CHAPTER THIRTY-FIVE
"Diyosmio, Amber. Sana naman kung magtutuli pa rin ako ngayon, mga mababango naman ang pipila sa akin."
Tumitirik-tirik pa ang mata ni Doc Emie habang naglalakad sila papunta sa kusina. Magkakape na muna sila bago sila pumunta uli sa hospital.
Natawa si Amber sa sinabi ng baklang doctor.
"Doc Emie, tuli pa rin ba ang –"
Napahinto sa pagsasalita si Amber nang makita ang dalawang lalaki na nasa kusina. Nakaupo si Bowie sa countertop na naroon at umiinom ng kape at nakangiti sa kanya. Walang t-shirt na suot at tanging pajama pants lang. Halatang bagong gising. Tapos sa kabilang side ng countertop ay naroon naman si Hunter na nakaupo rin. Wala ding t-shirt at shorts lang ang suot. Sa tabi ng mga ito ay may tray ng naka-prepare na pagkain.
Pakiramdam ni Amber ay uminit yata ang paligid dahil sa nakita niya. Ang aga-aga at alam niyang malamig ang simoy ng hangin pero parang gusto niyang tumakbo palabas at maligo sa swimming pool para maibsan ang init na nararamdaman niya.
"Sigurado na ako na panaderya ang business ni Mother Earth," bulong sa kanya ni Doc Emie.
Tumingin siya sa doctor. "Bakit?"
Isinenyas sa kanya ang dalawang lalaki na nakatingin lang sa kanila. Walang nagsasalita. Tingin nga niya ay nagpapakiramdaman kung sino ang unang gagalaw.
"May panindang pandesal sa umaga. Ayoko nang bumalik ng Maynila. Dito na lang ako. Kahit araw-araw pandesal ang pagkain ko sa umaga, tanghali at gabi okay lang. Ang sarap dilaan 'nyan," napakagat-labi pa si Doc Emie habang nakatingin kina Hunter.
Tumingin siya sa gawi ng lalaki at nakatingin lang ito sa kanya. 'Yung tingin na alam niyang nanglalandi kaya inis niyang inirapan ito. Ito 'yung tingin na kinabaliwan niya sa sketch ni Venci kaya siya umakyat ng bundok at hinagilap ang lalaking ito.
Amber, kalma. Kumalma ka at mag-isip maige. Hindi ka marupok. Hindi ka marupok. Hindi ka nakukuha sa tingin.
Huminga siya ng malalim at tumingin kay Bowie at ngumiti dito.
"May kape pa?" Tanong niya dito.
Mabilis na bumaba mula sa counter si Hunter at iniabot ang isang mug ng kape sa kanya.
"Freshly brewed. No sugar. No cream." Nakangiti nitong sabi sabay abot ng mug.
Nagkatinginan sila ni Doc Emie at kita niya ang nanunuksong tingin nito sa kanya tapos inirapan siya sa naupo sa harap ng mesa.
"Sana ako din may pa-kape," natatawang sabi nito.
Nagsalin si Hunter ng kape sa isa pang mug at inilapag sa harap ni Doc Emie. "For you."
Kunwari ay tumirik pa ang mat ani Doc Emie sa kilig. "Sana may papandesal din."
Natawa si Hunter at tumingin sa kanya.
"Do you like pandesal?" Tanong nito sa kanya.
Bago siya makasagot ay bumaba si Bowie sa counter at iniabot ang isa mug ng kape sa kanya.
"I know you like your coffee with two teaspoons of cream and one teaspoon of sugar," sabi nito habang iniaabot ang mug sa kanya.
Napangiti si Amber. "What? How did you know?" Nagugulat siya kay Bowie kung paano nito nalalaman ang mga iyon sa kanya.
Parang nagmamalaking ngumiti si Bowie. "I have my ways. Drink it. You'll like it."
Kita ni Amber na sumimangot ang mukha ni Hunter ng bitiwan niya ang mug ng kape na bigay nito at ang ininom niya ay ang ibinigay ni Bowie. Uminom siya doon at napangiti nang matikman.
"This taste good. Ang galing mo, ah. Itong-ito ang timpla ko. Siguro ini-stalk mo ang IG ko," nakangiti niyang sabi at naupo sa tabi ni Doc Emie. Napatingin siya sa gawi ni Hunter at kita niyang dumilim ang mukha nito.
"Masarap din naman ang coffee ni Hunter," malanding tumingin si Doc Emie kay Hunter na halatang nagpapacute. "Walang eme-eme. Parang siya. Walang eme." Humigop pa sa kape niya ang baklang doctor at nanatiling nakatingin kay Hunter.
Pilit na ngumiti dito ang lalaki at kinuha ang mug ng kape na ibinibigay sa kanya kanina tapos ay itinapon sa lababo.
"Thanks for appreciating, doc." Sagot nito at inabala ang sarili sa pag-aayos sa hinarap na tray. Nakita niyang may tinapay doon. Iyon kaya ang naaamoy niyang mabango? Pagpasok pa lang kasi ay amoy na niya ang parang bini-bake na tinapay. Amoy herbs. Nakakagutom.
"I got you fruits. I know you like banana and apples." Inilapag ni Bowie sa harap niya ang tray. Naroon ang prutas, two slices of loaf bread and jam. Pero hindi ito ang naamoy niyang mabango. Napatingin siya sa tinapay na nasa tray ni Hunter. Sigurado siyang iyon ang naamoy niya.
"Baka naman gusto mong i-share ang tinapay mo." Sabi niya dito.
Lumingon ito sa kanya at parang nagulat pa sa sinabi niya.
"You're talking to me?"
Inirapan niya ito. "Kanino pa ba? Would you like to share your bread?"
"Gusto mo ba? May bread ka na sa harap mo," itinuro nito ang tinapay na bigay ni Bowie.
Napailing si Amber. "If you don't want to share, fine." Inubos niya ang kape na bigay ni Bowie at tumayo na doon. "I'm done. Thanks for the coffee, Bowie. I love it. Mauna na ako." Hindi na niya hinintay pa na may magsalita sa tatlo. Dire-diretso na siyang umalis doon at bumalik sa kuwarto niya.
Napipikon siya kay Hunter. Ang balak niyang pang-iinis dito, kabaligtaran ang nangyari. Siya pa ang nainis dahil hindi siya binigyan ng tinapay. Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Ganoon ba ang style niya ng panliligaw? Sasabihin niyang liligawan siya tapos ganoon ang gagawin sa kanya. Saan ang panunuyo doon? Mabuti pa si Bowie, grabe ang effort. Inaalam talaga ang mga gusto niya.
Inis siyang naghubad ng damit. Maliligo na lang siya para makapag-ready na ngayong araw. Ang alam niya, pupunta sila sa ospital ngayon. Hindi niya alam kung anong ganap doon. Basta gusto lang kasi ni Doc Emie ay siya ang kasama nito.
Napatingin siya sa pinto dahil may kumakatok doon. Hinila niya ang kalapit na tuwalya at ibinalot sa katawan tapos ay binuksan. Napataas ang kilay niya dahil nakatayo doon si Hunter at may bitbit na tray. Iyon ang tray na inaayos nito kanina. Nakalagay doon ang tinapay na gusto niya, coffee, bread spreads. May isang moth orchid pa na alam niyang pinitas sa garden ng bahay.
"What do you need?" Mataray na tanong niya.
"You like the bread, right?" Ipinakita nito sa kanya ang hawak na tray.
"Wala na akong gana. Sige na. Maliligo na ako." Akma na niyang isasara ang pinto pero iniharang ni Hunter ang binti nito para hindi niya tuluyang maisara ang pinto. Bago pa siya makakilos uli ay tuluyang nang nakapasok si Hunter sa kuwarto at inilapag ang tinapay sa mesang naroon.
"I woke up early and I searched for a bread that you would like. I baked this. This is vegan kasi baka sensitive ang tiyan mo sa ordinaryong tinapay. I was offering you a brewed coffee without anything in it para ma-try mo naman ang iba. You've been drinking coffee with cream and sugar kaya gusto kong ipa-try ang iba." Sabi nito at naghiwa ng tinapay. "Peach or blueberry?" Tumingin pa ito sa kanya. Pinapapili siya sa spreads na nasa tray.
Hindi makasagot si Amber at nanatili lang siyang nakatayo sa isang gilid habang hawak ang sugpungan ng tuwalya sa katawan niya. She was naked under the short towel. Konting galaw nga lang niya, siguradong lilislis na iyon at makikita ang lahat-lahat sa kanya.
"I think you'll like peach. Blueberry is so overrated." Pinahiran ni Hunter ng palaman ang tinapay tapos ay humarap sa kanya at iniabot iyon.
Nahihirapan na yatang huminga si Amber sa sobrang taranta. Kukunin na niya ang piraso ng tinapay pero inilayo iyon ni Hunter sa kanya.
"Bite it," sabi nito at itinapat sa bibig niya ang tinapay. Gusto nito ay kumagat siya doon na hawak nito ang tinapay.
"Kapag kumagat ako diyan aalis ka na?" Ipinakita niyang naiinis na siya pero ang totoo, nanginginig na ang tuhod niya sa taranta.
Tumango lang ito at lalong inilapit ang tinapay sa bibig niya. Walang magawa, kumagat na lang siya doon.
Hindi agad nakagalaw si Amber nang matikman ang tinapay. Napakasarap ng lasa ng tinapay. Lasang-lasa niya ang mga herbs na ginamit doon. Napatingin siya kay Hunter at nakatingin lang ito sa kanya na parang hinihintay ang sasabihin niya.
"M-masarap." Sabi niya habang ngumunguya. Talagang ninanamnam niya ang tinapay kasi talagang nasarapan siya doon.
"You've got something," napahinto siya sa pagnguya dahil lumapit pa sa kanya si Hunter at ibinaba ang mukha sa mukha niya. Nanlalaki ang matang tumingin siya dito. Hahalikan yata siya.
Pero pinahid lang ng daliri nito ang gilid ng labi niya tapos ay tiningnan iyon at isinubo.
"Yummy." Mahina nitong sabi habang paulit-ulit na nilalasahan ang hinlalaki.
Gusto nang tumakbo sa banyo ni Amber. Ibang init na ang nararamdaman niya. Alam niya ang ginagawa ng lalaking ito. Inaakit siya.
Hindi ako bibigay. Hindi ako magpapauto.
Doon yata siya nakakuha ng lakas ng loob na lumayo sa lalaki.
"C-can you go out, please? Please? I need to take a bath." Kailangan na niyang palabasin ang lalaking ito dito kasi baka hindi na niya makayang kontrolin pa ang sarili niya. Lalo na nga at talagang nagmamalaki ang hubad nitong katawan sa harap niya.
"Then take a bath. Sabay nga tayong naliligo sa ilog sa bundok 'di ba?" Nakangisi pang sabi nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Wala na tayo sa bundok, Hunter. Please get out." Napatingin sa kamay nito at nakita niyang suot pa rin nito ang jade ring sa palasingsingan. Ang lahat ng init na nararamdaman niya ay tuluyan nang nawala. Napalitan lang iyon ng inis.
Nagkibit-balikat ito at tinungo ang pinto at binuksan pero muling tumingin sa kanya.
"I told you. Ilalampaso ko ang Bowie mo." Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang umalis.
"Gago. Magpaalam ka muna sa asawa mo baka multuhin ka. Buwisit!" Malakas niyang isinara ang pinto ng kuwarto niya.
------------------
Tatawa-tawa si Hunter habang palayo sa silid ni Amber. Alam niyang success ang ginawa niya. Kung nakapuntos man si Bowie sa kape, alam niyang nagustuhan ni Amber ang tinapay niya. Pero naalala niya ang sinabi ni Amber.
Magpaalam ka muna sa asawa mo baka multuhin ka.
Hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi iyon ni Amber sa kanya. Bakit naman siya mumultuhin ni Aria? Wala naman siyang ginagawang masama. Siguro naman normal lang ganito ang gawin niya dahil may nagugustuhan siyang babae. Aminado siyang gusto niya si Amber. He likes how she looks, how she smells, how she carries herself and he like to have sex with her again.
Nawala ang ngiti sa labi ni Hunter. Iyon lang ba ang gusto niya kay Amber? Was it just the sex between them?
Hindi mo ba mahal?
Mahal nga ba niya si Amber? Hindi niya alam. Sigurado siya na nagseselos siya kay Bowie at gusto niyang makasama ang babae pero mahal ba niya ito?
Bumaba ka nga ng bundok para sundan at hanapin tapos hindi mo alam kung mahal mo? Nag-e-effort ka pa na mapansin ka? Gago ka, Hunter.
Napakamot siya ng ulo. Ito na naman siya. Sabog na naman ang utak niya. Gusto niya si Amber pero hindi niya masabi sa sarili niya kung mahal niya.
"Hunter, bakit nagsasalita kang mag-isa?"
Lumingon siya at nakita niyang ang mama niya ang naroon. Nakatingin ito sa kanya na parang may ginawa siyang hindi maganda.
"'Ma. Why? What's wrong?"
"Anong what's wrong? Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong nangyayari sa iyo. Nagsasalita ka mag-isa." Nasa mukha nito ang pag-aalala.
"Ah," napakamot siya ng ulo at natawa. "Wala naman, 'ma. I was just thinking of something."
Halatang hindi kumbinsido sa sagot niya ang matanda pero hindi na ito kumibo.
"'Ma, do you think it's alright to like someone?"
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Horacio? Bakit naman hindi? Wala ka namang asawa." Sumeryoso ang mukha nito. "Are you telling me that you and Jean are getting back together?" Ang sama ng tingin sa kanya ng nanay niya.
"What? No. Of course not. Hindi ako makikipagbalikan kay Jean. Nag-usap lang kami and that's it. Walang balikan," sagot niya dito.
Halatang na-relieve ang itsura ng nanay niya ng marinig ang sagot niya.
"What I'm trying to say, I was married and is it okay if I like someone beside Aria?"
Ngumiti ang nanay niya. "Aria is gone. And I think your wife would want you to be happy with someone else. Why? You like someone?" Nanunukso ang itsura ng matanda.
"Yeah. I guess. I like her because she's pretty, she's nice. Basta. May mga nangyari na but you know. Her presence makes me calm. I don't know if I love her, 'ma but I am sure that I like her."
Napa-hmm ang matanda at halatang gustong-gusto ang naririnig na sinasabi niya. Tinapik-tapik pa nito ang pisngi niya.
"Tanggalin mo na muna ang singsing sa daliri mo bago ka magkagusto sa iba. You're just making yourself to look like a fool in front of that woman by wearing that."
Mabilis siyang tumingin sa daliri at nakita niya ang jade ring na suot.
"This? What's wrong wearing this?"
"Iho, wala na si Aria. By wearing that parang ipinapakita mo pa rin sa lahat na walang ibang puwedeng pumalit sa asawa mo. Hindi mo kayang magmahal ng iba kung si Aria pa rin ang nandiyan." Itinuro nito ang dibdib niya. "You're just going to hurt the woman that you like."
Hindi siya nakasagot sa sinabi ng nanay niya.
"Kung hindi mo kayang tanggalin 'yan, then leave the poor girl alone. Pabayaan mong mahalin ng iba na kayang mahalin siya ng buo. Magbihis ka nga. Ipag-drive mo ako sa bayan. I need to see someone."
"Pa-drive ka na lang kay Mang Karding, 'ma." Ayaw niyang umalis at baka biglang magkasa si Amber at si Bowie. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang dalawang iyon na mapagsolo.
"Ipag-drive mo ako," pinanlakihan pa siya ng mata ng nanay niya. Kapag ganoon na ang itsura nito, siguradong wala na siyang magagawa pa.
Parang bata na lulugo-lugong pumunta siya sa silid niya. Naiinis siya sa mama niya. Akala pa naman niya, naka-puntos na siya dahil sa nagustuhan ni Amber ang breakfast na inihain niya. Tapos ngayon mukhang aabante naman si Bowie dahil siguradong ito ang makakasama ni Amber sa ospital.
Napahinga siya ng malalim at tumingin sa kamay. Hinawakan niya ang jade ring at inikot-ikot sa kanyang daliri. Bakit nga ba hindi niya matanggal ang singsing na ito? Kasi bigay ito ni Aria sa kanya at nangakong habambuhay nilang isusuot ang singsing na ito.
Naisip niya si Amber. Ito siguro ang dahilan kaya sinasabi ng babae na magpaalam muna siya sa asawa niya at baka multuhin siya.
Hinubad niya ang singsing at ipinatong iyon sa mesang naroon.
"I am letting go of this ring, Aria but that doesn't mean that I forget about you." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa singsing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top