CHAPTER SIX




May pagmamadali sa bawat pagkilos ni Amber.

Itinaktak niya ang laman ng first aid kit niya sa papag habang pasulyap-sulyap sa walang malay na bathala. Tiningnan niya ang mga gagamitin niyang panggamot sa mga sugat. Ininspeksyon din niya ang buong katawan. Maraming galos. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang katawan nito at napalunok siya. Ang tigas ng dibdib. Ang lusog ng mga muscles sa dibdib. At ang tiyan. Kahit hindi naka-flex, halata niyang lalabas din ang abdominal muscles kapag ginalit.

Parang ayaw na nga niyang kumilos at gusto na lang niyang maghapong haplusin ang katawan ni Bathala.

Malakas na tapik ang nagpagulat sa kanya at inis na tiningnan ang gumawa noon. Si Hagway. Sinira pa ang moment niya. Pagkakataon na nga naman niyang mahawakan ang lalaking pinapangarap niya may kokontra pa.

"Makatulak. Ito na nga gagamutin na," inirapan pa niya ito at muling itinuon ang pansin sa lalaki.

"Bakit mo hinahaplos ang katawan ng Bathala namin? Ang may karapatan lang gumawa ng ganyan sa kanya ay ang mga pag-aari niyang babae," seryosong-seryoso ang pagkakasabi noon ni Hagway.

She rolled her eyes and took the bottle of Hydrogen Peroxide.

"Ganoon? May ganoong effect? Mga pag-aari niyang babae?" Pakiramdam niya ay talagang nagkukukot ang dibdib niya sa narinig. Pag-aaring mga babae? Pati ang mga babae sa tribo na ito ay pinatos ng lalaking ito? Bakit? Dahil araw-araw ay may mga nakaparadang boobs?

"Lahat ng kadalagahan dito ay ibinibigay ang sarili kay Bathala. Isang malaking karangalan kung mapipili na makasiping ni Bathala at lahat ng mga binibini sa tribo ay iyon ang pangarap," sagot pa ni Hagway.

Tiningnan niya ang walang malay na lalaki. Parang wala naman sa mukha nito ang mahilig sa babae. Ang amo-amo ng mukha. Ang perpekto nga. Napangiwi siya nang maisip na maraming babae ang nakakasiping nito sa tribo. Sa tingin pa naman niya sa mga tao doon ay once a month lang kung maligo. Parang mali ang naisip niya. Tingin niya, once a year lang kung maligo.

"Buhayin mo siya." Bahagya pa siyang itinulak muli ni Hagway.

"Oo na. Hilig manulak," reklamo ni Amber at inihanda ang mga gagamitin niya. "Ikuha mo ako ng mainit na tubig at normal na tubig. 'Yung hindi naman mainit."

Mabilis na tumalima si Hagway at nag-utos sa mga bantay na naroon. Ilang sandali ay dumarating na ang mga hiningi niya. Kumuha siya ng gauze at inilagay sa maligamgam na tubig. Saglit siyang nag-concentrate tapos ay binasa ang gauze at ipinahid sa mukha niya. Nilinis ang katawan na puno ng putik.

"Ano ang iyong ginagawa? Bakit hindi mo pa binubuhay ang aming Bathala?" May pag-aalala sa boses ni Hagway.

Tumaas ang kilay niya dito. "Hello? Siyempre maglilinis muna ako. Dapat malinis ang nurse saka mabango kasi baka magising ang patient." Patuloy siya sa paglilinis ng sarili niya. Hindi niya maatim ang amoy niya. Pakiramdam niya ay amoy imburnal siya.

Tumahimik naman si Hagway pinabayaan na siya sa ginagawa niya.

Doon na nag-concentrate si Amber. Nilinis muna niya ang mukha ni Bathala. Marahan na marahan ang bawat paghaplos niya. Gusto niyang namnamin ang moment na ito. Sa bawat paghagod ng gauze ay nawawala ang mga dumi at dugo at doon lumalabas lalo ang guwapong mukha. Mas guwapo ito sa personal kumpara sa sketch na minahal niya. Tingin niya ay mas lalo niyang minamahal ngayon ang lalaki. Grabe ang kabog ng dibdib niya.

Sinunod niyang linisin ang katawan niya. Maraming galos. May mabababaw na mga sugat at napakunot ang noo niya ng mapansin na walang tigil sa pagdudugo ang bandang tagiliran nito. Pinahid niya ng wet gauze. Ganoon pa rin. Tiningnan niyang Mabuti ang sugat.

Flesh wound galing sa isang tama ng baril.

Napakunot ang noo niya. Tama ng baril? Pero puro sibat ang nakikita niya na hawak ng mga taong gubat dito. Saan manggagaling ang tama ng baril?

Mabilis niyang tinapalan iyon ng gauze para maampat ang pagdurugo. Medyo malaki ang sugat. Kailangan ng suture. Tiningnan niyang muli ang mga gamit kung meron nga siyang dalang pantahi ng sugat. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mayroon naman. Ang first aid kit kasi niya ay bigay ng daddy niya. Knowing her dad, parang boy scout iyon. Laging handa.

Hindi man siya nagtrabaho sa ospital pero may firsthand experience naman siya sa ospital. Nag-duty din siya ng dalawang taon dahil kailangan iyon para makatapos siya. Marami na rin siyang naranasan na mga ganito at minsan na silang nag-immersion sa isang mahirap na lugar, natuto silang mag-suture ng mga maliliit na sugat kahit hindi sila doctor dahil kulang na kulang ang mga manggagamot sa community na iyon.

Tumingin siya sa paligid niya at kita niya ang pagkamangha sa mukha nila Hagway dahil sa ginagawa niya. Wala naman na isip niya ang magpakitang-gilas pa sa mga ito. Ang gusto niya ay mailigtas niya si Bathala at baka sakaling magising, maisipan pa siyang ibilang sa mga babae nito.

Ang gaga mo, Amber. Ayusin mo 'yang ginagawa mo at alalahanin mo, buhay mo ang nakataya diyan kapag hindi mo napagaling ang Bathala mo.

Napabuga siya ng hangin. May naka-ready nga siyang pang-sutures pero wala naman siyang local anesthesia. Pero sa tingin naman niya, mukhang hindi na mararamdaman ng lalaki ang sakit. Ang dami nga nitong tattoo kaya iindahin pa ba nito ang ganitong parang kagat lang ng langgam?

Bumuga siya ng hangin at inumpisahan ang pagtahi sa malaking sugat. Nagulat siya ng bahagyang gumalaw ang lalaki pero maya-maya ay huminto na rin. Hindi naman nagising.

Para siyang nakahinga ng maluwag at ipinagpatuloy ang ginagawa. Tumingin siya sa suot ng lalaki. Pinatuyong dahon din ang pinaka-saplot nito na tumatabing sa private part. Napakagat-labi si Amber. Naisip niyang kung iangat kaya niya ng konti? Matutuwa kaya siya sa makikita niya?

Gusto na niyang tumili sa sobrang excitement. Tingin pa naman niya ay wala talagang ibang saplot ang lalaki kundi ang dahon lang na iyon.

"Bakit hindi ka pa kumikilos? Tumalima ka, mabilis!" Naramdaman na naman niyang tinulak siya ni Hagway.

Sinamaan niya ito ng tingin. Kung puwede lang na ito ang tahiin niya ay ginawa na niya. Sayang kasi ang pagkakataon. Pero naisip niya, marami pang ibang pagkakataon. Pasasaan ba at makikita din niya si JunJun.

------------

Damn, that hurts.

Napangiwi si Hunter nang gumalaw. Napakasakit ng katawan niya. Automatic na napahawak siya sa kanyang tagiliran. Napakasakit doon. Hindi na niya iniinda ang ibang mga sugat niya sa katawan dahil walang kuwenta ang mga iyon kumpara sa sakit na nararamdaman niya sa tagiliran niya.

Napamura siya ng maalala ang nangyari.

Damn those illegal loggers.

Aksidente lang kasi ang pagkakatagpo niya sa mga illegal loggers na iyon. Naghahanap sila ni Ambot ng baboy ramo para maipakain sa buong tribo nang makita nila na naghahanda ang mga lalaking iyon sa pagpuputol ng puno. Narra tree na sa tingin niya ay daang taon na ang edad. Agad silang lumapit ni Ambot at pinigil ang mga ito. Pero mabilis silang sinaktan ng mga lalaki. Sinaksak si Ambot at siya ay ganoon din. Hindi sila nagpatalo ni Ambot. Lumaban sila. Ang alam niya, napatay ni Ambot ang isa kaya may nakita siyang dumukot ng baril at pinaputukan sila pero nakailag sila. Doon nataranta ang mga lalaki dahil nagdatinginan ang iba nilang kasama. Ngunit bago umalis, pinaputukan siya at tumama nga sa tagiliran niya.

Gun shot wound. He knew he wouldn't survive here because of the shot. Walang gamot sa tama ng bala dito sa tribo.

Napakunot ang noo niya nang tingnan ang tagiliran. May gasa? This tribe doesn't know how to wash themselves properly tapos may gasa? Saan galing ito?

Tiningnan niya ang sarili at pansin niyang malinis na ang buo niyang katawan. May mga gamot ang maliliit na sugat at may mga small bandage ang ilan.

Pinilit niyang bumangon at napakagat-labi pa sa sakit na nararamdaman. Tiningnan niya ang paligid at napansin niyang narito siya sa kanyang kubo.

His home for more than a year already.

The tribe that instantly became his family. He loves the nature. He loves the serenity that it gives to his being.

After that tragic accident that killed his wife Aria and their baby, he chose to stay away from the crazy life of the city.

He chose to remain dead from his family.

Ayaw na niyang bigyan pa ng another heartbreak ang mama niya at ang kapatid niyang si Bullet. Alam naman niyang maayos na ang buhay nila. Okay na iyon na nagluksa sila sa kanyang pagkamatay at least ngayon, hindi na sila aasa na babalik pa siya.

At paano nga ba siya napunta sa tribo na ito?

All he can remember was the accident. He hit his head so hard and after the bus fell to a ravine on the way to Sagada, the side of the bus was broken, and he was thrown outside. He sustained several wounds and broken bones. It was chaos. He can remember the nightmare. He was trying to look for Aria, but he couldn't find her. There were lots of dead people everywhere. Until the help came. He was given a first aid then he was being travelled to Manila when another incident happened. The ambulance was carjacked by members of NPA. He was thrown out from the ambulance and he was left for dead along the highway. He heard someone said, he was not going to survive anyway.

He didn't know how long he stayed there. No cars passing by. No help. He was ready to die. He thought, what's the purpose of living if his purpose was already gone? But destiny has some other plans for him.

Before he passed out, a group of people carried him. And when he woke up, he was in this tribe. And the people keep on calling him Bathala.

Natatawa si Hunter sa tuwing maaalala iyon. Ang totoo, puwedeng-puwede naman niyang lisanin ang lugar na ito. But he fell in love with the place. The virgin forest, the greenery. The peace that he felt. Parang naramdaman niyang nawala ang bigat ng dibdib niya dahil sa pagkawala ni Aria. Naisip niyang kung buhay ang babae, magugustuhan din nito ang lugar na ito.

Hindi niya alam kung bakit siyang tinatawag na Bathala ng mga tao sa tribo. Halos sambahin siya ng mga ito. Bawat sabihin niya ay batas na sinusunod. Nagustuhan na rin naman niya ang ganitong buhay. At gusto din niya ang pakiramdam na natuturuan niya ang mga ito.

Tribo Dasan. Ang tawag sa mga tao dito ay mga Dasana. Long lost tribe sa Central Luzon na hindi talaga nakakaranas ng sibilisasyon. May ilang nagtangkang bumaba ng bundok pero hindi nila kaya ang mabilis na pagbabago ng panahon. Nalulula sila sa bilis ng buhay sa ibaba ng bundok kaya dito pa rin sila nananatili. Tago sa mga tao. Ligtas sa magulong mundo.

Sa paglipas ng mga panahon, unti-unti nasasakop ng mga illegal loggers ang gubat dito. Hindi iisang beses lang na may mga nahuhuli sila. Wild ang mga Dasana. Handa silang pumatay para sa kanilang kaligtasan. At ganoon din ang gagawin niya para sa mga taong ito. Handa rin siyang pumatay at mamatay para lang hindi sila mapaglaruan ng mga tao.

Pinilit niyang bumangon at napansin niya ang ilang mga gamit na gasa, mga bulak na may dugo pa. Bote ng alcohol, Betadine. Hydrogen Peroxide? Kailan pa nagkaroon nga mga ganitong bagay dito sa tribo?

Kahit nananakit ang buong katawan ay talagang tumayo siya. Napabuga siya ng hangin sa sakit ng katawan na nararamdaman. Hanggang sa makita niya ang isang babae na tulog na nakasalampak sa isang sulok. Nakasabog ang mahabang buhok. Duming-dumi ang suot na t-shirt at naka-panty lang. Nakagapos pa ang mga kamay.

Who could this be? Another person who wanted to invade this tribe? Bakit hindi pa pinatay ng mga Dasana?

Lumapit pa siya at tiningnan itong maigi. He was so sure the woman was from the city. The boots. Sigurado siyang pang-hiking ito. Napatiim-bagang siya. May naligaw na namang mountaineer sa tribo. Talagang ayaw tumigil ng mga tao sa panggugulo sa lugar. Ayaw tantanan ang nananahimik na tribo na ito.

May pinalampas na siyang isa. Pumayag pa nga siyang ikuwento dito ang tungkol sa tribo at pinakawalan niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya papayag na may manggulo pa sa tribo na minamahal na niya.

This time, this woman will face the Dasana tribe and they would decide for her fate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top