ang lahat ng gusto na walang sasaway sa iyo. You can even fuck a kid there." Parang may kumurot sa dibdib ni Amber nang maalala ang huling nakita niya doon sa bundok. Isang teenage girl ang kasama ni Hunter sa kubo.
"Iyon ba? I didn't even touch the kid." Sagot nito.
Natawa siya ng mapakla. "It doesn't matter. Mahihirapan kang mad-adjust dito. Dahil dito, hindi masusunod ang lahat ng gusto mo. You need to work hard for everything here. And no one will call you Bathala."
"Ganoon? Kahit sa panliligaw ganoon ba?"
Kumunot ang noo niya sa lalaki. "Pinagsasabi mong panliligaw?"
"Gusto kitang ligawan," humakbang ito palapit sa kanya.
Napakagat-labi si Amber para mapigil ang matawa. Hindi niya alam kung sumabog na ba ang utak ni Hunter dahil kakakausap sa ex nito o sabog lang talaga ito sa ipinagbabawal na droga.
"Ligawan pinagsasasabi mo diyan? Sabog ka ba? Walang jutes si Apo Ingkang dito. Mahirap magdelihensiya ng maryjane. Kaya hindi ko alam kung anong tinira mo para kung ano-ano ang sabihin mo. Paraan." Tinabig niya si Hunter para makalabas na siya sa silid pero hinawakan nito ang braso niya at muling pinaupo sa kama at dumukwang sa kanya. Automatic na napatihaya siya at napatukod ang mga siko sa kama tapos ay ang lapit-lapit naman ni Hunter sa kanya.
Gaga ka. Gaga ka, Ambrosia. Huwag kang bibigay. Lukaret ka kapag bumigay ka ngayon. Pahirapan mo ang gagong 'yan.
Iyon ang paulit-ulit na naririnig ni Amber sa isip niya. Pero ang totoo, pakiramdam niya ay nanlalambot na ang tuhod niya sa pagkakatingin pa lang ni Hunter. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang minty breath. Kumakain pa rin kaya siya ng mint leaves?
"Nanliligaw ba sa iyo si Bowie?" Tanong nito at napalunok siya dahil parang nakakawala ng ulirat ang pagtama ng mainiti na hininga nito malapit sa bibig niya. Parang gusto na nga niyang sagpangin pero nanatili siyang nakalayo dito. Hindi. Hindi siya bibigay. Ipinangako na niya sa sarili niya na hindi na siya magiging marupok pa kay Hunter.
Napa-ehem siya at bumuga ng hangin.
"O-Oo. Bakit? May masama ba doon?" Ipinakita niya kay Hunter na matapang siya kahit na nga para na siyang kakapusin sa paghinga.
Tumaas ang kilay nito at itsurang nag-isip.
"Alright. Sinagot mo na?"
Inirapan niya ito. "Wala kang pakiealam."
Ngumiti ng nakakaloko sa kanya si Hunter at marahang hinimas-himas ang sariling baba. Parang gusto niyang himatayin na ng tuluyan. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Kahit buwisit siya dito, talagang ipinagkakanulo siya ng sarili niya. Pero agad ding nawala ang kung anumang kilig na nararamdaman niya nang mapansin ang nasa daliri ni Hunter. Suot pa rin nito ang jade ring na alam niyang wedding ring nito at ng namatay nitong asawa.
"I guess hindi pa. Technically puwede pang may manligaw na iba. I am telling you Ambrosia Isabel Teodoro, matagal akong tumira sa bundok but I know how to play the game here. Panoorin mo kung paano ko ilampaso ang Bowie mo."
Ngumiti siya ng mapakla at malakas na itinulak si Hunter.
"Bago ka manligaw, siguraduhin mong hindi ka mumultuhin ng asawa mo." Dinampot niya ang bp apparatus at simangot na humarap kay Hunter. "Saan mo gustong i-bp kita? Sa leeg para accurate?"
Kumunot ang noo ni Hunter. "Puwede ba 'yon?"
"Para sa iyo gagawin kong puwede." Gusto na talagang ibalot ni Amber ang bp cuff sa leeg ng lalaking ito para masakal na.
Pareho silang tumingin sa pinto dahil may kumatok doon.
"Hunter, nandiyan pa ba si Amber?" Boses ni Mrs. Acosta iyon kaya mabilis niyang binuksan ang pinto at ang ganda ng ngiti sa kanya ng matanda. "Mataas pa ba ang blood pressure ng anak ko?" Malambing nitong tanong sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti sa matanda bago sumagot.
"Normal naman ho ang anak 'nyo. Mataas lang ho ang sapi niya hindi blood pressure. Sige ho." Iniwan na niya ang mga ito.
Napapailing si Amber habang pabalik sa kuwarto niya. Kung puwede lang talaga niyang iwan ang mga kasama niya dito. Ayaw na niyang magtagal pa dito.
Ayaw na niyang ibalik ang kung anuman na nararamdaman niya sa Bathalang nakilala niya noon sa libro.
Pabagsak siyang naupo sa kama ng makapasok sa silid niya. Naisabunot ang mga kamay sa buhok at napahinga ng malalim. Ang gusto niyang mangyari ay makalimutan na ang kung anuman ang nangyari sa kanya sa bundok. Lahat ng nangyari doon, lahat ng mga taong nakilala niya. Pero paano niya gagawin iyon kung nandito siya sa piling ng taong pilit niyang kinakalimutan?
Aaminin niya, ganoon pa rin ang epekto ni Hunter sa kanya. Kumakabog ang dibdib niya kapag nakakaharap ito, kinakapos siya ng paghinga sa tuwing titingnan nito pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya dahil alam niyang walang ibang maibibigay sa kanya si Hunter kundi tanging landi at sex lang. Pagmamahal? Malabo iyon.
Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Hunter bakit ito bumaba ng bundok. Alam niya hindi maiiwan ng lalaking iyon ang bundok. Paulit-ulit na sinasabi ng lalaki sa kanya na mahal nito ang lugar na iyon dahil mountains remind him of his wife. Nagsawa na lang ba sa pagiging diyos doon? Na-miss ang maalwan na buhay sa siyudad. Kung anuman and dahilan nito iisa ang sigurado siya. Hindi pa handang magmahal ulit si Hunter. Bakit? Taon na ang binilang na namatay ang asawa nito pero hindi man lang nito magawang hubarin ang suot wedding ring.
Nahiga siya sa kama at napabuga ng hangin. Naalala niya ang sinabi ni Hunter sa kanya.
Gusto kitang ligawan.
Iyon ang sinabi ni Hunter sa kanya kaya napailing siya at natawa. Naisip niyang siguro nababaliw na ang lalaking iyon? O kaya baka nacha-challenge dahil nakita nitong masyadong open si Bowie sa pagpapakita ng affection sa kanya. Ngumiwi din siya. Hindi siya maniniwala sa kung anuman ang sasabihin ni Hunter.
-------------------
"That smells good."
Lumingon si Hunter sa nagsalita na pumasok sa kitchen at napa-smirk siya nang makitang si Bowie iyon. Halatang bagong gising. Naka-pajamas lang ito at walang suot na pang-itaas. Gusto niya itong sitahin. Kung makaasta dito sa bahay nila, parang at home na home. Siya lang ang dapat na at home dito. Siya lang dapat ang may karapatang maglakad-lakad ng walang t-shirt dahit bahay niya ito.
"Good morning." Bati pa nito sa kanya at nagbukas ng ref tapos ay nagtingin kung ano ang mga makukuha doon. Nakita niyang kinuha nito ang isang strawberry jam at inilapag sa counter.
"Morning," matabang niyang sagot at muling itinuon ang pansin sa binibi-bake na tinapay sa oven.
Hindi na siya nakatulog sa paghahanap ng recipe para sa masarap na tinapay. Hindi siya masyadong sanay sa paggamit ng mga techie gadgets pero talagang pinag-aralan niya kagabi. Nanood siya ng mga video sa Youtube, naghanap ng mga recipe sa Google. Pati Pinterest nga tiningnan niya para makakita ng magagandang presentation para sa breakfast. Nakakita naman siya ng parang masarap na recipe ng tinapay. Vegan bread. Sigurado siyang magugustuhan iyon ni Amber.
"Mukhang maaga kang gumising para lang mag-bake. Do you always do that?" Tanong pa ni Bowie habang nagbukas ito ng cabinet at kumuha ng isang maliit na tray doon. Naglagay ng plato tapos ay nilagyan ng tinapay. He's preparing food dahil talagang inaayos nito ang pagkakalagay ng mga plato, utensils sa tray. Naglagay pa ito ng saging at mansanas doon. Tapos ay gumawa ng kape sa naroong coffee maker.
"First time," maikling sagot niya at pinatay ang oven tapos ay binuksan at kinuha ang kaluluto lang na tinapay. Napapikit din siya sa bango ng amoy noon. Sigurado siyang magugustuhan ito ni Amber.
Inilagay niya sa isang wooden plate ang freshly baked bread. Kumuha siya ng tray at inilagay iyon doon. Kinuha niya sa ref ang peach preserve and blueberry spread. Maayos na inilagay iyon sa tray. Kumuha siya ng mug at naghihintay din siyang matapos ang kape na ginagawa ni Bowie. Sigurado siyang mahilig sa kape sa Amber.
"Wow, that looks special." Komento ng pinsan nang mapatingin sa pini-prepare niya. "Freshly baked bread? That's something. I am sure Auntie Frances would love that." Nangingiti pang sabi nito tapos ay itinuon ang pansin sa nagbu-brew na kape.
Sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang, kahit walang ginagawa sa kanya si Bowie, talagang kumukulo ang dugo niya dito. Gusto nga niya itong pagkasyahin sa oven na narito at i-bake.
"Para kanino 'yang pini-prepare mong breakfast?" Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong.
"This?" Maayos na maayos ang pagkaka-prepare ni Bowie sa tray. Parang gustong mahiya ni Hunter nang mapatingin sa tray niya. Parang walang effort ang gawa niya. Tinapay at spreads lang ang naroon. Walang kabuhay-buhay. 'Yung gawa ni Bowie parang mga pictures na nakikita niya sa Pinterest. "For Amber. She likes fruits." Kumindat pa ito sa kanya. "What happened last night? Matindi ba ang hilo mo kaya hinila mo na lang si Amber para i-bp ka? Are you okay now?"
Pinigil ni Hunter ang inis na nararamdaman. Magpi-prepare din ang lalaking ito ng breakfast para kay Amber? Talagang kailangang sumabay sa kanya?
"Mukhang kailangan ko nga siya uli ngayon. Feeling ko naha-highblood na naman ako." Sagot niya at bahagyang hinilot ang ulo dahil sumasakit yata iyon sa inis niya sa pinsan.
"Don't you think you need to see a doctor? Magpatingin ka baka iba na 'yan." Dinampot ni Bowie ang lalagyan ng brewed coffee at nagsalin sa mug tapos ay nilagay sa tray. Lalong gumanda ang presentation. Napangiti pa ito sa nakita. "This is perfect."
"Sa iyo lang naman ako naha-highblood," bulong niya at tumalikod dito para ayusin ang tray na inaayos niya.
"Did you say something?" Tanong nito.
"Wala. I said why don't you go out and bring that breakfast to her," pagsisinungaling niya.
Ngumiti si Bowie na lalo niyang ikinairita. Nagsalin din ito ng kape sa mug tapos ay naupo sa counter na naroon habang umiinom ng kape.
"I'll wait for her here para surprise." Napahinga ng malalim si Bowie. "She is so nice and pretty. Hindi talaga ako titigil na manligaw sa kanya."
"Tingin mo ba sasagutin ka?" May iritasyon na sa tono ng boses ni Hunter.
"Let's see. I know how to make her fall for me." Nakangiti pang sabi nito at humigop sa hawak na mug ng kape.
Napahinga ng malalim si Hunter at tumalikod dito. Ayaw niyang makita nito ang pagdilim ng mukha niya. Gusto niyang itapon ang inihanda niyang almusal para kay Amber. Tingin niya na ngayon dito ay mga basura.
Napadiretso siya ng tayo nang makarinig ng mga papalapit ng boses. Tumingin siya kay Bowie at nakangiti lang itong nakaupo sa counter na halatang naghihintay sa pagdating ng kung sino man sa kusina. Halatang ibinibilad ang katawan. Pajamas and naked body? Alam niyang isa iyon sa mga fantasy ng mga babae. Nabasa niya iyon sa isang article.
Fuck.
Kinuha niya ang tray at inilapag sa tabi niya. Tulad ni Bowie, naupo rin siya sa counter dahil tanging shorts lang naman ang suot niya. Kung nakahubad si Bowie at pinagmamalaki ang katawan, kaya din niyang gawin iyon ara magpapansin kay Amber.
"Doc Emie, tuli pa rin ba ang –"
Kitang niyang napatigil sa pagsasalita si Amber nang makita silang dalawa ni Bowie doon. Kahit si Doc Emie ay speechless din habang papalit-palit ang tingin sa kanila ng pinsan.
Lihim siyang napangiti. Nakita niya kasi ilang beses na lumunok-lunok si Amber nang mapatingin sa kanya. Mukhang effective ang ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top