CHAPTER SEVENTEEN
Tama ba ang narinig niya?
Kuha pa nga ako ng isa para naman mabango pa rin ang bibig ko kapag hinalikan mo ako.
Sigurado si Amber na iyon ang narinig niyang sinabi ni Hunter.
"Anong sabi mo?" Gusto niyang masiguro na iyon nga ang narinig niya.
Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki.
"Bakit? May sinabi ba ako?" Nagtatanong ang tingin nito sa kanya. Itsurang naguguluhan sa tanong niya. Walang tigil ito sa pagnguya ng mint leaves.
Parang nahiya naman siyang ulitin ang sinabi nito. Baka sabihin masyado siyang asumera. Pero sigurado talaga siyang sabi ni Hunter na gusto nito ay mabango ang bibig kapag hinalikan uli siya.
Yumuko si Amber at napakagat-labi para itago ang gustong sumilay na ngiti. Gusto siyang halikan ulit ni Hunter? Parang bet din naman niya. Naalala kasi niya, kahit sabog siya noon sa pinakuluang mary jane ni Apo Ingkang, ramdam niya ang sarap nitong humalik. Ang lambot ng labi. Napaka-gentle humalik. Feeling nga niya noon, first time niyang mahalikan kahit naman may experience na rin siyang halikan ng opposite sex. Iba kasi ang paraan ng paghalik ni Hunter. Hindi 'yung parang mauubusan. Mabagal. Ninanamnam.
"Do you still want more mint leaves?" Tanong pa nito sa kanya.
Napipilitan siyang ngumiti dito. Marahang pinahid ang mga labi kasi pakiramdam niya ay nararamdaman na naman niya ang labi ni Hunter sa labi niya.
"Ah- s-sige. Magbabaon ako," pumitas siya ng maraming dahon. Mabuti na 'yung handa siya.
"Ako din," pumitas din ito ng maraming dahon.
"B-balik na tayo sa tribo," gustong pagalitan ni Amber ang sarili niya. Bakit ba siya parang natataranta? Naalala lang niya ang halik ng lalaki ay para na siyang hindi mapakali.
"You go ahead. I need to check the area first. Minsan kasi kapag mga ganitong oras may mga naliligaw na illegal loggers dito sa paligid."
Tumango-tango siya at pilit na pilit pa rin ang ngiti. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nangangalog ang tuhod niya sa harap ni Hunter. Pumitas ito ng ilang malalaking dahon mula sa isang puno at tinali-tali tapos ay ipinatong sa dibdib niya at sa pang-ibaba niya. Itinali nito ang mga dahon sa katawan niya para magkaroon siya kahit paano ng saplot. Noon niya na-realize na hubad nga pala siya sa harap nito.
"Since you are going to teach them how to be a decent people, hindi na siguro tama na lagi kang hubad sa harap ko at harap nila."
Alam ni Amber na namumula ang mukha niya dahil ramdam na ramdam niya ang pag-iinit noon kaya pinilit na lang niyang tumawa.
"I-ikaw din naman," iniiwas niya ang tingin na makita si Junjun. Kahit naman ilang beses na niya itong nakita at nakipagkilala na nga sa kanya, hindi pa rin niya makayang tingnan iyon.
Natawa si Hunter at pumitas din ng dahon at ibinalot din sa katawan.
"Comfortable now?" Itsurang nanunukso ang mukha nito.
Tumango na lang siya at napabuga ng hangin. Bakit ba pakiramdam niya ay biglang uminit ang paligid?
Sumeryoso ang mukha ni Hunter at humarap sa kanya. Napalunok siya nang maramdaman na hinawakan nito ang mukha niya at inayos ang mga buhok na tumabing sa kanyang mukha. Marahan pang hinaplos ang pisngi niya.
"I promise, it won't happen again. I am sorry about that. I am sorry if you felt that you were disrespected, and you didn't enjoy your first time. Alam ko naman na mahalaga iyon sa iyo at gusto mong ang taong mahal mo ang makakuha noon." Titig na titig ito sa mukha niya.
Napalunok siya at nakatitig lang sa mukha ni Hunter. Bakit ba hindi niya magawang magalit sa lalaki kapag ganito na ang mukha nito? Ito kasi ang mukha na minahal niya sa drawing at natatakot siya sa nararamdaman niya ngayon para dito.
Pinilit na lang niyang tumawa at marahang lumayo sa lalaki. Baka kasi bigla na lang niyang sagpangin ito at tikman ang bibig na amoy at lasang mint leaves.
"Nag-usap na tayo 'di ba? It happened. And it was just a piece of skin so, hindi naman na issue."
Gaga! Anong hindi issue? Kanina lang nagwawala ka dahil sa nalaman mong may nangyari sa inyo ng lalaking iyan. Ang dami mo na ngang monologue mula sa pagbubuntis mo hanggang sa maging serial killer ang magiging anak mo.
Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng lalaki habang nagtatalo na naman ang isip niya.
Nag-enjoy ka naman kaya huwag ka ng umarte diyan. Aminin mo na kasi, talagang hibang na hibang ka kay Bathala.
"Shut up." Mahinang saway niya sa sarili niya.
"What? You said something?" Nagtatakang nakatingin sa kanya si Hunter.
"W-wala. Wala. Sige. Mauna na ako. Turuan ko na munang maging mabango ang tribo mo. Hindi ko talaga kinakaya ang perfume nila na amoy imburnal. Buti na lang hindi pa ganoon ang amoy mo. Saka wala kang putok 'no? 'Yung kay Hagway, nananapak. Paano kaya kinakaya iyon ni Suwana? Sabagay, pareho lang naman sila ng amoy." Napangiwi pa siya.
Lumapad ang ngiti ni Hunter at lumabas ang pantay-pantay na mga ngipin kaya napangiti din siya. Ngayon kasi niya napansin na parang ang saya-saya ng mukha ng lalaki. Pati ang mga mata nito ay tumatawa na.
Ilusyon mo lang 'yan. Natatawa siya sa iyo kasi gaga ka.
Naisip niyang okay lang kung naging gaga man siya. At least, hindi din naman siya lugi kay Hunter. Hotness naman kasi talaga. Napakagat-labi siya habang pasimpleng tumataas-baba ang tingin niya sa katawan nito. Ang ganda ng mga legs. Parang ang lalakas. Nagsisisi na yata siya at sinaway pa niya ito sa pagiging hubad. Sana hindi na lang niya pinaglagay ng dahon. Na-miss niya agad yata si Junjun.
Pinigil niya ang mangiti sa kilig at nagpaka-pormal sa harap ng lalaki.
"S-sige. Mauna na ako. Kita tayo mamaya?" Lumayo na siya dito at humakbang na.
Tumango lang si Hunter at nakangiting nakatingin sa kanya.
Hindi niya inaalis ang tingin dito habang naglalakad. Ang guwapo kasi talaga. Hindi na tuloy niya napansin ang isang nakausling bato kaya natapilok siya. Mabuti na nga lang at hindi siya tuluyang natumba. Mabilis siyang tumayo ng diretso para hindi masyadong mapahiya.
"Okay lang ako. Okay lang." Pinilit niyang tumawa na parang walang nangyari.
"Are you sure? Hindi ka nasugatan?" Nag-aalalang tanong ni Hunter.
Kumumpas siya sa hangin. "Wala. Bato lang? Nako. Malayo sa bituka," ngiting-ngiti pa rin siya kahit na nga pakiramdam niya ay namatay na yata ang kuko sa hinlalaki niya. "S-sige. Mauna na ako. Bye."
Napabuga pa si Amber na tumalikod na at umalis. Nahihiya siya sa sarili niya.
Ang landi mo! Ang landi-landi mo!
Gusto iyong isigaw ni Amber habang naglalakad. Pasimple siyang lumingon at nakita niyang sinusundan pa rin siya ng tingin ni Hunter kaya lalong parang nagdiriwang ang puso niya.
Oo na! Aamin na ako. Mahal ko na si Bathala. Hindi ang drawing na Bathala kundi ang totoong Bathala. Ang guwapo!
Itinakip niya ang dalawang kamay sa bibig para hindi marinig ng kung sino ang mga tili niya.
----------------
Hunter cannot take off the smile from his face while looking at Amber.
For the longest time, he felt alive again and that was because of her. Her presence made him realize something.
He needed someone who would help him to lead this tribe to progress. Ayaw lang niyang gawin noon dahil iniisip niyang hindi niya kaya. Hindi nga niya maayos ang buhay niya tapos
isang tribo pa ang aayusin niya. But with Amber's guts, her leadership quality, tingin nga niya mas may karapatan pang maging leader ng mga Dasana ang babae.
Nang makita niyang malayo na si Amber ay lumakad siya palayo at tinungo ang isang malaking puno ng balete. Luminga-linga pa siya at ng masigurong walang iba tao, may kinuha siya mula sa loob noon na plastic. Naroon ang ilang mga piraso ng damit at gamit na nakukuha niya sa mga naliligaw na mountaineers at illegal loggers. Napahinga siya ng malalim habang kinukuha ang isang cellphone mula doon.
Matagal na iyong nakatago. Itinago niya in case of emergency. Inayos niya ang telepono. Tinungo niya ang isang spot na alam niyang may cell signal at tiningnan ang nag-iisang numero na nakalagay doon.
Napabuga siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan na iyon.
Jacob Ramirez.
Palakad-lakad lang siya habang hawak ang telepono at iniisip Mabuti kung tama ba ang gagawin niya. Hindi na niya inaasahan na magagamit niya ang telepono na ito.
Muli siyang bumuga ng hangin at idinayal ang number na nasa contacts.
"Hello?"
Hindi agad siya nakasagot ng marinig ang boses ng kaibigan. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya pero pinigil niya ang emosyon.
"Jake." Sigurado siyang gulat na gulat na ito sa binanggit niyang pangalan.
Wala siyang sagot na narinig pero alam niyang parang natataranta ang nasa kabilang linya.
"Who is this?" Seryosong-seryoso ang boses ng lalaki.
"Jake it's me."
"Fuck you. Don't you prank me because I can find whoever you are. The only person that was calling me that name is already dead. So, don't fuck with me." Ramdam na ramdam niya ang galit sa tono ng boses nito.
"I am not fucking with you. It's really me, Hunter."
Hindi nakasagot ang nasa kabilang linya. Parang hinihingal pa nga sa pagkabigla sa narinig. Alam niyang hindi madaling mapapaniwala ang lalaki sa sinasabi niya kaya kailangan niyang papaniwalain ito.
"Tayong dalawa lang ang nakakaalam nito. You're the one who bought the ring for Jean. White gold with diamonds and sapphire stone. You bought that in Australia in one of your trips to visit your family. Your mom was sick back then. No one knew about that except me."
Matagal bago sumagot ang kausap niya. Parang pina-process ang sinabi niya.
"H-hunter? Is that really you?" He felt relieved. He felt that Jacob was believing him.
"Yes. And I am calling to ask for a favor."
"Anything, man. Oh my God. You are an asshole, you know that? Shit! You are alive!" Parang nanginginig pa ang boses ni Jacob. Tingin niya ay parang naiiyak.
"I'm sorry. I-I just need to do that."
"Hindi ko alam kung paano paniniwalaan ni Tita Frances at ni Bullet ito. This is fucking miracle. You know, there are lots of-"
"Jake, I am not going home." Putol niya sa sinasabi nito.
"What? What do you mean you're not going home? Hunter, your mom and your brother were devastated when you died. Anong hindi ka uuwi?" Halatang nag-iba ng tono si Jacob.
"It's a long story. I'll explain some other time. I just need your help right now for my people."
"What? Anong my people? Don't tell me pinuno ka ng isang tribo kaya ka nawala." Natatawa na ito sa kanya.
"Yes. I am." Seryosong sagot niya.
Unti-unting nawawala ang malakas na tawa ni Jacob na naririnig niya sa kabilang linya.
"For real? You're not joking?" Paniniguro nito.
"I'm not. I just need your help. Could you provide my people some things that they need?"
"Shit, Hunter. What kind of shit are you into?" Narinig niyang napabuga ng hangin ang kausap.
"Deep shit. I cannot just leave this people. They are my people and they helped me survive."
"At nakaya mong ipagpalit ang pamilya mo para sa mga taong bundok? Maiintindihan ko pa na lumayo ka lang ng ilang taon dahil broken hearted ka o you're looking for something else. But pretending you're dead to your family? That's a fucking low blow. Alam mo, unfair ka. Sa ibang tao, magaling kang tumulong. Pero sa totoo mong pamilya, wala ka talagang pakielam. Anong ginawa mo sa kapatid mo? Iniwan mo basta. Naka-hang na hindi alam ang gagawin sa negosyo 'nyo? You don't know what shit happened to your brother. You don't know what happened to your mom. She almost died when she learned that you're dead. Tapos buhay ka naman pala at mas pinili mong sumama sa kung sinong mga tao?"
Parang nakukunsensiya siya sa sinasabi ni Jacob kaya hindi siya nakapagsalita.
"You're fucking selfish, man." Galit na ang tono ni Jacob. "Don't worry, I won't tell this to anyone. Hindi kita hahanapin. Hindi kita papakielaman sa trip mo. Bahala ka. Just text me what you need. You're dead to me anyway. Iyon naman ang gusto mo 'di ba?"
Busy tone na ang narinig ni Hunter mula sa kabilang linya.
Naisuklay ni Hunter ang mga kamay sa buhok at parang nanghihinang napaupo sa isang batong naroon.
Nang dahil lang sa isang babae, nasira ang lahat ng mga plano niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top