CHAPTER NINE
Napakislot si Amber nang maramdaman na para siyang napahilik. Agad siyang nagmulat ng mata at mabilis na pinahid ang bibig dahil parang may laway na tumulo doon.
Pero hindi siya agad makagalaw dahil may mabigat na bagay ang nakadagan sa katawan niya.
Noon niya naalala na dito nga pala siya natulog sa kubo ni Bathala. Napalunok siya at pinakiramdaman ang sarili. Naaalala niya, nagtatalo sila kagabi. Hindi daw siya puwedeng lumabas ng kubo dahil papatayin siya ng mga miyembro ng tribo kung hindi makikipag-sex kay Bathala.
Pero alam naman niyang hindi nila ginawa. Hindi naman siya ginalaw ng lalaki. Lalo siyang nakiramdam nang maramdaman niya ang mainit na hininga sa bandang balikat niya. Parang may ulong nakasubsob doon.
Tiningnan niya ito at para namang tinunaw ng kung ano ang puso niya nang makita ang natutulog na mukha ni Bathala. Napakagat-labi pa si Amber at sinamantala ang pagkakataon na matitigan ang mukha nito.
Juskolord. Napaka-perfect ng mukha niya. Ilong pa lang ulam na.
Pinigil niya ang sarili na haplusin ang mukha nito. Tingin niya ay tulog na tulog ang lalaki at parang ngayon lang nakatulog ng mahimbing. Bahagya pa itong gumalaw at lalong nagsiksik sa kanya. Dumantay pa ang mga hita sa hita niya at ang braso sa tiyan niya.
Gusto nang sumigaw ni Amber. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa kilig. Hihimatayin na yata siya. Parang hindi na siya makahinga.
Kumalma ka, Ambrosia. Kumalma ka! Takot na takot kang ma-rape pero ngayon kinikilig ka pa na nakapulupot sa katawan mo ang lalaking iyan?
Naloloka na yata siya dahil pati ang sarili niyang isip ay pinapagalitan siya.
Oo na! Aamin na ako. Marupok ako! Hindi ako magpapa-rape sa kanya pero hindi ko din naman palalampasin ang pagkakataong ito.
Iyon ang sagot niya sa kanyang isip. Feeling niya para siyang si Tom ng Tom and Jerry cartoons. 'Yung laging may angel at devil na nagtatalo sa isip. Ganoon na ganoon ang nangyayari sa utak niya ngayon.
Napalunok siya at bumaba ang tingin sa leeg ni Bathala. Ang ganda ng adam's apple. Ang ganda ng shape ng leeg.
Parang ang sarap dilaan.
Nanlaki ang mata niya sa naisip na iyon at napapikit at pigil na pigil ang sariling tumili. Mahina siyang napabuga-buga ng hangin dahil parang kinakapos na talaga siya ng hininga sa sobrang kilig niya.
Bumaba pa ang tingin niya sa dibdib nito. Nakita na naman niya ito noong ginamot niya at napansin niya ang ilang maliliit na peklat at mga sariwang sugat. Pero ang pectoral muscles. Galit na galit. Kahit walang gym dito sa bundok, toned na toned ang upper body. Ang ganda ng collar bone. Iniangat niya ang kamay at marahang hinaplos kunwari ang collar bone ng lalaki pero siniguro niyang hindi didikit iyon. Ayaw niyang magising ito at mapagbintangan siyang nagsasamantala.
Muling kumislot si Bathala at lalo pang sumiksik sa kanya. Napaungol pa ito nang lalong isiksik ang mukha sa leeg niya. Napapikit nga siya kasi pakiramdam niya parang inaamoy-amoy pa nito ang leeg niya tapos ay parang may sinasabi.
He sleep talks? Cute.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Ang flat na flat na tiyan. Bakas pa nga ang abdominal muscles na sa tingin niya ay inalagaan sa exercise. Ang tanging nakasuot lang sa lalaki ay tapis na nagtatago ng private nito. Naisip niya si Junjun. Dahan-dahan siyang umusog para bumaba ng konti ang tapis ng lalaki at makita kung ano ang itsura ni Junjun.
Gaga ka talaga, Amber. Takot na takot kang ma-rape pero inaabangan mo naman ang Junjun ni Bathala.
Napabungisngis siya ng impit. Kung puwede lang siguro talagang magsalita ang isip niya, malamang kanina pa siya sinermunan.
Napahinga siya ng malalim at nakangiting tumingin sa kisame ng kubo. Ano na nga kaya ang mangyayari sa kanya dito? Nakita na niya si Bathala. Totoong nag-i-exist. Pagkatapos nito ay ano na? Sa totoo lang, bago siya magdesisyon na hanapin si Bathala, hinanda na niya ang sarili niya. Kung magkakaroon ng pagkakataon na ibigay ang sarili dito ay hinanda na niya. At least, gusto niya ang magiging first time niya.
Pero ang nangyari kahapon ay iba. What happened yesterday was just like a business proposal. She was expecting something special. 'Yung kahit paano ay may kilig. Pero kahapon, pakiramdam niya ay huling araw na niya sa mundo at sabi nga ng lalaking ito, iniligtas lang siya sa kamatayan sa pagpapanggap na nagsi-sex sila.
Kaswal na kaswal ang pagkakasabi sa kanya na kailangan nilang mag-sex. Mabuti pa nga ang mga kaibigan niyang mga lalaki, kung magyayaya ng one-night stand, kahit paano may foreplay pa. Nilalandi muna ang mga babae nila. Pero kagabi sa kanila, wala. Walang landi-landi. Direct to the point. Parang mga aso lang na nag-meet sa kalsada at doon nag-sex.
Nalungkot siya sa naisip na iyon. What if this man already adapted the wild side of the tribe? Sabi nga nito, nasanay na ito sa kultura ng mga taga-tribo. Minahal na nito. Baka kaya ganoon na ang lalaki. Wala ng hiya-hiya. Wala ng inhibitions.
Napahinga siya ng hangin at dinama na lang ang pagkakatabi ng lalaki sa kanya. It felt so good lying beside him. Feeling his warm body against her. She never felt so contented until now. Gulong-gulo ang isip niya dahil sa takot sa maaaring mangyari sa buhay niya dito sa tribo pero kapag nakita na niya ang mukha ni Bathala, lahat ay nagiging perpekto na.
Oo na. Ako na ang marupok.
Natawa siya sa naisip na iyon at pumikit. Masarap uli matulog at pipilitin niyang managinip kasama si Bathala.
-----------------
Napaubo si Hunter.
Bakit parang ang usok?
Pinilit niyang magmulat ng mata at nakita niyang tulog na tulog si Amber sa tabi niya. Malabo nga ang paligid ng kubo. Mausok nga.
Agad siyang tumayo at hinanap kung saan nanggagaling iyon. Galing sa labas ng kubo. Napahinga siya ng malalim at nakita niyang si Apo Ingkang ang gumagawa noon. Nagsasagawa na naman ng ritwal.
"Apo, tapos na ang ritwal 'di ba? Nagawa na kahapon at isa na siyang Dasana. Ihinto mo na ito." Saway niya sa matanda. Nahihilo na yata siya sa amoy ng pinaghalo-halong pinatuyong mga dahon at insenso.
"Bathala, kakaiba ang ipinakita ng langit sa akin kagabi. Ang babaylan ang magiging susi para sa masaganang pamumuhay ng ating tribo. Ang pagsasama ng isang bathala at isang babaylan ay isang importanteng pangyayari sa mga Dasana." Halatang-halata ang galak sa boses ni Apo.
Napailing siya. Minsan naiisip niyang ibaba na ang matanda at dalhin sa lugar para sa mga matatanda. Kung ano-ano ang mga naiisip nitong mga ritwal na sa tingin naman niya ay mga imbento lang nito.
"Apo, tapos na ang ritwal kaha-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng hampas-hampasin ng matanda ang mukha niya ng pinagsama-samang mga dahon. Inis niyang tinabig iyon at napabuga pa dahil pumasok sa bibig niya ang ilang piraso ng dahon. "Apo, ihinto 'nyo na ito. Ang ritwal ay-"
"Hagway! Igat! Ihanda ang babaylan." Utos ni Apo Ingkang sa dalawang lalaking Dasana na nakabantay sa kanila.
"Natutulog pa siya. Huwag na lang nating istorbohin," pigil niya sa mga ito pero mabilis na pumasok ang dalawa at pilit na ginising si Amber. Pupungas-pungas na humarap sa kanila ang babae at papalit-palit ang tingin sa mga tao dahil nagtataka kung anong nangyayari.
"Anong meron?" Nakatingin sa kanya si Amber.
Hindi siya makasagot. Alam na niya ang ipapagawa ni Apo Ingkang sa kanila.
"Mahal na babaylan, kailangan mong pagsilbihan ang aming Bathala. Matapos ang inyong pagniniig, kailangan mo siyang linisan." Baling dito ni Apo Ingkang.
Nagkusot pa ng mata si Amber at nalilitong tumingin sa kanya.
"Ano daw?"
"Just follow me." Bulong niya sa babae at nagpatiuna na siyang naglakad.
Hindi agad nakakilos si Amber at parang nagtataka pa rin sa mga pangyayari. Itinulak ito ni Hagway para sumunod sa kanya kaya patakbong humabol sa kanya ang babae.
"A-ano ba ang nangyayari?" Takang-taka pa rin ang itsura nito.
"You just need to follow me. We need to go to the river," nakita niya sa likuran ni Amber ay nakasunod dito si Hagway at Igat.
"Anong gagawin natin doon?"
"Kailangan mo akong paliguan at ganoon din ang gagawin ko sa iyo. Kasama sa ritwal."
"Ano na namang ritwal?" Naguguluhang tumingin si Amber sa dalawang Dasana na nakasunod sa kanila.
"Kailangan nating gawin. Kapag hindi mo sinunod, kamatayan ang ipapataw sa iyo."
"T-teka. Teka lang. Sandali. 'Di ba alam nila na nag-sex na tayo kagabi? Bakit may pagligo pa?" Natataranta ang itsura ng babae.
"Parte nga ng ritwal. Akala nila babaylan ka dahil napagaling mo ako. Kung hindi mo naman ako napagaling, papatayin ka rin."
"Bakit ganoon? Bakit lahat na lang ng maling magawa dito sa tribo lahat na lang puro kamatayan ang parusa. Hindi ba puwedeng lumuhod muna sa asin. O kaya itali sa puno na puno ng langgam. O kaya itabi kay crush tapos hintayin himatayin dahil kinikilig. 'Yung mga ganoon muna. Kamatayan agad?" Parang batang nagpapadyak pa si Amber.
"Kung puwede nga lang na ganoon. I told you this tribe is different. I am just spared because of my tattoo. Kung hindi naman nila ako itinuturing na bathala dito, malamang matagal na rin akong karne norte." Huminto siya sa pampang ng ilog at sumulyap kay Hagway at Igat. Hindi na sumunod ang mga ito malapit sa kanila pero pumuwesto ang dalawa sa lugar na alam kong makikita nila sila. Alam niyang utos ito ni Apo Ingkang. Kailangan na may makakita ng ginagawa nila ni Amber.
Fuck. Whatever.
Walang salitang naghubad si Hunter sa harap ng babae. Nakita niyang nanlaki ang mata nito sa ginawa niya at automatic na napako ang tingin sa pagitan ng hita niya.
"Don't tell me first time mong makakita ng buhay na ahas?" Pinilit na lang niyang magbiro dahil kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.
Bumuka ang bibig ni Amber pero wala itong masabi. Nanlalaki ang mga matang nagpapalit-palit ang tingin sa mukha ko tapos ay sa pagitan ng hita niya.
"Masasanay ka din. Maraming ganito sa tribo. Hindi lang akin," walang anuman na sabi niya at lumusong sa ilog.
Napasigaw si Hunter sa lamig ng tubig. Nakakabuhay ng dugo. Nakakawala ng antok. Lumangoy siya at dinama ang tubig. Tumungo siya sa bandang dulo para marating ang maliit na falls. Nanggaling ang tubig sa ituktok ng bundok.
"Come here. You need to give me a bath," sabi niya kay Amber. Parang estatwa na itong hindi nakagalaw sa pampang ng ilog.
Natawa na siya. First time ba nitong makakita ng private part ng lalaki? Tingin naman niya mukhang wild ang babae at game sa lahat. Kung hindi nga ba, bakit ito maglalakas ng loob na umakyat ng bundok at hanapin siya na nakita lang nito sa isang drawing.
Napasigaw si Amber ng biglang may sibat na bumagsak sa tabi nito. Napasimangot siya at nakita niyang si Igat ang gumawa noon. Nakatingin sa kanila ang dalawa. Isang babala iyon kay Amber na kailagang nitong gawin ang inuutos dito.
Mabilis niyang tinungo ang pampang at kita niyang nanginginig sa takot si Amber. Naiiyak na nakatingin sa kanya.
"You need to come to me. Ako lang ang makaka-save sa iyo." Inilahad niya ang kamay dito.
Dahan-dahang lumapit si Amber at muli siyang napasigaw ng isa na namang sibat ang tumusok sa lupa malapit sa dito.
"Take off your clothes." Utos niya. Muli niyang sinamaan ng tingin sila Hagway. Naisip na niya ang kaparusahan na ibibigay niya dito pagkatapos ng ritwal na ito.
Nanginginig ang mga kamay ni Amber habang tinatanggal ang mga dahon na nakatabing sa katawan niya. Wala sa loob na napa-ehem si Hunter nang makita ang hubad na katawan ng babae. Nakita na niya ito kahapon pero iba pa rin talaga kung nakaharap sa kanya. Kitang-kita niya sa liwanag ang makinis nitong balat. Ang makurbang katawan. Ang tayong-tayong mga dibdib.
"Get in the water," sabi pa niya at mabilis na kinuha ang kamay nito at pinalusong sa tubig.
Ramdam ni Hunter ang panginginig ng katawan ni Amber nang makalapit sa kanya. Napahinga siya nang malalim at niyakap ito. Doon humagulgol ng iyak habang nakasubsob ang mukha sa balikat niya.
"It will be over. Don't worry. Nothing will happen to you." Marahan pa niyang hinaplos ang buhok nito.
"K-kailangan ba talaga 'to?" Humihikbing tanong nito.
"Sad to say, yeah." Marahan niyang inilayo ang babae sa kanya. "Can you do it?"
Tumango si Amber at mabilis na pinahid ang mga luha sa mukha.
"Kapag nakaligtas ako dito, tutuliin ko lahat ang mga lalaking Dasana. At hindi ko bibigyan ng nginuyang dahon ng bayabas makaganti man lang ako sa kanila. Uunahin ko sa listahan 'yang si Hagway." Muli na namang napaiyak si Amber.
Natawa siya sa sinabi nito.
She never knows it, but she was so funny, and he like her presence more for being like that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top