CHAPTER ONE
"PEOPLE MAY HATE YOU FOR BEING DIFFERENT AND NOT LIVING BY SOCIETY'S STANDARDS. BUT DEEP DOWN, THEY WISH THEY HAD THE COURAGE TO DO THE SAME."
"Amber, sa totoo lang malapit ka ng matabunan nitong mga libro mo dito. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakabili ng mga libro? Baka inaanay na ang iba dito."
Tiningnan niya lang ang kaibigang si Xavi na umiikot sa kuwarto niya at iniisa-isa ang mga librong patong-patong sa mesa at sa paligid ng kanyang silid. Inilabas niya sa dalang eco bag ang mga lumang libro na nabili niya sa Recto. Talagang ginalugad pa nila ang kahabaan ng Carriedo para lang makita ang rare bookstore na iyon na nakita niya sa Facebook.
"Iyan na nga lang ang nagpapasaya sa akin sisitahin mo pa. Books make me happy. Reading makes me knowledgeable in some things. Palibhasa ikaw mahilig ka lang manood ng porn," sagot niya dito at sumalampak siya sa kama niya at inisa-isang ininspeksyon ang mga libro. Karamihan sa mga iyon ay hard to find at talagang hindi mabibili kung saan. Lumang-luma na talaga at kailangan ng ibayon pag-iingat para hindi masira.
"Hey, I am an artist and a nude painter to be exact so I need to look for my subjects all the time. And besides, watching porn is normal. Hindi naman dahil nanonood ako ng porn ay malibog na ako. I am watching it to look for the anatomy of the body of those pornstars. You know? I can visualize their boobs, their pussies, those male genitals. And I can paint them correctly," sagot niya sa akin at dumukot ng sigarilyo sa bulsa niya at nagsindi.
Ngumiwi siya sa kaibigan.
"Please remind me paano kita naging kaibigan?" Parang nandidiri siyang lumayo sa lalaki.
Natawa si Xavi. "Kasi ako na lang ang nagtitiyaga diyan sa mga trip mo. May iba ka pang kaibigan? Tingin nila sa iyo ay nababaliw ka na dahil sa pagiging obsessed mo sa mga engkanto."
"I am not being obsessed, okay? I am researching for facts that those creatures do exist. Saan nanggaling ang mga kuwento tungkol sa kanila kung hindi sila totoo? Ano 'yun? Usapang lasing lang? Parang trip na tara imbento tayo ng kuwento at paniwalain natin ang mga tangang tao. Ganoon ba 'yun?" Inirapan niya si Xavi at dinampot ang isang libro na ang nakasulat sa cover ay Mundo ng mga Bathala. Sinipat-sipat ni Amber ang makapal na libro at talagang itsurang pinaglumaan na ito ng panahon.
Naiiling na tumingin sa kanya si Xavi kaya hindi na lang niya pinansin. Matagal na silang magkaibigan ng lalaki. Since grade school ay magkasundo na silang dalawa dahil magkaibigan naman ang kanilang mga magulang. Sobrang magkasundo sila sa lahat ng bagay siguro kasi pareho silang outcast sa pamilya. Tingin sa kanila ng pamilya nila ay mga patapon dahil kaysa sa tumulong sa negosyo ng pamilya ay mas ginusto nila ang maging ganito. Si Xavi ay tapos ng kursong Mechanical Engineering pero mas ginusto nitong maging painter. Alam naman niyang ang magulang lang ng kaibigan ang pumili sa kursong kinuha nito dahil bata pa lang sila, Fine Arts na ang gusto nitong kuhaning kurso. Pamilya ng mga engineers si Xavi kaya alam niyang masama ang loob ng mga magulang ng kaibigan na hindi nito ginamit ang kursong natapos.
Ganoon din naman siya. Kilalang mga doktor ang magulang niya. Her dad is the famous Dr. Ulysses Teodoro who is a well-known fertility doctor in the country. Hindi na niya mabilang ang mga sikat na artista at mayayaman na naging pasyente ng daddy niya. Her mom Dr. Gem Teodoro is also an OB-GYNE. Dalawa silang magkapatid at ang nakakatanda niyang kapatid na si Dr. Alvin Teodoro ay isang anesthesiologist. Siya? She graduated BS Nursing pero two years na siyang graduate ay hindi pa rin siya tumutuntong sa ospital para magtrabaho. She passed the board exam. Certified RN siya pero hindi talaga niya ginamit ang pagiging RN niya. Ayaw niya sa medical field. Mas gusto niyang kunin noon ang kursong AB History pero hindi siya pinayagan ng mga magulang kaya napilitan siyang mag-nursing.
"Are you and Tito Uly talking now?" Pinatay ni Xavi ang hawak na sigarilyo sa inihanda niyang ashtray para kaibigan.
Umiling lang siya at binuklat ang kaharap na libro. Two weeks na silang hindi nag-uusap ng daddy niya.
"Siraulo ka din kasi. Napahiya nga naman ang daddy mo. Director ng hospital ang mag-i-interview sa iyo pero hindi mo sinipot. Inuna mo pa ang book hunting sa Maginhawa," naiiling na sabi ni Xavi.
"I don't want to be a nurse. Sila lang ang may gusto noon. Iba ang gusto ko," sagot niya.
"Alin? Ang mag-ghost hunting? Maghanap ng mga engkanto at bathala sa bundok," natatawang sabi ni Xavi.
"Gago totoo sila. Hindi ako nababaliw."
"Epekto 'yan ng kakasama mo kay Jet, eh. 'Yung isang 'yun hardcore fanatic ng mga supernaturals. Pati impiyerno nga inaaral na 'nun. Gusto daw niyang dalawin," ang lakas ng halakhak ni Xavi. "Seriously, Amb you need to pull your shit together. Baka isang araw malaman ko na lang diwata ka na sa bundok."
Binato niya ng nahawakang bote ng tubig ang kaibigan.
"Seriously. I've experienced ghosts. Ilang beses na dito. Sanay na akong laging may kumakaluskos dito sa kuwarto ko. I am not afraid of them. Mga kaluluwa lang iyon na kulang sa dasal kaya linggo-linggo nagsisimba ako at pinapadasalan ko ang mga kaluluwa sa purgatoryo para kasama na lahat ang mga ligaw na kaluluwa doon. Well, nagsawa din sila. They are not bothering me anymore."
Nakita niyang tumingin sa paligid ng kuwarto si Xavi at sumeryoso ng mukha.
"May multo dito?"
Tumawa siya. "Oo. Nandiyan nga sa likod mo, o."
Mabilis na lumingon si Xavi at ang lakas ng tawa niya kasi wala naman siyang nakikita doon. Ang totoo, wala naman talaga siyang nakikita na mga multo. Mas takot pa siya sa totoong tao kasi mas may kakayahan ang mga iyon na manakit.
"You're crazy. Kakasama mo 'yan sa séance ni Jet kaya kung ano-anong entity ang nakikita mo." Sinamaan pa ako ng tingin ni Xavi.
Muling dumukot ng sigarilyo si Xavi at nagsindi. Sanay na siyang nag-aamoy sigarilyo ang kuwarto niya kapag nandito ang kaibigan. Natatabunan naman iyon ng amoy ng mga libro niya doon at gustong-gusto niya ang amoy ng mga libro. Parang nakaka-adik lalo na kapag bagong bili.
"Go ka ba sa next painting session ko? The guys were asking," tanong nito.
"Nude?" Paniniguro niya.
"Of course. Nude painter nga ako 'di ba? Saka ilang beses ka na bang nag-model sa akin ng nakahubad. Hindi naman ako interesado diyan sa katawan mo. You're not even my type," parang nandidiri pa si Xavi ng sabihin iyon.
"Kapal ng mukha mo. Ang sabihin mo inggit ka lang sa boobs ko. Bakit kasi hindi ka pa mag-come out. We are best friends and maiintindihan ko naman," sabi niya.
Sumeryoso ng mukha si Xavi.
"I know I am different but I am straight. Hindi ko lang talaga hilig ang babae." Sagot ni Xavi.
"Pero marami kang babae. Linggo-linggo iba-iba ang kasama mo," natatawang napapailing siya sa kaibigan. Dahan-dahan niyang binubuklat ang hawak na libro at binabasa ang mga nakasulat doon. Tagalog ang pagkakalimbag ng libro. Mga mitolohiya tungkol sa Filipino Folklore. May mga sketches ng mga gods and goddesses na parang Greek Mythology.
"You are really fascinated by them," sabi ni Xavi.
Pero hindi niya pansin ang kaibigan. Napatutok ang pansin niya sa isang sketch ng isang Bathala na natagpuan niya sa pahina 34.
Bathalang Dimakulu.
Iyon ang nabasa niyang pangalan ng lalaking bathala sa sketch na naroon. Bathala ng gubat sa bundok at nangangalaga sa kalikasan at mga hayop. Iniisip niya kung sino ang nag-sketch nito. Kung drawing man, napakaguwapo ng pagkakagawa. Napaka-perpekto nung mukha. It was just a sketch pero kitang-kita niya ang chiseled jaw at pointed nose ng drawing ng lalaki. Ang mata ay nangungusap kahit na nga pencil and charcoal lang gamit sa pagkakaguhit.
"Hoy. Pinapakinggan mo ba ang sinasabi ko? Sabi ko okay na ba sa iyo ang one thousand per student na bayad. Ten to fifteen ang student ko so malaki-laking tf iyon."
Hindi niya pinakinggan ang mga sinasabi ni Xavi. Tutok na tutok ang atensyon niya sa kaharap na libro. Bathalang Dimakulu. Sino siya? Sa dami ng nabasa niya tungkol sa mga myth ng Pilipino ay ngayon lang niya nabasa ang tungkol dito.
"Ano bang nangyayari sa iyo at para kang namatanda diyan?" Lumapit sa kanya si Xavi at tiningnan ang librong hawak niya. "Oh fuck me. Alam mo, Amber parang alam ko na kung bakit obsessed ka sa mga gods ang goddesses. Eh, ang guwapo niyan. Wala kang makikitang lalaking ganyan ka-perpekto sa totoong buhay. Talagang sa libro lang sila nag-i-exist." Napapailing pa si Xavi.
Inirapan niya ang kaibigan.
"Look at the article. This is very recent. Last year lang 'to and the writer really knows what he is talking about. I think this Bathala Dimakulu exists." Sabi niya at nakatitig sa sketch ng lalaki sa libro.
"For real, Amber? You like the sketch? They don't exist."
Hindi siya kumibo at nanatiling nakatingin sa drawing na nasa libro. Binabasa niya ang article na nakita doon.
"He is the chief god of this tribe Tibuklu. It says here that the tribe exists for over hundreds of years and wala pang kahit na sinong nakakapasok sa tribe nila. They kill those researchers that tried to invade their tribe," seryosong paliwanag niya.
"So walang real account na nag-i-exist 'yan? Ang article na 'yan ay bunga ng malikot na imahinasyon ng isang writer. Do you need to believe in everything that you read?" Tingin ko ay gusto na ni Xavi na pilipitin ang leeg ko.
"Books are made para may mabasa ang mga tao. Para maipaliwanag ang mga nangyayari tulad ng mga nangyari noong unang panahon. This is about history. This is about our rich Filipino culture na nakakalimutan na ng mga tao. Gods and goddesses existed at hindi natin kailangang kalimutan sila dahil naging parte sila ng mundo natin." Sa totoo lang kaya kahit minsan ay hindi sila nagkakasundo ni Xavi ay mas gusto pa rin niyang kasama ito kesa sa iba niyang kaibigan. Madalas silang nagtatalo ng best friend pero sinasakyan nito ang trip niya.
"Ikaw na nga ang nagsabi. Existed. Noon. They existed noon. Bakit ka maniniwala sa librong 'yan na may bathala pang nag-i-exist ngayon? Wala ng parte ng Pilipinas ang walang cellphone. 'Di sana lumabas na 'yan sa social media," sagot nito sa kanya.
Hindi na kumibo si Amber at muling tinitigan ang libro. She can't take off her gaze to the sketch of Bathala Dimakulu. His beautiful perfect face, his toned body na sobrang detalyado ang pagkakagawa.
It was love at first sight.
She can't believe that she fell in love to a sketch.
And she will find out if this Bathala still exist kahit pa akyatin niya ang pinakamataas na bundok ng Tibuklu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top