CHAPTER SEVEN
Ungol ba ang naririnig ni Amber?
Hindi. Humm? Mga huni?
Pinilit niyang gumalaw pero hindi niya maikilos ang katawan niya. Noon niya napansin na nakatali siya sa isang puno gamit ang makakapal na ugat ng halaman.
Nataranta si Amber. Bakit siya nakatali? Tumingin siya sa paligid at ang daming mga taga-tribo na nasa harap niya. Mga nagha-humm. Umuusal ng kung anong salita na hindi niya maintindihan. Sa harap niya ay may isang malaking bonfire. May mga kawayan na nakatusok.
Tuluyang napaiyak si Amber. Gagawin na yata siyang lechon. Hindi ba nabuhay si Bathala? Pero sigurado siya na hindi mamamatay ang lalaking iyon. Ilang beses niyang chineck. Paulit-ulit. Siniguro na wala siyang mami-miss na gamutin sa mga sugat sa katawan ng lalaki. Buhay na buhay ng iwan niya.
Nakita niya si Hagway na nakatayo malapit sa apoy. Inaayos ang mga nakatusok na kawayan. Halatang naghahanda para sa kung anong iiihaw doon.
"Hagway! Walanghiya ka! Matapos kong gamutin ang bathala 'nyo gagawin 'nyo pa akong inihaw na liempo!" Galit na galit talaga siya sa lalaki. Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakatali sa kanya.
Tumingin lang ito sa kanya tapos ay hindi rin siya pinansin. Tiningnan niya ang mga miyembro ng tribo at pawang mga nakatingin ang mga ito sa kanya. Mga babae, bata. Mga mababagsik na lalaking may mga hawak na sibat.
Lord, patawad na po talaga. Promise kung makakaligtas ako dito, hindi na talaga ako mai-inlove sa drawing.
Paulit-ulit iyong binibigkas ni Amber. Nagulat siya ng biglang may ibinagsak na patay na hayop sa harapan niya. Wild pig yata iyon. Kulay itim. Nanlaki ang mata niya ng parang walang anuman na sinaksak iyon sa tiyan ng isang taga-tribo at hiniwa. Binulatlat ang tiyan at inilabas ang lahat ng mga laman-loob.
Pakiramdam niya ay babaligtad ang sikmura niya. Kahit naman sanay siyang makakita ng parang mga kinakatay na tao sa OR noon, iba pa rin ito kasi para lang talagang naghihiwa ng kung ano ang lalaki. Nagkalat ang mga intestines ng baboy. Sinala pa ang dugo na dumadaloy sa patay na hayop.
Naisip niya kung ganoon din ba ang gagawin sa kanya? Sayang naman ang pagpapaderma niya. Ang pag-inom ng mga supplements. Ang lingguhang body scrub. Once a month massage sa spa. Tapos kakatayin lang din siya na parang baboy? Hindi ganito ang pinangarap niyang maging ending ng buhay niya.
"A-ano ba ang kasalanan ko? Ginawa ko naman ang mga sinasabi 'nyo." Umiiyak na sabi ni Amber.
Lalo siyang kinabahan nang lumapit sa kanya ang lalaki dala ang isang lalagyan na laman ang dugo ng baboy. Napapikit siya ng ibuhos ang dugo sa kanyang ulo. Siguro ay orasyon ito bago siya gawing panghain sa piging. Lalo lang siyang napahagulgol ng iyak ng maramdaman niyang hiniwa nito ang suot niyang t-shirt. Tanging bra at panty na lang ang suot niya sa harap ng mga taga-tribo. Kita niya sa mukha ng mga ito ang pagkamangha dahil sa nakikitang suot niya. Parang ngayon pa lang sila nakakita ng underwear. Napasigaw na siya ng tuluyang hiwain ng lalaki ang suot niyang bra tapos ay isinunod ang panty niya.
Ngayon lang talaga siya nakaranas ng ganitong klaseng humiliation sa buong buhay niya. Kakatayin na nga lang siya, ipinahiya pa siya ng sobra.
Sabay-sabay nag-humm ang mga taga-tribo. May ilang sumisigaw pa at parang nagdadasal sa langit. Tatlong babae ang tumayo sa harap niya. Ang isa ay may hawak na parang palanggana, ang isa ay mga pinatuyong dahon at ang isa ay parang mga pinunit na tela.
Hinampas-hampas ng pinatuyong dahon ang buong katawan niya bago niya naramdaman na kinalagan siya. Naisip niyang tumakbo na lang para makatakas pero ang daming nakabantay na lalaking puro sibat ang dala. Baka limang hakbang pa lang ang nagagawa niya, puno na ng tama ng sibat ang katawan niya.
Naramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ng isang babae at hinila papunta sa kung saan. Saan ba talaga siya kakatayin? Kasunod nila ang dalawang babae na panay ang hampas ng dahon sa katawan niya. Naiinis na nga siya kasi nangangati na ang katawan niya.
Sa ilog siya dinala. Nilinisan siya. Tinanggal ang lahat ng dumi sa katawan. Ganito nga siguro sila dito. Bago iluto ang kakainin, nililinis muna.
Sa isip ni Amber ay kung ano-ano na ang pumapasok. May matitira pa kaya sa katawan niya? Kahit man lang hinliliit sana para naman may mailibing ang pamilya niya.
Sumunod na lang siya sa mga gustong mangyari ng mga ito. Matapos siyang paliguan, pilit siyang pinasuotan ng pinatuyong dahon para maitakip sa private parts niya. Bumalik sila sa tribo at naabutan niyang naka-ihaw na ang kanina lang ay kinakatay na baboy. Sigurado siyang siya na ang susunod doon.
"K-kakatayin 'nyo na ba ako? Namatay ba talaga si Bathala? Hindi ko ba siya nagamot?" Nanginginig ang boses niya sa sobrang takot.
Nagtinginan lang ang mga babae at hindi nagsisagot. Hinawakan siya sa kamay ni Hagway at dinala sa isang kubo. Doon na nga siguro siya kakatayin.
Yakap-yakap ni Amber ang sarili niya habang tumitingin sa paligid. Hindi ito ang kubo kung saan niya ginamot si Bathala. Maayos ito. Malinis. Mabango nga. Amoy ng mga pinatuyong bulaklak ang paligid.
Lumakad siya at tiningnan ang mga naroong gamit. Papag na yari sa binuong kawayan. Mga pinatulis na kawayan. Sa isang sulok ay naroon ang camping bag niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman ginalaw ang mga iyon. Intact pa din. Agad niyang kinuha ang bag niya at hinanap ang cellphone. Ini-on. Gustong magtatalon sa tuwa ni Amber nang mag-on iyon pero agad ding nawala ang excitement niya. Wala namang signal. Napabuga siya ng hangin at inis na itinapon sa papag ang cellphone. Kumuha na lang siya ng damit na maisusuot. At least makakapagpalit siya ng damit hindi itong dahon ang suot niya. Pero naisip niya. Paano pa siya magpapalit ng damit kung mamamatay din naman siya?
Napapikit si Amber nang maramdaman niyang may pumasok sa kubo. Hindi siya gumalaw. Hindi siya lumingon. Kung anuman ang kapalaran niya ngayon, tatanggapin na niya.
"Who are you?"
Napadilat si Amber. Tama ba ang narinig niya?
English? May nag-i-english na taga-Tribo?
-------
Mula sa malayo ay kita ni Hunter kung ano ang ginagawa ng mga Dasana sa dayuhang dumating sa tribo. Pinabayaan niyang ang mga ito ang magdesisyon kung ano ang gagawin sa babae. Kung pakakawalan ba, gagawing miyembro ng tribo o kamatayan ang ipapataw. Marami ang nagsasabi na kamatayan ang ibigay dahil nangahas ito na pumasok sa tribo Dasan. Pero sabi ni Apo Ingkang, ang pinakamatandang Dasana ay ito daw ang gumamot sa kanya at bumuhay kaya hindi kailangan patawan ng kamatayan. Kahit naman bathala ang turing sa kanya ng mga Dasana, pinapakinggan pa rin ng mga ito ang sinasabi ng matanda.
Si Apo Ingkang ang nagdesisyon na gawing miyembro ng tribo ang babae. Isa daw itong babaylan at kayang bumuhay ng patay. Nagawa nga daw siyang buhayin. Pero ang tingin niya, marunong lang sa first aid ang babae kaya siya nagamot.
Kitang-kita niya ang takot sa mukha ng babae. Iyak ito ng iyak habang pinagmamasdan ang ginagawa dito. Binuhusan ng dugo galing sa hayop, inorasyunan, hinubaran at pinaliguan sa ilog. At ang pinakahuli ay ihaharap sa kanya. Dinala ito sa kanyang kubo pero iniisip niya kung pupuntahan na ba niya.
All he ever wanted was peace. Pero bakit ba hindi iyon maibigay ng mga tao? Bakit kailangan na mayroon pang mga dayuhan na ganito na manggugulo sa tahimik nilang mundo?
Napahinga ng malalim si Hunter at tumayo. Abala ang mga Dasana sa paghahanda para sa piging. Katatapos lang kasing sunugin ang bangkay ni Ambot. Maraming nalungkot sa pagkamatay ng isa sa pinakamatapang na Dasana. Nanghihinayang din siya dahil sa tingin niya kung magkakaroon man ng lider ang tribo na ito, si Ambot ang maaaring pumalit sa kanya.
Walang kilatis niyang tinungo ang kubo. Tiningnan na muna niya ang nakatalikod na babae na tanging pinatuyong dahon lang ang suot. Normal na damit ng mga Dasana ang pinatuyong mga dahon at hinahabi para maging damit. Paikot-ikot ang babae na parang iniinspeksyon ang kubo. Parang natuwa nang makita ang camping bag. Agad na binuksan at may kinuha. Cellphone. Natawa siya. Kahit naman may cellphone ito, hindi rin magagamit dahil walang signal.
Lalo siyang lumapit para mas mapagmasdan itong maigi. Napataas ang kilay niya. Well, she got nice curves. Skin looks soft. Well-toned body. Ngayon na lang uli siya nakakita ng makinis na babae mula ng tumira siya sa bundok. At hindi mabaho. Kahit walang pabangong gamit, umaalingasaw ang natural na amoy babae. Hindi katulad nang magising siyang amoy imburnal ito.
"Who are you?"
Kita ni Hunter na natigilan ang babae sa ginagawa. Hindi na nga nakagalaw. Gusto niyang makita kung pagharap nito ay maayos pa rin ang itsura.
Dahan-dahang humarap sa kanya ang babae. Napa-hmm siya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Kung maganda ito habang nakatalikod, mas maganda ito ng humarap. Nagmamalaki ang tayong-tayong mga boobs na gustong kumawala sa nakatabing na dahon. Talagang makinis nga. At hindi rin magpapatalo ang ganda ng mukha. Mukhang mataray but it suits her personality. Mas nakadagdag pa nga ng appeal nito.
Kita niyang para itong nakahinga nang maluwag nang makilala siya. Parang mapapaiyak pa nga.
"Buhay ka?" Titig na titig ito sa kanya at talagang tinitingnan ang kabuuan niya.
Tiningnan niya ang sarili.
"Yeah. Thanks to you." Lumapit pa siya dito at nakita niyang bahagya itong napaatras.
"Relax, I won't bite." Sagot niya at naupo sa papag. Napangiwi siya at nahawakan ang kumirot na tagiliran.
"B-bathala? I-ikaw si Bathala 'di ba?" Paninigurado nito at talagang sinisipat-sipat pa ang mukha niya.
"Yeah it's me. Who are you and what are you doing here?" Napabuga siya ng hangin. Makirot talaga at nang tingnan niya ang tagiliran niya ay puno ng dugo ang gasa.
Parang naguguluhan ang mukha ng babae.
"Nag-i-english ka? 'Di ba taong bundok ka?"
Natawa siya at napakagat-labi.
"Just answer me who the hell you are and how did you get here?"
Napalunok ang babae at parang matutunaw ang itsura sa harap niya.
"A-aksidente lang na napunta ako dito. Nagha-hike kami tapos may aksidente kaya nahulog ako tapos nakita ako ng mga tulisan mo." Ngumuso pa ito sa kanya. "Pero ikaw talaga si Bathala 'di ba? Bathala Dimakulu?"
Tumango siya.
"Pero bakit marunong kang mag-english?" Gumalaw ito at may kinuha sa bag. Isang libro at binuklat iyon tapos may ipinakitang litrato sa kanya. "Ikaw ito 'di ba?"
Tiningnan niya iyon. Mahina siyang napamura nang makita ang mukha sa sketch. Gusto niyang huntingin ang lalaking sumulat ng article na ito. Sinabi na niyang hindi puwedeng magkaroon ng kahit na anong litrato mula dito sa tribo.
"How did you get this?" Binabasa niya ang nakasulat sa article at napapatango-tango siya. Tama naman ang mga nakasulat. Naipaliwanag ng husto ang tungkol sa buhay ng mga Dasana. Maganda ang pagkakakuwento ng sibilisasyon ng tribo.
"I bought that from a rare bookstore. Nakita ko 'yung litrato at na-curious ako." Nakita niyang bahagya pang namula ang mukha ng babae ng sabihin iyon.
Kumunot ang noo ni Hunter. "Na-curious ka sa isang picture? My picture?"
Napakamot ng ulo ang babae. "Gusto ko lang malaman kung totoong nag-i-exist ka. And you are. You're here." Ngumiti na ito sa kanya.
Napangiti din siya. Maganda ngingiti ang babae. Cute ang dalawang maliit na dimple sa ilalim ng mga labi. Magaganda ang puti at pantay-pantay na ngipin.
"So ngayong nakita mo na ako, anong gagawin mo?" Isinara niya ang libro at pahagis na inilagay sa papag.
"H-hindi ko alam. A-ano nga ba? Saka bakit talaga marunong kang mag-english?" Tingin niya ay hindi ito makapaniwala na may ibang lengguwahe siyang alam.
Umayos siya ng upo sa papag at muli itong tiningnan.
"For starters, what you need to do is to strip naked." Diretsong nakatingin siya sa mukha nito.
Kumunot ang mukha ng babae na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"H-ha? Ano?"
"Strip naked. Remove your clothes. Maghubad ka."
Ang litong mukha nito ay unti-unting nagiging mataray.
"Ano? Anong maghubad? Nababaliw ka ba? Kahit type kita hindi ako maghuhubad sa harap mo. Virgin pa ako"." Niyakap pa nito ang sarili para proteksyunan mula sa kanya.
Napatawa siya at napailing.
"You like it or not, you need to do that. That's the last part of the rites to become a Dasana. You need to sleep with the Chief. The Bathala, and that is me."
Napaawang ang mga labi nito at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.
"Gago! Manyakis kang animal ka! Anong akala mo sa akin? Easy to get? Rites-rites! Ayoko namang maging parte ng tribo 'nyo. Gusto lang kitang makita dahil na-love at first sight ako sa drawing mo pero hindi ako makikipag-sex sa 'yo!" Ang lakas ng boses ng babae. Galit na galit ito.
Pinipigil niya ang sariling matawa pero talagang gusto na niyang humalakhak sa itsura nito.
Tingin niya ay kumukuha lang ng buwelo ang babae. Nang makakita ng pagkakataon ay mabilis itong tumakbo palabas ng kubo. Hindi na rin naman niya hinabol. Prente lang siyang nakaupo sa papag at sumandal sa dingding.
She can run all she wants but will still end up here.
Dahil kahit ayaw niya, ang mga taga-Tribo mismo ang magdadala ng babae sa kanya.
Kailangan niyang kumpletuhin ang ritwal ng tribo lalo na nga at unang pagkakataon na may babaeng naligaw sa tribo nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top