CHAPTER THIRTY

            "Are you okay, iha?"

            Nagtatanong na tumingin si Amber kay Mrs. Acosta. Kita niyang nag-aalala ang tingin nito sa kanya.

            "Po?" Muli siyang sumulyap sa gawi ni Hunter at ng babaeng ngayon ay kausap na nito na iyak ng iyak.

            "You don't look okay. Ang kilay mo salubong na salubong. Are you angry? Are you angry with what I said? I just want you to be my private nurse," kita niya ang pag-aalala sa mukha ng matanda.

            Mabilis siyang ngumiti at pilit na pinasaya ang mukha. Ganoon ba talaga ang itsura niya? Mukha siyang galit?

            "O-Okay naman po ako. Ako po? Galit?" Sunod-sunod ang iling niya. "Hindi po ako galit at lalong hindi po ako galit sa inyo. Ako nga ho ang nahihiya dahil baka kayo ang galit sa akin. Pero hindi po ako galit," pilit na pilit ang ngiti na ipinapakita niya dito pero kusang nawawala sa tuwing nakikita niyang nakikipag-usap si Hunter sa babae.

            Ang malanding iyon! Matapos niyang lokohin si Hunter iiyak-iyak lang siya? At ang animal talaga! Napakatanga! Guwapo lang talaga pero saksakan ng tanga!

            Gustong-gustong sabihin iyon ni Amber habang nakatingin sa gawi ng lalaki. Kita naman kasi niya ang ginagawa ng ex-girlfriend ni Hunter. Nagpapaawa. Humihingi ng tawad. Para namang simple lang ang ginawa ng babaeng iyon. Niloko niya si Hunter tapos ngayon iiyak lang para humingi ng tawad? At ang lalaking iyon naman, kitang-kita niya na talagang lumalambot na sa babaeng iyon.

            "M-mukha hong love is lovelier the second time around ang peg ng anak 'nyo saka ng ex niya," bahagya pa siyang napairap ng sabihin iyon.

            Tumingin din si Mrs. Acosta sa gawi ni Hunter at tumaas ang kilay nito.

            "Well, malaki na ang anak ko. Alam na niya ang tama at mali at wala naman akong magagawa kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. I've lost him for so many years and kahit anong gawin niya ngayon, okay na lang sa akin para lang huwag na siyang umalis uli."

            Para siyang nakaramdam ng lungkot sa sinabing iyon ng matanda.

            "Tingin 'nyo magkakabalikan sila?" Pakiramdam ni Amber ay may sumaksak sa puso niya ng sabihin iyon.

            Nagkibit ng balikat ang kausap. "I don't know. It's up to him or it's up to someone who will come along the way na agawin ang anak ko sa manloloko niyang ex-girlfriend." Ngumiti ito ng mapakla.

            "Mukha naman hong ayaw magpaagaw ng anak 'nyo. Mahirap na ngang kalaban ang patay tapos sa buhay meron pa rin. Feel na feel. 'Di naman masyadong guwapo," lumabi pa si Amber ng sabihin iyon.

            "Did you say something? Hindi guwapo ang anak ko?" Amused na tanong ng matanda sa kanya.

            Bumuka ang bibig ni Amber pero wala siyang masabi. Nahiya siya dahil baka isipin ng matanda na pinipintasan niya ang anak nito.

            "H-hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin. Nako, ang ganda-ganda 'nyo po kaya siyempre sa inyo magmamana ang anak 'nyo." Pilit na pilit ang ngiti niya.

            Ngumiti din naman si Mrs. Acosta at hinawakan siya sa kamay.

            "Ano, iha? Payag ka na, ha? Just for one week. After a week kung hindi mo talaga feel na maging nurse ko hindi na kita pipigilan na umalis. Sa totoo lang kasi, nalulungkot lang ako na wala akong kausap sa bahay na naiintindihan ako. Hindi ko naman na maaasahan si Amy dahil lagi silang magkasama ni Bullet." Lumungkot pa ang mukha nito.

            Napatitig si Amber sa mukha ng matanda at parang binibiyak ang puso niya na makitang malungkot ito. Ayaw talaga niyang magtrabaho para dito pero hindi niya kayang saktan na naman ito sa pangalawang pagkakataon.

            Magsasalita na lang siya nang makita niyang papalapit sa lugar nila si Bowie. Agad itong humalik sa pisngi ng tiyahin tapos ay tumabi sa kanya.

            "Auntie, you're here." Nakangiting sabi nito.

            "I am just checking your medical mission and I think this is a successful one. Marami kayong natulungan na mga tao."

            Kumindat sa kanya ang lalaki at napatingin siya dito nang maramdaman na humawak ang kamay nito sa bewang niya. Kung hindi lang niya kaharap si Mrs. Acosta ay baka siniko na niya ito sa tagiliran.

            "Nabanggit ni Dra. Melendres na nagpadala kayo ng food para sa medical team and thanks for that. Hunter is here? He is alive?" Tinatanaw pa ni Bowie ang pinsan nito na ngayon ay masinsinang nakikipag-usap sa ex-girlfriend.

            "Long story. But we have so much time to talk about it. You're going to stay in my house for a week."

            "T-teka. Mrs. Acosta hindi pa naman po ako pumapayag na maging private nurse 'nyo," sabat ni Amber.

            "It's not about that, iha. I've talked to Dra. Melendres and she agreed that five of your medical team will stay in my house. Kasi parang the rest uuwi na rin agad sa Manila after this. May lima lang daw na maiiwan para sa mga ibang activities. She didn't tell you?" Papalit-palit ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Bowie.

            "Ah, baka ho 'yung mga iba naming kasama ang mag-stay sa inyo. Kasama po siguro akong babalik na ng Maynila." Hinanap niya ang head doctor na kasama nila para i-confirm ang sinasabi ng matanda.

            "Amber, kasama ka sa mag-stay dito. Ikaw kasi ang ni-request na assistant ni Doc Emie." Sabi ni Bowie sa kanya.

            Gusto nang sumigaw ni Amber dahil sa nangyayari sa kanya. Sa sobrang kagustuhan niyang makaiwas kay Hunter, talaga namang parang pinaglalapit pa sila ng tadhana.

            "Don't worry, nandito naman ako. Hindi ka naman mabo-bored na kasama ako." Sabi pa ni Bowie.

            Sinamaan niya ito ng tingin pero pinilit pa ring ngumiti para hindi siya maging bastos sa harap ng matanda.

            "You two look cute together. Are you sure you are not a couple?" Tonong nanunukso si Mrs. Acosta.

            "'Ma."

            Pare-pareho silang napatingin sa nagsalita at gustong lumubog sa kinatatayuan niya si Amber nang makilala kung sino ang lumapit na iyon sa kanila. Kumakabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba dahil ngayon, seryosong nakatingin lang sa kanya si Hunter at itsurang hindi natutuwa na makita siya.

            "Iho. You're here. Hunter, I want you to meet Ambrosia. She's the one I was telling you about. The private nurse that I wanted to hire. And your cousin Bowie." Pakilala ni Mrs. Acosta.

            "This is unbelievable. Welcome back," walang halong kaplastikan ang kasiyahang ipinakita ni Bowie sa harap ni Hunter pero hindi man lang iyon sinuklian kahit na katiting na ngiti ng lalaki. Seryoso lang itong nakatingin sa pinsan at parang napipilitan nang yakapin ni Bowie. "What happened? That was fucking crazy, man. All of us thought that you were dead."

            "And I am not. Still alive and can kick some ass," pilit na ngumiti dito si Hunter.

            Inirapan niya ito at ibinaling sa iba ang tingin.

            Yabang! Kick some ass. Ikaw kaya ang i-kick ko diyan.

            "Look at them. Bagay sila 'no?" Parang teenager na kinikilig ang itsura ni Mrs. Acosta habang nakangiting nakatingin sa kanila ni Bowie.

            Wala namang reaksyon si Hunter na nakatingin lang sa kanila tapos ay tumitig sa kanya. Sinalubong din niya ang tingin nito. Bakit naman kaya nakasimangot? Galit ba ito na nandito siya at kausap ang nanay niyo? Baka akala ng lalaking ito na nandito siya para sundan pa rin ito. Tapos na ang kahibangan niya para sa bathalang nakita niya sa libro. Tinapos na niya sa bundok na iyon nang ipamukha nito sa kanya na kahit kailan walang pag-ibig na mamamagitan sa kanilang dalawa.

            "Auntie, baka naman mapikon si Amber at totally hindi na ako bigyan ng pag-asa," parang nahihiyang nagkamot ng ulo si Bowie at nakangiting tumingin sa akin.

            "Bowie, the way to a woman's heart is to show how you really feel about her. And I can say that Ambrosia here-"

            "I think she preferred to be called Amber," seryosong sabat ni Hunter na nanatiling nakatingin sa kanya.

            Nagtatanong na tumingin sa kanya ang matanda. "Amber? You want me to call you that name? Ayaw mo ng Ambrosia?"

            "Kahit ano naman. Kung ano ang kumportable kayong itawag sa akin wala pong problema," sinamaan niya ng tingin si Hunter.

            "May pag-asa ba si Bowie, Amber?" Tonong nanunukso pa rin ang matanda.

            Gusto na niyang kumaripas ng takbo dahil parang ang awkward ng sitwasyon na ito. Ang dilim-dilim ng mukha ni Hunter samantalang si Bowie naman ay hanggang tenga ang ngiti.

            "'H-hindi naman ho nanliligaw si Bowie sa akin."

            Shit. Bakit ba iyon ang nasabi ko? Baka isipin ng animal na Hunter na ito na ipinaparating ko sa kanya na wala akong manliligaw.

            "Oh my God, Bowie. Hindi ka naman pala nanliligaw. Ano ba 'yan? Huwag mabagal. Dapat mabilis ang mga kilos kasi baka maunahan ka ng iba." Ngiting-ngiti pa rin ang matanda sa kanila.

            Nakita niyang kumakaway si Doc Emie sa kanya at pinapunta siya sa lugar nito. Isinenyas din nito na isama niya si Bowie.

            "K-kailangan na po namin na bumalik sa mga patients. Sige po," hindi na niya hinintay na magsalita ang matanda. At sa sobrang kalituhan at pagmamadali na makaalis na doon, wala sa loob na hinawakan niya ang kamay ni Bowie at pahila na inakay paalis.

            Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Kahit nakatalikod ay ramdam niyang may mga matang nakasunod sa kanya kaya hindi na niya ginawang lumingon pa.

-------------

            Kung hindi lang talaga kabastusan, gusto na talagang iwanan ni Hunter ang nanay niya sa lugar na ito. Lalo na ngayon na kitang-kita niya na ang ganda-ganda ng ngiti nito habang sinusundan ng tingin si Bowie at Amber.

            "They look cute together," komento pa ng nanay niya.

            "Stop it, 'ma. You're making them uncomfortable. Hindi po maganda iyang ginagawa 'nyo," hindi na niya maiwasan ang mainis dahil sa nangyari.

            Nawala ang ngiti sa mukha ng matanda at tumingin sa kanya.

            "I don't see anything wrong with what I am doing. Saka tigilan mo akong sitahin. Hindi kita sinita o pinigilan nang gumawa kayo ng eksena ng Jean na iyon dito," nakataas ang kilay na sagot ng nanay niya.

            "I didn't know that she's here. She just wanted to talk."

            Umirap ang matanda.

            "And you forgive her," tonong sigurado ito sa sinabi.

            Napahinga siya ng malalim.

            "She is a mess too, 'ma. And I think she already learned her lesson the hard way."

            "Magaling umarte ang babaeng iyon. But malaki ka na. Alam mo na ang ginagawa mo. Kung mapapauto ka uli, wala na akong magagawa doon."

            "'Ma, hindi naman ako magpapauto. I mean she just wanted us to be friends and-" napahinga siya ng malalim. "She doesn't have anything now. Hindi naman siya nakikipagbalikan. Gusto lang niyang patawarin ko siya para maka-move on siya."

            "Bahala ka. Hindi mo pa nga inaayos ang mga problema mo, gumagawa ka na naman ng bago." Inayos ng matanda ang suot na damit at dumiretso ng tayo. "Let's go home. We will have some visitors tonight."

            "Visitors? Pumayag siyang maging nurse mo?" Hindi alam ni Hunter kung dapat ba niyang ipagsaya iyon o dapat siyang mabahala.

            "Not yet. But I know papayag siya. Magandang package iyon, ah. Siya at si Bowie. I know Bowie is going to persuade her to work with me. After one week, I am sure may love life na 'yang si Amber,"  tumingin na parang nang-iinis ang nanay niya sa kanya. "Sana all 'no?" Natawa pa ito at nagpauna nang naglakad. "Dadaan lang ako kay Mayor then aalis na tayo." Tuluyan na siyang tinalikuran ng ina.

            Pakiramdam ni Hunter ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang inis. Tumingin siya sa gawi nila Amber at nakita niyang magkausap ito at si Bowie at nagtatawanan pa. Halakhak pa nga ang pagtawa ni Amber. Parang nagjo-joke ang pinsan niya. Kahit ang mga kasama nito ay tawang-tawa sa mga sinasabi ng lalaki at lalo lang siyang naiinis sa lalaking iyon. Kung kasama niya si Hagway, pinakuha na niya ang lalaking ito at pahuhubaran niya tapos ay ipapatali niya sa puno para papakin ng mga hantik sa gitna ng gubat.

            Naihilamos niya ang kamay sa mukha at dinukot ang telepono sa bulsa. Idinayal niya ang number ni Jacob. Lalo lang nadadagdagan ang inis niya dahil ang tagal-tagal nitong sumagot. Ilang dosenang ring na yata ang naririnig niya pero walang sagot. Hindi naman siya hihinto. Sigurado siyang nasa kandungan lang ito ng babae at ayaw maistorbo.

            Nakahinga siya nang maluwag ng sa wakas ay sagutin nito ang tawag niya.

            "Magkapatid talaga kayo ni Bullet 'no?" Halata ang iritasyon sa tono ni Jacob. "Pareho kayong hindi marunong tiyumempo."

            "Jake, my man. Alam ko namang nasa kandungan ka lang ng babae mo. I just need your help."

            "Ako na naman? Wala ba kayong ibang makukuha na PI?" Reklamo nito.

            "Ikaw lang naman kasi ang reliable. Saka ayaw mo ba ng trabaho?"

            "Kung ikaw lang ang magbibigay ng trabaho sa akin, parang gusto ko na lang mag-retire."

            Natawa siya pero agad ding napasimangot nang makitang masinsinan na ang pag-uusap ni Bowie at Amber.

            "Huwag ka nang umarte. Gawin mo na lang 'to. Can you check everything about my cousin Bowie?"

            "Hmm. Gusto mong malaman kung sino ang karibal mo, ah."

            "Of course not. Hindi kami close and very vague ang mga alam kong kuwento tungkol sa kanya. My mother is letting him stay in our house so gusto ko lang kilala ko kung sino ang titira sa amin."

            Mahinang napatawa si Jacob.

"Basta trabahuhin mo. And if you can also search everything about Amber." Kahit hindi niya kaharap si Jacob ay hininaan pa niya ang boses dahil baka may makarinig sa kanya. "Kung anong gusto niya. Favorite food. Favorite music, favorite place to chill something like that."

            Napahinga ng malalim si Jacob at napapalatak.

            "Why don't you try to know her yourself? Pakagago mo. Manliligaw ka tapos ako ang aalam ng mga gusto ng babae mo?"

            "Hindi ako manliligaw," muli siyang tumingin sa gawi ni Amber at ngayon ay binibigyan naman ito ng sandwich ni Bowie. "Well, something like that." Napakamot siya ng ulo at ilang beses nagpapakawala ng hangin sa bibig.

            "'Di alamin mo kung ano ang gusto niya. Horacio, wala ka na sa bundok na dini-diyos ka ng mga taga-tribo. Boy, reality is here. Isinasampal sa mukha mo. Gumawa ka ng paraan. Alamin mo. Makakatipid ka pa."

            "I don't know what to do." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

            Malakas na tawa ang sagot ng kausap.

            "Daig ka pa ng nanay mo," mahinang komento ni Jacob.

            "What?"

            "Nothing. I am telling you this will cost so much."

            "I don't care. Just do what I say." Tumalikod na lang siya dahil ayaw na niyang makita pa ang paglalandian ni Hunter at Bowie.

            "Fine. Kay Bullet ko uli icha-charge?"

            "All of it." Iyon lang at pinatayan na niya ng telepono ang kausap.

            Laglag ang balikat na nauna na siya sa kotse niya. Doon na lang niya hihintayin ang kanyang ina. Tumunog ang telepono niya at naka-receive siya ng text galing kay Bullet.

            Why is that I have a huge bill from Jacob Ramirez? Wala akong pinapa-trabaho sa kanya. And he told me to ask you.

            Natawa siya sa nabasang text ng kapatid niya. Hindi na niya sinagot.

            Maliit na bagay ang mga bayarin kay Jacob. Mas dapat niyang paghandaan ang presensiya ni Bowie at Amber sa bahay nila.

            Dahil baka hindi na siya makapagpigil, mataga na niya ang pinsan niyang iyon kapag hindi huminto sa pagpapa-cute kay Amber.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top