CHAPTER TEN
Pakiramdam ni Amber ay hihimatayin na siya sa takot. Ilang inches lang ang layo ng sibat na iyon sa kanya. Alam niya, sinadyang hindi sa kanya pinatama. Tinakot siya nila Hagway para lang kumilos siya.
Mga walanghiyang iyon. Talagang tutuliin ko sila para makaramdam naman sila ng takot. Sigurado ako lahat sila dito ay mga supot!
Gustong-gusto iyong isigaw ni Amber. Hindi lang siya isang beses na muntik nang masibat. Dalawang beses siyang sinibat kaya lalo lang umaapaw ang galit niya. Galit at takot dahil pakiramdam niya, isang maliit na pagkakamali ay talagang ikakamatay na niya.
"Calm down. Nothing will happen to."
Ramdam niya ang marahang paghaplos ni Hunter sa buhok niya habang nakayakap. Umiyak siya ng umiyak sa balikat nito dahil dito siya nakakaramdam ng safety. Pangalawang beses na itong iniligtas siya ng lalaki mula sa mga Dasana.
Unti-unti siyang kumakalma pero malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Hindi na dahil sa muntik na pagkasibat sa kanya kundi ramdam niya ang hubad na katawan ng lalaki habang nakayakap. Pareho silang hubo't-hubad sa ilalim ng tubig.
Malamig ang tubig. Parang yelo sa lamig pero hindi niya nararamdaman iyon. Napaurong siya nang maramdaman na parang may kung anong dumapo sa mga hita niya mula sa ilalim ng tubig at nanlalaki ang mga mata na lumayo kay Hunter.
"What?" Nagtatakang tanong nito dahil kitang-kita ang takot sa mukha.
"M-may ahas yata sa ilalim ng tubig." Hindi siya gumagalaw at nakikiramdam lang. Naisip niyang baka nakaligtas nga siya sa sibat, sa tuklaw naman ng ahas siya mamatay.
"Ahas?" Luminga-linga ang lalaki tapos ay tiningnan ang tubig. "Walang ahas-" saglit itong napaisip tapos ay pilyong ngumiti. "Don't worry. My snake doesn't bite."
Napakunot ang noo niya dito. Hindi maintindihan ang ibig sabihin.
My snake doesn't...
Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya nang ma-realize kung anong ibig sabihin nito. Ang ahas na tinutukoy nito ay si Junjun.
Napabuga siya ng hangin at iniiwas ang tingin sa lalaki. Napalunok siya nang maalala na naghubad nga pala ito sa harap niya at kitang-kita niya ang itinatago nito.
Hindi pa galit pero nakakatakot na. Parang ayoko nang makita si Junjun kapag nagalit.
Hindi na niya alam ngayon kung ang kaba na nararamdaman niya ay takot dahil kina Hagway o dahil baka matuklaw siya ng ahas ni Hunter.
Sinundan niya ang tinitingnan ng lalaki at nakita niyang nakatingin sa gawi nila sila Hagway.
"Hindi ba sila aalis?" Asiwang-asiwa na siya. Ayaw niyang may ibang tao na nanonood sa kung anuman na gagawin nila ng lalaki.
"They won't go anywhere until we do the ritual." Marahan pa nitong hinaplos ang mukha niya.
Napa-ehem siya dahil sa ginawa nito. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Ganito ba ito sa lahat ng mga babae? Sabagay, naisip niyang sanay naman siguro ito na sinasamba ng mga babae.
"What do we need to do?" Pilit niyang ipinakita na kalmado siya sa harap nito.
"You need to clean me, and I need to clean you back." Kaswal na sagot nito.
"Ano pang linis ang gusto nilang makita? Nandito na nga tayo sa tubig. Lunurin natin ang sarili natin dito hanggang luminis tayo. Ano pa ang kailangan?" Talagang naguguluhan na siya.
Hindi sumagot si Hunter at kumuha ng tubig gamit ang mga kamay at inihaplos sa mukha niya. Paulit-ulit nitong ginagawa na parang nililinis ang mukha niya tapos ay bumaba sa leeg, pababa sa dibdib.
Hindi siya gumagalaw. Nakikiramdam lang siya. Hindi talaga niya maramdaman ang lamig ng tubig. Tanging ang bawat paghaplos lang ni Hunter sa katawan niya ang nararamdamn niya.
"Relax. I won't touch your private parts. We just need to show them that we're doing it here." Napahinga ng malalim ang lalaki. "You need to be clean to be worthy to me."
"Worthy? So, kapag hindi naligo hindi na worthy sa iyo? Mukhang bang naliligo 'yung mga babae sa tribo 'nyo? And you fucked them all." Nainis yata siya nang maisip na lahat na ng mga babaeng Dasana ay natikman ni Hunter.
Natawa ito at patuloy lang sa ginawa. Hinawi pa nito ang mahaba niyang buhok para malinis ang balikat niya.
"You think I fucked them all?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Hindi ba? Ikaw na nga ang nagsabi na sila na mismo ang nag-o-offer ng sarili nila sa iyo. So, you liked it here because you can have a free fuck?"
Sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Believe it or not, I didn't fuck them all. You think I am going to fuck Apo Ingkang? Maaawa ka naman sa akin. And I told you, choosy pa din ako. I only fucked three women here and they are not in their teens. They are full grown women. Hindi ako mapagsamantala."
Inirapan niya ang lalaki dahil hindi siya maniwala sa sinasabi niya.
"Ikaw? Palalampasin mo ang ganoong pagkakataon? Mukhang na-adapt mo na ang animalistic side ng tribe tapos aarte ka pa?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta alam ko tatlo lang sila. It was like a regular thing. They know already when I need to release myself. Suwana, Bantang and Lisang. Those are their names."
"Buti hindi mo sila nabubuntis?" Halatang-halata sa boses ni Amber na curious siya.
"I know how to practice safe sex."
Napasinghap si Amber nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa bewang niya at bahagya pa siyang hinapit palapit dito. Napalunok siya dahil naramdaman yata niya ang buhay na ahas ni Hunter.
"Y-yung ahas mo baka manuklaw." Ngumiwi siya dito at lumayo ng konti.
Ang lakas ng tawa nito.
"Nakakita kasi ng makinis saka maganda." Kumagat labi pa ito at nagpatuloy sa paghaplos ng likuran niya.
Ramdam ni Amber na nag-init ang mga pisngi niya. Kinilig yata siya sa narinig.
He thinks I am pretty?
Pero agad ding nawala ang kilig na nararamdaman niya nang maisip na kaya lang siya maganda sa paningin ni Hunter dahil siya ang kakaiba dito sa tribo.
"You really tried to find me because you saw me in a book?" Ngayon ay seryoso na uli si Hunter. Kinuha nito ang mga kamay niya at parang tinuturuan na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinapahaplos din ang dibdib.
Alanganin siyang ngumiti at nanginginig ang mga kamay na binabasa ng tubig ang balikat nito hanggang sa dibdib.
Hindi yata makahinga si Amber. Damang-dama kasi niya ang muscles ni Hunter. Ang titigas. Gusto yata niyang pisilin ng konti.
"Ginawa 'nyo rin ba ito ni Venci?" Gusto niyang mawala ang kung anuman na lumulukob sa kanya kaya nag-isip siya ng kung anong puwedeng itanong.
"Venci? Who's that?" Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha ng lalaki.
"'Yung lalaking napunta dito. 'Yung nagsulat ng article about sa tribo 'nyo. 'Yung nag-drawing sa 'yo."
Lumiwanag ang mukha ni Hunter. "So, his name was Venci. Siyempre hindi. Bakit ko naman siya papaliguan?"
"I thought this is a ritual and you do this to everyone who invades your tribe."
"Sa iyo pa lang kasi ikaw pa lang ang unang babae na napadpad dito. Pinagaling mo pa ako. They thought you are a healer and you have superpowers." Kumindat pa si Hunter sa kanya.
"Superpower my ass. Kung may superpowers ako, kanina pa nakabulagta ang dalawang lalaking bantay natin."
Napangiti si Hunter at muling tumingin sa kanya.
"You really fell in love with my picture?" Paniniguro pa nito.
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Masyado na yatang lumaki ang ulo nito dahil alam na tipo niya ang lalaki.
"Huwag kang masyadong feeling, Bathala. Doon ako sa drawing na-inlove at hindi sa iyo. Sa drawing kasi iba ang ipinapakita mo. Siguro dahil galing iyon sa imagination ni Venci. Iyon ang gusto niyang i-project. I fell in love with the person on the drawing."
"So, you're saying you're disappointed?"
Napahinga siya ng malalim. "Parang."
"Bakit parang? Anong disappointing? Mas pangit kasi ako sa personal? Iyon ba?"
Tumingin siya sa mukha ni Hunter at parang nagsisisi siya sa ginawang iyon. Grabe kasi ang titig ng lalaki sa kanya. Para siyang tinutunaw.
"Please don't look at me like that." Saway niya dito.
Ngumiti ito. "Why? What's wrong?"
Kasi malapit na akong matunaw!
Iyon ang gusto niyang isagot. Lalo pang inilapit ni Hunter ang katawan sa katawan niya at ang mukha nila ay ilang pulgada na lang ang layo. Napalunok siya lalo na nang makita niyang nakatingin ito sa mga labi niya.
"Please remember this is all part of the ritual."
Bago pa makasagot si Amber ay naramdaman na niya ang pagdapo ng labi ni Hunter sa mga labi niya.
At tuluyan na nga siyang natunaw.
----------------------
Kissing was not part of the ritual.
Alam ni Hunter na hindi niya dapat na ginagawa ito dahil hindi ito kasama sa ritwal na sinasabi ni Apo Ingkang. Ang dapat lang nilang gawin ay linisin ang kanilang mga sarili gamit ang tubig sa ilog. Iyon lang. Pero hindi niya matiis na hindi iyon gawin dahil parang nag-aanyaya ang mga labi ni Amber.
Her lips were so soft. She was kissing him like it was her first time. He pulled her closer to him to feel her warm body and it felt right.
He never felt this connection to anyone before. Not with Jean. Not with Aria.
He felt Amber's kisses was taking him back to some place he wanted to forget.
Home.
Doon siya parang natauhan at bumitiw kay Amber. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito at parang natatarantang lumayo sa kanya.
"We're done." Sabi niya at lumakad papunta sa pampang. Mabilis niyang isinuot ang pantabing sa katawan niya.
Parang naguguluhan naman si Amber na dahan-dahan ding naglakad para umahon sa ilog. Mabilis din itong nagbihis.
"'Y-yun na 'yung ritual? Tapos na? Hindi na nila ako iihawin?" Ramdam niyang nag-aalala pa rin ito sa maaaring mangyari.
Umiling siya. "It's over. Wala na sila Hagway. Bumalik na sila kay Apo Ingkang para mag-report. You're safe." Nauna na siyang maglakad at nakasunod lang ang babae sa kanya.
"Madali lang naman pala. So, kissing was the last rites? Kissing the bathala would save me." Paniniguro ni Amber at napapatawa. "Puwede ko palang gawin sa tuwing maiisip nilang gawin akong porkchop hahalikan lang kita?"
"They won't hurt you I promise that." Nauna pa rin siyang maglakad kasi ayaw niyang tumingin muna sa mukha ni Amber. At hindi na niya gagawin na halikan muli ang babae. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Baka may mga nakakagulat pang ritual na susunod, ha? Inform mo naman ako para hindi ako nabibigla. Baka mamaya meron na lang biglang gumilit sa leeg ko at sabihin sa akin na parte pa rin ng ritwal iyon."
Umiling ako. "Wala na. This is the last one."
"Hindi mo ba nami-miss ang buhay sa city?" Alam niyang nakasunod pa rin sa kanya ang babae.
"Minsan."
"Hindi mo naisip na bumalik?" Lumingon siya kasi parang lumayo ang boses ni Amber sa kanya. Nakita niyang nakatungo ito sa malalagong halaman na nadaanan nila at inamoy-amoy iyon. "Are these marijuana leaves?" Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
Lumapit siya dito at hinawakan sa kamay para ilayo doon.
"Huwag mong galawin iyan. That's sacred in this place." Saway niya dito.
"Ang dami. If Xavi and Jet see this, parang nasa heaven ang mga iyon." Napapapalakpak pa si Amber sa excitement.
"Who are Xavi and Jet? Boyfriends? Two timer ka?"
Malakas siyang hinampas sa braso ng babae.
"Two timer ka diyan. Bestfriends ko ang mga iyon. You know, I belong to a different society. Misunderstood adults. Our families don't understand us kaya kami-kami ang magkakasama." Muling nilingon ni Amber ang mga dahon. "Ang dami talaga."
"Don't think of pulling a single leaf from there. Trust me it will cost your life."
Lumabi si Amber sa kanya.
"Bakit? Alam mo ba, medical plant iyan. Ginamit lang sa masamang bagay ng ibang mga tao. Bakit nga legal sa America? It can relieve pain. It can cure seizures and other sickness. And between shabu and that leaf, I think I'll choose the leaf."
Umiling siya. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw talaga niyang may ibang tao ang makaka-diskubre ng tribo ng mga Dasana. Maraming tanim na ganitong halaman dito at kapag nalaman ng mga taong mapagsamantala, sigurado siyang masisira ang lugar na ito. Kalaban na nga nila ang mga illegal loggers. Pati ba naman drug addicts, makakalaban pa rin nila.
"Just don't touch anything. Okay?" Hinila na niya ang kamay ng babae para makabalik sila sa tribo.
Pagdating doon ay agad silang sinalubong ng mga nagsasayang mga Dasana. Alam na niyang nakapag-report na si Hagway na tagumpay ang ritwal na ginawa nila. Si Amber ay nilalapitan ng mga kababaihan at hinahampas-hampas ng mga pinatuyong dahon. Isa lang ang ibig sabihin noon. Isa na siyang Dasana.
Nakita niyang lumapit dito si Apo Ingkang at sinuotan ng kuwintas mula sa mga pinatuyong bunga ng isang puno. Nagtatanong ang tingin sa kanya ni Amber dahil naguguluhan ito sa mga nangyayari. Tumango lang siya dito at sumenyas na sumunod na lang.
Napahinga siya ng malalim at napakamot ng ulo. Parang isa na namang problema ang ibinibigay noon sa kanya.
Si Amber pa lang ang babae dito sa tribo na binigyan ng ganoong kuwintas ni Apo Ingkang.
At iisa ang ibig sabihin noon.
Kailangan niyang buntisin ang babaeng akala ng buong tribo ay isang babaylan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top