CHAPTER THIRTEEN
Kahit hindi naman sumasakit ang tiyan ni Amber, pakiramdam niya ay sumisirko ang tiyan niya sa hiya at kaba. Nakakahiya kay Hunter dahil nahuli siya nitong nagbabantay sa kubo nito habang sa isip niya ay nakikipag-sex ito kay Suwana. Kung ano-ano na tuloy ang nasabi niya. Pati tuloy ang dahilang nadudumi siya ay nasabi niya.
"Here. This is a good spot to relieve yourself. Maghukay ka muna, ha? I'll get you something to wipe." Akmang tatalikod na si Hunter pero pinigilan niya.
"I don't need to poop." Pinilit niyang tumawa para mabawasan ang kahihiyan na nararamdaman. "I am feeling fine."
Nagtatanong ang tingin sa kanya ng lalaki. "Sabi mo natatae ka?"
Sunod-sunod ang iling niya. "Okay lang ako. Wala na." Pilit na pilit ang ngiti niya.
"Are you sure? You know it's bad to hold it. Hindi ka kumportable? Bakit ka namundok?"
"Hindi na nga ako napu-poop. Okay na ako. I know it's bad to hold. I'm a nurse." Inirapan na niya ito.
Napangiti si Hunter at nagkibit ng balikat. "So, what are you doing in my hut? Were you trying to listen? Or naninilip ka?"
Nanlaki ang mata niya dito at malakas itong hinampas sa braso.
"Kapal mo naman! Hindi 'no!" She cleared her throat and thought of a nice answer. "G-gusto ko lang ma-check kung okay ka na. Kung hindi ka na nahihilo. Kung hindi ka na hihimatayin uli. Nagkataon lang na nakita kong pumasok doon si Suwana but trust me, I am not going to listen to you having sex with that bitch." Romolyo pa ang mata niya ng sabihin iyon.
Tumaas ang kilay ni Hunter at halatang pinipigil ang ngiti.
"Bitch? 'Nung una mean girls. Ngayon bitch na? Do you hate those women?" Paniniguro nito.
"A-ano? Hindi, ah. Did I say bitch? Baka witch narinig mo. Aminin mo, mukha naman talagang mangkukulam 'yun. I can't believe that, that woman is your type. Eww," ngumiwi pa siya.
"Concern mo talaga ang sex life ko at ang mga babae ko? Do you want to be one of them?" Diretsong tanong nito sa kanya.
Napaawang ang bibig niya. "A-ano?! Hindi 'no! Ang kapal mo talaga." Napa-buga siya ng hangin at napailing-iling. "Alam mo sa totoo lang, talagang nagsisisi na ako at tinunton ko pa kung sino si Bathalang Dimakulu. Kung alam ko lang na ganyan ka, nagtiyaga na lang ako na reypin ni Bowie." Inirapan niya ito.
Sumeryoso ang mukha ni Hunter sa narinig na sinabi niya.
"Someone tried to rape you?" Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niyang reaksyon sa mukha ni Hunter. Nag-aalala ba talaga ito?
"Ewan ko. Parang ganoon. Kasama ko sa hiking then 'nung napahiwalay kami sa group, he tried to kiss me, but I ran away then I fell, and I am here."
"What was the name again? The man that tried to rape you."
Inirapan niya ang lalaki. "It doesn't matter. Siguradong nasa Manila na iyon and I am here stuck with this tribe and disappointed because you are really different to the person that I fell in love with."
Natawa si Hunter. "Hindi ko alam kung saan ka disappointed. I don't get it. Ako din naman ang nasa drawing kaya sa akin na-in love." Naupo ito sa batuhan at hinawakan ang kamay niya at pilit na pinatabi dito na maupo.
Madilim na ang piligid. Tanging pagaspas ng mga dahon, huni ng kuliglig at lagaslas ng ilog ang pumupuno sa katahimikan ng paligid. Ang liwanag nila ay nanggagaling sa bilog at maliwanag na buwan at mga bituin sa langit.
"Correction, sa drawing ako na-in love at hindi sa iyo. Sabi ko nga, 'yung lalaking nakita ko kasi sa drawing, he was like perfect. The epitome of a real man. Strong, full of confidence, 'yung tipong kaya akong ipagtanggol sa lahat. Hindi ako makakaramdam ng takot kapag kasama ko siya. And every time I am looking at the eyes of that drawing, he would make my knees weak. His gaze takes me to a place where I can be understood."
Tumingin siya sa gawi ni Hunter at nakita niyang titig na titig lang ito sa kanya. Nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya. At nang tingnan niya ang mata nito, parang nakikita niyang nakatingin sa kanya ang drawing na minahal niya. The dark emerald eyes that staring at her and looking straight into her soul. Itong-ito iyon. The eyes that looking straight into her eyes taking her somewhere that she can be herself.
Ang pagkakaiba nga lang, buhay na buhay ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.
"Now tell me, ano nga uli ang difference namin ng Bathalang nasa drawing?" Hunter's gaze never left her face kaya siya na ang unang nag-iba ng tingin. Kasi parang nanginginig na ang tuhod niya.
"Basta. Ano ba?" Kahit siya ay hindi niya alam kung anong isasagot doon. "Teka, kung nandito ka sino ang kasama ni Suwana sa kubo mo? Don't tell me may magic ka din? You can be in two places at one time?" Alam naman niyang imposible iyon.
"Would you believe if I tell you that I didn't have sex for a long time now?" Seryosong-seryoso ang mukha nito.
Tumingin siya ng makahulugan dito. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Pero sobrang seryoso si Hunter.
"For real?"
Tumango ito at ngumiti ng parang nahihiya.
"Ulol. Sinong lolokohin mo? Ako? Ano 'yung mga sinasabi ng mga ka-tribo mo na ikaw ang may-ari ng mga babae dito? You can fuck them all. Anytime. Anywhere. Ginu-goodtime mo ba ako?"
"That's the truth. Para na akong babaeng tigang sa sex. I decided to practice celibacy after the incident when a teen was brought to me by her parents so I could take her virginity. I couldn't take that. My wife would kill me from her grave." Natawa si Hunter pero dama niya ang lungkot sa pagkakasabing iyon.
"What? Wife? What the fu- Who the hell are you?" Naguguluhan na si Amber sa naririnig niyang sinasabi ng lalaki.
"Hunter. That's my name. My wife was Aria and she died in an accident. She and our unborn child," napahinga ng malalim ang lalaki. "That's the reason I decided to stay here. The mountains remind me of her. We both love nature; we both love this kind of life. Sa bundok din kasi kami nag-meet and we fell in love. Siguro talagang buhay ko ang makakilala ng babae sa tuwing feeling ko walang silbi ang buhay ko. I met my wife when I was so low because I found out my girlfriend for ten years was cheating on me." Ngumiti ng mapakla si Hunter habang hawak ang palasingsingan at iniikot-ikot ang suot na singsing na yari sa jade tapos ay nagbato ng nahawakang maliit na bato sa ilog.
"Really? Ten years? What happened?" Nakuha talaga ni Hunter ang atensyon niya. Umayos pa siya ng upo para lalong mapaharap dito.
Napailing-iling ito. "She was a doctor. A good one. Pretty too. We were childhood sweethearts. You know, she came from a poor family and she worked hard to be on top and I really admired her for that. But then rumors were circulating that she was having an affair, sleeping with top officials of the hospitals to get her way on top but I didn't listen. I was so in love back then. Instead of listening to those rumors, I bought a ring and I decided that I am going to propose to her. I followed her in one of her out of the country conventions and there, reality hit me. I found her kissing some dude, a doctor and they were staying in the same hotel. In the same room and she was using the surname of that doctor. They were playing husband and wife." Napahinga ng malalim si Hunter at tumingin sa akin. "Ten years. I've loved the wrong person for ten years. So, I decided to leave."
Napalunok si Amber at wala siyang masabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa mukha ng lalaki at kitang-kita niya ng lungkot sa mga mata nito mula sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Ito. Itong mukha na ito ang minahal niya sa drawing. Those eyes were telling her something.
A broken soul.
"I came from a good family. A loving mother, a very good brother. We were close. But when my father died and all the responsibility will be left to me plus a broken a heart, everything fell apart. I ran away and didn't look back." Tumingin si Hunter sa ilog. "I decided to wander and find my purpose. I turned my back from a wealthy life, and I found new friends, new family, new love. That was Aria." Ngayon ay ngumiti na ang lalaki at kita niyang totoong kasiyahan na iyon. "We had everything in common that's why I loved her instantly. We got married in the mountains. In Mt. Pulag. She was six months pregnant back then." Bahagyang nabasag ang boses nito ng sabihin iyon. "She was full of life. Full of hope. She didn't know that I could give her a better life aside from hiking mountains. I remember she told me that she would stay with me everywhere I go. For richer or for poorer." Napayuko si Hunter at tuluyang napaiyak.
Hindi nakapagsalita si Amber at parang siya ay maiiyak na rin. Hindi niya alam kung paano niya mako-console ang lalaki.
Mabilis itong nagpahid ng luha at ngumiti sa kanya.
"Sorry. I haven't cried since the day of that accident. This is the first time that I am telling this to someone. Siguro kasi sabi mo nga, misunderstood ka so alam kong hindi mo naman iintindihin ang mga sinasabi ko. I just need to let this out because I've been keeping this to myself for so long."
"Sige lang. Handa naman akong makinig." Makikinig lang talaga siya dahil tingin niya, talagang kailangang-kailangan nito ang makakausap.
"I gave her our family heirloom. Dinala ko talaga iyon kasi sabi ko ibibigay ko iyon sa babaeng karapat-dapat para sa akin. But you know she didn't want it. She told me: 'we need to let go of our attachment to material things. What is important are those people that we meet along the way of our life's journey. Sometimes there are bumps, we will meet people that will hurt us, crush our spirits but there are people too that will lift you up and help you to move on.' I keep on remembering that because that was the first thing that she told me when we first met."
"Right there I knew she was the one. She got pregnant, we got married then the accident." Napabuga ng hangin si Hunter at napayuko. "She died and I lived. Unfair 'di ba? Sana ako na lang para nagkaroon man lang ng chance 'yung anak namin na mabuhay." Mabilis na pinahid ni Hunter ang mga luha niya.
Pinahid din ni Amber ang mga luha niya dahil talagang dalang-dala siya sa ikinukuwento ni Hunter.
"So, what is my purpose of living if the people that I love are no longer here? Then I found this tribe. They took me as one of their own. I found a life in here."
"You still have your family. Your mother. Your brother. And ano ang purpose mo? I think your purpose is to lead this tribe to a new hope. Ikaw ang pag-asa nila para maranasan nila ang bagong mundo. Hindi mo kailangang baguhin ang kultura nila. Ang kailangan mo lang gawin ituro sa kanila that change is inevitable, and they need to adapt to a new life." Pinilit niyang ngumiti kay Hunter. "Sabi nga ni Aria, there are people too that will lift you up and help you to move on. This tribe helped you to move on and you need to help them back."
Hindi sumagot si Hunter pero nanatili lang na nakatingin sa kanya.
"I'll help you. They will believe me pero dapat sa iyo muna manggaling dahil ikaw ang Bathala nila." Kinuha niya ang kamay ni Hunter at napalunok itong nakatitig sa mukha niya. "If she is alive, I know she would be proud of what you've become." Napatawa si Amber. "Parang ang lalim na ng usapan natin. Hindi ko pa nga alam kung sino ang kasama ni Suwana sa kubo mo."
Natawa din si Hunter at napailing. Hindi maiwasan ni Amber na tingnan ang mukha ng lalaki. Ngayon lang niyang nakitang parang ang liwanag ng mukha nito. Genuine ang pagtawa. Kita ang kislap ng saya sa mga mata.
"It's Hagway. They are lovers. Hindi lang puwedeng malaman ng magulang ni Suwana at siguradong papatayin si Hagway. Her parents bound her to me. They think if Suwana is one of my-"
"Whore," putol niya sa sinasabi nito kaya sinamaan siya ng tingin nito pero tumawa lang siya.
"They think they would have a long life because they offer their daughter to the Bathala."
"Na gustong-gusto mo naman." Inirapan pa niya ito.
"Alam mo, iniisip ko nagseselos ka na."
Nanlaki ang mata niya. "What? Anong nagseselos? Nag-aalala lang ako sa mga babaeng iyon dahil baka sinasamantala mo."
"I am telling you, kung may nasamantala, ako iyon." Tumatawa pa rin si Hunter tapos ay tumingin sa paligid. "We need to get back. Hagway cannot be seen going out from my hut with Suwana. Dadanak ang dugo."
Tumayo at nagulat siya ng pagpagin ni Hunter ang pang-upo niya para matanggal ang mga dumi doon.
"Marumi kasi. Now it's clean. Let's go." Nagpatiuna na itong maglakad.
Napakagat-labi naman siya pero sa kalooban niya ay para siyang hindi makahinga dahil sa kilig. First time na may gumawa ng ganoon sa kanya. First time niyang ma-feel na may umintindi sa kanya kahit maliit na bagay lang iyon.
"Thanks for listening. I felt relieved. Akala ko ikaw ang maglalabas ng sama ng loob." Alam niyang ang pagdumi ang tinutukoy nito.
Natawa si Amber. "Maliit na bagay."
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang sabay silang bumabalik papunta sa tribo. Hindi maiwasan ni Amber na tingnan ang lalaki habang naglalakad ito.
That face.
It's the same face that she saw in the drawing. The one that she's been looking for.
It's the same face that she fell in love with.
At parang hindi na talaga siya sa drawing in-love.
In love na yata siya sa totoong Bathala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top